KABANATA 62: Revelation

Kabanata 62:

Sa buhay, may mga bagay na akala natin kapag iwasan at iwanan na natin ay makakawala na tayo. Magbabago tayo for the better. Ngunit, hindi lahat ng pagbabago ay mamumukadkad hanggang dulo. Darating talaga tayo sa puntong haharapin nating ang multo ng ating nakaraan. Ang nakaraaang ating ibinabaon na lang sa kahapon ay unti unting mabubungkal hanggang sa tuluyan ka ng babangungutin at hindi mo na alam ang iyong gagawin. Makakabangon ka pa bang muli, kung kakainin ka ng konsensya ng iyong nakaraan?

“Kael!’ sobrang lakas kong naisigaw ang kanyang pangalan. Labis akong nasaktan ng masilayan siyang tinamaan na naman ng daplis ang mukha. May dugung nagsisipatakan dito. Hindi ko alam kung sinadya ba ng lalaking ito na lahat na lamang ng mga ipinakawalang bala ng baril na hawak niya ay puro daplis lang. Mukha naman siyang professional na kung humawak ng bari. Sa unang putok niya ay sa tagiliran nito. Daplis lang kaya may namumuong dugo rito. Sa kasunod na paglabas ng bala ay sa kanyang paa, daplis lang din pero mararamdaman talaga ang sakit sa hindi maipaliwanag na hulma ng pagmumukha ni Kael noong mga sandaling iyon. Ngayon naman, sa tatlong putok ng baril ay isa lang ang tumama pero, daplis lang din.

“Pasalamat ka at hindi ko kaya,” napaigting ako sa aking naring sa lalaking dumukot sa akin at tumalikod. “Dahil alam kong dyanra mo ang pumatay! Hahayaan kitang pumatay!”

“Cliff, May mga tao yata sa paligid.” Mabilis na tumayo ang lalaking may hawak ng baril, Cliff pala ang pangalan niya. “Kailangan na nating umalis.”

“Hindi!” barakong pagsambit niya. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nasisilayang wala ng buhay ang lalaking ito!” Itinuro niyang muli si Kael. “Ibigay mo sa akin ang hawak mong baril. Tapos kunin mo ang baril na nasa labas, iyong nasa bag ko,” bossing pagkakasaad ni Clifford sa kasamahan. Mabilis naman na nagkumilos ang lalaki, ibinigay niya kay CLiff ang kanyang hawak na baril at lumabas. Pagbalik nito ay may hawak na rin siyang baril.

“Ang sarap mong bugbugin ng masira iyang pagmumukha mong ipinalit sa akin ni Crysna! Pwe!” Malakas na niluwaan ni Cliff ang pagmumukha ni Kael. Sobrang bastos tingnan pero nararamdaman ko siya. NAbabalutan na ng galit ang kanyang buong puso dahil sa sakit na dulot sa pagkawala ng kanyang minamahal. Kinain na ng puot at paghihigante ang kanyang dibdib.

“Cliff, patawad!” mahinang wika ni Kael. Nahihirapan na siya pero nagagawa niya pa ring magsalita. “Patawad sa ginawa kong kasalanan. Patawad kong nagawa ko siyang agawin sa iyo at hayaang mawala.” Bumuntonghininga si Kael at mata sa matang tiningnan si Cliff. “Patawad kung nagpakamatay siya dahil sa akin. Hindi ko alam na hahantong siya sa ganoon. Akala ko kasi matatag siyang tao, akala ko…”

“Pwes! Akala mo lang iyon!” Malakas na sinuntok ni Kael si Cliff. Namuo ang dugo sa mukha nito dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok. “Huwag kang makahingi sa akin ng tawad dahil kahit patawarin kita. Hinding hindi mo na maibabalik ang pinakamamahal ko!” napapasinghal siya at muling sumuntok. Subalit, hindi na niya ito itinama kay Cliff, kundi sa sementong nasa kilid ni Kael. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya ay marararamdaman mo talagang hindi niya gusto ang kanyang ginagawa. Na nagagawa niya lang ang isang bagay kasi naghahanap siya ng masisisi. Sa pagkakakwento niya sa lovestory nilang dalawa ay sobrang nakakapanghinayang talaga. Kung bakit ba naman kasi sobrang aga nilang umibig e?

“Cliff, hayaan muna si Jam Bie.” Bigla akong napaharap sa malulungkot na mata ni Kael. “Huwag mo siyang idamay dito. Hindi siya kasali sa nangyari. Sigurado akong nag-aalala na ang pamilya niya. Pakawalan mo na siya!” Mula sa akin ay nakakaawa niyang tiningnan si CLiff. Kinukumbinsi na palayain na lang ako. “Ako na lang! Total, ako naman ang may kasalanan!”

“Ang sweet naman!” humalakhak si Cliff. Hinablot niya ang isa pang baril kaya may tig iisang baril na ang hawak ng kanyang dalawang kamay. Umikot siya at binaril ang likuran ni Kael.

“Ahh!” napaigik si Kael.

“Kael!” sigaw ko. Marahil ay tumama na talaga sa likuran ni Kael ang bala ng baril. Kitang kita kasi ng dalawang mata ko ang mukha niyang bungga ng malakas na pagkakatama. Napapikit ako lalo na ng masilayan ko ang itim na paru parong dumapo na lang bigla sa katawan ni Kael. Biglaan na lamang itong lumabas mula sa hindi ko malamang lugar. Sobrang lakas ng tibok ng aking dibdib at dama ko ang pighati. Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na makayanan pa. Mukhang hanggang dito na lang talaga kami. Hindi ko na siya maililigtas pa at maging ako. Maging ako ay katapusan ko na rin. Sapagkat, sigurado akong ako na ang isusunod niya.

“Ito! Baril!” Muli kong naimulat ang aking mga mata nang marinig kong nagsalita ulit si Cliff. Kitang kita kong nakaluhod si Kael. Mukhang sinadya ito ni Cliff. Hindi niya planong patayin si Kael, bagamat nagpaputok lang siya ng baril upang tamaan ang nakatali sa kamay ni Kael. Sabi ko na nga ba e, experto itong si Cliff sa pagbaril. Sinasadya niya lamang ang mga daplis. Saktong sakto ang pagkakabaril ni Cliff sa taling nakagapos kay Kael.

“Cliff! Please!” Nakaluhod na si Kael. “Pakawalan mo na si Jam!” Mula sa nakataling kamay ay pinaglapit ni Kael ang kanyang dalawang upang humingi ng tawad.

“Hindi pwede!” Sumenyas si Cliff sa kanyang kasama. Agaran naman itong gumalaw at itinutok ang baril kay Kael. “Hawakan mo ang baril na ito.” Inilagay ni Cliff ang baril sa kamay ni Kael. Walang nagawa si Kael kundi hawakan ito. “Barilin mo siya!” Tinutukan ni Cliff ng baril ang ulo ni Kael habang itinuturo ako gamit ang isa pa niyang kamay.

“Hindi!” napapayangong saad ni Kael.

“Tumayo ka!” utos ni Cliff kay Kael. Nahihirapan namang tumayo si Kael. “Itutok mo ang baril sa kanya!” Hindi sumunod si Kael at nasa lupa pa rin nakatutok ang hawak nitong baril. “Sumunod ka kung ayaw mong basagin ko ngayon din ang bungo mo!”

“Jam!” mahinang wika ni Kael habang itinatapat sa akin ang baril. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang mga luhang bunga ng sakit. Siguro, maging siya ay hindi rin inaasahang hahantong sa ganito ang lahat. Ang itim na paru parong kanina pa nakadapo sa kanya ay biglaan na lamang lumipad at umikot ikot sa gitna namin.

“Simple lang ang mechanics ng game.” Nanlaki ang aking mata. Mukhang alam ko na ang plinaplano ni Cliff. “Mamamatay ka.” Itinutok ni Cliff ang baril kay Kael. “O mamamatay siya!” Gamit ang isa pang kamay ni Cliff ay itinuro niya ako.

“No!” mahinang wika ni Kael.

“Bibigyan kita ng limang minuto upang magdesisyon. Ipuputok mo ang baril sa kanya o ipuputok namin pareho ang baril sa iyo?”

“Kael! Huwag!” sigaw ko.

“6,” simulang pagbilang ni Cliff.

“Kael! Nanaginip ako. May sasagasa sa aking sasakyan. Hinahangos akong tumakbo para makaiwas kaso biglaan na lang akong nadapa. Humihingi ako ng tulong pero wala akong mahilingan! Nananakit ang aking mga paa. ” Ito na ang pagkakataon kong magkwento. Hangga’t gumagawa siya ng desisyon ay kailangan kong masabi sa kanya ang tungkol sa panaginip ko.

“5. Exciting! May pa story telling.” muling bilang ni Cliff.

“Bumangon ako ng masilayan ko ang tungkod na may paru parong itim. Ginamit ko ito upang makalakad subalit muli na naman akong nadapa ng may masilayan akong itim na pusa. Sobrang sakit ng pagkakadapa ko pero bigla akong nangigil dahil kakaibang bagay sa kamay ko. Tatlong itim na paru paro. Napatingin ako sa gilid at nasilayan kong nasa simbahan ako.” Halos maubusan ako ng salita. Nagkakagulo gulo na yata ang pagkakakwento ko.

“4!”

“May dumaang isang anino. Tumayo ako at pinulot ko isa isa ang tatlong baryang nasilayan ko. Binungo ako ng sasakyan. Doon nagtatapos ang aking panaginip! Ngunit, nagbabago ito sa bawat taong nasasabihan ko. Alam mo naman ang hiwagang dala ng panaginip ko hindi ba?” Tumatango si Kael habang nakikinig. Nakatutok lang ako sa kanyang mga mata.

“3!”

“Noong sinabi ko ito kay Jeany ay biglang nawala iyong itim na paru parong nakadapo sa kahoy. Noong kweninto ko ito kay JM ay biglang nawala iyong isa sa itim na paru parong nakadapo sa aking mga kamay. Noong kweninto ko ito kay Ate Cristel ay biglaan na lang nawala iyong itim na pusa. Pero, hindi ko lubos maisip kung ano ang anino at biglaan na lamang nawala?”

“2”

“Huling araw na bukas. Kaya kailangan ko ng masabihan ka at si Chalmer!” bigkas ko.

“Jam. Iniisip mong ako ang isa sa tatlong paru paro?” Tumango ako. “Siguro, iyong anino ay ang baby na nasa loob ng tiyan ng Ate Cristel mo!” Mukhang tama nga siya.

“1”

“KAEL!”

“JAM!” Magkasabay kaming sinigaw ang aming bawat pangalan. Isang malakas na pagsabog ang naganap.