CHAPTER 7: Hatid

“Go Uno!”

“Go Acer!”

“Go Alloy!”

“Go Bank!”

“Go Kio!”

Rinig kong sigaw ng ilang babae na nanonood sa paglalaro namin, napatingin naman ako sa crowd ng mapansin kung gaano kadami ang nanonood kumpara sa kanina.

“Ay iba, may fansclub” saad ni Alloy sa amin at itinuro ang isang grupo ng mga babae sa taas ng upuan na may dalang tarpaulin at mukha ni Acer ang nakalagay. “Dapat rest in peace nakalagay diyan eh” saad naman ni Bank, napataw naman kami sa sinabi niya.

Tumayo naman si Acer at kumaway sa mga babae rason kung bakit nagtilian ito. Pagkaupo niya ay agad naman siyang binatukan ni Kio “umayos ka ‘bay, may nanonood” bulong ni Kio pero narinig ko naman.

Napatingin naman ako sa tinitingnan ni Kio at ni Acer at doon nakita ko si Atasha at Dos. Si Atasha na parang bored at napilitan lang pumunta dito at si Dos na masama ang tingin sa mga babaeng nagc-cheer kay Acer. Napatawa naman ako sa nakita at napailing nalang dahil masyadong halata itong si Dos.

“Odelle, pasok na” rinig kong saad ni Kuya Atom, nagsisilbing coach namin. Agad naman akong tumayo ng mapansing ako lang pala ang nasa bench pa. Nag-umpisa na ulit ang laro at rinig ko kung paano magsigawan ang mga tao dito para i-cheer ang mga team na kanilang gusto.

“Alloy!” sigaw ko at pinasa kay Alloy ang bolang hawak ko, nang mahawakan ang bola ay agad naman siyang tumakbo at pumwesto sa 3-point line. Itinaas naman niya ang kamay niya at ini-itsa ito sa ring.

“3 points for the visitor!” rinig kong anunsiyo ng announcer sa gitna ng malakas na sigawan.

“Go Alloy!”

“Go Tigers! Para sa ekonomiya!”

Iba’t-ibang pagc-cheer na narinig ko mula sa mga manonood. Tumakbo naman ako para harangan ang player ng taga kabilang team. Habang si Bank naman ay ipinasa ang bola kay Kio. Pagkahawak ng bola ay agad naman itong initsa ni Kio sa ring, narinig ko agad ang sigawan ng mga manonood.

Napatawa naman ako ng mag-bow si Kio sa gitna, “Kio ang gwapo mo” rinig naming sigaw ng isa sa mga babaeng nasa bench ng kabilang team naka upo. “Mukha talaga ng kapatid ko oh” narinig kong saad ng hinaharangan ko at tumawa, napatawa rin ako sa narinig.

“Time, Mr. Referee at ang nanalo, Visitors” anunsiyo ng announcer pagkatapos maglaro. Agad naman kaming pumwesto sa gitna ng court para makipag shake-hands sa mga naging kalaban namin. Pagkatapos mag pasalamat at magkamayan ay agad kaming lumapit sa upuan namin.

“Kuya, congrats” bungad ni Dos sa amin na ngayon ay nasa upuan na pala namin. Tinignan ko naman ang katabi nito na ngumingiti habang inaabot sa akin ang bottled mineral water. Inabot ko naman ito at agad na tumabi sa kanya “Salamat Atasha, buti at nanood ka” saad ko habang binubuksan ang bottle, “oo, wala rin naman kasing magawa” sagot nito at kinuha ang towel na nasa bag ko.

Napalingon naman ako sa likod ko ng mapansing may kumalabit sa akin, “congrats Uno” saad ng isang babae pagkalingon ko, agad naman akong yumuko at nagpasalamat sa kanya. “Uuwi na kayo?” tanong nito sa akin, binaba ko naman ang bottled water at umiling “hindi ko alam” saad ko. “If you want, you can join us magse-selebrate for the team” saad niya at itinuro ang taga kabilang team na nakalaban namin.

Napalingon naman ako sa taga kabilang team at nakita kong kumaway sila sa akin, “ano? You gonna join us?” tanong nito ulit. Magsasalita na sana ako ng makarinig ng malakas na bunton-hininga ni Atasha, “sorry miss, may lakad kasi kami” she said sweetly ng hindi tumitingin sa babae.

Napatingin naman ako sa kaniya ng maramdaman ko ang dahan-dahang pagdampi ng tuwalya sa mga balikat ko. “Diba honey?” pagpatuloy ni Atasha na ikinatigil ko. Narinig ko naman ang hiyawan ng mga kasamahan ko pati na rin ang pangkakantsaw nila sa akin, sa amin.

Yumuko naman ako ng kaunti para makita ang mukha ni Atasha at nakita ko kung paano niya nilakihan ang mata niya na parang nagsasabi na papatayin niya ako kapag hindi ako sumang-ayon. Binalik ko naman ang baling ko sa babae at nginitian, “oo may lakad kasi kami eh, pasensya na” saad ko sa kanya. Tumango naman ang babae at nagpaalam.

“May lakad kasi kami mamaya, diba honey?” napalingon ako kay Alloy dahil sa narinig, agad naman silang nagtawanan na ikinalingon namin ni Atasha. Kinuha ko naman ang bottled water na nilapag ko kanina at ibabato sana sa kanila kaso bigla itong kinuha ni Atasha at siya na mismo ang nagbato sa kanila ng nakabukas na.

Agad namang nagsitakbohan ang iba para hindi mabasa, napatawa naman ako sa ginawa ni Atasha. “Ang sadista mo naman honey” saad ko sa kanya, tinignan naman niya ako ng nakangiti “oo, gusto mo sampolan kita?” ani niya ng nakangiti parin. Napailing naman ako agad sa narinig at tumawa nalang.

“Dos” tawag ko sa kapatid ko pagkatapos akong magbihis. Nakita ko naman siya na nakaupo sa motor ko habang nakatunganga. “Anong mukha iyan?” bungad na tanong ko sa kanya, agad naman siyang sumimangot sa akin. “Ano nga meron?” tanong ko ulit at hinawakan ang kamay niya para gabayan sa pagbaba niya, umiling naman siya sa akin at ngumiti.

Binuksan ko ang u-box ng motor ko at inilagay doon ang jersey na suot ko kanina. Maya-maya pa ay narinig ko agad ang tawanan at usapan ng mga kaibigan ko. Nang maisara ang u-box ay nilingon ko ang mga paparating, si Alloy, Bank, Kio, Atasha, Acer at isa pang babae na inaakbayan ni Acer. Ah kaya pala parang pinagbagsakan ng mundo.

“Sino iyan?” tanong ko agad sabay turo sa babaeng kasama nila ng makalapit sila. “Pinsan ko pala ‘bay. Si Marie” pagpapakilala ni Bank sa babae sa akin. Nakipagkamay naman ako sa kaniya at ngumiti, “Unew Nathaniel Odelle, Uno for short” pakikipagkilala ko sa kanya “Marie Augustine, Marie nalang” pakikipagkilala rin niya.

Pagkatapos makipagkamay ay nilingon ko si Dos “kapatid ko pala si Dionne Sienne Odele, Dos”, lumapit naman ang babae sa kanya at inilahad ang kamay “hi! I know you naikwento ka ni Acer sa akin” saad nito at ngumiti. Tinanggap naman ni Dos ang kamay nito pero agad naman niyang binawi “really? How I wish na mabait ako sa kwento niya” saad ni Dos pagkatapos ay kinuha na ang helmet na nasa motor ko.

Napailing nalang ako sa narinig. “Hoy Dos, hindi ka diyan. Dapat si honey ng kuya mo ang angkas niya” biglang saway ni Bank ng makita na lumapit ito sa motor ko. Nagkibit-balikat naman ito sabay taas ng kilay “how about me naman?” maarteng tanong nito, “makinig kasi sa seating arrangement, makikisakay na nga lang siya pa pipili” saad naman ni Bank.

Nagsisuotan naman na sila ng helmet, at kami namang magd-drive at sumakay na sa mga motor. “Ikaw Atasha, kay Uno ka” saad ni Bank na ikinawingi ni Atasha, hindi naman pinalagpas iyon ni Alloy at pinuna si Atasha “aba’y nangingiwi pa, akala mo naman hindi inangkin sa Uno kanina” saad nito na rason kung bakit siya hinampas ni Atasha.

Lumapit naman siya sa akin ng nakabusangot, “helmet” saad niya at inilapit ang sarili sa akin. “Bubusangot tapos papalagay naman pala ng helmet” kantyaw ni Alloy ng makitang nilalagay ko ang helmet ni Atasha sa ulo niya, ipinakita naman ni Atasha ang nakakuyom niyang kamao kay Alloy.

“Ikaw Alloy sa akin ka” pagpatuloy ni Bank, maarte namang tinakpan ni Alloy ang bibig gamit ang mga kamay niya “sayong sayo lang ako, papa Bank” saad nito na ikinangiwi ni Bank. Tumawa naman kami sa naging tugon ni Alloy at sa naging reaksiyon ni Bank.

“Ikaw Marie kay Kio ka sasakay” saad ulit ni Bank na agad namang ikinatutol ni Dos, “no, kay Kio ako” saad ni Dos at nag-umpisa ng maglakad papunta kay Kio. “Hoy Dos alam kong gusto mong kasama si Kio pero wag ngayon” saway ni Alloy kay Dos, pero patuloy naman ang lapit ni Dos kay Kio.

Nang makarating siya kay Kio ay agad naman siyang umangkas, “Dos ano ba?” naiinis na tanong ni Bank na hindi naman sinagot ni Dos. Napalingon naman sa akin si Bank, agad naman akong umiling ng makuha ang nais niya.

Napailing naman si Bank at Alloy at nilingon ulit si Dos “wag matigas ulo Dos, kay Acer ka” saad ulit ni Alloy. “Kung ako lang rin ang magiging hendrance ng pagsasama ng dalawang ‘yan, wag na” sagot ni Dos. “Dos” pamimilit ni Bank pero hindi niya ito pinakinggan at inayos lang ang helmet nito.

Tumingin naman si Bank sa akin bago tumingin kay Acer, tumango lang ako at inistart na ang makina, ganon din si Kio. Akala ko ay lalarga na kami kaso biglang bumaba si Acer sa motor niya at hinila ang nakatayong Marie sa gilid niya papunta kina Kio. “Akin na nga” saad ni Acer ng makarating kina Kio at agad na binuhat si Dos na parang sako ng bigas. Agad naman na pinaangkas ni Kio si Marie at nauna ng umandar.

Pinaandar naman ni Bank ang motor niya at lumarga na, inistart ko na rin ang motor ko bago ko nilingon sina Acer at Dos na nagtatalo pa. “Mauuna na ako Acer, ingatan mo yan” pagpapaalam ko kay Acer, tumango naman ito na ikinangiti ko. Tangina, parang kailan lang sinabi kong walang mangliligaw kay Dos eh.

“Gago ka, doon ako kay Kio!” rinig kong sigaw ni Dos kay Acer, “isang Kio pa Dionne Sienne Odelle, makikita mo” rinig kong sagot ni Acer kay Dos bago kami nakalayo.

Habang nasa byahe ay ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Atasha sa akin, “okay lang sayo?” biglang tanong nito sa gitna ng katahimikan namin. “I mean si Dos at si Acer na magkasama” pagpatuloy niya, umiling naman ako at bumuntong-hininga “wala ako magagawa, mas mabuting pabayaan kaysa paghigpitan. Mas lala lang kasi kapag pinaghihigpitan” sagot ko sa kanya, ramdam ko naman ang pagtango niya.

“Didiretso tayo sa bahay niyo? Baka may gusto ka pang bilhin” tanong ko sa kanya tumahimik ulit “diretso na” sagot nito sa akin, tumango naman ako at tinoon ang sarili sa pagmamaneho.

Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Atasha sa akin kaya saglit akong nawala sa sarili, dahan-dahan ay hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin.

“Sarap patigilin ng oras” saad ko, narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.