CHAPTER 22: BID

BEN

Akala ko talaga pababayaan siya ni conrad, mabuti na lang talaga naawa siya. Kung ano ano kasi ang pinapasok ni cindy, paano na lang kung wala kami doon? Panigurado pinag pi-piyestahan na siya ngayon.

“ anak may perA kana ba?? Kailangan kasing mag bayad ngayon” ito ang mama niya.

“ ha?? Kababayad naman natin baka pwedeng sa susunod na linggo?” sabi ni cindy, nage-gets ko na kung bakit andon siya. Mukhang naghahanap nanaman siya ng pwedeng paghanapan ng pera tapos minalas siya kaya ganun.

“ magkano ba ang kailangan niyo?” sumingit na ako kasi naawa na ko sa sitwasyon nila, iyak na ng iyak ung mama niya.

“ may cash ako dito teka” inilabas ko ang pitaka ko, urgh! Nakalimutan ko hindi ako nag dadala ng cash pala, ini abot ko na lang ung ATM ko sakanila.

“ ito gamitin niyo” tinignan ako ni cindy.

“ ko-konti lang ang kailangan namin kung kumpara sainyo” ngumiti ako.

“ okay lang, sige na para matapos na yang problema niyo” nahihiya siya pero kinuha niya pa din, nag madali siyang pumunta sa cashier para mag bayad.

Ilang minuto ay bumalik, bakit parang nag lungkot niya pa din?? Binigyan ko na nga ng pera malungkot parin siya.

“ ayaw gumana” napa awang ang labi ko.

“ huh?? Bakit??!! Impossible naman niyan” sagot ko, nahiya tuloy aako

Useless namang tumawag sa bangko dahil gabi at panigurado bukas pa nila maayos kung sakali, naisip ko si conrad.

“ humiram muna tayo kay conrad” umiling siya

“ hindi na, malaki ang ginastos niya kanina” sabi ni cindy

“ okay lang yan, wala ang sakanya iyon” umiling parin si cindy

“ wag na--- masusolusyonan ko ito” hindi na ako umimik at inilabas niya ung phone niya, rinig kong umuutang siya sa mga kasamahan niya.

“ bakit ang tagal niyo?” nagulat pa ako sa pag sulpot ni conrad.

“ kailangan nila ng cash, may cash ka baa?” tanong ko sakanya.

“ wala” kumunot ang noo ko, hindi mo ako maloloko conrad dahil malabong wala kang cash na dala.

“ conrad, kailangan nila ng pera” wala siyang imik, ano ba nangyayari dito bakit parang ang lamig niya at parang ayaw niya ng mangialam kung tutuusin.

“ pahiraman mo ako, ibibigay ko bukas doble” sabi ko, tinignan ako.

“ once na tutulungan mo yan hindi niya yan maapreciate, baka mapasama ka pa nga pag tumulong ka” mukhang gets ko na, kaya pala ayaw niya ng tumulong.

“ yaan mo na, kawawa naman ung kapatid niya” sagot ko.

“ magkanu kailangan ba?” tanong niya.

“ ahh cindy magkanu kailangan na pera?” katatapos niya lang sa kausap niya, nagulat nga siya na andito si conrad.

“ hi-hindi na kaya ko---”

“ narinig mo? Kaya niya kaya hayaan mo, wag mong pilitin ang tao kung ayaw” sabi ni conrad

Hindi na ako naka imik at naka tingin lang kay cindy na busy sa phone niya pero mukhang walang nag pahiram ng pera sakanya, nilingon ko si conrad na umupo at alam niyang matatagalan pa kami dito.

“ anak nakahiram ka?” tanong ng mama niya.

Umiling siya, ang hirap kasi kay cindy alam niya na ngang hirap siya di pa siya lumapit sa taong makaktulong sakanya, meron naman kami pero bakit niya magsabi? Mahirap bang magsabi? Willing naman kaming tumulong.

“ ah mister baka pwedeng makahiram ng pera?? Maglinis ako sa bahay niyo bilang kabayaran” sabi ng mama niya saakin.

“ ma, hindi na kailangan” ako naiinis na.

“ anak wala na tayong pagkukunan ng pera??!!” sabi ng mama niya, mabuti pa ung mama niya alam niya.

“ may alam pa akong pagkukunan----”

“ anak!!!” doon pa lang ata natauhan si cindy na wala na talaga siyang pagkukunan ng pperA

“ magiging katulong ako sainyo kahit ilang buwan pa basta paki bayad ung bill nila ngayon, kami na bahala sa susunod na bill” pakiusap ng mama niya saakin, tinignan ko si conrad na tahimik lang.

“ conrad pahiraman mo muna ako, ibalik ko ng doble nna bukas” tinignan ako.

“ triple” sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin.

“ okay, akin na ATM mo” binunot niya ung pitaka niya at iniabot saakin ung card niya, sinenyasan ko si cindy na samahan niya ako kaya naglakad na kami papunta sa counter.

50, 000 ung bill nila kaya 150, 000 ang babayaran ko kay conrad, maiintindihan naman siguro ni amanda ito pag ipinaliwanag ko. Bumalik na kami at sobrang pasasalamat ng mama niya saamin, tahimik lang si cindy.

Ilang oras pa ay lumabas na ung doctor at maganda naman ang balita, mabuti na lang para hindi pa masyadong lumaki ang bill nila. Humiram ako uli ng pera kay conrad para naman bigyan ng komportable ung room nong kambal, hindi ko alam na kambal kaya pala ganun ang bill.

“ salamat talaga mister at sayo na din iho” tumango lang si conrad, may pera pang extra kaya ipinangbili ko ng pagkain nila, mukhang hindi pa kumakain ung matanda

“ iwan kaya natin muna dito si cindy??” tinignan ako ni conrad.

“ ibalik mo na lang kaya ung binayad ko sakanya para ikaw na mag desisyon” sagot niya.

“ ito naman, baka naman mamalimos na ako pag binayaran ko iyon tsaka iwan pa ako ng mag inaa ko” inirapan niya ako, napaka sungit naman nitong lalaki na ito.

“ tara na cindy??” okay naman na ang lahat kaya kailangan na naming umalis.

“ paalam lang ako” nilapitan niya si mama niya at mukhang nagpapaliwanag siya kung bakit kailangan niyang umalis, si conrad kasi parang walang puso sa ginagawa.

Lumabas na kami sa hospital at pumunta na sa bahay ni conrad, hindi ko inaasahan na andon si amanda kasama si daniel na masama ang tingin saakin. Mukhang inistorbo niya siya ni amanda kaya ganyan ang mukha niya .

“ cindy, ano nangyari sa itsura mo?” tanong ni amanda.

“ heto isuot mo, wag mong tangkain na umalis dahil kulang pa sa buhay na kabayaran na pang tubos sayo” malamig na sabi ni conrad, nag lakad na siya pataas.