“KAEL!” Muli na naman akong nagising buhat sa paulit-ulit na bumabalik na panaginip. Siguro, saka lang ito hihinto kapag sinabi ko na kay Kael ang aking napanaginipan. Subalit, paano ko sasabihin kung hindi ko naman siya nakikita? Hays. Hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin e. Pero, para hindi na ako makonsensiya kung sakali mang may mangyari sa kanya. Gagawin ko.
Gusto ko nang huminto sa kakaisip sa kanya. Kotang-kota na siya sa pag-distract sa buhay ko. Ayaw ko na siyang isipin pa. Gusto ko nang bumalik ako sa dati na puro na lang hydrogen, hilium, lithium. Basta puro na lang about sa mga topic namin sa eskwelahan ang laman ng utak ko. Iyong mapapanaginipan ko na lang na hinahanap ko si X at Y, iyong bigla na lang akong magigising na sinasambit ang sagot sa tanong na nasa panaginip ko, iyong maski sa panaginip ko ay kaharap ko ang libro at guro. Hindi iyong tulad ngayon na puro na lang si Kael.
This is the day. Ito na ang huling araw na iisipin ko siya, dahil ngayong araw gagawin ko ang lahat upang sabihin sa kanya ang nilalaman ng aking panaginip. Kahit ano pa man ang maramdaman niya sa sasabihin ko ay tatanggapin ko. Magtatapos ang araw na ito na makausap ko siya. At tuluyan ko ng itutuloy ang pag-alis niya sa buhay ko.
Buhat nang dumating siya sa buhay ko, maraming bagay ang nagbago. Maraming tao ang biglaang napalayo na lang sa akin. May mga taong bigla ko na lamang naging kasamaan ng loob. Siguro, kapag nawala na siya sa buhay ko ay manunumbalik na sa dati ang buhay ko. Tahimik lang. Walang kalaban kundi ang tumaas nang tumaas lang ang grado. Walang nakakaaway kundi iyong balak kunin ang aking pagiging numero uno sa klase. Walang napapalayo dahil patuloy lang akong dumidikit sa libro, notebook, computer laboratory at library. Wala ng iba pa.
“Bie!” Napaharap ako kay JM. Kahapon pa siya tanong nang tanong sa akin kung ayos lang ba ako.
Parati ko naman siyang sinasagot ng oo pero paulit ulit niya pa ring tinatanong. Siguro, alam niyang hindi naman talaga ako okey. Sa paulit-ulit niyang pagtatanong ay gusto ko siyang sagutin na, hindi naman talaga ako okey. Kaso, ayaw ko ng madamay pa siya. Ayaw ko ng mag-aalala pa siya dahil sa mga naiisip ko. Kapag sinagot ko siya sa totoong nararamdaman ko ay lalo siyang magiging agrisibo at hindi magtatapos ang araw na patuloy lang siyang magtatanong ng magtatanong. Kaya ako na mismo ang umiiwas sa kanyang mga maanghang na magiging katanungan. Kilala ko na siya. Ako ba naman ang naging tutor niya sa school para tumaas ang grado niya e. Ako ang naging dahilan kaya siya naging first section.
“Good morning, JM. Hindi ka na marunong bumati muna saka tawagin ang pangalan ko no?” pang iinsulto ko.
“Sorry naman. Okey. Good morning, Bie? Pwede na ba?” nakangisi siyang sinasambit ito.
“Umayos ka nga. Baka kung sino pa ang makarinig sa iyo. Aakalain pa nila na magdyowa tayo? Yucky!” nasusuka kong pagbigkas.
“Huwag mo nga iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay kung paano mo kakilala ang sarili mo!” saad niya. Ang seryoso niya talagang magsalita minsan. Kaya hindi ko siya mabitiwan e. Hindi siya nagsasawa sa akin. Kung baga isa siyang anghel mula sa demonyo kong ugali. Wala siyang ginagawa kundi patawanin at sabayan ako.
“Edi, ikaw na ang magaling!”
“Syempre, ikaw kaya ang master ko. I owe you a lot,” nakangiti niyang saad.
“Alam mo, huwag kang magpa-cute sa akin. Hindi iyan tumatalab. Ang mabuti pa, maghanap ka na ng dyowa. Sayang ang lahi mo kapag tatanda kang magiging bakla.” Inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy na ako papunta sa aming silid. Pero, patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang paligid ko at baka mahagilap ko na rin sa wakas si Kael.
“Alam mo, ang wierd mo, lately. What’s wrong ba? May hinahanap ka ba?” tanong niya sa akin. Sanhi upang dumiritso na ako ng tingin sa aming silid.
“Wala naman. Sino namaang hahanapin ko? Bukod sa iyo, kay daddy at kay…” hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglaan na lang siyang nagsalita.
“Huwag kang mag-alala magkikita rin kayo. Sa mga oras na iyon ay magkakabati na rin kayo. Relax. Huwag kang magpalamon sa takot na baka tuluyan siyang mawala..”
“Hindi naman siguro siya mamamatay. Kaya niya iyon. Sakit lang iyon!” pinutol ko na rin ang kanyang mga sinasabi. Paanong nalaman niya? Wala pa naman akong pinagsabihan tungkol sa panaginip ko maliban kay Daddy.
“Anong sakit? May sakit ba si Jeany?” natataranta niyang saad. Ayon, mali na naman ako. Si Jeany pala ang sinasabi niya. Parang gusto ko ng lamunin ng langit at lupa. Nakatingin siya ng diritso sa akin at tila hinuhuli ang aking magiging reaksyon. Pumaibaba ako ng tingin at naglakad ng bahagya. Ang bilis ko kasing gumawa ng resolusyon, ayan tuloy, pahamak na naman.
“Jeany! May sakit ka raw?” nasemento ako buhat sa aking narinig mula kay JM. Siguro, nasa likuran ko na si Jeany.
“Anong sakit? Saan mo naman nakuha iyan?” sa matagal naming pagsasama ay kabisado ko na ang boses ni Jeany. Natahimik bigla si JM na humarap sa akin. Tiningnan ko siya at narinig ko ang mahina niyang tanong sa akin na, “HIndi ba si Jeany?”
“Sa babaeng iyan? Matalino lang iyan. Sa sobrang talino, kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig para lang sabihing consistent siya. Consistent nga siya. Consistent sa pangmamaliit ng kapwa tao. Lumayo ka na sa babaeng iyan, JM. Baka bukas pagising mo, tinatarantado ka na niyan!” hindi ako makagalaw sa tinuran ni Jeany. Ganoon na ba ako kasamang tao?
“I’m sorry, Jeany. Nagkamali lang ako.”
“Tama ka. Nagkamali ka, JM. Nagkamali ka ng taong kinakasama. Huwag puro puso, utak din gamitin mo!” Bigla akong nanlumo sa kung paano magsalita si Jeany. Nagbago na nga siya. Nakakatakot na ang mga salitang kanyang mga nabibitawan. Mga bagay na ginagawa ko lang din dati. Nakikita ko ang dati kong sarili sa kanya. Ang pagiging mapangmataas pero hindi naman siguro ako ubod ng sama para tratuhin niya ng ganito.
“Ang tahimik yata ng ating top student ah! Wala na bang masabi? Baka nasobrahan na sa kakabasa ng aklat, kaya nababaliw na.” Humahalakhak na umalis si Jeany. Gusto ko siyang sagutin, pero natatakot akong humantong na naman sa mas lalong pagpapalaki ng issue naming dalawa. Baka humantong pa kami sa pisikalan. Kaya, ito ako ngayon, nag-iingat.
Habang nagleleksyon si Ma’am Datulayta ay patuloy akong nakamasid sa silid nina Kael. Siguro, ipinalipat siya ng upuan. Siguro naman, gumaling na siya. Pero, baka hindi rin. Baka…
“Ms. Briones!” Bigla akong napaharap sa kay Ma’am Datulayta dahil sa hampas niya sa mesa. Galit na galit ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.
“Yes, Ma’am. Please repeat the question?” Tumayo ako at ininda ang takot. Kailangan kong iparamdam sa kanya na nakikinig ako at nasa loob pa rin ng silid ang utak ko. Minsan na siyang may naipalabas sa amin dahil hindi nakikinig at hindi nakasagot sa isang katanungan na pinapasagot niya. Kahit anong tanong pa ang ibato niya, alam kong kaya ko itong sagutan. Nag-aadvance reading kaya ako sa mga itinuturo sa amin. Kahit matulog pa ako, the whole time, makakasagot at makakasagot ako.
“Anong question ang pinagsasabi mo? Tila nawawalan ka na sa sarili mo. Hindi ka na nga sumagot sa Preliminary Exam na ginawa ko. Ngayon naman, hindi ka na nakikinig sa mga itinuturo ko. Ms. Briones, hindi porket anak ka ng isa sa mga guro rito ay namumuro ka na. Hindi porket, 2 weeks na lang ang nalalabi ng pagiging third year ninyo ay babastusin mo na ako. Hanggat hindi pa natatapos ang taon, pwede pa kitang ibagsak. Tandaan mo iyan!” hindi ako makapagsalita buhat sa tinuran ni Ma’am Datulayta.
“Kita mo na, nababaliw na talaga iyan,” rinig ko pang bigkas ni Jeany paharap kay JM.
“I’m sorry, Ma’am. May iniisip lang…”
“Then, get out of my class. Ilang ulit ko na sinasabi sa inyo na kung wala sa klase ang pag-iisip ninyo ay huwag na huwag kayong papasok sa klase ko. Ayaw kong magturo sa mga taong hindi naman nakikinig.” Pinutol ni Ma’am ang aking sasabihin. Ito ang unang beses na may nagpalabas sa akin sa klase.
“Ma’am!” mahina kong saad.
“Get out! Saka ka na bumalik kong tapos ka ng mag-isip sa kung ano man iyang iniisip mo!” Wala na akong nagawa. Tumayo ako at marahang lumabas mula sa aming silid. SI Ma’am Datulayta talaga ang isa sa mga pinakaistriktang guro na kinatatakutan ng kapwa ko estudyaante. Bagay na hindi ko naman napapansin dati, kasi sa isip ko ay pinapalabas lang naman niya ay ang mga suwail. Marahil, isa na ako sa myembro ng mga suwail na estudyante.
Kasalanan ito ni Kael e. Ginugulo niya ang buhay ko. Kailangan ko na talaga siyang makita. Kailangan ko ng masabi ang nasa panaginip ko kung hindi patuloy akong gagabalain nito gabi gabi. Dumangaw ako sa kanilang silid. Parang wala yata siya.
=====