CHAPTER FOURTY NINE

Kidd Pov

Sumakit ang ulo ko dahil sa mga palpak na trabaho ng mga empleyado dito sa kumpanya. Kapag nagkamali ang isa sa mga department at na approve siguradong magkakamali na ang lahat. Bakit ba kasi hindi nila dino double check ang mga trabaho nila. Sana lang mahabol pa ang contract bago mapirmahan, kung hindi malaki ang malulugi ng IPH. Group pag nagkataon.

Tumingin ako sa relos ko at alas kwatro na pala. Naalala ko naman si Lexinne kaya naman tumayo na ako at sinuot ang coat ko. Nag text ako sa kanya kung nasaan siya, sana lang hindi pa siya umaalis sa school. Kailangan ko siyang makita ngayon para mawala ang sakit ng ulo ko.

Napangiti ako ng mag reply agad siya, nasa Housebrew daw siya. Hindi na ako nag reply at sumakay na agad sa sasakyan ko at pinaharurot iyon hanggang makarating sa café kung nasaan siya.

Pagbaba ko ng sasakyan ay pumasok agad ako, konti lang ang tao sa loob kaya agad kong nakita si Lexinne at ang babaeng kausap niya.

"Hayy naku.. huwag mong lokohin ang sarili mo. Alam natin na ginawa mo iyon para lang sa sarili mo." Dinig kong sabi ni Lexinne

Tumayo si Kath at akmang itatapon kay Lexinne ang inumin niya ng mabilis akong lumapit sa kanila at tinabig iyon. Nanlaki ang mga mata ni Kath ng makita ako.

"You okay?" Agad na tanong ko kay Lexinne na mahigpit na nakahawak sa bag niya at nakaupo parin. Maging siya ay mukhang nagulat kaya hindi makapag salita.

Napatingin ako kay Kath ng tawagin niya akong "hon" ayokong pagsimulan namin ng hindi pagkakaintindihan ni Lexinne 'to.

"Kailan kaba titigil? Kailan mo ba kami titigilan?" Bakas sa boses ang inis kong tanong kay Kath

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sa'kin, oo may nagawa akong mali noon pero nagsisisi na ako. Alam ko mahal mo parin ako at hawak ko ang pangako mo sa'kin na ako lang mamahalin mo." Nangingilid ang mga luha sa matang sabi nito.

Hinawakan nito ang kamay ko at marahas kong tinanggal iyon.

Matalim ang mga matang tinignan ko siya.

"Nangako ako sa'yo dati na ikaw lang mamahalin ko pero nasira ang pangakong iyon ng gaguhin mo'ko. Minahal kita, sinamba at sinuportahan pero tapos na kahibangan ko sa'yo. Ngayon may mahal na akong iba at kahit kailan hinding hindi ko siya bibitawan"

Wala na akong gustong sabihin pa kay Kath dahil palagay ko'y nasabi ko na lahat kanina, pumunta siya ulit sa office kanina at pinagsabihan na huwag na niya akong pupuntahan dahil nakaka abala siya. Sinabi ko rin na tapos na kami at wala ng aasahan sa'kin, akala ko naman ay naiintindihan niya mga sinabi ko, hindi ko alam na pupuntahan pa niya si Lexinne para guluhin.

Kasalukuyan akong nagmamaneho ng sumulyap sa kanya. Binagalan ko ang takbo hanggang sa huminto kami sa isang tabi. Nag aalalang tinignan ko siya dahil baka maging sanhi na naman ito ng hindi namin pagkaka unawaan.

Nakahinga ako ng maluwang ng sabihin nitong okay lang siya, mukha rin namang hindi ito galit sa'kin at kung galit man siya ay dahil iyon kay Kath. Thanks God safe ako. Nakahawak lang ako sa kaliwang kamay niya habang nag d-drive ako, sabi ko na nga ba siya lang ang magpapa wala ng sakit ng ulo ko.

********

Klea's Pov

"Bakit ba hindi ko agad naisip na baka ikaw ang gustong manakit sa'kin? Ang dami tuloy nasaktan at nawalan ng buhay dahil sa'yo" sabi ko kay Brenda habang tinitignan siya

"Walanghiya ka! Pakawalan mo'ko!" Sigaw nito sa'kin

Pinatali ko siya sa dalawang tauhan niya at pinasigurado ko kay Chuck kung maayos ba pagkakatali niya. Sabagay, kahit hindi naman siya itali ay okay lang.

"Kung walanghiya ako eh ano kapa?" Bulong ko sa tenga niya at mahinang tumawa

Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Para siyang isang asong ulol na gustong manakit.

"Pakawalan mo'ko dito!" Sigaw niya ulit habang matalim na nakatingin sa'kin

"Sige pakakawalan kita pero ipapalit ko sa pwesto mo ang anak mo"

Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya habang pinipilit nitong makawala buhat sa pagkakatali. Nasa tabi naman niya ang tatlong tauhan niya, si sleeping boy ay nagising din sa wakas ng buhusan siya ng tubig sa mukha ni Chuck.

Umupo ako sa isang monoblock at pinag krus ang legs ko habang tinitignan sila.

"Huwag na huwag mong gagalawin ang anak ko dahil susundan kita kahit sa impyerno!" Sigaw pa nito

Wala naman talaga akong balak saktan ang anak niya at wala rin sa plano ko ang saktan din siya. Ang gusto ko sanang mangyari ay makulong siya at kung magka aberya tulad ngayon ay gusto kong mamili nalang siya.

"Hindi ko sasaktan ang anak mo kung magiging mabait ka. Gusto kong hiwalayan mo si Dad at tuluyan ng umalis sa buhay niya"

"Hahahaha! Bakit ko gagawin iyon? Huwag ka ng umasa na gagawin ko ang gusto mo!" Sigaw nito

"Okay lang kung ayaw mong magkusa hindi naman kita pipilitin, ang akin lang naman ay binibigyan kita ng choices para makapamili. Hiwalayan mo si Dad o mamamatay ka. Don't worry hindi ko idadamay dito si Hailey, labas siya dito maliban nalang kung kalabanin niya ako." Nakangiting sabi ko

"Mas pipiliin kong mamatay kaysa makipag hiwalay sa Daddy mo!"

"Kung hindi lang kita kilala mapapaniwala mo'ko na mahal mo nga si Dad kaso kilala na kita eh, ang mahal mo lang naman ay ang pera niya"

"Wala kang alam kaya manahimik ka!"

"Maniwala ka mas marami akong alam kaysa sayo, huwag kang feeling matalino yan tuloy nangyari sayo"

"Kapag ako nakawala dito papatayin kita!"

"Matanda kana kaya mauuna kang mamamatay sa'kin, tsaka pwede ba tama na kakasigaw hindi ako bingi"

"Ma'am baka todasin nila tayo hiwalayan niyo nalang po ang asawa niyo"

Inagaw ko kay Greg ang baril niya at agad pinaputukan sa ulo ang lalaking sumisitsit kay Brenda. Bumulagta ang katawan ng lalaki na ikinalaki ng mga mata ni Brenda. Sumigaw pa siya ng sumigaw tila natakot.

Nakangiting lumapit ako kay Brenda at tinignan pa yung lalaking nakabulagta ngayon sa tabi niya. Umupo ako ng maayos ko yon matignan. Nagtama ang mga mata naming dalawa at ramdam ko ngayon ang takot sa mga mata nito. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa bangkay ng lalaki.

"Sorry Kuya mali kasi ang sinabi niyo, hindi niya kasi asawa ang tatay ko. Kabit siya kuya kabit lang siya. Rest in peace po" sabi ko sa bangkay

"Demonyo ka" sabi ni Brenda na ikinangiti ko

"Hindi masyado, bait ko nga eh kasi buhay kapa hanggang ngayon" sabi ko na matamis na ngumiti at tumayong muli

Tinignan ko naman ang dalawang lalaking natitirang tauhan niya. Nakikita ko sa mga mata nila ang takot. Sa totoo lang ayoko talagang patayin sila, ewan ko ba.

"Tatanungin ulit kita" sabi ko "bibigyan kita ng tatlong minuto para mag isip" sabi ko pa at tumingin sa dalawang alagad niya at ngumisi.

Inilahad ko ang kamay ko kay Lance na nasa tabi ko at binigay naman nito ang baril niya. Pinaikot ikot ko iyon habang nakatingin sa tatlo.

"Hihiwalayan mo ba si Dad o mamamatay ka?" Tinutok ko yung baril kay Brenda "your time is running out Brenda, your daughter needs you" sabi ko pa na pinaalala si Hailey sa kanya.

I hate Hailey pero ayokong matulad siya sa'kin. Ayokong maranasan niya gaano kahirap lumaki na walang ina.

"Boss hiwalayan mo nalang Daddy niya para hindi kami madamay" sabi ng isang tauhan niya

"Ma'am hiwalayan mo nalang po tapos bumuo ka ulit ng plano" sabi naman ng isa.

Bumulagta naman yung isa pang lalaki na nasa tabi ni Brenda. Muli itong sumigaw ng makita ang tauhan niya na umaagos ang dugo at wala ng buhay.

"Bad ka kuya, kung ano anong sinisitsit mong kademonyohan sa kanya kaya inuna na kita sa impyerno" walang emosyong sabi ko at pinaikot ulit sa kamay ko ang baril ni Lance.

Tumingin ako sa relos ko at may isang minuto at kalahating segundo pa ito para mag desisyon.

"Pakawalan mo'ko" nagkatinginan kaming dalawa ni Brenda at tila nakapag desisyon na siya

Minuwestra ko naman ang kamay ko at lumapit si Greg sa kanila. Tinanggal nito ang pagkakatali sa mga ito.

Nakangisi ako sa dalawa habang tinitignan sila. Nanlilisik ang mga matang unti unting naglalakad palapit sa'kin si Brenda habang ang kasama naman niya ay umuurong palayo.

Biglang tumakbo palapit sa'kin at napatingin sa tauhan niya na tumakbo rin palapit sa kanya. Akala ko'y pipigilan niya lang si Brenda sa gusto niyang gawin pero nakita ko nalang na may tumulong dugo mula sa bibig ni Brenda.

Agad ko namang kinuha ang baril ni Lance at binaril ang lakaki. Magkasabay bumagsak si Brenda at ang tauhan niya. Mabilis akong lumapit sa kanila para tignan ang lagay ni Brenda at nakitang humihinga pa siya.

"Bilisan niyo dalhin natin siya sa hospital!" Utos ko sa mga gwapitos.

Bago pa siya mahawakan ng mga tauhan ko ay hinawakan na nito ang kamay ko. Tinignan ko siya at may luhang tumulo sa mga mata niya kasabay ang pag iling niya.

"H-hailey" mahinang sabi nito

Bigla kong naalala si Mommy at tumulo ang mga luha ko.

"T-tita dadalhin ka namin sa hospital" garalgal na sabi ko pero umiling ulit siya

"S-sorry" sambit nito. Tumango tango ako. "S-si H-hailey.." sabi ulit nito kasabay ang pagpikit ng mga mata niya at pagbagsak ng kamay niya.

Rumagasa ang mga luha sa mata ko at tinignan ang mga gwapitos. Lumapit si Lance sakin at kinuhanan ng pulso si Tita Brenda pero umiling ito. Wala na siya. Patay na siya.

****