Chapter 21

Nagising si Anna dahil sa mabibining halik na naramdaman niya sa kaniyang leeg. Nakikiliti siya at naimulat ang mga mata. At si Brett na nakadagan sa kaniya ang nasilayan niya. Wala na itong saplot na suot, at gano'n na rin siya.

"B-Brett–" Ngunit nalulon niya ang sasabihin nang sakopin ng labi nito ang labi niya. Napaungol siya at kaagad rin gumanti sa maalab na halik ng binata.

Ngunit nang maalala niya si Paolo ay naitulak ni Anna si Brett sabay bangon niya. Nakita niya ang bata na tulog na tulog sa kabilang kama. Hinihingal niyang binalingan si Brett na halata ang pagkabitin sa naging reaksyon nito.

"Si Paolo baka magising." aniya rito.

"Tulog siya. Kagaya mo ay mantika rin siya matulog." anito at muli siyang kinabig at siniil ng halik. Hindi na tumutol si Anna at tinugon na rin ang mga halik ng binata, hanggang sa lumalim pa iyon.

Natagpuan na lang ni Anna ang sarili na nasa ilalim siya ni Brett at ang binata ay nagsisimula nang umulos.

"Oohh... Brett..." ungol niya sa bawat paghugot-baon nito.

"Anna... shit... ang init sa loob mo." nadidileryong anas ni Brett na sinundan ng pag-ungol.

Bumilis nang bumilis ang paggalaw ni Brett at si Anna ay napapahawak ng mahigpit sa kaniyang balikat. Hinawakan niya si Anna sa magkabilang bewang nito at saka siya umulos ng may diin at sagad.

"Ahhh! Brett! Oh!"

Umindayong ang katawan ni Anna at sumabay rin sa bawat paggalaw ni Brett.

Hanggang sa nag-iba sila ng posisyon. Si Anna na ngayon ang nasa taas ni Brett at si Brett na ang nakahiga.

"Move, baby please..." hirap na sambit ni Brett. Hinawakan niya sa magkabilang bewang si Anna at tinuruan sa tamang paggalaw.

Si Anna ay halos tumirik ang mga mata dahil sagad sa puson niya ang pagkalalaki ni Brett. Para siyang napako ng literal.

"Ah! Ah! Oh!" Parang nangangabayo si Anna kahit na wala namang kabayo. Habol niya ang paghinga habang tumataas-baba siya sa ibabaw ni Brett.

Kay gandang tanawin para kay Brett ang nakikita niya ngayon. Napako ang tingin niya sa mga dibdib ng dalaga na sumasabay sa bawat paggalaw nito. Sinapo niya iyon at minasahe.

Habang si Anna naman ay walang tigil sa paggalaw sa ibabaw niya at umuungol.

Nang maramdaman ni Brett na malapit na siya ay hinawakan niya si Anna sa balakang nito at inangat ng kaonti, at pagkatapos niyon ay sunod-sunod siyang umulos.

"Brett–ahhh!" anang dalaga na hindi malaman kung saan kakapit. Sumabog si Brett sa kaloob-looban ni Anna. Sumirit ang katas niya at sinalo iyon lahat ng sinapupunan ni Anna.

Ngunit ang kanilang mga katawan ay nahiwalay nang biglang umungol si Paolo. Pabaling-baling ito sa higaan na tila nananaginip. Pagod man at nanginginig ang mga tuhod ay nakuha pa ni Anna na humiwalay kay Brett. Mabilis niyang pinulot ang mga damit at iyon ay isinuot bago siya makita ng bata na hubo't hubad. Wala nang pakialam si Anna kung nakikita ni Brett ang kahubaran niya. Mabilis niyang isinuot ang mga damit at tumakbo sa banyo.

Naiwan naman si Brett na patawa-tawa.

Hindi naman nagising si Paolo, muli itong natulog. Paglabas ni Anna mula sa banyo ay naghihintay na sa labas si Brett. Nangunot ang noo niyang napatingin sa binata.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya sa binata.

"Ang tagal mo kasi. Matutulog na dapat ako." anito na lalong ikinakunot ng noo niya.

"Bakit hindi ka matulog kung inaantok ka na pala? Bakit mo pa ako hinihintay?" saad niya. Nag-half bath pa kasi siya at nagpalit ng damit. Damit nga ito ni Brett ang suot niya ngayon dahil sa pagkataranta niya kanina. Nagtaka pa nga siya kung bakit nakalabas ang panty niya kasama ang damit ng binata, pero isinawalang bahala na lang niya iyon.

"Hinihintay kita. Gusto ko kasing sabay tayo matulog at magkatabi." nakangiti nitong sabi. Kumabog ang dibdib ni Anna at hindi niya maiwasang kagatin ang pang-ibabang labi.

"Tara na?" untag pa sa kaniya ni Brett na ikinakurap niya. Napabaling siya kay Paolo na mahimbing natutulog.

"P-Paano siya? Baka magtaka siya kung bakit magkatabi tayo?" nag-aalangan niyang pahayag.

Alam ni Anna na magtataka ang bata kapag nagising ito kinabukasan at makita silang magkatabi. Ano na lang ang idadahilan niya rito? Napabuntonghininga si Anna.

"Ako na ang bahala magpahayag sa kaniya bukas. Halika na. Alam kong pagod ka. Kailangan na natin matulog dahil babalik pa tayo ulit bukas sa Disneyland." Hinawakan ni Brett ang palad ni Anna at iginiya ito pahiga sa kama.

Hindi na tumutol pa si Anna. Nang yakapin siya ni Brett mula sa likuran niya ay naipikit na lang niya ang mga mata upang damhin ang init na nagmumula sa katawan nito.

Ang pagyakap ni Brett sa kaniya ay lalong ikinatibok ng puso niya. Mahal niya si Brett at iyon ang sigurado niya.

Ngunit hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung ano ba siya sa buhay ni Brett?

Sa isiping iyon ay nagkusang bumukas ang bibig niya para tanongin ang binata.

"Brett, ano ako sayo?" iyon ang katagang lumabas sa bibig niya.

Naramdaman niyang natigilan ang binata, at hindi nakasagot. Malungkot na napabuntonghininga si Anna. Nang una palang ay hindi na siya umasa na mamahalin rin siya ng binata. Ang sabi niya noon ay okay na sa kaniya na ipinaparamdam nito na may pagtingin ito sa kaniya. Pero sigurado ba talaga siya na may pagtingin ito sa kaniya?

Paano kung siya lang pala ang may akala niyon?

"Gusto mo ba talagang sagutin ko iyan, Anna?" kapagkuwan ay saad ni Brett. Si Anna naman ngayon ang hindi nakasagot.

Handa ba siyang marinig ang kung ano man na isasagot ni Brett sa kaniya? Ngunit nakahanda naman na si Anna na tanggapin ang sasabihin nito kaya naman tumango siya kahit na hindi niya sigurado kung nakikita iyon ni Brett.

Tumikhim ang binata, kapagkuwan ay hinaplos ang balikat niya bago ito nagsalita.

"You're my son's nanny, Anna. Mahalaga ka kay Paolo at alam kong malulungkot siya kapag umalis ka that's why I don't want you to leave us. That's it. Mahalaga ka sa anak ko."

Gustong umiyak ni Anna sa isinagot ni Brett pero pinigilan niya ang sarili. Mabuti nalang at nakatalikod siya rito kaya hindi nito makita kung paano siya lumungkot.

Hindi naman kasi iyon ang gusto niyang marinig na sagot. Hindi tungkol kay Paolo, kundi tungkol sa kanila ng amo niya. Iyon ang gusto niyang malaman ngayon.

"I-Ikaw Brett. A-Ano ako sayo? Mahalaga rin ba ako sayo? May nararamdaman ka rin ba sa akin katulad ng nararamdaman ko sayo?" wika niya sa malungkot na tinig.

"Matulog ka na, Anna." sagot nito sa kaniya. Inalis nito ang palad sa balikat ni Anna, at naramdaman ni Anna na lumayo ang binata sa kaniya. Nang balingan niya ito ay nakatalikod na ito ngayon sa kaniya.

Habang nakatingin sa likod ng binata ay tumulo ang mga luha ni Anna. Nasasaktan siya sa pag-iwas ni Brett sa tanong niya. Gusto niya lang naman malaman kung ano siya sa buhay nito at bakit siya nito paulit-ulit na pinakealaman. At kung bakit nagpaparamdam ito sa kaniya na may pagtingin rin ito.

Pumihit siya patalikod rin kay Brett. Si Paolo na ngayon ang nakikita niya. Umiyak siya nang umiyak. Hindi niya akalain na masakit pala ang magmahal. Ngunit wala siyang sinisisi. Kusa niyang minahal si Brett at kusa niyang binigay ang sarili dito.

Si Paolo ang dahilan kung bakit ayaw siyang paalisin ni Brett, ngayon si Paolo rin ang dahilan niya para patuloy siyang makikisama kay Brett. Hindi lang si Brett ang mahal niya, kundi pati ang bata. Gagawin niya ang lahat makasama lang ang mga ito, at walang hihilingin na anumang kapalit.

Si Brett ay napalingon rin sa dalaga. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya. Gustuhin man niyang sabihin rito na mahalaga rin ito sa kaniya ay hindi niya nasabi. Lalo lang kasi niya itong masasaktan. Ayaw niyang magbitaw ng salita na hindi niya mapapanindigan balang araw. Alam niyang umiiyak ang dalaga, nakikita niya iyon sa pagyugyog ng mga balikat nito.

Gusto niya itong yakapin, ngunit pinigilan lamang niya ang sarili.

Tama lang na hindi niya aminin rito ang tunay na nararamdaman niya. Siya na lang ang nakakaalam niyon. Ayaw niyang magsalita ng tapos.

Ngayon palang ay nasaktan na si Anna sa sinabi niya, ano pa kaya kapag bumalik na si Carol at tatlo silang matutulog sa iisang bubong?

Alam niyang gago na siya sa puntong ito, na ang dalawang babae ay isasama niya sa iisang bubong, pero para sa kaniya ay iyon ang nararapat na gawin. Kailangan niya si Carol para kay Paolo, at kailanga niya rin si Anna para sa anak niya... at para sa kaniya.

Wala siyang papakawalan sa dalawa. At alam niyang higit na masasaktan si Anna. Pero handa na siyang harapin ang mga mangyayari.

Kinabukasan ay muli silang bumalik sa Disneyland. Ngunit hindi na gano'n kasaya ang pagpunta nila roon kagaya ng una nilang pagpasyal. Si Anna ay halata ang lungkot ngunit pinipilit lang na maging masaya. Si Brett ay hindi na rin gaano nagsasalita. Si Paolo nalang din ang kinakausap nito at bihira na kausapin si Anna.

Hanggang sa natapos na lang ang kanilang pamamasyal ay walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa't isa. Si Paolo ay naguguluhan na napatingin sa dalawa. Hindi na rin naiwasang magtanong ng bata.

"Dad, Ate Anna, okay lang po ba kayo?" anang bata.

"Yeah."

"Oo."

Sabay na sagot ng dalawa at sabay rin na napatingin sa isa't isa.

Bumuntonghininga si Paolo.

"This day is kinda boring, Dad. Can we go home to the Philippines na lang po?" suhestiyon pa nito.

"Sure. Bukas uuwi na tayo. So better rest now. Alam kong pagod ka lang kaya mo nasasabi na boring ang araw na ito." natatawang pahayag ni Brett sa anak. Nagkibit-balikat naman ito, kapagkuwan ay sinunod ang sinabi ng ama. Nahiga ito sa kama.

"Ate Anna, tabihan mo po ako." tawag nito kay Anna na nakaupo sa malapit sa bintana at nakatingin sa tanawin sa labas.

"S-Sige." saad ni Anna. Sumampa siya sa kama at tumabi kay Paolo.

"How about you, Dad? Tabi ka rin po sa amin ni Ate Anna."

Mahinang natawa si Brett sa sinabi ng anak. Lumapit na rin siya at nahiga sa tabi ni Paolo. Napapagitnaan nila ito ni Anna.

Tiningnan ni Brett si Anna pero ang dalaga ay umiiwas ng tingin sa kaniya. Napanguso siya at iniwas na rin ang tingin rito.

Alam niyang nasaktan ito, pero wala siyang panahon na suyuin ito lalo't hindi niya iyon gawain.

Pinikit nalang ni Brett ang mga mata, at kahit alas dos palang ng hapon ay napilitan rin siyang matulog.