CHAPTER FIFTY

Lexinnne's Pov

Humahagulgol si Hailey habang ibinababa na sa hukay ang Mommy niya. Natagpuang patay ang mommy niya sa loob ng sasakyan nito, nawawala ang mga mahahalagang gamit kabilang ang bag niya kaya pagnanakaw ang lumabas sa imbistigasyon ng mga pulisya.

Naka pagitna ako sa magkapatid habang naka hawak sa mga kamay nila. Tahimik lang si Kidd na naka masid habang si Klea naman ay tahimik na umiiyak.

Nandito din sina Didi, Mama at Kuya at kanina pa nakatingin si Kuya kay Klea. Ang Daddy naman nila Kidd ay naka akbay kay Hailey at pinapatahan ito.

Nagpaalam na sina Mama na mauuna ng umuwi ng matapos ang libing. Nagyaya narin si Kidd na umuwi at nagpasyang umuwi na kaming lahat.

Nakarating kami sa mansion nila at nagpahinga sa may sala. Hindi pa makausap si Hailey kaya naman hinayaan nalang namin siyang magpahinga sa kwarto niya.

*********

Klea's Pov

"Kahit wala na ang Tita Brenda niyo balak ko parin kupkupin si Hailey" napatingin kaming lahat kay Dad ng magsalita ito.

"Wala naman problema sa'kin Dad, para ko narin siyang nakakabatang kapatid" sabi ni Kuya

Tumingin naman silang lahat sa'kin tila hinihintay ang desisyon ko.

"Okay" tanging sabi ko

"Malaki itong bahay at walang pupuntahan si Hailey, ulila na siya at walang kamag anak na pupuntah-"

"Dad hindi mo na kailangan magpaliwanag, ilang taon na siyang nakatira dito ano ba naman yung hintayin natin siyang makapag tapos ng pag aaral at makapag trabaho" putol ko sa sasabihin pa ni Daddy

Ngumiti silang lahat sa'kin at ginulo naman ni Kuya ang buhok ko.

"Tss" umirap ako "akyat na'ko gusto ko ng magpahinga" paalam ko

Hinablot ko ang bag ko at umakyat papunta sa kwarto ko.

Didiretyo na sana ako sa kwarto ko ng makitang bahagyang nakabukas ang kwarto ni Hailey. Sumilip ako sa kwarto niya at nakita ko siyang naka upo sa gilid ng kama niya umiiyak habang yakap ang mga tuhod nito.

Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob.

"Hailey" tawag ko sa kanya pero hindi man lang siya nag angat ng tingin

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Sinabayan ko siyang umiyak habang pinapatahan siya.

*******

Kidd's Pov

"Gusto mo bang ihatid na kita?" Tanong ko kay Lexinne pagkatapos mag paalam nila Dad at Klea.

"Hmm" tumangong sagot niya "para makapag pahinga ka narin"

Nginitian ko siya at bahagyang tumango.

Apat na araw na nandito si Lexinne para makiramay at tumulong. Kahit sinasabi ko sa kanya na huwag na munang pumunta para makapag pahinga siya ay sinasabi nitong okay lang siya. Isa pa, hindi naman daw ako ang pinunta niya dito sa bahay.

Ang totoo ay nahihiya ako sa magulang niya dahil pagkatapos niya sa skwela ay dumidiretyo siya dito. Uuwi lang siya sa umaga para maligo at didiretyo na sa skwela. Buti nalang at dalawang araw lang iyon at ngayon ay christmas break na nila.

"Babe huwag ka munang matulog malapit na tayo" sabi ko ng makitang humikab ito at pumikit. Ilang minuto nalang kasi at nasa bahay na nila kami. Ayoko naman mabitin siya pagtulog.

"Hindi naman ako matutulog, pipikit lang ako" sagot nito habang naka pikit

Hinayaan ko nalang siya at binilisan nalang ang pagmamaneho.

Nang nasa village na nila kami ay napansin kong natutulog na siya. Nakangiting napailing nalang ako. Alam kong pagod at puyat siya kaya siguro hindi na kinaya ng katawan niya kaya nakatulog na siya.

Bumusina ako sa harap ng gate nila at mabilis na binuksan naman nila iyon ng makita ang sasakyan ko. Maingat na binuhat ko si Lexinne palabas ng sasakyan hanggang makapasok kami sa loob ng bahay nila.

"Omo! Anong nangyari sa kanya?" Tarantang tanong ng Mama niya

"Nakatulog lang po siya sa sobrang pagod" magalang na sagot ko

"Paki akyat mo nalang siya sa kwarto niya" sabi nito.

"Si Tito po pala?" Tanong ko habang umaakyat kami sa hagdan

"Nasa kwarto at natutulog na, si Gab naman ay dumiretyo sa condo niya kanina" sagot nito. Binuksan nito ang isang pintuan "paki higa nalang siya sa kama niya"

Matagal na akong pumupunta sa bahay nila Lexinne pero ngayon palang ako nakapasok sa kwarto niya. Pagka lapag ko sa kama niya ay kinumutan ko siya, at inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto niya.

"Thank you Kidd pasensya na sa abala, ganyan talaga yan kapag natutulog, kahit sumigaw ka ng sunog hindi yan magigising" sabi ni Tita na ikinatawa pa naming dalawa

"Okay lang po Tita pasensiya narin po kami din naman po kasi ang dahilan kung bakit napagod at napuyat siya ng ilang araw, at salamat din po sa inyo ni Tito pati kayo naabala" sinserong sabi ko

"Naku! Wala iyon" kumpas ni Tita sa kamay niya at ngumiti "Pamilya kana rin namin kaya ang pamilya mo ay pamilya narin namin" sabi pa nito na ikinangiti ko.

Pasimpleng nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ni Lexinne. Kulay pink at gray halos ang nakikita ko. Mula sa gray at pink na cozy bed niya, light pink na wallpaper, light pink na lace curtains, cabinets na kulay gray, vanity mirror na kulay white and gray, light pink na sheepskin rug, gray hanging chair na may kulay pink na sheepskin at gray na throw pillow, isang malaking fur bean bag na kulay pink. Pero ang mas napansin ko ay ang picture frame sa side table niya. Picture naming dalawa habang nakasakay siya sa likod ko.

"Thank you po Ma" sabi ko at hinawakan yung binigay kong baboy na stuffed toy kay Lexinne.

"Mabuti pa igawa muna kita ng meryenda ipapatawag nalang kita kay Sally mamaya" sabi ni Tita na ikinatango ko

Pagkalabas ni Tita ay pinindot ko ang baboy na stuffedtoy at narinig ang sariling boses ko. Napangiti ako at muling pinindot iyon hanggang sa ibalik ito sa side table.

Minasdan ko ang mukha ni Lexinne habang mahimbing na natutulog. Napaka amo ng mukha nito, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Napangiti ako ng makitang bahagyang nakabukas iyon. Iniwas ko ang tingin sa mga labi niya dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko at halikan siya.

Ilang minuto lang din ang lumipas ay kumatok si Nanay Sally sa kwarto at pinababa na ako. Samahan ko daw mag meryenda si Tita.

********

Lexinne's Pov

Pagmulat ko ng mata ay nasa kwarto ko na ako. Tinignan ko ang wall clock at alas singko y medya na pala. Umupo muna ako sa kama at napansin na hindi ko pa napapalitan ang suot ko kaya naman kumuha ako ng damit pamalit at dumiretyo na sa banyo para maligo.

Habang naliligo ay pilit kong inaalala kung paano akong nakauwi. Ang huling natatandaan ko lang kasi ay nakasakay ako sa sasakyan ni Kidd at ihahatid dito sa bahay.

Napatakip ako ng bibig ng maalalang nakatulog ako sa sasakyan niya kahit sinabi na nitong huwag muna akong matulog. Napapikit ako at mahinang sinampal ang sarili, nakakahiya ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Gamit ang blower ay pinatuyo ko ang buhok ko. Lumabas ako ng kwarto at bumaba, kahit alam kong umuwi na si Kidd ay umasa parin ako na naghihintay siya sa'kin. Napanguso nalang ako ng wala akong abutan sa sala.

Tawa nila Mama ang narinig ko sa labas, nakita ko siya sa may swimming pool kasama si Didi

"Hindi kayo nagyaya, sayang nakaligo na ako" nakangusong sabi ko tsaka umupo sa sun lounger. May nakita akong fries doon kaya kumuha ako at kumain.

"Anong problema kung naligo kana? Naligo narin naman kami kanina, halika dito samahan mo kami ng Mama mo" sabi ni Papa

"Ayoko, kakatapos ko lang maligo eh" nakasimangot na sabi ko

"Ikaw ang bahala ang lamig pa naman ng tubig" sabi naman ni Mama

"Bakit hindi mo samahan magulang mo kakapalit palang ng tubig" sabi naman ni Nanay Sally na may dalang dalawang platong pasta

"Kaya pala nag swimming kayo kasi kakapalit lang ng tubig, ang galing" sabi ko at tumawa

Tumawa rin sila pati na si Nanay Sally.

"Mamayang gabi ako mag su swimming" sabi ko at kinain iyong dalang pasta ni Nanay Sally "Nay paki kuha pa po ako ng pasta at juice na rin po, thank you po" sabi ko

"Yun lang ba? May binake si Mama mo na brownies kanina baka gusto mo?" Tanong pa nito

"Sige po pero isa lang po" nakangiting sabi ko.

Tumalikod na si Nanay Sally kaya naman pinanood ko nalang sina Mama at Papa na nagkukulitan sa may pool.

"Huwag kayong aahon diyan hanggang mamayang gabi ha?!" Naiinggit na sabi ko

"Kung naiinggit ka sumali kana samin dito" sabi naman ni Mama

"Ihh! Basta! Mamaya pa ako"

"Kanina pa kami ng Didi mo dito aahon na niyan kami"

"Bahala kayo" pangungunsensiya ko "basta ako mamayang gabi mag su swimming tapos mag iihaw ako ng barbeque" sabi ko pa

"Okay bunso do what you want" sabi naman ni Didi na kinabusangot ko lalo

Lumapad ang ngiti ko ng makabalik na si Nanay Sally dala ang isang tray na may lamang pagkain.

"Nay mag barbeque tayo mamaya" nakangiting sabi ko tsaka sumubo ulit sa pasta

"Aba sige! Matagal narin ng huli tayong mag barbeque" sang ayon sakin ni Nanay

"Gagawa din ako ng creamy shrimp pasta" parinig ko kila Mama

"Tatawagin ko ba ang Kuya mo para dito mag dinner?" Masayang tanong ni Nay Sally

"Sige Nay! Sabihin mo mag su swimming tayo" malapad ang ngiting sabi ko

"Mukhang magiging masaya mamaya, kukunan ko kayong apat mamaya"

"Bakit apat Nay? Tatlo lang tayo hindi kasali sina Didi at Mama" sabi ko na nilakasan ko talaga para marinig nila

"Tayong tatlo? Hindi ako marunong sa pag swimming na yan" iling ni Nay Sally

"Hindi ka naman malulunod kasama mo kami ni Kuya, tsaka kung ayaw mong lumangoy kahit magbabad ka nalang"

"Natatakot ako sa tubig, sa bathtub nga natatakot ako diyan pa kaya sa malalim na tubig, kung gusto mo kayo nalang kuya mo panonoorin ko nalang kayo" sabi nito na kinumpas kumpas pa ang kamay kasabay ng pag iling sa ulo niya

Tumawa naman sina Didi kaya sumimangot ulit ako.

"Huwag mo nalang tawagin si Kuya! Hindi naman ako sasamahan nun kung hindi kayo kasali" sabi ko kay Nay Sally

"Edi sabihin mo kasama mo sina Mama niyo"

"Nay, kapag hindi nag swimming sina Mama hindi rin mag su swimming yon"

"Sabagay, eh kung tawagin mo si Klea?" Suhestiyon nito

Napangiti ako sa naisip ni Nanay Sally kaya naman mabilis kong tinawagan si Klea. Nakasimangot naman na binaba ang phone ko. Next time nalang daw gusto daw nitong bumawi ng tulog. Bakit ba kasi nakalimutan ko na kailangan nilang magpahinga. Hayy.. ang tanga ko talaga minsan.

"Oh bakit nagkandahaba ang mukha mo" tanong ni Mama na umahon na sa pool. Uminom ito ng juice at umupo. Umahon narin si Didi sa pool at nilagay sa braso ni Mama ang isang twalya. "Thank you honey" sabi pa ni Mama

"Wala akong maayang mag swimming mamaya, hindi pwede si Klea dahil pagod at bumabawi pa ng tulog. Hindi naman mag su swimming si Kuya kung hindi kayo kasama, ayaw din akong samahan ni Nanay" nagdadabog na sabi ko at tinuloy ang pagkain ko

"May ibang araw pa naman, tutal wala na kayong pasok" sabi naman ni Papa

"Bakit ngayon pa kayo nag swimming? May ibang araw naman kasi bakit ngayon pa," sabi ko na ikinatawa nila

"Hindi namin alam na gusto mo rin mag swimming, sige magpalit kana ng damit samahan ka namin ng Mama mo kahit thirty minutes lang"

"Huwag na Di, mag su swimming ako mamaya kahit mag isa, mabuti pa maligo na kayo baka lamigin pa kayo. Mahirap na MATATANDA na kasi kayo." Sabi ko na diniin pa ang salitang matatanda. Pinisil naman ni Didi ang pisngi ko.

***