“Jam?” Mula sa paghikbi at pagkakayuko ay dinungaw ko ang taong nagsalita sa aking harapan. Si? Nakalimutan ko ang pangalan niya. Basta, siya ang tatay ni JM. Bakit siya nandito? Hindi ba niya ala, ma a, ay mamngyaring hindi maganda sa anak niya? Siguro, hindi nga. Mukhang kakarating lang niya galing sa kung saang lugar man siya nagbebenta ng kanyang mga kakanin.
“Tito! Si JM!” nanginginig kong sambit. “Sinugod sa ospital.” Hindi ko alam, pero kusa kong niyakap ang tatay ni JM. Nalulungkot ako at may isa na namang ama ang mangungulila sa kanyang anak kung sakali. Nakakapanghinayang. Kung sana lamang ay naging maaga ako. Pero, hindi na nga siguro. Ayaw kong sabihin kay tito na imposible ng mailigtas si JM. Na basi sa mga narinig kong dumadaan kanina ay hindi na ito humihinga, na ang buong katawan nito ay nabalot na ng dugo at ang ulo nito ay sobrang lakas ang pagkakabanga kaya sobrang dami ng dugo na nawala. Kung alam niya lang kung gaaano ako dinudurog habang naririnig ang mga sinasambit ng mga taong dumadaan. Ang hirap.
“Paano? Huwag kang magsasalita ng ganyan?” lumalayo sa akin ang tatay ni JM. Kumawala siya sa pagyakap at tinitingnan ako sa mata. Unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata matapos niyang makita ang seryoso at namumugto kong mga mata, dagdag pa ang mga luhang nagsisipatakan. "Kakasabi niya lang sa akin na babalik din siya ng maaga." Pinatunog niya ang kanyang selpon, pahiwatig na tinatawagan na nga niya ang kanyang anak.
“The subscriber can not be reached. Please try again later.” Dinig na dinig ko ang boses ng nasa selpon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Nakakapanghinayang. Sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari. Kung may tao man na gusto kung iligtas kung katapusan na ng mundo ko, gusto ko kasama ko si JM. Deserve ni JM na alagaan. Deserve niya na makakita ng taong magmamahal sa kanya tulad ng pagmamahal na ipinakita niya sa akin. Siguro, kung darating man ang tamang panahon ay baka pwede ko siyang piliin. Nakakalungkot lang kasi mukhang hindi kami aabot sa ganoon.
Ano ba kasi ang nangyari?” untag ng tatay ni JM. Umupo siyang bigla sa may malapit na upuan.
'Papunta na sana ako sa inyong bahay ng bigla kong nasilayan ang mga nagkukumpulang tao," pagsisimula ko. “Papalapit pa lang ako ay naririnig ko na ang mga bulong bulungan. Duguan daw ang isang lalaki. Nabungo ng isang rumaragasang sasakyan. Hindi man lamang siya binalikan. Lalapit pa sana ako pero hindi ko na natuloy dahil nanghina ako noong sinabi nilang si James Martin ang nabangga,” nanginginig ako at naluluha habang nagkwekwento. “Patawad, Tito. Hindi man lang ako lumapit noong narito na sa harapan ko ang ambulansya. Patawad, kung nanghina ako at hindi nakayanang lapitan ang duguang katawan ni JM.”
“Wala kang kasalanan.” Tinapik ni Tito ang aking likuran. Hindi na ako nahihiyang sabihan siya ng tito. Ayos lang naman daw sa kanya na tawagin ko siyang tito kahit na ibasted ko na ang anak niya. Hangga’t daw parte ako ng buhay ng anak niya ay pwede ko siyang tawaging tito.
“Jam? Bakit ka napatawag kanina?” Nahablot ko ang aking selpon ng bigla itong tumunog. Inaamin ko, hinihiling ko na sana si JM ang tumatawag. Pero, hindi e. Si Bestie Jeany. Napindot ko pala kanina habang umiiyak ako ang selpon number niya. “Teka, umiiyak ka ba?”
“Hindi! Sinisipon lang ako.” Narinig niya yata ang paghikbi ko. Kalangan na akong makaalis ng tawag at baka malaman niyang umiyak ako. “Tatawagan na lang kita mamaya. Kailangan naming puntahan si JM sa ospital.” Agaran kong ibinaba ang selpon nang masilayan ko si Tito na sumasakay nang taxi. Kailangan akong sumama. Alam kong kaunti na lang ang chances pero baka sakaling mailigtas ko pa si JM.
“Sasama ako!” bungad ko agad at tumabi kay Tito.
“Siguro naman sa mas malapit na ospital lang dinala ang katawan ng anak ko,” mahinang bulong niya. “Manong, sa mas malapit na ospital po! Bilisan po ninyo!” sigaw niya. Halos mabingi ako sa boses niya. Maging ang manong driver ay nailakas ang preno ng sasakyan.
“Nurse, nandito po ba ang anak ko? Nabanga po siya,” mabilisang ani ni Tito sa nurse, pagkarating na pagkarating namin.
“Si James Martin po ba?” Magkasabay kaming nagsitanguan ni Tito.
“Patawad pero hindi na po siya nailigtas. Nasa morgue na po ang bangkay niya. Pagkarating niya ay naubos na raw ang dugo niya at hindi na humihinga.”
“Hindi totoo iyan!” nanginginig na wika ni Tito. Hinawakan ko siya ngunit itinulak niya lang ang aking kamay. “Huwag mong sasabihing wala na ang anak ko!” Hindi ko alam pero muli na namang pumatak ang aking mga luha. Nakikita ko kung paano nasira ang mukha ni Tito habang humahagulgo. Ramdam ko siya e. Hindi namin matanggap ang nangyayari.
“Sir.”
“Huwag na huwag mo akong matawag tawag na sir. Baka naman hindi ninyo inalagaan ang anak ko dahil wala kaming pera! Baka hinayaan na lang ninyong malagutan ng hininga kasi wala siyang kasama!” Sobrang lakas ng pagkakasalita ni Tito. Dama ko ang pagkadismaya sa tono ng kanyang pananalita. Iyong wala ka ng ibang masisi kaya gumagawa ka na lang ng ibang dahilan para mayroon kang masisisi.
“Tito! Huwag ka ng umiyak. Kailangan nating magpakatatag.” Ipinatayo ko si Tito buhat sa kanyang pagkakaluhod. “Puntahan na natin si JM.”
“Manong Lucas! Sino ang binisita mo?” Hindi na pinansin ni Tito ang tumatawag sa kanya. Lucas pala ang totoong pangalan ni Tito. Sana maging maayos lang siya.
Magkasabay kaming umalis at nagtungo sa katawan ni JM. Bago pa kami nakarating ay nahulog ang aking cellphone. Mabuti na lamang at matibay ito. Subalit, bago ko pa kuhanin ang ang cellphone ay may isang itim na paru-paro na dumapo rito. Sanhi upang lalo akong mahintakutan. Hinayaan ko muna ang itim na paru paro.
“Jam Bie, Kuhanin mo na ang selpon mo.” Buhat sa itim na paru-paro ay nalipat ang tingin ko kay Tito. “Mauna na ako!” Mabilis siyang naglakad papasok. Muli kong dinungaw ang aking selpon na dinadapuan ng itim na paru-paro. Nandoon pa rin siya. Siguro, pahiwatig na wala na talaga si JM. Pahiwatig na huli na ako.
Habang nakatingin ako sa itim na paru paro ay parang nanunumbalik sa akin ang mga masasayang araw na kasama ko siya. Iyong mga oras na galit at wala ng lumalapit sa akin dahil lahat na ng mga kaklase ko ay nagngingitngit na sa galit. Nandoon siya at hindi natatakot na dadamay sa akin. Noong pilit niya akong pinapatawa kahit hindi ko naman siya gustong kasama. Nakakamiss ang maging kakulitan siya. Siya lang iyong taong nanatili kahit na pinapaalis ko na. Kahit ilang beses ko siyang awayin, kasunod na araw ay lalapit pa rin siya.
Patawad, JM. Kung nasaan ka man ngayon. Sana masaya ka na. Mananatili kang buhay sa aming isipan. Biglang lumipad ang itim na paru-paro. Sinusundan ko ang kanyang bawat galaw hanggang sa muli itong bumalik sa pagdapo sa aking cellphone. Nanginig ako nang biglaan itong tumunog. Lalo na nang sumambulat sa akin ang pangalan ng tumatawag. Hindi naman siguro. Baka ginamit lang ng nakapulot. Muli kong nasilayan ang itim na paru paro na lumipad uli. Umikot ikot sa cellphone. Pumikit ako at muling tiningnan ang pangalan ng tumatawag.
JM IS CALLING NOW!
—--