Chapter 10 Babysitter (Mia’s POV)
I AM NOT someone’s lover. At least, not yet. Hindi ko pwedeng unahin ang curiosity ko sa nararamdaman ko na bago lang din sa akin.
“When it comes to her, might as well forget your dream. Hindi ko kayang kalabanin ang mga halang ang kaluluwa at mamamatay-tao.”
I sighed. So this Loida bȋtch is someone who judge people based on opinions of majority. Wala naman akong pinatay, baka siya pa ang una.
Kahit gusto kong i-delete ang message niya dahil ayaw kong makita iyon ni Summer, hinayaan ko na lang. Bahala na si Summer kung anong gusto niyang paniwalaan.
This is Summer’s second day in the hospital. May mga guard ako na itinalaga sa room niya. Mahigpit ko rin na ipinagbawal ang bisita para sa kanya. Mukhang wala nga ring bibisita sa kanya na kamag-anak dahil si Cornelia lang ang naroon palagi sa tabi niya.
Support naman si Nanette sa ginawa ko dahil ayaw niyang masira ang image ng idol niya. Ngayon nga at inuulan ako ng tanong.
“So, anak talaga ni Rain si Cornelia? Sinong ama? Kilala niyo rin pala si Rain, ‘di man lang kayo nagsabi. Alam niyo rin ang bahay nila. Close kayo? How is she without a camera? Mabait po ba? By the way, ano mo siya?”
Nahilot ko ang sentido ko. Sa lakas ng boses niya, makatatawag siya ng pansin ng ibang nurse na kilala si Summer bilang Rain.
“I just happened to see her couple of nights ago. Hindi ko alam na artista siya so shut up, and don’t ask me about her private life. Wala akong alam sa kanya bukod sa pangalan niya.”
Napasimangot naman si Nanette sa sinabi ko. Totoo naman. I don’t really know her.
Mayamaya ay tumunog ang telepono sa opisina. Si Nanette ang sumagot.
Tinuon ko na lang ang atensyon sa umiikot na ballpen sa ibabaw ng table ko.
“Miss Mia, may Loida daw na gusto kang makausap.”
I raised my brow. Pero agad ko ring ibinaba at sinabing pagbigyan na.
So she will face me, even though she knows I am a murderer’s daughter.
Hindi nga nagtagal ay dumating na sa opisina ko si Loida. She acts entitled in front of me, as if she wanted me to bow before her—chin up, her legs crossed, and both her hands are on her knees.
I raised my brow at her. “Why are you here, Miss?”
Humugot siya nang malalim na hininga. Tinapunan niya rin ng tingin si Nanette na nasa likod ko.
“Tsk!”
Napailing na lang ako sa ginawa ni Nanette bago siya lumabas ng kwarto.
Nang mapag-isa kami, saka nagsalita si Loida. Lumambot din ang expression niya.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I just want the best for Rain and only you can help us. I want you to take Rain’s daughter under your custody. Make her—”
“Stop.”
After all the overthinking I had when I read her messages, ito pa ang sasabihin niya? Anong tingin nila kay Summer, robot?
“I don’t want to hear any of your hypocrisy and say it’s for the best. Wait ‘til Summer recover.” Tumayo ako at binuksan ang pinto. “By the way, I am not Summer’s doctor. Nanette will take you to her.”
Nang mapag-isa ako, dumako ang isip ko kay Cornelia. Bumalik siya sa daily life niya as a grade schooler. Nagpatulong din siya sa akin maglagay ng disguise niya kanina bago ko siya ihatid sa school niya.
Sa totoo lang, ako ang nahihirapan para sa bata. Kapag nagising si Summer, kakausapin ko siya patungkol kay Cornelia. Kung gusto niyang ipagpatuloy ang pag-a-artista niya at iwan si Cornelia na mag-isa, aakuin ko ang pangangalaga—sa kanilang dalawa.
Fuvk it!
Ano na naman itong iniisip ko?!
“Nanette!”
“Yes?”
Malakas niyang binuksan ang pinto at tila tumakbo pa siya nang marinig ang pagtawag ko. “Ang bilis ah? Anyway, labas tayo mamaya,” yaya ko na sinagot niya ng pagsinghap.
Naging teary eyes din siya na animo’y first time may mag-aya sa kanya na kaibigan.
“Saan tayo pupunta, Miss? Restaurant? Resort? Out of country? Wherever you go, I’ll be there with you—“
“Bar. Maghahanap tayo ng lalaki,” putol ko sa pagda-drama niya.
“Boring ni Miss. Sabihin mo kasi agad, akala ko tuloy, magde-date tayo.” Kunwari pa siyang suminghot-singhot at tumalikod sa akin. Sumandal din siya sa pinto at doon yumuko.
“Batang ito. Tigilan mo ‘ko, mamaya, magbago pa isip ko.”
Muli siyang tumindig nang maayos at humarap sa akin.
“Miss, ito po pala address ko. See you tonight!” sabi niya at inabot sa akin ang ID niya at dali-daling lumabas ng office.
Napailing na lang ako. Pakiramdam ko, nakikipag-usap ako sa isang grown-up version ni Cornelia.
Susunduin ko pa pala siya sa school niya!
“CORNELIA, may pupuntahan lang si Tita Mia. Kasama mo naman si Miss Loida habang wala si Mommy.” I hugged Cornelia.
Nakasuot na siya ng pangtulog. Hindi ko matiis na hindi siya puntahan dito sa unit nila at magpaalam kahit hindi naman kailangang gawin. Dinalhan ko rin siya ng favorite niyang strawberry cake at milk tea. Not a bribe, pero parang ganoon na rin.
Matalim na tingin din ang binibigay sa akin ngayon ni Loida.
“Ingat po, Miss. Baka magkasakit po kayo tulad ni Mommy, ha? Huwag po magpa-umaga.” She let out a shy laugh.
“Of course. Maglalaro pa tayo, tapos pupunta rin tayo sa amusement park kapag nakalabas na si Mommy. And don’t worry about her, ok? May nagbabantay sa kanya. So sleep tight, honey.” I kissed her forehead. “Good night.”
“Good night din po!”
Sunod kong dinaanan si Nanette sa bahay niya. Pagdating ko, nakapambahay pa rin siya at nasa gitna ng paghahapunan.
“What are you doing?!” asik ko nang makapasok ako.
Her house is a small one, perfect for single with posters of her idols. One bed room, bathroom, and one whole space for living room, dining area and kitchen.
“Ang aga pa, Miss. Kain muna.”
Maaga pa ang ten o’clock?
Oh well, nasanay pala ako na mag-isang pumunta sa bar. And that was a different bar from a club we are going tonight. Get Down—name pa lang ng club, alam na kung kanino. Kay Brix lang naman na tanyag bilang womanizer. Buti at hindi niya nahahatak ang mga married friends niya.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bar.
And the first person I saw is Brix! Nasa counter siya at napalilibutan na naman ng babae.
I need his help. Ihanap niya muna ako ng lalaki para sa aming dalawa ni Nanette bago siya mag-enjoy.
Dali-dali akong lumapit at hinila siya palayo.
“Whoa! Mia, problema mo?” tanong niya nang makarating kami sa elevator.
I pressed the top floor button.
“By the way, you look beautiful with your—“ He chuckles. Mukhang lasing na siya at dumagdag na naman ang kakapalan ng mukha sa pang-aasar. “—corset and skirt. Dress your age, Mia.”
“Tigilan mo nga ang katatawa mo, nakakairita ka! Ano bang pakialam mo sa edad ko? Mas matanda ka nga eh! At isa pa, hindi naman corset ang suot ko! Ihanap mo na lang ako ng lalaki at nang may magawa ka naman na matino. Dalawa.”
“Lupit! Aanhin mo at dala-dalawa pa?”
“I’m with a co-worker. Tig-isa kami.”
“Babae na lang. Babae ang offer ng club ko.”
Nang bumukas ang pinto, agad kong niyaya si Nanette para mag-stargazing. Himala nga at walang imikan. Pagtingin ko sa likod ko, wala siya!
“Where’s Nanette?!”
“Tumatanda ka na talaga, hindi mo alam na wala kang kasama bukod sa akin.”
I hate him!
Agad akong bumaba, and I saw her on the dance floor, dancing with random guy. And she’s wild.
Gagayahin ko ba?
Ang daya naman oh!
I BECAME an instant drunkard’s babysitter. Hindi ko na nga na-enjoy ang pinunta ko sa club—no drinks, no dance, no fuvking “can we get a room?” from a man, tapos ito pa ang ending? Hatid-sundo ko sa bahay niya si Nanette!
I even laid her on her bed, fuvking wiped her face clean, and left notes for her hang-over before going home!
It’s fuvking twelve in the morning!
I sighed.
Binubuksan ko na ang unit ko nang mapatingin ako sa gawi ng unit nila Cornelia. Gusto kong kumustahin ang bata kung nakakatulog naman siya ngayon na wala pa ang mommy niya.