Chapter 9

Habang nasa biyahe pauwi ay panay ang pangungulit ni Paolo kay Anna na dumaan sila sa Kidzoona. Madaanan lamang nila iyon pauwi, pero hindi pumayag si Anna kahit na gusto niya sanang pagbigyan ang bata. Alam niyang nasa rules iyon ni Brett, at bawal iyon labagin.

''Ate Anna, please...'' ulit na panunuyo ni Paolo. Sinadya nitong palambingin ang boses at sinabayan pa ng pagpapa-cute.

Napabuntong-hininga si Anna, kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Paolo. Yumakap naman sa bewang niya ang bata. Ang driver naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror.

''Magpaalam muna tayo sa daddy mo. At kung papayag siya, bukas na lang tayo pupunta sa Kidzoona.'' paliwanag ni Anna sa bata.

''Okay...'' anang bata na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya. ''Si mommy ko lagi niyang sinusunod ang gusto ko. Lagi kaming pumupunta sa Malls, especially sa Kidzoona.'' malungkot na sabi ni Paolo na ikinalingon ni Anna rito.

Oo nga pala may mommy itong si Paolo pero bakit hindi ito nakikita ni Anna? Hindi ba dapat kasama ang mommy nito sa paghahatid sa anak sa school? At simula nang pumasok siyang nanny ni Paolo ay never niyang narinig na binanggit ni Brett ang tungkol sa asawa nito.

Hindi kaya... hindi na sila goods? Hiwalay na ganern.

Napailing si Anna sa naisip. Nais niyang kaltukan ang sarili sa kaisipang iyon. Wala siyang ugali na manghimasok sa buhay ng iba, lalo na sa buhay mag-asawa ng mga amo niya.

''Paolo, hayaan mo bukas ipapaalam kita sa mommy at daddy mo ha. Huwag ka nang malungkot-'' Natigil sa pagsasalita si Anna nang marinig ang mahihinang hilik na nagmumula kay Paolo. "Oh. Nakatulog na pala siya.'' aniya.

Inayos ni Anna ang posisyon ni Paolo. Kinuha niya ang ulo nito at ipinatong sa lap niya. Nang masigurong komportable na ang bata ay tumingin siya sa rearview mirror, at nagtagpo ang tingin nila ng driver ng sasakyan na si Karlito.

Tumikhim si Anna matapos nginitian si Karlito, ''Bakit po?'' magalang niyang tanong sa lalaki.

Pero hindi sumagot ang lalaki kaya nagkibit-balikat na lang si Anna at itinuon ang tingin sa labas ng sasakyan.

Pagkarating ng sasakyan sa mansion ay agad na bumaba si Anna habang nasa bisig nito si Paolo. Buhat-buhat niya ang natutulog na bata habang binabagtas niya ang hagdan paakyat sa silid nito. Matapos ihiga si Paolo sa kama ay tinanggal niya ang sapatos na suot nito, pero ang unipormeng suot ay hindi na muna niya tinanggal baka ito'y magising.

Bumaba si Anna at tinungo ang kusina. Naabutan niya ang mga katulong na naroon at tila may pinag-uusapan. Nang makita siya ng mga ito ay agad na tumigil sa pagbukas ang mga bibig nito at pasuplada siyang tinignan. Pero dahil likas na mabait si Anna ay nginitian niya pa rin ang mga ito.

"Magandang hapon sa inyo. Ipagluluto ko lang ng meryenda si Paolo.'' wika niya.

Nagsitangoan lang ang mga ito sa kanya at isa-isang nagsilabasan sa kusinang iyon. Pero si Bebang ay naiwan roon at tahimik na sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng dalaga.

"Kumusta sa school?'' parang walang gana na tanong ni Bebang kay Anna.

Nilingon ni Anna ang mayordoma at saglit na tinigil ang paghahalo ng mixture na gagawin niyang pancake. ''Maayos naman po. Kaso nang pauwi kami ay gustong pumunta ni Paolo sa Mall.''

''At?''

"Hindi ko po pinayagan. Ang sabi ko ipapaalam ko na muna kina Ma'am at Sir.'' saad niya.

Tumango naman si Bebang, ''Mabuti at hindi nagpumilit.''

"Nagpumilit nga po, Ate Bebang e. Sinabihan ko na lang na magpaalam kami." muling bumalik si Anna sa ginagawa nito.

Si Bebang na hindi inaalis ang tingin sa dalaga ay lihim na napangiti.

Hanggang kailan kaya ang kabaitan niya?

Tanong ni Bebang sa isipan nito.

Baka katulad lang din siya sa ibang nanny ni Paolo na dumaan. Hmm.

Inalis ni Bebang ang pagkakangiti saka ito tumayo at walang pasabi na iniwan sa kusina si Anna.

Si Anna naman ay iiling-iling na lang habang hinahango na ang nalutong pancake. Hindi maiwasang malungkot ni Anna dahil ang mga kasama nito sa bahay ay ayaw sa kanya. Ayaw siyang kausap at tila inis na inis ang mga ito sa kanya. Nami-miss na tuloy niya sina Gina at Aling Agnes, nami-miss niya ang samahan nila na hindi tinuturing na iba ang isa't isa.

Malalim na bumuntong-hininga si Anna. Mabigat sa kalooban niya na wala siyang nakakasundo sa loob ng mansion, pero hindi siya susuko. Ramdam niyang mabait si Bebang pero ang hindi niya maintindihan kung bakit gano'n ang pakitungo nito sa kanya. Na para bang pinipigil nito ang sarili na makipag-lapit sa kanya at ng iba pang kasambahay.

Baka may pinagdadaanan lang sila...

Aniya sa isipan.

Saktong natapos niya ang ginagawa ng pumasok naman si Paolo sa kusina. Agad itong pinaupo ni Anna sa silya at pinagsilbihan. Matapos mag-meryenda ang bata ay tinulungan niya ito sa mga assignment nito.

Gano'n ang naging ruta ni Anna sa araw-araw niya sa Valle's Mansion. Hatid-sundo niya sa school si Paolo, at pagka-uwi naman ay gagawan ito ng meryenda at tutulungan sa mga assignment nito.

Hanggang sa hindi namalayan ni Anna na isang buwan na pala siyang naninilbilhan bilang nanny ni Paolo. Kung hindi pa siya pinatawag ni Brett sa opisina nito para sa suweldo niya ay hindi niya malalaman na isang buwan na pala siya sa mansion.

"Here's your salary, Anna. Puwede ka na ring mag day-off bukas kung gusto mo." ani ni Brett at ini-abot sa dalaga ang brown na sobre.

Sinilip ni Anna ang laman ng sobre at napakunot siya ng noo.

"Sir, mukhang sobra po yata ang bigay mo?" anang dalaga.

"No. Sakto lang 'yan. May additional na Ten thousand for your allowance. Just take it."

Tatango-tango naman si Anna at magalang na nagpasalamat sa amo.

"Salamat po, Sir." wika niya sa amo.

"Close the door."

Napaangat ng tingin si Anna sa sinabing iyon ni Brett.

"Po?" tanong ng dalaga na nakakunot ang noo.

Walang emosyon ang mukha ni Brett na muling nagsalita. Titig na titig ito sa mga mata ng dalaga na naglulumikot na sa paligid.

"Close the door, Anna."

Malakas ang naging tahip ng kaba sa dibdib ni Anna. Pakiramdam niya ay nakikipag-karerahan siya sa pagtakbo dahil sa lakas ng kabog no'n. She felt her body trembling, lalo na ang kan'yang mga tuhod dahil sa utos na iyon ni Brett.

Pinagpapawisan rin siya ng butil-butil sa noo. Napahigpit ang hawak sa sobre at iyon ay nalakumos na niya.

"Ah, e, i, o," napakagat siya sa pang-ibabang labi, "n-ngayon n-na ba S-sir?" Nagkanda-utal-utal na tanong niya.

"Yes. Now."

Hindi alam ni Anna kung tatayo ba o hindi sa kinauupuan nito. Panay ang pagpunas niya ng pawis sa noo gamit ang likod ng palad niya.

Anong mangyayari kapag naisara ko na ang pinto?

May gagawin ba siyang masama sa'kin?

Oh my god! Hindi ako prepared!

Iyan ang mga katanongan sa isipan ni Anna.

"Mahirap bang tumayo at magsara ng pinto, Anna? Why are you acting like that? Na para bang kakainin kita ng buhay?" inis na sabi ni Brett sa dalaga.

Nanatili lang kasi ito sa upuan at sinisiksik na ang sarili doon. Idagdag pa na nanlalaki ang mga mata nito na tila may gagawin siyang kalokohan.

"H-huh?"

Hindi napigilan ni Brett ang pagsilay ng ngisi sa mga labi nang maisip kung bakit gano'n ang naging reaksiyon ng dalaga.

"Anna?"

"Ay, Anna!—Sir?"

Napangiti si Brett at hindi maiwasang laro-laruin ang hawak na ballpen. Kapagkuwan ay tumayo siya mula sa pagkakaupo ng hindi pa rin gumagalaw sa upuan ang dalaga at nilapitan ang dalagang pawis na pawis na.

Napakislot naman sa kinauupuan ang dalaga at napatingin kay Brett. Nakita nito kung paano sumilay ang ngisi sa mga labi ng binata kaya naman lalo siyang kinabahan. At lalo pang lumakas ang tambol ng kan'yang dibdib ng ilapit ni Brett ang mukha sa kanya. Sa akalang hahalikan siya ni Brett ay napapikit siya ng mga mata.

Seconds have passed, walang labing dumampi sa mga labi ni Anna. Pero nanatili lamang siyang nakapikit ng mariin.

Naramdaman niya ang paghawi ni Brett sa buhok niya at dinala iyon sa likod ng tenga niya. Kapagkuwan ay lalo niyang nadiin papikit ang mga mata niya ng maramdaman ang mainit nitong hininga na tumama sa tenga niya nang bumulong ito roon.

"Close the door when you leave, Anna."

Sa narinig ay napatayo ng bigla si Anna. At sa ginawa niyang iyon ay nauntog ng ulo niya ang baba ni Brett.

"Fuck!"

Napahawak rin sa ulo si Anna dahil sa sakit na natamo mula doon.

"S-sorry, Sir! Hala patingin po–" agad na sinuri ni Anna ang baba ni Brett at nakita niyang namumula iyon.

"Hala, ang tigas talaga ng ulo ko!"

"Mas matigas ang ulo ko, Anna, kaya kung ako sayo, leave my office now!" mariing utos ni Brett sa dalaga habang hawak-hawak niya ang panga.

Sa sinabi ng amo at sa reaksiyon ng mukha nito na nakakatakot ay mabilis pa sa hangin na nakalabas ng silid na iyon si Anna habang sapo ang dibdib. Napasandal pa ito sa likod ng pintoan habang pinapakalma ang sarili. Lalo na ang dibdib nito na walang tigil sa pagkabog ng malakas.