Chapter 12

Savina's Pov

Tahimik lamang ako habang ipinagpapatuloy namin ang  aming paglalakad papunta sa ilog kung saan kami sasalok ng tubig. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Desmon sa akin kanina bago nila kami iniwan. Ang sabi niya ay wala akong kuwentang alipin at parurusahan niya ako mamaya pagbalik ko sa bahay niya. Ano naman kayang klaseng parusa ang igagawad niya sa akin? Dahil lamang sa sinagot ko si Allana ay paparusahan na niya ako agad? Totoo nga kaya ang sinasabi nila na gagawin niyang luna ang babaeng iyon pagdating ng tamang panahon? Kapag mangyari iyon ay natitiyak ko na lalo lamang tataas ang tingin ni Allana sa kanyang sarili. Baka maging langgam na lamang ang tinginn niya sa mga kalahi niya lalong-lalo na ang mga omegang alipin.

"Bakit kanina ka tahimik, Savina? Inaalala mo ba ang magiging ksparusahan sa'yo ni Alpha Desmon mamaya?" biglang tanong sa akin ni Susa na isa ring alipin.

"Nakakatakot pa naman kung magparusa ang ating alpha. Naalala niyo ba noong nakaraang buwan kung ano ang nangyari sa alipin na pinarusahan niya? Namatay ang alipin na iyon dahil hindi kinaya ang parusang ipinataw sa kanya ng ating alpha," pagpapaalala ni Freya. Tinapunan niya ako ng tingin na may halong pag-aalala. Maging si Susa ay hindi rin napigilan ang tapunan ako ng nag-aalalang tingin. Mukhang tama nga ang iniisip ko kay Desmon. Isa nga siyang ruthless alpha. Pero bakit may mga babaeng alipin pa rin na nangangarap maging personal mad niya sa kabila ng pagkakaalam nila na nakakatakot ito?

"Huwag kayongmag-alala sa akin. Kaya ko ang aking sarili at hindi ako natatakot sa anumang parusa na igagawad niya sa akin," matapang ang loob na sabi ko sa kanila. Kapag pinarusahan niya ako ng malupit ay talagang papalag ako. Hindi ko hahayaan na sa lugar na itoako mamamatay.

"Nakakabilib naman iyang katapangan mo, Savina. Hindi ka natatakot kay Alpha Desmon at maging kay Allana ay hindi ka nagpakita ng takot sa kanya. Samantalang kami ay nanginginig na ang mga tuhod sa  kanyang matalim na tingin," humahangang sabi sa akin ni Susa.

Kaya naman malakas ang loob ko na sagot-sagutin sila dahil hindi nila ako kalahi. Kaya wala silang karapatan na pagsalitaan ako ng hindi maganda.

Naudlot ang pag-uusap namin nang makarating kami sa mahaba at napakalinaw na tubig. Ilang minuto rin ang nilakad namin mula sa bahay ni Desmon hanggang dito sa ilog kaya pagdating namin ay pagod na ang aming mga paa. Tapos sa pagbabalik naman namin ay may mga dala na kaming timba na may lamang tubig kaya tiyak na mas pagod na kami niyan. Ilang beses kaming magpapabalik-balik bago mapuno ang mga lagayan ng tubig sa bahay ni Desmon. Sobrang pagod na ang mga alipin. Napakawalang puso ni Desmon para hayaan niyang mahirapan ang mga alipin niya na malaki ang pakinabang sa kanya.

At gaya nga ng sinabi ko ay ilang beses kaming nagpabalik-balik sa ilog dahil malalaki ang mga drum na lagayan ng tubig sa bahay ni Desmon. Mabuti na lamang at isang beses lamang kaming mag-iigib ng tubig sa isang Linggo dahil marami naman ang mga lagayan ng tubig iniimbakan kaya kahit paano ay nakakapagpahinga ang mga alipin. Pare-parehong tagaktak ang mga pawis namin dahil matindi ang sikat ng araw. Masyado na akong pagod ngunit mas pagod kaysa sa akinang mga kasamahan kong alipin dahil ginamit ko ang aking kapangyarihan para mapagaan ko ang mga bitbit. Hindi naman maaaring gamitin ko ang kapangyarihan ko sa lahat para gumaan din ang mga dala-dala nila dahil baka maubos naman ang lakas ko at ma-exhaust naman ako masyado.

"Salamat naman at pang-huling balik na natin ito sa ilog. Makakapagpahinga na rin tayo," natutuwang bulalas ni Freya.

"Oo nga. Pakiramdam ko ay ubos na ang lakas ko," sabi naman ni Susa.

Hindi na lamang ako kumibo dahil pakiramdam ko ay mas lalo lamang mauubis ang lakas ko kapag magsalita ako ng msgsalita. Nag-concentrate na lamang ako sa ginagawa ko. Pabalik na kami sa bahay ni Desmon nang makaramdam akong kakaiba. Hindi ko maintindihan ngunit bigla akong kinabahan.

"Hindi niyo ba nararamdaman? Parang may mga sumusunod sa atin," sabi ni Freya na biglang napahinto sa paglalakad at inilapag sa lupa ang dala-dalang timba na may tubig.

"Tama ka, Freya. May sumusunod nga sa atin kanina pa," sang-ayon naman ni Susa. Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ng iba pa naming mga kasama.

Mga taong-lobo nga ang mga kasama ko dahil matalas ang kanilang mga pakiramdam kahit sabihin pang pinakamababa ang kanilang uri. Samantalang ako ay para lamang pangkaraniwang tao na kinakabahan may parating na hindi magandang mangyayari. Kung wala nga akong kapangyarihan ay para lamang akong ordinaryong tao. Hindi naman kasi kaming mga witches nagpapalit ng anyo katulad ng mga taong-lobo na nagiging malaki at nakakatakot na lobo kapag nagpapalit sila ng kanilang anyo.

"Ano sa tingin niyo ang sumusunod sa atin?" hindi napigilang tanong ko sa kanila. Nag-aalala ako na baka mga taong-lobo na mula sa Silver Wolf pack ang sumusunod na sa amin. Hindi ko alam kung kaya ba ng mga kasama ko na ipagtanggol ang kanilang mga sarili kung sakaling mapalaban kami. Sa taglay kong kapangyarihan naman ngayon ay hindi ko alam kung makakasapat na ba ito para maipagtanggol ko ang aking sarili. Pero hindi ko pala maaaring gamitin sa harapan nila ang aking kapangyarihan dahil matutuklasan nilang hindi nila ako kauri.

"Mga taong-lobo rin na katulad natin ang sumusunod sa atin at hindi lang isa o dalawa kundi higit pa," may pag-aalalang sagot sa akin ni Susa. Lalo lamang akong kinabahan sa aking nalaman. Iyong isang taong-lobo pa nga lang ay mahihirapan naming talunin kahit magtulong-tulong pa kami marami pa kaya?

"Kaya ba nating lumaban sa kanila? Mga pagod na tayo at walang lakas," nag-aalalang tanong naman ng kasama naming alipin. Halatado sa kanyang boses ang magkahalong takotat pag-aalala.

"Kahit pagod tayo ay kailangan nating lumaban sakaling may masambg intensiyon sila sa atin," sagot ni Freya sa babae. Hindi nagtagal ay biglang umihip ang malakas na hangin na tila ba may paparating na ipo-ipo. Natakpan namin ang aming mga mata para hindi pasukan ng mga lumilipad na bagay. Kasabay ng paghinto ng hangin ay ang pagtambad sa aming paningin ng ilang mga taong-lobo na pare-parehong nakangisi habang nakatingin sa amin.

"Hello, ladies!" bati sa amin ng nakangising taong-lobo ngunit sa akin naman nakapokus ang kanyang paningin. Pakiramdam ko ay ako ang sadya nila. Hindi kaya mga kasamahan sila ng taong-lobo na pinatay ni Desmon? At nandito sila para maghiganti sa akin? Pero bakit naman ako ang paghihigantihan nila gayong hindi naman ako ang pumatay sa kasamahan nila kundi si Desmon? Kahit kailan talaga ay pahamak sa akin ang lalaking iyon.