Chapter 14: Miss Perfect

CELYN'S POV:

--

"CUT!" rinig kong malakas na sigaw ni Saviel.

Kinarer niya talaga ang pagiging Director kahit hindi naman talaga siya ang director ng movie. Saviel is too perfectionist when it comes to her work. Isa na doon ang libro niyang Harmony of Bullets na kilala na rin maging sa ibang bansa and as far as I know malaking topic ngayon sa social media ang HOB dahil magkakaroon ito ng movie adaptation at nirerequest ng lahat na si Perth at Ernaline ang gumanap but no to avail since chismis lang 'yun and the author itself didn't confirm it to the public.

Sabi nga ni Sav, she's not expecting anymore achievements and she's not ready for another level of her work dahil out of boredom lang ang pagsusulat niya at pang-aasar na rin sa friends niya.

Hinahayaan lang din si Sav na ito mismo ang magdirek ng movie dahil mas magaling pa ang babae kesa sa mismong director ng movie. Sav knows what she's doing and all the results of our shoot is too perfect for a nobody like her. Iba ang nagagawa nang kakulitan ng isang Saviel Hyuga.

"Kaya pa girl?" bungad sa akin ni Sinji nang maupo ako sa isang stool na nagkalat sa studio.

Kasalukuyan kaming nasa CDC at sa isang bakanteng studio ginanap ang taping namin para sa movie at kasama ko si Carlson at Monique. Calvin didn't show up because of his own personal matters for his business. Balita ko ay may investors na dumating at kailangang harapin ni Calvin ang mga 'yon.

"Ayos lang, keri pa naman." sagot ko bago kinuha ang milk tea na pinaorder ko kay Lea. Sinji had her own drinks even Saviel and magkakasama kami sa table namin kapag break ng shoot.

"Pansin ko lang masyadong dumidikit sayo yung Carlson?" usisa ni Sinji at lumingon pa ito sa gawi ng lalaki na kausap ang ibang artista at staff.

Napatingin din ako sa gawi ng mga ito pero agad ko ring binawi at bumaling kay Sinji na sopistikadang umiinom sa milk tea nito. Pansin ko rin lagi silang magkasama ni Saviel, kung hindi ko lang sila kilala personally baka pagkamalan ko silang kambal dahil sa pagiging parehong makulit at maganda.

"We've work twice or thrice I think sa isang modelling agency na hinahawakan ni Maverick. He's just friendly, so I am not bothered at his presence." sagot ko.

Sinji shrugged her shoulder while silently sipping her drink.

Hindi na rin ako umimik at hinayaan si Sinji nang biglang lumapit si Saviel sa pwesto namin.

"Celyn next scene tayo after a break okay?" bungad ni Sav. "Grabe nai-excite ako sa magiging outcome ng movie na tu, masyadong magagaling ang cast." dugtong pa nito.

"Hindi ba napapagod ang vocal chords mo mars? Kanina pa ako naririndi sa voice mo." maarteng wika ni Sinji sa kaibigan at inirapan pa ito.

Saviel sip on her drink before answering as shet sat her ass on the vacant sit beside Sinji. "Mars batak ang vocal chords ko pagdating sa mga sigawan kaya keri lang. Kahit nga sa subuan batak din-"

Nanlaki ang mga mata namin ni Sinji.

"Hoy! Anong subo?" sabay naming tanong ni Sinji kay Saviel pero ang babae ay tumawa lang.

"Ay inosente ang lola mo, akala mo hindi ginapang si Senri -- aray!?" lumagapak ang mukha ni Sav sa mesa nang batukan ito ni Sinji. Muntik pang matumba ang mesa dahil sa lakas ng impact nito kung hindi ko agad nahawakan ang dulo ng mesa. Napalingon pa sa gawi namin ang ibang tao na narito sa set dahil sa lakas ng kalabog nang noo ni Sav sa mesa pero parang mga wala itong nakita nang bumalik ang mga ito sa sarili nilang ginagawa.

"Yang bunganga mo Saviel Hyuga ha?! Baka masira ang image ko! Para namang hindi mo ginapang ang Kuya ko noong isang gabi!?"

"Feeling mo naman, Sinji Natividad!? Yung Kuya mo ang nagkusa, hindi ako!"

"Amfee!! Gabi-gabi ka nasa room ng mapagmahal kong big brother!"

"Meeting 'yun!"

"Ah talaga!? Baka mamalayan ko na lang sa susunod na araw, may tumatakbo nang maliliit na Saviel at Luther sa bahay namin? Sa'Luth love team na ba itey? Ayusin mo desisyon mo sa buhay mars!"

Napapailing na lang ako habang nagbabangayan ang magkaibigan sa harapan ko na parang mga baliw dahil sila lang ang nagkakaintindihan.

Ang susunod kasing scene ay isang makabagbag damdaming eksena namin ni Carlson since magjowa ang ganap naming dalawa sa movie after ko makilala ang character ni Calvin. At eeksena ang malditang si Monique dahil siya ang third party sa aming dalawa ni Carlson na pasikretong nilalandi ng character ni Carlson pero ang totoo ay engage silang dalawa. Okay naman 'yung flow ng story medyo na-awkward lang ako kay Carlson sa pagiging clingy niya but I know he's just doing his best to look more realistic in the said movie.

A minute after of our break, Saviel called us out to start the shoot immediately. Carlson and I face each other as Saviel gave an instruction to our staff before we start.

"Still awkward while I am around?" out of nowhere napatingin ako kay Carlson at kunot noong humarap dito. "I can feel it Alarie, no need to feel awkward since we work a lot. Hindi na bago sa akin na ikaw ang kasama ko sa mga big projects na ganito." dugtong pa nito.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Feeling ko may hangin na dumaan sa harap ko dahil sa sinabi ni Carlson.

Masyado siyang mayabang!

I admit he's handsome but I don't like how he act and treat me.

"Oo na lang." sagot ko dito.

"Okay guys, ready the camera." rinig kong sigaw ni Sav. Kaina pa siya sigaw ng sigaw and sa tingin ko hindi napapagod ang vocal chords ng babaeng ito sa taas ng energy niya everyday na may shoot kami. "Rolling... ACTION!"

"Loraine, why do you want to talk to me so badly? Did I do something wrong?"saad ni Erik ang character ni Carlson.

Magkahawak kamay na naupo si Loraine at Erik sa isang silya na inayos ng staff para magmukha itong park since date day nila as a couple at sa mga panahon na ito lalabas ang character ni Calvin but he's not here.

"Everything's fine. I just wanted to be with you, masama bang hilingin ko 'yon sa boyfriend ko? Pansin ko kasi nawawalan ka na ng oras sa relasyon natin." mahinang sagot ni Loraine sa kapareha.

Hindi lingid sa kaalaman ni Loraine na niloloko siya ni Erik pero hindi nito masabi sa lalaki dahil ito ang unang boyfriend ni Loraine. Maiisip pa lamang nito na komprontahin ang binata ay nangingilid na agad ang kanyang luha.

Tahimik lang ang dalawa na nakaupo nang biglang magpakita ang character ni Monique.

"Well, well, well!? What a nice view of the two of you." ani ni Camille ang character ni Monique.

Nakapamewang itong hinarap si Loraine at Erik na siyang ipinagtaka ni Loraine ng biglang tumayo si Erik nang makita nito si Camille.

"W.. what are you doing here?" nahihintakutang tanong ni Erik at nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Loraine at Camille.

"Sino siya, Erik?" inosenteng tanong ni Loraine.

Camille crossed her arms in front of her chest while looking at Loraine's face. "Hindi mo alam?" panimula ng babae. "Paano mo nga naman pala malalaman kung nagpapauto ka sa lalaki na 'yan? My name is Camille Estrada, Erik's girlfriend and soon to be his wife!"

Kumunot ang noo ni Loraine at tumayo ito mula sa kinauupuan.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong nito.

"Umpisa pa lang, niloloko ka na ni Erik, you were just a toy for fcking sake! At isa pa, ever since we we're kids engage na kaming dalawa but our family only knows about it. Actually sa makalawa ang birthday ko and doon namin ia-announce ang engagement naming dalawa ni Erik." a smirk carved on Camille's face when she saw Loraine's tear fall on her face.

Tumingin si Loraine kay Erik at walang mahita kahit isang salita para sa lalaki.

"L.. Loraine you got it all wrong.." saad naman ni Erik at hindi alam ang gagawin kaya naman niyakap nito si Loraine dahilan para humikbi ang dalaga.

"P... paano mo nagawa sa akin tu Erik?" nasasaktang tanong ni Loraine.

"Ha? Malamang nag-eeksperimento siya bago siya ikasal sa akin. Admit it or not Erik, you will never be free from my grip and your family's debt." humalakhak pa si Camille na lalong nagpagulo sa isip ni Loraine kaya naman humiwalay sa yakap ang babae.

"H.. hindi--" naputol ang sasabihin sana ni Erik nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito na siyang ikinasinghap ni Camille sa hindi inaasahang pangyayari.

"I did love you with all my heart kasi akala ko totoo ka pero tulad ka rin ng mga varsity player na mahilig magpaikot ng nararamdaman nang ibang tao! You're a fcking trash!" saad ni Loraine sa bawat hikbi nito.

Erik is part of the basketball varsity in their school at si Andre ang captain ng team. Loraine hates them so much dahil minsan na rin niyang natuklasan ang pagkabigo ng kanyang ate sa isang varsity player pero hindi niya aakalain na mangyayari din ito sa kanya.

Akala ni Loraine ay iba si Erik sa mga taong nakakasalamuha niya pero mas malala pa pala ito.

Isinusumpa ni Loraine ang lahat ng varsity members ng kanilang school dahil sa pagpapaikot ng mga ito sa kanya. Akala ni Loraine ay suportado ng mga ito ang relasyon niya kay Erik pero lahat ng 'yon ay puro pagkakamali lamang.

Hindi nakagalaw si Erik at Camille kaya naman tinalikuran ang mga ito ni Loraine.

Tigmak ng luha ang mukha ni Loraine at wala sa sariling naglakad ito palayo sa dalawa nang bumangga ito sa matigas na bagay. Ganun na lamang ang gulat ng dalaga nang maiangat nito ang mukha at tumambad ang bulto ni Andre na seryosong nakatingin sa gawi ni Erik at Camille bago dumapo ang paningin nito sa dalaga.

Nakasuot ng jersey uniform ng kanilang school si Andre at mukhang galing sa praktis ang binata dahil sa pawis nito.

"What are you doing here? Akala ko ba nasa meeting ka?" bulong ko kay Calvin. Hindi ko pinahalata dahil nasa shooting pa kami.

"Saving the lady in distress?" sagot naman nito. "You know I hate your crying face that's why I am here, saving you... again." dugtong pa nito at ibinulong sa tenga ko.

Nagbigay ng bulta-bultaheng kuryente ang kilos na yun ni Calvin at lalo akong nagulat nang lumapat ang noo ko sa dibdib nito.

"I told you a hundred times already, Loraine, you don't deserve a guy like him but you didn't listen. A trash will always be a trash and you can't change them even if you want to." saad ni Andre habang nakatingin kay Erik at Camille na may halong pag-aamok.

"What did you say?" sagot naman ni Erik na akmang susugurin si Andre pero agad itong pinigilan ni Camille.

"Don't waste your precious time with them Erik. Halika na!" hinila ni Camille si Erik palayo kay Loraine at Andre.

"This is all your fault, Camille!" malakas na sigaw ni Erik.

"Ha? So kasalanan ko pa? Ikaw ang cheater sa ating dalawa. You already know na engage na tayo pero pinatos mo pa rin ang hampas lupa na 'yan!"

Sa sobrang galit ni Erik, dinakma ng lalaki ang pisngi ni Camille gamit ang isang kamay nito at pinisil dahilan para maiyak ang babae.

"Sa bahay tayo mag-uusap and I will make sure you will regret it!"

"CUT! Oh my god, nakalimutan kong nasa taping tayo dahil masyadong realistic. Naiiyak ako!" sigaw ni Saviel.

Nakahinga ako ng maluwag at akmang lalayo mula sa pagkakayakap ni Calvin pero humigpit ang yakap ng lalaki kaya itiningala ko ang paningin ko sa kanya.

"Problema mo na naman ba?" naiinis na wika ko dito dahil ayaw akong pakawalan ng lalaki mula sa pagkakayakap kahit na balot ng pawis ang katawan nito pero mabango pa rin-- Celyn behave!

A smirk carved on Calvin's face while looking at me. "This is the first time I will tell you this words so remember this... I miss you.. so much..."

Nanlaki ang mata ko at tila napako sa kinatatayuan ko nang tuluyan akong bitawan ni Calvin at lumapit ito kung saan naroon ang kanyang staff.

'I miss you... so much'

Nagpa-ulit-ulit sa utak ko ang mga katagang ibinulong ni Calvin dahilan para mamula ang mukha ko. Nagising lang ako sa reyalidad nang hilahin ako ni Peri para ayusin ang make-up na nasira dahil sa pag-iyak ko.

Hindi kasi water proof ang make-up ko kaya aayusin ulit ni Peri ang mukha ko.

"Grabe, ang intense ng eksena niyo." bungad ni Peri nang maiupo ako nito sa high stool. Kasalukuyan kaming nasa dressing room dahil kailangan kong magpalit ng damit. Tapos na kasi ang shoot namin today at susunod na magiging set namin ay ang L. A University ulit.

"Ang sakit ng kamay ko dahil sa pagsampal ko sa mukha ni Carlson." wala sa sariling saad ko pero ang totoo, ang boses ni Calvin ang nanatili sa utak ko.

"Sus, deserve niya ha!? Ang yabang naman kasi, postura pa lang nun hindi ko na bet." sagot naman ni Peri.

Alam kong maraming ayaw kay Carlson pero malakas makahatak ng tao kaya nga napakadaming sponsors ng lokong 'yon hindi tulad sa akin ni iginagapang ni Mommy para lang makakuha ng matinong sponsor.

"I heard it, Peri."

Sabay kaming napalingon ni Peri sa pinto kung saan naroon ang bulto ni Carlson.

Carlson smiled at me before he steps forward where I was seating.

Umalis si Peri sa harap ko para bigyan ng espasyo si Carlson at pinahabulan niya pa ng irap si Carlson bago inayos ang gamit ko.

"May kailangan ka?" tanong ko rito.

Carlson lean his ass on my vanity table as he puts his one hand in his pocket as he look at me.

"Well, I just wanted to ask you for a dinner if its okay?"

Tumaas ang kanang-kilay ko.

"Bakit?" inosenteng tanong ko.

"Friendly date? I want to tell you something. Hindi naman kita pipilitin if you don't want to. Think about it, I'll go first."

Matapos sabihin ni Carlson ang mga kataga na 'yon ay biglang lumapit si Peri sa akin.

"Parang nakakaamoy ako ng masamang elemento sa likod ni Carlson." aniya.

"Ito naman baka friendly date nga tyaka isa pa ilang beses na natin siyang nakita tuwing may pictorial ako diba? One dinner is enough, I can give him that."

"Sure ka ba?"

"Its fine. Si Carlson lang naman 'yan."

"Okay, sabi mo eh." nagkibit balikat na lamang si Peri at muling ipinagpatuloy ang pag-aayos sa mukha ko.

Makalipas ang ilang oras ay nakabihis na ako at lumabas na rin ng dressing room. Nadatnan kong nasa labas ng room ko si Carlson kaya naman lumapit ako dito.

"So, I think you've decided already, shall we?" aniya bago inoffer ang braso nito bilang alalay sa akin.

Marahan akong tumango kay Carlson at umangkla sa braso nito bago kami naglakad papuntang parking lot.

"Your car, or my car?" aniya.

"Your car na lang." maikling sagot ko. Yung van kasi ang dala ko at si Lea at Peri ang gagamit noon pauwi since hindi nga ako makakasama sa kanila.

Pagbibigyan ko lang ng dinner date si Carlson pero wala akong interes sa kanya.

Pinagbuksan ako ng pinto nang kotse ni Carlson kaya naman agad akong sumakay. Makalipas ang ilang sandali sumakay na rin si Carlson at sinimulang paandarin ang kotse paalis ng CDC Entertainment.

Ito ang unang beses na sumama ako sa isang male model para sa isang dinner na kami lang dalawa. Mostly kasi ay gatherings lang ang pinupuntahan ko at hindi talaga ako nakikipag-dinner kahit kanino dahil sa higpit ni Mommy kaya naman walang naglakas loob na ayain ako sa isang dinner date. Kahit nga kapartner sa isang gatherings ay hindi ko naranasan dahil si Mommy ang kasama ko palagi.

Minutes passed, narating namin ang isang pribadong restaurant. Pagkapark ni Carlson ng sasakyan ay agad itong bumaba at pumunta sa gilid ko para pagbuksan ako ng pinto.

Masyado siyang pakitang gilas but I find it amusing. Naaamoy ko ang character niyang si Erik.

"Thank you." sagot ko nang alalayan ako nitong makababa ng kotse.

Carlson is wearing a dark blue long sleeve, black pants and his signature shoes while me wearing black back less dress and sandals that's why I need Carlson's assistant.

Pagpasok namin sa restaurant ay agad kaming binati ng staff.

"Reservation for Carlson De Guzman." wika ni Carlson.

Itinuro kami ng staff sa isang sulok ng restaurant. Pinaghila ako ng binata nang marating namin ang mesa for two, pagkaupo ko ay agad akong nagpasalamat sa binata.

Hindi pa man nakakaupo si Carlson ay tinanong ko na ito. "Ano ba ang importanteng sasabihin mo sa akin at dito mo pa talaga ako dinala sa family business niyo?"

Ngumiti si Carlson sa akin at umupo ng maayos. "Save that later Alarie, it can wait but my stomach didn't. I'm hungry."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Carlson. Nahiya ako bigla sa inasal ko dahil baka aakalain niya na hindi ko siya gustong makasama which is totoo naman.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming kumakain ni Carlson dahil sa dami ng inorder nito. Mula sa plating at serving talagang matatakam ka sa pagkain nila kaya naman hindi ko napigilang maging patay-gutom sa harap ni Carlson.

"I didn't know you we're this kind of not being peeky when it comes to food?" basag ni Carlson sa katahimikan ng mesa namin.

Naibaba ko ang kubyertos ko at nagpunas ng labim Umatras bigla ang sikmura. "Not really. My Mom didn't taught me to became peeky when it comes to food since I have a strong and fast metabolism."

"Oh, really? Even though your body is perfect as a model. You are not bothered if your figure will get destroyed when you eat too much?"

"No."

Napangiti ang binata sa naging sagot ko. Ibinaba nito ang sariling kubyertos at hinarap ako.

"Actually, I have something to tell you. The truth why I invited you for this dinner is to know you better and I didn't expect what I've discover."

Kumunot ang noo ko.

'Ano bang gustong palabasin ng lalaking ito?'

"I find it amusing when I saw how you enjoyed the food without any worries if you get fat or something--"

"Wait? Will you go straight to the point?" putol ko sa sinasabi ni Carlson. Humahaba na kasi eh, at tyaka ang pagiging matakaw ko ang topic niya which is nakakahiya sa tulad naming model.

Carlson take a deep breath and cleared his throat. "I like you Celyn Alarie Bautista. Will you be my girlfriend?"

Natulala ako sa mga binitawang salita ni Carlson.

Paanong nangyari yun? I mean, ilang beses na kaming nagkakatrabaho pero ni katiting wala akong nararamdaman sa kanya.

"Carlson kasi-" naputol ang sasabihin ko nang itaas ng binata ang isang kamay nito.

"No need to rush, Alarie. You can think about it and you can give me your answer anytime you want."

Pekeng ngiti ang binigay ko kay Carlson.

Nakahinga rin ako nang maluwag ng sabihin ni Carlson na pwede ko pang pag-isipan kahit na wala ako no'n.

Pakiramdam ko nawindang ang buong pagkatao ko sa naging confession ni Carlson. Hanggang sa hindi ko namalayan, naiuwi ako ni Carlson sa bahay namin dahil sa pagiging lutang ko.

"See you tomorrow, Alarie."

Napaigtad ako ng maglapat ang labi ni Carlson sa noo ko na siyang dahilan para lalong magulo ang buong sistema ko.

Hanggang sa makaalis si Carlson, nanatili pa rin ako sa labas ng bahay namin. Pilit na pinoproseso ng utak ko ang mga kaganapan ngayong gabi. Mula sa 'I miss you' ni Calvin hanggang sa 'I like you' ni Carlson, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nasapo ko ang sarili kong noo nang mag-flash sa memorya ko ang mukha ni Calvin. Hindi ko alam kung bakit pumasok siya sa isip ko kahit na ang gusto kong pagtuunan ng pansin ay kung paanong irereject ang proposal ni Carlson.

Pero ganun na lamang ang gulat ko ng maramdaman sa aking tenga ang isang mainit na hininga.

"See you tomorrow, Alarie.. aww what a nice view?"

Napalingon ako sa likuran ko at hindi ko alam na nakayuko pala si Calvin malapit sa tenga ko at aksidenteng nahalikan ko ang gagu.

Tila nakarinig ako ng malakas na fireworks sa paligid ko, maging ang mga boses ng anghel na nagsikantahan sa paligid ay malinaw kong naririnig.

Ang hazel brown na mata naman ni Calvin ang tanging nakikita ko nang bigla itong pumikit at hilahin ang bewang ko palapit sa kanya.

Calvin deepen our kiss as if he was missing me this badly kahit na magkasama lang kami last week sa isang event na pareho naming dinaluhan at kanina sa taping. Sa hindi inaasahan ay wala sa sariling naipikit ko ang aking mga mata at nilalasap ang halik na ibinibigay ni Calvin sa akin.

Calvin moved his lips unto mine that gives me butterflies in my stomach. Ibang-iba ang halik na ito sa unang araw na ninakaw ni Calvin ang first kiss ko.

Makalipas ang ilang minuto, habol ang hininga naming pareho -- binitawan ni Calvin ang bewang ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi para ikulong sa sariling palad nito.

"You cheater."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Calvin kaya naitulak ko ito ng malakas.

"S.. sinong c.. cheater? Gagu ka!"

Umalingawngaw sa kalsada ang tawa ni Calvin dahilan para matulala ako sa harapan nito. His laugh is like music to my ear.

'Get on your grip, Celyn! Dalawang beses ka ng ninakawan ng halik nang gagu na yan kaya umayos ka!'

Lumagapak ang palad ko sa braso ni Calvin dahil sa inis ko.

"Aray! Ano ba!?" napigilan ni Calvin ang kamay ko na ipinampalo ko sa kanya pero ang loko tumatawa pa rin.

"Tangina ka! Nakakadalawa ka na. Ibalik mo sa akin first kiss ko!?" nanggagalaiting sabi ko rito.

"Excuse me, Miss Perfect? You are the one who kissed me and I'll just do the honor to make you feel how sweet and good kisser I am. Also, for your information I am not a giver but a good stealer." aniya at kumindat pa ang loko with matching tunog ng dila na akala mo tambay sa kanto.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo!? Ano ba kasing ginagawa mo dito sa harap ng bahay namin at nakikiusisa ka sa buhay ng iba!?"

"I forgot to tell you something that's why I am here but that damn Carlson stole you from me." parang bata na nagsusumbong si Calvin. Hahatawin ko sana siya ulit pero hindi niya binitawan ang mga kamay ko.

Umigkas ang paa ko para sipain sana siya pero isinandal ako ni Calvin sa kotse na nakaparada, which is kotse niya.

"Quit hitting me Miss Perfect, or I will rubbish your lips again. Choose?"

"Ulul." umigkas ang ulo ko papunta sa noo ni Calvin para bigyan siya ng headbat at sa kabutihang palad, tumama ang noo ko sa noo niya.

"Shit!" aniya na tila nasaktan sa ginawa ko.

I smirk at Calvin's face as I fix myself and looked at him while he's holding his forehead.

"So, naalog na rin naman siguro ang brain mo. Tell me what the hell are you doing in front of my house?" pang-aasar ko kay Calvin habang pinapagpag ang kamay ko na animoy may buhangin.

"Fine! Pumunta ako dito para magpaalam, dadalhin namin ni Gun si Isla sa Iceland."

Nabalot ng pag-aalala ang mukha ko at lumapit kay Calvin. "Iceland? Malayo yun diba, tyaka bakit doon niyo dadalhin si Isla?" sunod-sunod na tanong ko.

"Iceland is Gun's territory and all of the amazing doctors are there. I promised to make her well again right? And I promised to myself, that's the last day I will see your tears. Ang panget mo kasi pag umiiyak--aray!"

Piningot ko ang tenga ni Calvin. Okay na sana eh, nanglait pa! At feeling ko masyadong komportable ang lalaking ito sa tuwing maghaharap kaming dalawa and I feel the same way.

"Umayos ka kasi!"

"Oo na. Battered husband labas ko sayo--o, hindi na. Magseseryoso na." pigil nito sa kamao kong handang dumapo sa mukha niya. Kung anu-anong kababalaghan kasi ang lumalabas sa bibig niya.

"Isa pa, babasagin ko mukha mo." banta ko rito pero ang gagu nagpa-cute lang.

"As I was saying, dadalhin namin si Isla sa Iceland though I am not sure when we will coming back but I will make sure that everything is settled for Isla's recovery and medication. Mapagkakatiwalaan naman si Gun but I do have a business in other country too so mawawala ako ng mga three months lang naman."

"Ah, okay." sagot ko.

Akmang papasok na ako sa loob ng bahay namin nang biglang hilahin ni Calvin ang braso ko at napatili ako dahil muntikan akong matumba pero nasalo ni Calvin ang katawan ko.

"Careful." aniya.

Itinulak ko si Calvin at inayos ang damit ko. "Bakit ka ba kasi nanghihila!?" pagalit na tanong ko dito.

"Okay lang sagot mo? Wala bang 'ingat sa byahe', 'mamimiss kita?'" aniya.

"Bakit? Si Isla ka ba?"

"Ito naman, ninakawan mo na nga ako ng halik wala pang take care, goodluck at i love you?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy lalaki! Ito ang tandaan mo ah, hindi kita jowa para sabihan ng ganyan at isa pa anong sinasabi mo dyan na ninakawan kita ng halik? Ang kapal ng mukha mo!"

"Makapal talaga mukha ko, kahit nga sa baba ganun din." aniya at itinuro pa ang gitna ng kanyang pantalon na siyang ikinanlamig ng buong katawan ko.

"B.. bastos ka!"

Humalakhak si Calvin sa naging reaksyon ko at bigla itong tumakbo papasok ng kanyang kotse nang akmang bibigwasan ko ang lalaki.

"Don't worry, Miss Perfect I will call you from time to time kapag nasa Iceland na kami ni Isla. Bye-bye Miss Perfect, I love you!"

Inihit ako ng ubo nang biglang pasibatin ni Calvin ang kanyang kotse.

"T.. tangina mo talaga Calvin De Chavez!!"

Nanggagalaiting sigaw ko sa labas ng bahay namin.

SOMEONE'S POV:

--

"Nakuhanan mo ba?" tanong ko sa kasama kong paparazzi na ni-hire ko pa para sa plano kong ito habang nakatingin kay Celyn na nagdadabog sa labas ng bahay nila.

"Kuhang-kuha Boss, lahat ng anggulo kinunan ko." sagot naman nito habang nakangisi pa.

"Good. Make sure na maipadala mo yan sa bahay ko bukas. Umpisa pa lang ito ng pagpapabagsak ko sa isang Celyn Alarie Bautista."

"Don't worry, makakaasa ka basta ba hindi mo kakalimutan ang napag-usapan natin."

I started the engine of my car and drove it away from Celyn's house. Sinadya kong dumaan sa harapan ni Celyn but that woman is too busy in her own business.

'Tignan na lang natin kung hindi ka iiyak sa mga susunod na araw, Celyn. Nagkamali ka ng binangga kaya ibibigay ko sayo ang magandang laban na dapat ay sa akin nakalaan. You are not deserve to be part of that movie and your existence stinks me that much everytime I see you. Wait for your own fall as the skies grant me this wish of mine!'

--