Chapter 13: Meet Doc Gun...

CELYN'S POV:

--

NAGPASYA akong dalawin si Isla sa ospital dahil yun ang hiling ng bata. I decided to disguise myself as Loraine in the movie para hindi ako maka-attract ng crowd sa ospital lalo na't public place yun.

Suot ang isang mahabang palda, plain t-shirt, cap, sneakers, eyeglass at back pack na may lamang wallet at cellphone. Nabili ko lang ang mga ito sa bangketa sa labas ng subdivision namin.

Nang makitang ayos na ang buong get-up ko for my disguise ay agad akong lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa ang isang kasambahay namin nang mapatili ito ng makita ako.

"Diyos na mahabagin, Celyn ikaw ba yan?" gulat na tanong ni Yaya Loida.

Napangiwi ako. "Sorry yaya, may pupuntahan kasi ako." paalam ko rito.

"Teka, alam ba ng Mommy mo kung saan ka pupunta?" usisa niya ng makita ang ayos ko at sinuri pa talaga kung ako nga ba si Celyn Alarie Bautista na salat sa mga mamahaling alahas at damit.

"Hindi po."

"Alam mo naman kung paano mag-hysterical ang Mommy mo pag nalamang wala ka dito sa bahay. Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Break po ng team namin sa taping. Yung taping nila Carlson ang inaatupag po nila ngayon. Pupunta kasi ako ng ospital."

"Bakit? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Yaya at tinignan pa kung nilalagnat ba ako.

"Naku, Ya wala po. May dadalawin lang po tyaka pupunta na rin po ako ng bookstore."

Lagi kasi akong kinukulit ni Sinji na bilhin ang nailimbag na libro ni Saviel. At dala na rin ng curiousity, gusto kong basahin ang libro dahil trending nga siya sa twitter at facebook.

Ginagawan pa ng ranking kung sino ang pinaka sikat na character sa libro at halos patok sa netizen ang rankings ng HuPoFEL members. I got curious that's why I decided to read them immediately para naman makasabay ako sa trend hindi lang puro trabaho ang inaatupag ko.

"Siya, sige. Uuwi ka naman siguro agad diba?"

"Yaya malaki na po ako."

"Alam kong tumatanda ka na pero ang Mommy mo tumatanda ng paurong sa pag-aalala sayo."

Natawa ako sa sinabi ni Yaya Loida. Tuwing weekend lang pumupunta si Yaya sa bahay namin para maglinis dahil nga sa lagi kaming wala ni Mommy. Siya at ang kanyang pamilya ang katiwala namin dito sa bahay sa tuwing wala kami dahil sa trabaho ko.

"Sanay na po ako kay Mommy."

"Siya sige na at ika mo nga ay may pupuntahan ka." pagtataboy pa nito sa akin.

"Sige po. Uuwi po ako ng maaga Yaya, don't worry po."

Matapos kong magpaalam kay Yaya ay agad pumunta sa parking lot ng aming bahay at sumakay sa sarili kong kotse. Ginagamit ko lang ito sa tuwing lumalabas ako ng mag-isa, bukod pa rito ang personally made na van na ginagamit tuwing may taping ako. Kompleto 'yon sa gamit at hindi ko na kailangang mag-alala sa tuwing gusto kong magpahinga.

Nagkataon lang talaga na nakatulog ako sa shooting site namin hindi lang isang beses kudi maraming beses dahil sa hindi mapigtas na bangayan namin ni Calvin at dala na rin ng pagod mula sa taping.

Makalipas ang isang oras, narating ko ang L. A Hospital kung saan na roon si Isla. Bumili na rin ako ng prutas at mga healthy foods na para sa bata.

Pagkapasok ko sa hospital ay agad akong dumiretso sa reception area ng hospital.

"Isla De Guzman?" bungad ko sa nurse na nakabantay.

"Kaano-ano niyo po yung bata?" aniya habang tinitignan sa computer nito ang record ni Isla.

"Kapatid po."

"Nalipat po siya ng ICU."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng nurse.

"ICU? Bakit?" takang tanong ko.

Noong huling tumawag sa akin si Isla nitong nakaraan ay okay na siya, bakit napunta siya sa ICU?

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ng nurse at agad akong naglakad sa pasilyo para hanapin ang ICU pero nung pagliko ko sa isang sulok ay nalaglag ang dala kong prutas at pagkain nang bumangga ako sa matigas na bagay.

"A.. aray." daing ko habang hawak ang nasaktang braso dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga namin ng kung sino mang nilalang ang nasa harap ko.

"Are you okay?" sabi nito.

"Mukha ba akong okay? Ang sakit ng pagkakabangga mo!" sagot ko at inisa-isang pulutin ang mga prutas na sumabog mula sa basket na dala ko at yung pagkain na natanggal sa lalagyanan nito.

Hindi nga ako natumba pero yung dala ko ang nadamay.

"I'm sorry. Need help?" aniya at tinulungan akong iponin ang mga prutas para muling ilagay sa basket. Matapos naming mailagay ang mga prutas sa lalagyan ay agad kaming tumayo ng maayos.

Nang maiangat ko ang paningin ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko.

"What the fuck are you doing here?"

Napapikit si Calvin na tila nabingi sa boses ko. "Another episode of crunchy curse coming from Miss Perfect? Nice timing!" aniya habang tinatagtag ang tenga nito na parang may bumara.

"Huwag mo akong dinadaan sa pagiging chicharon mo! Anong ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ko.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa ospital? Tumatambling?" pilosopong sagot nito.

Kung wala lang akong dala, binigwasan ko na ang lalaking ito. Ang aga-aga mukha niya agad ang nakita ko!

"At teka nga, why are you look like that? We're not doing any shoot today Loraine Joy."

"Tanga! Disguise ang tawag dito."

"Ouch! That hurts." sagot pa nito at napahawak sa sariling dibdib na tila nasaktan sa sinabi ko.

Mukha siyang tanga na nagpapa-cute sa crush niya.

"Teka nga, crush mo ba ako? Napapansin ko lately masyado kang epal sa mga ginagawa ko!" wika ko ng walang atubiling ibinato sa kanya ang paratang ko kahit alam kong hindi naman totoo. Hindi na lingid sa akin na may magkagustong lalaki. Pero ang isang Calvin De Chavez ang magkagusto sakin?

It's a big no!

A smirk carved on Calvin's face as he step his own feet towards me to cornered me on the wall. Lumapat ang isang kamay nito sa pader malapit sa mukha ko. Kaya naman humigpit ang yakap ko sa basket at plastic na dala ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga pasyente, bisita at nurse na napapadaan sa gawi namin pero wala kaming pakialam sa kanila.

"What if I said I like you, what would you do?" hinawakan nito ang ilang hibla ng aking buhok gamit ang libreng kamay nito na may nakapaskil pa rin ngisi sa labi nito.

'Ang gwapo-- behave ka nga Celyn! Hindi mo siya type! Hindi ka mahilig sa exotic kaya manahimik ka!'

Umakyat ang lahat ng dugo papunta sa mukha ko.

"H.. huh! I.. in your dreams Mr. Perfect! Hindi ko pinangarap na maging girlfriend mo."

"Aww. Confession pa lang tayo Miss Perfect. But that was a nice suggestion coming from your beautiful and kissable lips. Mind if I kiss you here?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marahang lumalapit ang mukha nito sa mukha ko kaya naman inipon ko lahat ng lakas ko at walang atubiling tinulak ang lalaki.

"U.. ulul mo! Lubayan mo nga ako!"

Iniwan ko si Calvin doon at agad akong nagmartsa paalis sa harapan niya. Feeling ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba dahil sa kalokohan niya.

Nang makalayo ako ay agad kong ikinubli sa utak ko ang kaganapan kanina at hinanap ang ICU. Sa kabutihang palad ay nakita ko naman agad.

Mula sa isang malaking salamin na nakadikit sa pader bilang bintana ng ICU. Sumilip ako doon at ganun na lamang ang panghihina ko nang makita ang kalagayan ni Isla.

Isla's body covered in different machine with lots of oxygen.

Hindi ko namalayang nabitawan ko ang mga dala ko at natutop ang sariling labi nang makita ang kalagayan ni Isla.

Napaatras ako at muntikang matumba pero naramdaman ko na lamang na may umalalay mula sa likuran ko para hindi ako tuluyang matumba. I saw Calvin's face with a worried look.

Walang atubiling niyakap ko si Calvin at doon umiyak na parang bata.

Ang dami kong reklamo sa buhay pero hindi ko naisip na merong mas naghihirap pa pala sa akin. Nagpapasalamat ako sa Diyos na lumaki akong healthy pero hindi kaya ng puso ko na makita ang ibang tao na pilit lumalaban sa sakit nila para mabuhay.

Pero sa nakikita ko kay Isla, lumalaban naman siya pero ang katawan niya mismo ang sumusuko sa kanya.

Ramdam ko ang paghigpit ng yakap ni Calvin sa akin pero ni isang kataga ay wala akong narinig sa kanya. Tanging ang hikbi ko ang umaalingawngaw sa pasilyo ng ICU kung saan naroon si Isla.

Namalayan ko na lang na nasa isang upuan na ako at nasa tabi ko na ang mga pinamili kong prutas at pagkain. Naiangat ko ang paningin ko nang tumabad sa harapan ko ang isang bottled water.

Marahan kong tinanggap ang bote ng tubig nang maupo si Calvin sa tabi ko.

"Drink it. You cried a lot." aniya.

Napanguso ako. "Mang-aasar ka na naman ba?" inis na wika ko rito bago binuksan ang bote ng tubig at uminom doon. Alam kong namamaga ang mata ko dahil sa ilang oras na pag-iyak ko. Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil tanghali na.

"No." sagot nito na walang halong biro.

Natigil ako sa pag-inom nang makitang nakatingin si Calvin sa malaking salamin kung saan makikita ang katawan ni Isla na puno ng aparato para maisalba ang buhay nito.

"Her name is Isla De Guzman." panimula ko kahit hindi tinatanong ni Calvin. Nanatili lang itong tahimik at nakatingin pa rin sa salamin. "I met her noong napadaan ako sa park para mag-isip isip then bigla siyang sumulpot sa harapan ko out of nowhere. I thought I already had all the problems in the world because of my career but when I met Isla, I was wrong. Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ko naranasang tumira sa ospital pero sa kaso ni Isla, its kind of very painful than my own problems. Kumbaga yung pinoproblema ko ay hindi pa kalahati sa pinagdadaanan ng bata pero kung makangawa ako sa park, parang katapusan na ng mundo."

"You don't need to compare yourself to her. You were lucky that you already have this kind of life unlike her. I mean hindi ko sinasabi na malas siya sa kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon but every persons lives has a meaning behind it. In this world, everyone has a different story, may tragic, living in luxury, urban nations or even living alone and fight for their lives. Masasabi nating pare-pareho tayo but we are all have a different story. Nagkataon lang na napunta ang bata sa maling katawan." ani ni Calvin.

Bumuntong-hininga ako at napatitig sa bottled water na hawak ko. "Alam ko, but Isla's case is one of the heartbreaking story I ever heard. Her parents already gave up on her and she's fighting alone her life to live for her loved once but they are already gave up on her one by one."

"She's not alone."

Naiangat ko ang paningin ko kay Calvin.

"You are here and she got you right? Even though you are not related to each other but you gave her an importance to make her feel that she's not alon anymore. Talikuran man siya ng mundo, she knows that there is someone waiting for her and that is you Miss Bautista." sabay kaming napatingin sa salamin ng ICU. "Humuhugot siya ng lakas sa'yo because she treats you as her friend to lean on and here you are crying your heart out when you find out about her condition. I know she will be happy if she sees you right now."

Napangiti ako.

"You know it's my first time to act like this, like crying my heart out to someone like you, being friends with Isla. Even my friends at my age didn't know what I am going through or what I am doing."

"So, swerte ko pa sa lagay na 'to?"

Lumagapak ang kamay ko sa balikat ni Calvin dahilan para tumawa ito. Nagsisimula na naman kasi siya sa pang-aasar sa akin.

"Ang epal mo no?" inis na wika ko rito.

"Hey, that hurts. I really love seeing your face being pissed so please don't cry infront of me. You look like a crumpled paper, you know?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Walang atubiling sinakal ko ang leeg ni Calvin pero ang loko lumalayo sa akin habang tumatawa.

Natawa na lang din ako dahil sa kalokohan niya.

Natigil lang ako sa pagsasakal kay Calvin nang makarinig kami ng tikhim mula sa likuran namin at ganun na lang ang paglukob ng hiya sa balumbalunan ko ng makita ang isang lalaki na nakasuot ng lab gown at sa tingin ko ay doktor siya at si Nurse Joy na personal nurse ni Isla.

Bigla akong tumayo mula sa kinauupuan ko at hinarap ang doktor at si Nurse Joy.

"I thought you already gone?" saad ng doktor.

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya pero nakayuko lang ako.

"Yeah, I did." sagot naman ni Calvin na tila bored pa. Nakita ko sa gilid ng mata ko na umayos ng upo si Calvin at inayos ang lukot nitong damit at buhok.

"Ahuh? Don't tell me you have a clone and I didn't know you were this kind of flirty De Chavez? At sa ospital pa talaga?" may halong pang-aasar sa boses ng doktor kaya naman naiangat ko ang paningin ko at ganun na lamang ang pagtataka ko ng makitang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Calvin habang si Nurse Joy naman ay nakangiting kumaway lang sa akin.

"Oh please Gun, don't lump me in from your own accord. I am not like you." sagot naman ni Calvin.

"M.. magkakilala kayo?" singit ko sa usapan nila.

Doc and Calvin looked at me. Bumuntong-hininga si Calvin bago tumayo at nakapamulsang pumwesto ito sa gilid ko.

"Taas ng bakod pre ah? Girlfriend mo?" sabi naman ng doktor.

Bumaling sa akin ang atensyon ni Calvin at hindi pinansin ang sinabi ng doktor.

"His name is Glyden Ulysses Norhton Thorndike, Gun for short. He's the head doctor of this ospital owned by a certain person we know." pakilala ni Calvin.

Inilahad ni Doc Gun ang kamay nito sa harapan ko kaya naman nagpakilala ako dito. "I am Celyn Alarie Bautista." akmang aabutin ko na ang kamay ni Doc Gun pero naunahan ako ni Calvin.

"Nice to meet you daw Doc and no, she's not my girlfriend." ani ni Calvin at inemphasize pa ang salitang Doc.

A smirk carved on Doc Gun's face at sinapak ang kamay ni Calvin para mabitawan siya nito. "Tangina mo Calvin, binata ka na." tumatawang asar pa ni Doc Gun. Dinamba ng yakap sa leeg si Calvin ni Doc Gun at ginulo nito ang buhok ng binata na akala mo magkapatid kung maglambingan.

Hindi ko masundan ang usapan nilang dalawa kaya naman napapailing na nilapitan ko na lang si Nurse Joy para itanong ang kalagayan ni Isla.

"Nurse Joy kamusta si Isla?" bungad ko rito.

Napalingon sa akin si Nurse Joy, inaayos niya kasi ang damit niya.

"Gusto mo bang pumasok para makita si Isla? May lab gown dyan sa isang kwarto pwede ka magpalit."

Napangiti ako at marahang tumango sa sinabi ni Nurse Joy. Agad naman akong tumalima at pumasok sa isang room kung saan naroon ang mga lab gowns na pwedeng gamitin kung gustong pumasok ng kapamilya sa ICU.

Hindi kasi pwedeng ipasok ang damit na suot mo sa ICU kaya kailangan lahat ng gagamitin ng bisita ay naka-sterile mula lab gown, lab shoes, cap, facemask and gloves. Mabilis macontaminate ng virus ang loob ng ICU kaya kailangang malinis lahat from head to toe even the surrounding itself.

Sinunod ko lang din kung ano ang nakasulat sa intructions. Inalis ko na rin ang suot kong sumbrero at pinalitan yun ng hair net na color blue. Parang rain coat lang din ang lab gown na meron sila dito kaya hindi rin hassle ang pagpapalit ng damit.

Paglabas ko ay nakasuot na rin ng lab gown si Calvin na tulad ng sa akin. Hindi ko na siya pinansin at sumunod na lang kay Nurse Joy at Doc Gun ng pumasok sila sa ICU.

Lumapit ako sa kama kung saan nakahiga si Isla. Napangiti ako nang makita ko itong gising na.

"Hi, Isla. Kamusta ka na?" bungad ko kay Isla. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko nang hawakan ko ang kamay ni Isla na merong mga aparatong nakakabit.

Hindi siya makasagot sa akin dahil merong oxygen sa kanyang bibig.

Ngumiti lang si Isla pero bakas sa mga mata ang lungkot at sakit na pinagdadaanan nito.

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Nurse Joy na abala sa pagc-check ng mga machine na nasa tabi namin.

"Nurse Joy, may I ask? How's Isla's condition?" naglakas loob akong magtanong kahit na wala akong karapatan na malaman ang kalagayan na Isla but I need to know.

Tumingin sa akin si Nurse Joy at kay Isla. Humihingi ata ng pahintulot sa bata. Humigpit ang pagkakahawak ni Isla sa kamay ko kaya naman napatingin ako dito.

"Isla's condition is getting worse, Miss Celyn." walang atubiling sagot ni Nurse Joy sa akin.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Naramdaman ko rin ang presensya ni Calvin sa likuran ko as he patted my shoulder as if he's telling me that he is there and everything will be alright.

"Nitong mga nakaraang araw ay dumalaw si Mr. De Guzman at inilabas niya si Isla without Doc Gun's consent. Isla exposed were smoke all over the place in short, napadpad sila sa ihawan ng street foods ng mga nagtitinda dyan sa labas nitong ospital. Paliwanag ni Mr. De Guzman, yun ang hiling ni Isla na makakain ng nasabing street food pero mahigpit naming ipinagbabawal na hindi pwedeng makalanghap ng kahit anong usok si Isla dahil sa sakit nitong COPD and Isla knows her biundary at her age. We were doing everything we should do but Mr. De Guzman didn't listen what Doc Gun says kaya nauwi sa ganitong sitwasyon si Isla. Sorry to tell this but I think her family wanted her to dissappear." paliwanag ni Nurse Joy na may halong lungkot at pagkahabag sa nangyari kay Isla.

Isa kasi si Nurse Joy sa mga nakakasama ni Isla for her treatment kaya nasasaktan din ito. Pilit nitong tinutulungan na mapagaling si Isla, but Isla's family is the reason for the kids condition to get worst.

Their all evil!

"I heard, De Guzman Enterprises is already's under Isla's name kaya ganun na lang kagusto ni Mr. De Guzman na mawala ang sarili nitong anak. Her Grandfather did that on his will of inheritance at wala sa kahit na sinong De Guzman ang nagmana ng ari-arian ng Don kundi si Isla lamang." dugtong naman ni Doc Gun.

Binalot ng lungkot ang dibdib ko sa mga naririnig ko. Sa ganitong edad ni Isla, hindi niya deserve na maranasan ang ganitong trato. Her own family wanted her to vanish from this world beacuse of money.

"A.. ate?" rinig kong tawag ni Isla.

Hindi ko napansin na inalis muna ni Nurse Joy ang oxygen na nasa bibig ni Isla kaya naman hinarap ko ang bata.

"Isla." tawag ko rito.

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang bawat pagbagsak ng dibdib ni Isla habang sunod-sunod itong humihinga na tila hinihingal.

"I.. I w.. want to l.. live po, A.. ate. I.. I don't w.. want to be a De Guzman po. Please do something t.. to ease this pain." pakiusap ni Isla dahilan para lalong madurog ang puso ko.

"Don't worry Isla. Andito si Ate ha? Hindi kita pababayaan basta maging strong ka lang and please sundin mo ang lahat ng sasabihin ni Nurse Joy at Doc Gun okay?" saad ko kay Isla habang humihikbi ako.

Muling ibinalik ni Nurse Joy ang oxygen kay Isla para bumalik sa dati ang paghinga nito.

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Doc Gun at lumapit dito. Hinawakan ko ang laylayan ng lab gown ni Doc Gun. "Doc wala na ba talagang paraan para mapagaling si Isla? Kahit ako na ang magbayad ng bills niya dito sa ospital kahit na magbanat ako ng buto kaka-taping at model basta mapagaling lang siya. Kahit lumuhod ako sa lahat ng santo sa mga simbahan sa buong mundo gagawin ko." lumuhod ako sa harapan ni Doc Gun sa sobrang panghihina at sakit na nararamdaman.

"Miss Bautista, please calm down and get up from there." walang atubiling binuhat ako ni Doc Gun mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at tila isa akong prinsesa na maingat na iniupo muli sa silya sa tabi ni Calvin.

Doc Gun heaves a sigh pero mas nangingibabaw ang hikbi ko sa loob ng ICU.

"Money is not a problem Miss Bautista. Hindi mo obligasyon si Isla but we are doing our best to cure her."

"Don't give her that kind of assurance Gun." sabat naman ni Calvin.

"Hindi ko siya binibigyan ng assurance Calvin, ang sa akin lang... okay ganito na lang Miss Bautista." umupo si Doc Gun sa harap ko habang ang tuhod nito ay nakalapat sa sahig na tila magpopropose ng kasal sa akin. "Will you let Calvin handle these? Ipaubaya mo siya sa amin since wala na ngang pakialam ang parents ni Isla sa kanya kundi pera lang ang habol nila."

"P.. please do everything to cure her. Please Calvin!?" napahawak pa ako sa kamay ni Calvin at doon nagmakaawa.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Calvin at niyakap ang ulo ko papunta sa kanyang tyan dahil nga sa nakaupo ako.

"Alright. I'll do it. Pwede bang tumayo ka dyan Gun? Para kang tanga." paninita ni Calvin sa kaibigan dahilan para matawa si Doc Gun.

"Ito naman di na mabiro, hindi ko naman pakakasalan si Miss Bautista. Si Isla pinag-uusapan natin dito." sagot naman nito bago padabog na tumayo at lumapit kay Nurse Joy.

"Nurse oh inaaway ako ng bwisita."

"Umayos ka nga Doc." natatawang sagot naman ni Nurse Joy.

Pero ako nanatili lang akong nakayakap sa bewang ni Calvin. Dalawang beses na nagbreak down ako sa harapan ni Calvin at hindi namin namalayan na nakatulog na si Isla.

"Stop crying Miss Perfect." rinig kong sabi ni Calvin at binitawan ako nito mula sa pagkakayakap at hinarap niya ako.

Gamit ang sariling kamay, pinunasan ni Calvin ang mukha ko na punong-puno ng luha at uhog -- charot, di kasama yung uhog.

"Sorry, I don't have any handkerchief right now but you can use my shirt."

"Gagu! Naka-lab gown tayo."

Calvin smiled at me. "Right. Stop crying, okay?"

Matapos ang makabagbag damdaming tagpo namin ni Isla. Calvin and Doc Gun decided to treat Isla and bring her to other country. Hindi ko alam kung saan nilang bansa dadalhin si Isla pero siguraduhin lang nila na gagaling si Isla.

"Where do you want to go?"

Nagising ako mula sa pagkakatulala nang marinig ang boses ni Calvin. Kasalukuyan kaming nasa harap ng isang mall -- ang DezRail Mall. At nasa loob rin ako ng sasakyan ni Calvin. Sa pagkakaalala ko may dala akong sasakyan?

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko.

"Uh! Picnic?" alanganing sagot ni Calvin na naging dahilan ng paniningkit ng mata. "I'm joking. Gutom na ako and it's already 2pm in the afternoon, so shall we?"

Inirapan ko na lang si Calvin at nauna akong bumaba sa sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto I am living as an independent woman.

Akmang maglalakad na ako papasok ng mall nang mapadaan ako sa salamin ng isang sasakyan.

"Oh my God!" tili ko nang makita ang sarili kong reflection sa salamin ng sasakyan. Maga ang mga mata ko at namumula rin ang ilong ko.

"What's the problem?" usisa ni Calvin matapos nitong mailock ang sasakyan.

"Ipapasok mo ako sa mall na ganito ang itsura ko?" humarap ako sa lalaki at tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"You look fine though. You're still pretty."

Tila nakarinig ako ng mga anghel na nagkakantahan sa paligid ko nang umalis si Calvin sa harapan matapos niyang sabihin ang mga kataga na 'yun.

Nakapamulsang naglakad si Calvin patungong entrance door mula sa parking lot nitong mall. Ramdam ko ang paghuhurumintado ng mga alaga ko sa tyan.

Nakita kong huminto si Calvin at muli itong humarap sa akin. "Still not satisfied with your looks? Come on, they won't judge you if you look like a garbage. I told you, you look still pretty even without a touch of make up or your eyes are puffy. Nothing change with your appearance, you're gorgeous in your own way."

Nakarinig ako ng tili sa kailaliman ng utak ko at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi kinaya ng tenga ko ang mga naririnig ko mula sa bibig ni Calvin.

Siya ba talaga yung lalaking nagnakaw sa akin ng halik sa elevator? Is he the Calvin De Chavez I know? Hanggang sa namalayan ko na nasa loob na kami ng mall nang magkahawak kamay dahil sa dami ng tao. Tila isang ordinaryong mag jowa ang eksena naming dalawa na mamimili lang sa mall or isang date bilang mag girlfriend/boyfriend.

Nang makita ko ang sikat na book store sa loob ng mall, agad kong hinila si Calvin papasok ng book store at agad na hinanap ang estante ng fiction books.

"Oy Harmony of Bullets." bulalas ko at nakangiting ipinakita ko kay Calvin ang hawak kong libro.

Agad na lumukot ang mukha ni Calvin nang makita ang hawak ko.

"Why do you like that kind of book?" nandidiring wika niya.

"Saviel wrote it. Look here, andito ang pangalan niya sa cover. Harmony of Bullets yung title tapos written by Saviel Hyuga."

Humalikpkip si Calvin na tila labag ang loob nito na pumasok sa book store. Hindi ko pinansin si Calvin at nagbrowse ako sa libro. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga pamilyar na pangalan sa libro maging ang pangalan ng sikat na banda ay naroon.

"Bakit nandito ang pangalan mo? Pati pangalan ni Sinji, Saviel, Gun at ang BlackHand?" inosenteng tanong ko.

Maganda yung plot pero nagtataka ako bakit nandito ang mga pangalan nila.

Calvin heaves a sigh. Inagaw nito mula sa kamay ko ang libro na hawak ko. "Don't read it!"

"Ano ba?! Ibalik mo sa akin yan!"

Itinaas ni Calvin ang kamay nito para hindi ko maabot ang libro.

"Hindi ba si Celyn yan? Yung artista?" rinig kong bulong-bulongan sa paligid.

"Ang ganda niya pala pag walang make-up?"

"Papicture kaya tayo?"

"Oy ano ka ba, baka i-snobin lang tayo?"

"Walang masama kung sumubok. Tara na!"

Napayuko ako at nailapat ko ang noo ko sa dibdib ni Calvin nang may lumapit sa aming grupo ng mga babae. Nasa pinakadulo kami ng book store kaya kami gaanong mapapansin kung dumugin man kami.

"Excuse me? Ikaw po ba si Celyn Bautista?" rinig kong tanong ng isang babae.

Nahihiyang naiangat ko ang paningin ko at ngumiti sa mga babae na sa tingin ko ay mga high school students.

"H.. Hi?" nauutal ko na bati sa mga ito.

"OMG! Siya nga girl, sabi ko sayo eh! Pwede po ba magpa picture?" sabi pa nung isa nilang kasama na mukhang matapang.

"S.. sure." tugon ko.

Tuwang-tuwa ang mga bata na magpapicture sa akin at hindi nila napansin na nasa likod namin si Calvin.

"Thank you po Ate. Ang ganda niyo po sa personal." pahabol pa ng mga ito.

"Aww. Thank you."

"Boyfriend niyo po?"

Nanglaki ang mga mata ko ng ituro ng isa sa mga kasama nila si Calvin na tahimik lang sa likuran ko.

"Ah.. ano-"

"Hi kids?"

"Shet ang pogi!" rinig kong tilian ng mga bata sa harap namin ni Calvin.

Napangiwi na lang ako ng dumugin nila si Calvin para magpa picture. Hindi nila alam na kasali si Calvin sa bawat picture na ginawa nila sa akin since nasa likuran ko nga lang si Calvin.

"Thank you po, Ate at Kuya."

Nakahinga ako ng maluwag nang magsialisan ang mga high schooler na nakapansin sa akin. Inagaw ko naman kay Calvin ang libro na gusto kong bilhin at naglakad papuntang counter.

"You really wanted to buy that one?" usisa nito habang nakasunod sa akin sa counter.

"Why not? I love the flow of the story and support na rin kay Sav since she's my friend."

"You'll have a nightmare if you read that one."

"Bakit ba ayaw mong bilhin ko ang libro niya? Pakialam mo ba sa trip ko?"

"Because I already read that a hundred times." nakita ko ang pamumula ng mukha ni Calvin pero agad itong tumalikod sa akin.

"May sikreto ka dito no?" usisa ko dito.

"W.. wala." aniya.

"Oh talaga? Babasahin ko pa rin!"

Matapos kong bayaran ang libro na binili ko ay agad kaming pumunta sa isang restaurant at doon nagpalipas ng oras. Calvin ordered everything what's on the menu. Hinayaan ko lang siya since siya naman magbabayad at pagkaupong-pagkaupo pa lang namin ay agad kong binasa ang libro na gawa ni Sav.

Na hook kasi ako sa description pa lang ng kwento. Ang lagay eh, kwento ni Dezrail at Ernaline ang tema nitong libro at ang plot twist sobrang ganda.

Hanggang sa matapos kaming kumain at naihatid ako ni Calvin sa bahay, ang libro pa rin ang kausap ko.