Chapter 6

"Luna..."

"Huwag kang lumapit!" Napahinto ako sa paghakbang papalapit sa kanya. "Huwag mo akong lapitan, kung hindi papatayin kita!" pagbabanta niya. Nakatayo parin siya roon sa madilim na bahagi.

Tuwid ang pagtayo niya at nakaharap siya sa akin ngunit sa tuwing titingnan ko siya sa mata ay kaagad niyang iniiwas ang kanyang tingin.

"Luna..." Humakbang ako ng mabilis papunta sa kanya.

"Sabing huwag kang lalapit!" Natataranta niyang wika. Napatras ang kanyang isang paa. May halo mang pagbabanta ang tono ng kanyang boses ay binaliwala ko ito at nagpatuloy sa paglapit sa kanya.

"Ayos lang," bulong ko sabay yakap sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko at nagpumilit na makaalis mula sa pagkakayakap ngunit mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kanya.

"Bitawan mo ako! Kailangan ko nang bumalik. Mali ito! Mali itong ginagawa natin!"

"Shhh... alam ko. Alam kong mali at sigurado akong alam mo rin iyon pero pumunta ka parin dito. Luna, pwede bang hayaan nalang natin ang panahon na humusga para sa atin?" bigla siyang natahimik. Ang kanyang dalawang braso ay nakaharang sa aking dibdib.

"Hindi!" Gamit ang kanyang dalawang braso ay malakas niya akong tinulak kaya napilitan akong bumitaw. Wala akong nagawa kundi ang tingnan siya na puno ng pagtataka.

"Luna, please, pakinggan mo ang tibok ng puso mo. Alam kong may nararamdaman ka rin para sa akin. Alam kong mali, pareho nating alam iyon pero... sa tingin ko... sa tingin ko gusto kita." Isang hakbang ang ginawa ko papalapit. Nakatingin lang siya sa akin na para bang nagulat sa sinabi ko.

Ilang segundo siyang nakatulala ngunit nagulat ako nang bigla na lang siyang umiling-iling, "Nababaliw kana! Kaylanman ay hindi ako magkakagusto sa aking kaaway!" Tumalikod siya at mabilis na humakbang palayo sa akin.

Nabigla ako sa kanyang sinabi, sandali akong hindi nakagalaw. Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig at nanigas roon.

"Gusto kita! Sapat na iyon para sa akin." Huminto siya sa paglalakad.

Hindi ko pinalampas ang pagkakataon. Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa siya sa ikalawang pagkakataon kaya gagawin ko ang lahat. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, "Ganitong oras bukas dito... pwede ba kitang makita... ulit?" mahina kong tanong.

"Tumigil kana, hindi ako pupunta rito bukas," tila ba buo na ang kanyang desisyon. Siguro nga masyado lang akong nag-isip. Marahil ay wala talaga siyang gusto sa akin.

"Kung iyan ang gusto mo," mabigat man loob ay wala akong magagawa. Yumuko ako at humakbang pabalik.

"Sigurado ka bang may narinig kang boses na nanggagaling dito?"

May papunta rito?!

Napahinto ako sa paglalakad at agad na hinawakan ang isang kamay ni Luna at hinila papunta sa likod ng isang malaking puno upang magtago.

"Anong ginagawa mo?!" naiirita niyang tanong.

"Huwag kang gagalaw," bulong ko sa tenga niya habang niyayakap siya. Nagpumilit siyang kumawala ngunit kalaunan ay tumigil din.

Papalapit ng papalapit ang mga yabag sa kinaroroonan namin. Nabosesan ko ang dalawang lalaking iyon, kaanib namin sila. Marahil ay sila ang nakatalagang magbantay sa paligid.

"Bitawan mo ako. Papatayin ko sila." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Luna. Hinawakan ko ang kanyang baywang gamit ang isang kamay at hinila papalapit sa akin. Ngayon makadikit ang katawan namin. Inangat ko ang kanyang mukha upang ipaharap sa akin.

"Dadaan ka muna sa akin bago mo iyon magagawa," wika ko habang nakangisi. Ang mga mata niya ay puno ng galit ngunit para sa akin, ang mga matang iyon ay tila ba kumikintab sa ganda.

"Kung ganu'n papatayin na kita ngayon." Hindi parin nawawala ang kaangasan sa kanyang boses.

"Try it." Dahan-dahan kong linapit ang mukha ko sa kanya. "They said, love is not about time. We can feel it once our eyes meet." Tahimik na naman siya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang papalapit ang mukha ko sa kanya. Sa puntong ito, wala akong ibang gusto kundi ang malaman ang laman ng isipan niya. Minumura niya kaya ako sa isip niya?

Hindi pa rin umaalis ang dalawang lalaki kaya walang rason para bitawan ko si Luna. Ipinagpatuloy ko ang paglapit hanggang magdikit ang aming mga labi.

The world vanished as her lips touched mine.

The fragrance of spring and the taste of warm honey was intoxicating. Her soft 

breath seemed like a June breeze as I closed my eyes. Her lips were as soft as cotton and as sweet as cotton candy. She uttered a delightful moan as my tongue played with hers. The 

kissing became more intense with 

enticing touches and stimulating 

gestures. I plunged my tongue deeper and deeper savoring the taste.

_________

Tanaw ko mula sa labas ng bintana ang dumudungaw na si haring araw. Tuluyan nang dumating ang umaga ngunit heto ako, hindi man lang nakaidlip kahit kaonti. Nakahiga sa higaan at nakatitig sa kisame habang ang isang kamay ay nakahawak sa labi. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang malambot na labi ni Luna.

That was intense. Nang humalik siya pabalik, iyon ang oras na nalaman kong may nararamdaman din siya para sa akin. Habang naaalala iyon ay napapangiti na lamang ako at para bang may kung anong kumikili sa aking puso.

Lumalambot na ba ako?

"Bakit ka nakangiti?"

"Ahhh!" Napaupo ako sa sobrang gulat, "Anak ng! Bakit hindi ka nag-iingay?" singhal ko kay Third. Nanliliit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin na para bang kinikilatis ako.

"Kanina pa ako nandito, nakatulala ka nang pumasok ako. Ano bang iniisip mo?" Hinila niya ang isang upuan at inilapit sa higaan ko saka umupo roon.

"Ha? Ahh, ano bang kailangan mo?" pag-iiba ko sa usapan. Mukhang hindi naman ito interesado sa kanyang nadatnan kaya nakahinga ako ng maluwag. Hinawi ko ang kumot na nakapatong sa akin at umupo ng maayos.

"Umalis si Victoria para pag-aralan ang kuta ng kalaban," wika niya sabay iwas ng tingin.

"Ano?! Hinayaan mong umalis siyang mag-isa?!"

"H-hindi! Hindi ako pumayag pero masyadong matigas ang kanyang ulo. Nagpumilit siyang umalis at ayaw niyang umalis ng may kasama dahil mahihirapan umano siyang magtago," nakakamot ulong usal ni Third.

Napabuntong hininga na lamang ako. Minsan ay may katigasan din ng ulo itong si Victoria. Lahat ng gusto niya ay lagi niyang ginagawa at walang sinumang makakapigil sa kanya.

"Kamusta naman siya? Ang mga sugat niya?" Tumayo ako para kumuha ng tubig.

"Mukhang maayos na. Siya nga pala, kinuha na kanina ang mga bangkay. Tss! Siguradong nagluluksa ngayon ang buong Arcadia."

Natigilan ako at biglang nanghina, "Wala na tayong magagawa. Maswerte lang ang taong makakaalis dito." Usal ko sabay lagok ng tubig.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Third, "Kung mamamatay ako, aalagan mo naman si Ama at Ina, hindi ba?"

Hinarap ko siya at nakakunot noong tiningnan, "Ano bang sinasabi mo? Buhay ka pa naman 'diba?" Pakiramdam ko ay biglang sumikip ang dibdib ko sa tanong niyang iyon. Hindi ko iyon naisip nang umalis kami sa Arcadia.

Parang kapatid na ang turing ko kay Third at kapag nawala siya, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko at mararamdaman.

"Ano ka ba? Naninigurado lang naman ako na aalagaan mo ang mga magulang ko kung sakaling mawala ako. Kung sakali lang naman, ayaw ko pang mamatay no! At kung mamamatay man ako hindi sa kamay ng mga Artemis," nakangisi niyang sambit.

Napangiti ako ng pilit bilang sagot sa sinabi niya, "Panindigan mo iyan."

"Pinuno?!"

Sabay kaming napatingin ni Third sa pinto nang may sumigaw mula sa labas. Ilang segundo ay bigla na lang bumukas ang pinto at isang lalaking humahangos ang pumasok.

Tumayo si Third at nagmadaling lumapit sa lalaki, "Anong nangyari?"

Sumilip ang lalaki sa akin kaya napakunot ang noo ko, "Pinuno, ang kapatid ninyo!"

Kaagad ako ay tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Red. Nabanggit ng lalaki na nasugatan umano si Red nang makipag-away siya sa isang spy na kanyang nahuli.

Bitbit ang aking sandata ay mabilis akong nagtungo sa bahay na tinitirhan ni Third at Red. Nakasunod sa akin si Third na halatang nag-aalala rin.

Nang makarating ay agad akong pumasok sa loob at nagtungo sa silid. Doon tumambad sa akin ang aking kapatid na nakahiga at nakapikit. Walang pang-itaas na damit at may kulay puting manipis na tela na nakatali sa kanyang tiyan.

Kasama niya sa loob ng silid ang isang lalaking manggagamot at mandirigma rin. Sa bandang gilid ng silid ay may dalawang nakatayo na nagsisilbing bantay ni Red.

Para akong sinilaban sa galit nang makita ang kalagayan ni Red. Hindi magiging ganito si Red kung hindi malaki ang kanyang sugat.

Tiningnan ko ang tatlong nandodoon sa loob at lahat sila ay nakayuko.

"Sinong may lakas ng loob na gumawa nito sa kapatid ko?! Sino? Sagot?!" singhal ko.

"H-hindi po namin a-alam, P-pinuno." Nanginginig na sagot ng isa.

"Mga walang kwenta!"

"Huminahon ka," naramdaman ko ang kamay ni Third sa balikat ko, "Aalamin ko." Dugtong niya saka nagmadaling lumabas mula sa silid.

Wala akong nagawa kundi ang kumalma at hintayin ang ulat ni Third.

"Kamusta ang kalagayan niya?"

"Ligtas na siya, Pinuno. Malalim ang sugat niya kaya kakailanganin niya ng ilang araw na pahinga," sagot ng manggagamot.

Ilang minuto pa ay bumalik sa si Third.

"Jay, si Kkun ang nakalaban niya. Nahuli niya itong nagmamasid malapit dito. Hinabol niya at nagkaroon nga sila ng matinding away, mabuti na lamang at may dumating na kasamahan natin para tumulong kaya hindi natuluyan si Red."

"Kkun?" Hinigpitan ko ang paghawak sa aking sandata, "Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ito."

"Anong gagawin natin?" nasasabik na tanong ni Third.

Ibinaling ko ang tingin ko sa tatlo naming kasama sa silid, "Maiiwan kayo rito, bantayan ninyo si Red." Agad silang tumango pagkatapos ay ibinaling ko naman ang tingin ko kay Third, "Ihanda mo ang mga kasama natin, susugod tayo sa oras na bumalik si Victoria."

"Masusunod!"