Chapter 11 I’m Into Girls (Mia’s POV)

AFTER THREE days of sleeping, Summer woke up. Nasa school ang anak niya at si Loida ang nagbabantay sa kanya ngayon. Hindi rin pumasok ngayon si Nanette dahil sa hang over. Pasalamat siya at wala akong scheduled operation ngayong araw, kung hindi, hindi na siya makakaulit sa girls’ nightout.

Kaaalis lang ni Doc Marga kaya pumasok na ako.

“Summer, how are you?”

“Mia?” Garalgal ang boses niya.

Kahit nasa tabi niya si Loida para pagsilbihan sana siya, nagsalin ako ng tubig at ako pa ang umalalay kay Summer sa pag-inom.

“At your service,” nakangiting sabi ko. “So, anong sabi ng doctor?”

“Overfatigue,” tipid niyang sagot. Hindi rin siya makatingin kay Loida na tila takot siya na baka may masabi siyang iba.

Tinapunan ko nang matalim na tingin si Loida. I want her to tell Summer to take a long vacation. Five months is not enough.

“Miss Dizon, dahil hindi ka pumayag na akuin ang pagiging ina ng anak ni Rain, you are not nee—“

“That’s not what I want to hear, Loida. Summer needs a vacation. Overfatigue? I’m not a fan but I can already guess that you overworked Summer, base na rin sa mga kwento ng assistant ko.” Naramdaman ko ang paghawak ni Summer sa kamay ko at pinisil iyon. Hindi ako titigil sa pagsasalita kung iyon ang gusto niyang sabihin. “Regarding Cornelia, kami na ni Summer ang mag-uusap. You are an outsider, bȋtch.”

Bahagya kong nakita ang gulat at takot sa mata niya, ngunit bigla itong napalitan ng pilit na ngisi. “Anong mayroon sa inyong dalawa?”

“We’re friends,” sabay naming sagot ni Summer.

Napatingin ako sa kanya. Namimilog ang mata niya. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Bahagya itong nakaawang na tila she is inviting me to have another taste. Napalunok ako sa mga naiisip at nag-iwas ng tingin.

“We’re friends,” ulit ko at tumingin nang diretso kay Loida.

“And what are you going to tell the public? No one believes that Cornelia is Rain’s sister! Lumitaw pa ang dating kasambahay ni Rain at pinatunayan na may anak nga siya.”

Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. I’m not a mother and I don’t know how it feels like to introduce a daughter as a sister. Public figure lang si Summer, at hindi puppet for entertainment ng mundo, na kung anong role ang ibigay nila sa mga malalapit na tao sa buhay niya ay tatanggapin niya nang gan’on-gan’on lang!

“Ever heard of test tube babies? Surrogacy?” wala sa sariling tanong ko. “At kung hindi mo pa naranasan ang magbuntis, pwes, magpaturok ka ng semilya sa pwerta mo! Pwede ba paganahin mo iyang utak at emosyon mo bago ka magsalita sa harap ng isang ina na binuhay si Cornelia sa loob ng pitong taon? You don’t need reasons to be a mother, so don’t fuvking question Cornelia’s existence! Kapatid? Fuvk off!”

Ok, I maybe overreacting on things I shouldn’t butt in pero punong-puno na ako sa babaeng ito. Ilang araw pa lang kaming nagkaka-usap pero ayaw ko na sa kanya!

“Ang dapat mong inuuna ay iliko ang mata ng publiko. Why was she hospitalized? Who did this to her?” pag-iiba ko. “Anything! Just divert their eyes away from Cornelia. She’s just a kid.”

“M-Mia, napag-usapan na namin iyon. Thank you sa pag-aalala.”

Bigla akong nahiya sa sinabi ni Summer. Para niya na ring sinabi na wala ako sa lugar.

Ito na naman ako sa wala sa lugar. I should have mind my own business. Nanahimik ang buong paligid at wala akong mahanap na sasabihin. I can’t even say na concern lang ako. And I can feel Loida’s mocking stares.

“Sabi na, narito ka!” Bumasag sa katahimikan ang sigaw ni Nanette. “Miss Mia, I love you! Paggising ko kaninang umaga, sinunod ko lahat ng sinabi mo for hang-over. Agad akong uminom ng kapeng barako, nagluto rin ako ng congee, naligo at—“ hindi niya na itinuloy ang sasabihin niya nang dumako ang mata niya kay Summer. “Miss Rain! Good morning po. Kumusta na po ang lagay niyo?”

The rest of the chit-chat became lively dahil dumating na rin si Cornelia at nakipagkulitan kay Nanette at sa mommy niya.

Lumipas pa ang ilang araw, bumalik sa dati ang buhay ko—work, house, work.

Summer is home with her daughter. Ayon sa kanya, binigyan siya ng limang buwan ng agency niya. Hindi ko naman masabi na aampunin ko ang bata dahil narito na siya para samahanan si Cornelia. Hindi na rin ako madalas sa unit nila dahil it’s time for Cornelia to enjoy their bonding.

Hindi nga nagtagal ay niyaya ako ni Ellyna na lumabas.

“TITA GANDA!”

Biglang lumiwanag ang mukha ko nang marinig ang tawag ni Raizel. Napagpasyahan namin ni Ellyna na magkita sa café kung saan una kaming nagkita. Mapanakit din ang babaeng ito. Sorry siya, hindi na ako nasasaktan.

Marami kaming napag-usapan. Mostly, patungkol lang sa ginagawa namin sa buhay simula nang magising siya. We didn’t talk about the tragedy at mukhang nakalimutan niya na rin iyon. Hanggang sa dumako ang pag-uusap namin sa pagiging nanay.

“Any pointers on how to be a mother?”

“Buntis ka?!” gulat na tanong niya.

“Heck no!”

Raizel is busy with music, nasa tabi lang siya ng nanay niya at nakayakap sa beywang nito.

I want Cornelia to act so clingy with me, too.

“Eh ba’t mo natanong?”

“Since, wala naman na akong pag-asa pa sa lalaki, baka mag-ampon na lang din ako. At least, may uuwian ako sa bahay at tinatawag din akong Mommy. I’m a woman, after all.”

“Oh, I bet your kid is cute and beautiful.”

“Sinabi mo pa!” And without thinking, I picked up my phone and show them pictures ng kalahating araw na paggala namin ni Cornelia. “She’s Cornelia Bella Braganza.”

“Wow!” Raizel uttered.

“Ang ganda niya, ‘di ba?” Binigay ko rin kay Raizel ang phone dahil tutok na tutok ang mata niya at hindi na nakapagsalita.

“Mommy, I want her!”

Natawa ako sa sinabi ni Raizel.

“You mean, you want to invite her?” pagtatama ni Ellyna. Bumaling naman siya sa akin. “Birthday ni Raizel sa September twenty. Dalhin mo na rin si Cornelia. I’m sure magkakasundo silang dalawa, pati na ng mga anak nina Kuya Miguel at Kuya RC.”

Happiness—the feeling of belongingness in the group of friends with common interest—finally, I can share the same feeling and thoughts with them.

However…

“Paano ko siya ipakikilala?”

“Hindi pa ba sa iyo ang bata?” nag-aalalang tanong niya na sinagot ko ng iling.

“S-She’s…” I sighed. Sana maintindihan ni Ellyna ang sudden changes sa akin. I want her to at least tell me it’s fine. “Do you know the actress-singer Rain?”

“Nakikinig ako ng songs niya pero hindi ako fan. Nakilala ko lang din siya noong pinagbubuntis ko si Raizel, ang ganda ng boses niya. What about her?”

“She’s the mother.”

In the end, I can’t bring myself to tell her—I’m into girls.