Chapter 10

Dorco's Pov

"Ano? May pinatay si Desmon na miyembro ng ating pack?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong ko kay Arkin na aking kanang kamay. Si Desmon ay ang bagong alpha ng Golden Wolf clan at mortal na kaasay ng aming Silver Wolf clan. Gusto ko siyang patayin para ako na ang mamuno sa kanyang pack. Ako na ang magiging pinakamalakas at makapangyarihang alpha ng aming lahi.

"Opo, Alpha Dorco. Hindi sinasadyang nakita namin sa kagubatan ang katawan ni Allou na pinag-aagawan ng mga hayop. Nang suriin namin ang katawan niya ay natuklasan namin na wala na siyang puso. Dinukot ang kanyang puso at alam naman natin kung sino lamang ang nilalang na may kakayahang gumawa ng ganoong kalupit na pagpatay. Tanging si Alpha Desmon lamang ay nakakagawa niyon," paliwanag sa akin ni Arkin.

Sa tindi ng galit ko ay itinapon ko ang mesang nasa harapan ko. Wala akong pakialam sa pinatay ni Desmon na miyembro ng aking pack dahil kinaiinisan ko rin namam si Alloy na anak ng aking beta. Palagi niya akong kinokontra sa mga desisyon ko at feeling niya ay siya ang alpha sa aming dalawa. Hindi niya ako iginagalang bilang alpha. Ngunit hindi ko siya magawang parusahan dahil ang aking beta ang humihingi ng pasensiya sa akin para sa kanya. Hindi ko lamang siya magawang parusahan dahil katulad ko ay malakas din ang kapangyarihan ng kanyang ama na si Morgan. At kung hindi lamang ako ang pinili ng aking ama na pumalit sa kanya bilang alpha ng aming pack ay natitiyak kong si Morgan na ngayon ang alpha. Marami din kasi siyang mga tauhan na kagaya ko. Ngayon na pinatay ni Desmon si Alloy ay nakaramdam ako ng tuwa ako dahil inalis niya ang pinakamalaking tinik sa aking lalamunan at tiyak ko na nag-uumapaw na ngayon ang galit ni Morgan para sa kanya dahil sa ginawa niyang pagpatay sa anak nito. Ngunit ang ikinagagalit ko ay ang walang pakialam na pagpatay ni Desmon kay Alloy. Pakiramdam ko ay hinahamon niya ang aking kapangyarihan at minamaliit ako bilang alpha. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pakiramdam na minamaliit ako ng ibang kalahi ko lalo pa at mortal ko siyang kaaway.

"Kaialan ito nangyari ay bakit walang nag-report sa akin tungkol dito?" madilim ang mukha na tanong ko pa kay Arkin.

"Aking alpha, nangyari ito kahapon lamang ayon sa nakababatang kapatid ni Alloy na siyang nakasaksi sa ginawang pagpatay ni Desmon sa kanya. Sa sobrang takot ng bata ay hindi ito gumalaw sa pinagtataguan hangga't hindi raw nakakaalis si Desmon kasama ang babaeng naging dahilan kung bakit niya pinatay si Alloy. At dahil sa takot ng bata ay hindi ito makapagsalita mula kahapon. Kanina lamang nang makausap ko siya kumalma ang kanyang pakiramdam. Sinabi ko kasi sa kanya na ipaghihiganti natin ang pagkamatay ng kanyang kuya. Papatayin natin si Alpha Desmon kasama na ang babaeng iyon," paliwanag ni Arkin.

"Isang babae? At sino naman ang babaeng iyon?"

"Iyan ang hindi alam ng kapatid ni Alloy nang tanungin ko siya. Basta ang sabi niya ay mukhang normal na tao ang babaeng ipinagtanggol ni Alpha Desmon. Napakabango raw ng amoy ngunit hindi at hindi siya amoy ng isang taong-lobo."

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Arkin. May babaeng ipinagtanggol si Desmon kaya niya pinatay si Alloy? At ang babaeng iyon ay hindi katulad naming taong-lobo? Kailan pa siya naging tagapangtanggol ng mga normal na tao? Mukhang may naaamoy akong kakaiba sa babaeng ito. Hindi siguro normal na tao ang babaeng iyon maliban na lamang kung iniibig niya ang babae. Kung hindi normal ang babaeng iyon ay ano ang meron siya para ipagtanggol siya ni Desmon? At kung iniibig naman niya ito ay bakit naman siya iibig sa isang tao gayong alam naman niya na hihina ang kapangyarihan niya kapag ang maging mate niya ay isang normal na babae lamang? Kailangan malaman ko ang kasagutan sa aking mga tanong.

"Arkin! Dalhin mo sa harapan ko ang babaeng iyon sa lalong madaling panahon. Pakiramdam ko ay magagamit natin siya bilang kahinaan ni Desmon at para mapabagsak natin siya," nakangisi nang sabi ko sa aking matapat na kanang kamay.

"Masusunod po, aking alpha," nakangiting sagot naman ni Arkin. Akmang tatalikod na ito para sundin ang ipinag-uutos ko sa kanya nang bigla ko siyang tawagin. "May ipag-uutos ka pa, aking alpha?"

"Kumusta na pala ang ipinapahanap ko sa'yo? May alam ka na ba kung nasaan ang nag-iisang survivor ng canaty clan?"

Umiling si Arkin. "Wala pa, aking alpha. Ngunit huwag kayong mag-alala dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang babaeng survivor nang gabing iyon."

"Bilisan mo ang paghahanap mo dahil baka maunahan pa tayo ng iba sa kanya. Kailangang maging kakampi natin siya dahil siya na lamang ang natitirang witch na nabubuhay. Malakas ang kapangyarihan niya at kapag naging kakampi natin siya ay tiyak na ang magiging panalo natin laban kay Desmon," mariing wika ni Dorco. Ilang Linggo nang ipinapahanap ko sa aking mga tauhan ang babaeng nag-iisang survivor sa nangyaring pagpatay sa mga witches ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong balita tungkol sa kanya. Naniwala ako sa "taong iyon" na kapag tinulungan ko siyang paslangin ang mga natitirang miyembro ng canary clan ay tutulungan niya akong talunin si Desmon. Ngunit pagkatapos ko siyang tulungan ay sinabi lamang niya sa akin na kailangan mapasakamay ko si Savina; ang nag-iisang survivor ng witches canary clan.

Kapag nasa akin na si Savina ay gagawin ko siyang aking luna. Magkakaroon siya ng kapangyarihan na kapantay ko. Bibigyan ko siya ng panibagong tahanan. Walang sinumang babae ang hindi nagnanais na maging luna ng isang alpha kaya natitiyak ko na hindi niya tatanggihan ang titulo ng pagiging luna. Alam kong galit na galit siya sa mga taong-lobo na pumaslang sa kanyang pamilya at gusto niyang makapaghiganti kaya tutulungan ko siya na makapaghiganti. Ang galit niya ay mapupunta lahat kay Desmon bilang anak ng taong-lobo na pumatay sa kanyang pamilya. Si Desmon ng paghihigantihan niya. Wala siyang kaalam-alam na maling tao ang paghihigantihan niya at sisiguraduhin ko na kailanman ay hindi niya malalaman ang totoo.