Chapter 23: HURT
CINDY
“ anong ginawa para maging ganyan si conrad sayo?? Noon naman hindi ganyan yan” sabi ni ben.
“ kasalanan ko kaya naging ganyan siya, kaya iniiwasan ko na ding makasalamuha siya pero lagi na lang siyang andiyan pag kailangan ko” sagot ko, aminin ko man sa hindi. Baka patay na ako kung hindi siya andiyan para iligtas ako or solusyonan ung mga pinapasukan kong pproblema
“ Wala din kasi akong ginawa sakanya kundi sumbatan imbes na mag pasalamat dahil sa ginawa niya” dugtong ko pa.
“ buti naiisip mo na din yan, jusko cindy ilang taon kang tinutulungan ni conrad ngayon mo lang naisip ang mga iyan? Kung kailan malamig na siya sayo?? Iba ka din” sabi ni amanda
“ ganyan talaga, sa huli mo pa maiisip na mali na ang ginagawa mo kung kailan wala na siyang pakialam sayo” singit ni daniel.
“ aba, maka hugot ka daniel ah. Mukhang natatauhan kana din ah? Sino ba ung babaeng yan?? Ung waitress ba don sa café?” sinamaan niya si ben ng tingin kaya natawa na lang siya
“ oh paano cindy, okay kana dito? Dadalawin kita araw araw “ sabi ni amanda,
“ ano ka ba, okay lang ako dito. Hindi naman siguro ako papatayin ni conrad” pabiro kong sabi.
“ hindi noon pero ngayon malat natin” binatukan ni ben si daniel, lakas mang asar ih.
“ wag mong isipin ung sinasabi niyan, palibhasa broken hearted” sumimangot si daniel, halatang totoo.
“ mauna na kami, basta sundin mo lang ang sinasabi sayo at pag butihan mo ang trabaho mo” sabi ni amanda, tumango ako at ngumiti ng tipid.
Umalis na nga sila kaya ngayon napapaisip ako, anong gagawin ko? Pumunta ako sa kusina at naabutan ko si manang doon.
“ ano po ang maitutulong ko o gagawin ko?” wala kasing sinabi si conrad kung ano ang trabaho ko
“ mag linis na lang, tutulungan kita pag tapos na ako dito” tumango ako.
“ unahin mo na ung sala bago ang mga kwarto” sabi ni manang, tumango uli ako at pumunta na sa sala para mag linis.
Inumpisahan ko na at mukhang hindi naman masyadong madumi, nag walis muna ako bago ako namunas ng mg kagamitan ng bahay. Naabutan ako ni manang na nagpupunas kaya tinulungan niya na ako.
“ mabuti naman at bumalik ka” sabi niya.
“ mukhang dito po talaga ang bagsak ko kahit anong gawin ko” sagot ko, napa ngiti siya.
“ wag mong labanan kung dito ka talaga dinadala ng tadhana, wala namang problema kay conrad. Napaka bait niya kung tutuusin sa kabila ng pagiging mafia niya, masyado lang o. a ang mga tao kung paano nila I describe ang mga tulad nila” natamaan ako don sa sinabi ni manang ah.
“ siguro pero tapos na, nahusgahan na” tumango ung matanda.
“ kahit na ganun man, alam parin ni conrad mag patawad iyon lang ay kung nasaktan na siya at nag desisyon na siya na tumigil siya sa kung ano mang kahibangan niya” kumunot ang noo ko, parang may ibig sabihin si manang sa sinabi niya
“ kaya iha totoo ang sinasabi nila na nasa huli ang pagsisi kaya habang may oras ka pa bakit di kayo mag usap at makaliwanagan” ngumiti siya.
“ mukhang wala naman po kaming dapat pag usapan, okay na po ako kung ano kami ngayon bilang boss at katulong po” tumango si manang.
“ nasa sayo iyan, basta sinabi ko na ang gusto kong sabihin” ngumiti ako ng tipid at pinag patuloy na namin ang paglilinis.
Natapos na kami ng hapon at sobrang sakit na ng bewang ko, anong oras na din pero hindi ko pa nakikitang bumaba si conrad. Napuyat ata siya, kinuha ko ung phone ko at kinamusta sila mama. Nag reply naman siya na okay sila at gising na ung kambal, paano ko nga pala sila madadalaw?
“’ si manang” nagulat pa ako, si conrad.
“ na-nasa kusina, nag luluto” sagot ko.
“ anong ginagawa mo? Bakit di mo tulungan at nag ce-celphone ka lang diyan” itinago ko agad ung phone ko at mabilis na pumunta sa kusina, napaka sungit. Hindi naman siya ganito.
“ manang patimpla ako ng kape” ako muna pumalit sa pag hihiwa ng gulay at nag timpla si manang ng kape.
Tahimik lang kaming tatlo, hindi ko nga maiwasan na tignan si conrad ng mahiwa ko ang daliri ko.
“ bwesit naman” hinugasan ko agad.
“ ang tignan mo kasi ung hinihiwa mo hindi ako” napa tingin ako kay conrad.
“ manang gamutin mo muna siya, paki tawag na lang ako pag luto na nag pagkain” tumalikod na siya at iniwan kami.
“ totoo bang naka tingin ka sakanya??”
“ napa tingin lang ho at hindi ko naman aakalain na matulis ang kutsilyo dito” natawa siya saakin.
Matapos gamutin ay nag luto na kami uli, nagutom ako sa amoy pa lang. Wala pa kasi akong kain simula nong umaga. taWagin mo na si conrad, napa tingin ako kay manang.
“ kayo na lang po” kumunot ang noo niya.
“ ako pa talagang may sakit sa tuhod ang paaakyatin mo? Dali na ayaw ni conrad ng malamig na pagkain” utos niya, napa simangot tuloy ako kaya nag lakad na ako paitaas..
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok, ilang beses akong kumatok at don lang niya binuksan.
“ luto na ang pagkain” sabi ko, naka tingin lang siya saakin.
“ okay” isinara niya na ang pinto at bumaba na, sumunod naman ako.
Pinag hain na namin siya at gumiilid na ako,, tinignan ko si manang na umupo. sasabayan niya, sabi niya noo hindi siya kumakain ng walang kasama.
“ anong ginagawa mo?? Kami pa ba ang maghahain ng pagkain mo at paghhihilaan ka pa ba ng upuan” malamig niyang sabi.
Gumalaw na ako at umupo, mabilis ko ding pinaghainan ang sarili ko. Nag dasal si manang at kumain na kami, gutom na gutom ako.
“ bukas ayusin mo ang mga garden” sabi niya.
“ okay”
“ tulungan ko na siya” sabi ni manang.