13
Makalipas ang ilang araw ay balik trabaho na muli. Naging busy na kami sa opisina. Pinilit rin akong mag-enroll sa college ni Boss. Sa totoo lamang ay ayaw ko pa dahil hindi pa sapat ang ipon ko. Nagpapadala pa rin ako kina Nanay. Pero hindi ito pumayag kaya wala rin akong nagawa. Napag alaman kong isa pala sila sa may ari ng kolehiyong papasukan ko.
Ngayon ang unang araw ko, kaya sobrang kabado ako. Pangarap ko lamang noon, at ngayon, isa na akong kolehiyala. Nakaka-proud pala.
Tuwang-tuwa rin sina Nanay nang ibalita ko sa kanila ang pagpasok ko. Panay pa ang habilin nila sa'kin ng kung ano-ano. Oo lang naman ako ng oo para hindi na humaba pa ang habilin.
Pagkarating ko sa tapat ng campus ay napahinga ako ng malalim. Eto na... Eto na ang magiging simula ng lahat. Kaya ko 'to!
College High University (C. H. U)
Basa ko sa pangalan ng university. Naninibago pa ako sa suot kong palda na hanggang ibabaw ng aking tuhod. Naka blazer na black na may long-sleeved blouse na white sa loob. May hindi kataasang takong ang aking sapatos. Nilagyan ko lamang ng clip ang aking buhok sa isang banda malapit sa tenga ko.
Hinanap ko ang classroom na sinabi sa akin ng babae sa registration kanina.
Education ang kinuha kong kurso dahil noon pa man ay gusto ko nang maging guro. Oo, malayo sa trabaho ko ngayon ang kursong kinuha ko. Pero hindi naman 'yon talaga ang pangarap kong trabaho. 'Yon lang talaga ang available at ang tumanggap sa'kin. At sobrang pasasalamat ko dahil naging daan ito patungo sa totoo kong pangarap.
Naging kalmado naman ako sa paglipas ng oras sa klase ko. Matapos no'n ay bigla na lamang nagpakilala sa'kin ang katabi kong lalaki.
"Hi classmate, I'm Travis. Can I know your name? Wala pa kasi akong kilala." Sabi nito at napapakamot pa sa kanyang batok.
"Sure. I'm Ivory," nakipag kamay naman ako sa lalaki.
"Nice to meet you Ivory." Nakangiti nitong anas. "Buti na lamang may kilala na ako kahit iisa." Dugtong pa nito.
"Ako rin, nahihiya pa ako makipag kilala sa iba." Mahina kong sabi.
"Parehas pala tayo."
Magandang lalaki ito, makapal ang kilay at kulay brown ang mata. Hindi ito maputi pero hindi rin naman maitim. Kahit nakaupo ay halatang matangkad ito. Napansin ko ang tattoo nito sa pala-pulsuhan n'ya. Maliit lamang ito.
"Wala na atang klase ngayon dahil unang araw pa lang. Gusto mo ba kumain?" Tanong nito.
"Ha?" Baka kasi biglang dumating ang prof tapos wala kami. Pero nilingon ko ang iba at naglalabasan na rin ang mga ito.
"H'wag kang magalala, sadya raw ganito sa unang araw o unang Linggo." Anito.
"Bakit gano'n?" Tanong ko pa.
"Ewan. Narinig ko lang." Kibit balikat nito. "Tara? Kain muna tayo bago umuwi." At tumayo na ito kaya tumayo na rin ako.
"Sige."
Naglakad kami palabas ng campus at naghanap ng makakainan. Pero nakita ko naman ang tindero ng fishball.
Luh! Sobrang miss ko na ang fishball at squid ball...
"Gusto mo?" Napatingin ako kay Travis dahil sa tanong nito. Nakita pala n'ya ang tingin ko sa fishbulan.
"Oo sana, kaya lang baka hindi ka kumakain n'on."
"Sino naman may sabi sa'yo? Paborito ko 'yan simula elementary. Ikaw ang akala kong hindi nakain ng mga gan'yan."
"Sino rin may sabi sa'yo? Paborito ko kaya mga street foods."
Nagtawanan naman kaming dalawa dahil sa mga akala namin.
"'Yon naman pala, o s'ya 'yon na lamang ang kainin natin. Tara!"
Tumango naman ako at sabay namin pinuntahan ang nagtitinda ng fishball. Tamang-tama naman na mag-aalisan na ang ibang nabili.
"Kuya, penge pong baso." Nakangiti kong anas kay manong.
"Ako rin po." Sabi rin ni Travis.
Pagkabigay ng baso ay nag-umpisa na kaming tumundos. Nilagyan ko ng squid balls, kwek-kwek at fishball ang baso ko hanggang sa mapuno. Nilagyan ko ng suka at sauce na maanghang.
"Kaya mong ubusin 'yan?" Tanong ni Travis.
"Tss. Sisiw! Kulang pa 'to 'no! Hindi na lang talaga kasya."
Napapailing naman ito habang nakangiti. "Grabe ka pala mangain nito. At maanghang pa ang sauce. Hindi halata sa katawan mo na malakas ka kumain."
"Wala kasing thrill sa'kin ang pagkain kapag walang anghang." Sabi ko habang ngumunguya.
"Thrill pala hanap mo. Bakit hindi ka mag action star?" Natatawang sabi nito.
"Sira ulo!" At tumawa rin ako.
Dumukot ito ng panyo sa kanyang bulsa at lumapit sa'kin. Hindi ako makagalaw dahil sa lapit nito sa'kin.
"Ang kalat mo kumain..." Sabi nito habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.
Nagulat naman ako sa pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Gamit ko na ang regalong cellphone ni boss. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko kaya napatigil si Travis sa pagpupunas. Tumingin din ito sa cellphone ko.
"Sagutin ko lang.."
"Okay,"
[What are you doing?]
Bungad agad nito sa'kin pagkasagot ko. Masyadong seryoso ang boses nito.
"Sa school boss. Bakit?" Pinanonood na ako ni Travis habang siya'y kumakain.
[Really?]
Sa tono ng tanong nito ay parang hindi s'ya naniniwala.
"Bakit po? May problema ba?"
[Hindi ba pag-aaral ang ginagawa sa school?] Tanong nito.
"Opo,"
[Then, what are you doing?!]
Sa pagbulyaw nito ay nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko.
"Ano ba boss?! Bakit ka naninigaw?! Nakain akong fishball. Bakit po ba? Hindi pa oras ng trabaho ko ah?"
[You eat what?]
"Fishball boss. Gusto mo ba kaya ka nagagalit? Sige dalhan kita. Punta na ako d'yan sa office pagkatapos." Ani ko.
[I don't need your fishball.]
"Luh! Edi don't! Bakit nagagalit ka ayaw mo pala? Tss! Napaka toyoin nito." Naiinis kong sabi. Hindi naman pala gusto kung makasigaw. Kainis! Abala sa pagkain ko.
"Ivory, gusto mo pa ba?" Tanong bigla ni Travis.
"Sige, salamat." Kinuha nito ang baso ko at nilagyan pa.
[I'm here. Outside the campus.]
Sabi ng nasa kabilang linya.
"Luh! Ginagawa mo d'yan boss?"
[Susunduin ka. But then, you're with someone eating street foods. Are you that close? First day pa lang ah?]
Nagsalubong naman ang kilay ko at hinanap ang sasakyan n'ya. At kitang-kita nga ang pwesto namin kung saan s'ya naka-park dahil malapit lamang ito. Siguradong pinapanood na ako nito ngayon sa loob ng kanyang sasakyan.
"Masama ba boss? Classmate ko naman s'ya kaya okay lang."
[Fine... Are you done? Let's go..]
"Wait... Ubusin ko lang.."
"Gusto mo palamig?" Tanong ulit ni Travis. Tumango naman ako dahil may kausap pa ako sa cellphone ko.
[Hindi ba sasakit ang tyan mo d'yan sa pinapakain n'ya sa'yo?] Halata ang iritado sa boses nito. Dami talagang problema nito.
"Hindi ah! Paborito ko kaya 'to. Buti nga parehas pala kami ng gusto. Magkakasundo kami."
[Tss!]
Uminom ako ng palamig matapos kong maubos ang kinakain ko. Lumapit muli si Travis upang punasan muli ako.
[What the heck?!]
Kasabay ng bulyaw sa kabilang linya ay ang pagbusina nang malakas at sunod-sunod ng isang sasakyan. Kayq gulat kaming tinignan 'yon ni Travis.
Tss! Epal ni boss!
[Let's go Belle, habang may pasensya pa 'ko.]
"Eto na nga po," sagot ko sa kausap. "Travis, una na ako ha. May trabaho pa kasi ako. Salamat." Nakangiti kong paalam sa aking kaklase.
"Sige, bukas na lang ulit." Nakangiti nitong sagot.
[Tss! Bukas my ass!] Salida na naman ni boss kaya pinagpatayan ko na ito.
"Sige. Salamat ulit. Ingat ka. Bye!" Kumaway pa ako bago tumalikod sa kanya.
Sumakay agad ako sa sasakyan ni boss. Nakasimangot na mukha ang sumalubong sa'kin. Tinignan pa nito ang pinanggalingan ko. Doon ko nakita na nakatingin dito si Travis. Pero umalis din naman agad.
"Bakit mo pinatay ang tawag?"
"Salida ka kasi boss. Tss!"
"Tss. Paalala Belle, pag-aaral ang atupagin mo. Lumayo ka sa mga lalaki. Masyado ka pa namang inosente." Sabi nito at nagmaneho na paalis.
"Galit ka boss?"
"Hindi, masayang-masaya pa. Sobra. Nakakakilig pa nga ang napanood ko e. Nakakapandilim ng paningin."
"Luh! Bakit? Ano napanood mo?"
"Ewan ko sa'yo. Manahamik ka muna. Wala ako sa mood."
Kaya nanahimik na lamang ako. Baka mabugahan pa ako ng kanyang toyo. Problema kaya nito?