CHAPTER 12: AMANDA

CONRAD

Ilang araw ko ding hinintay si cindy, sabi niya ay busy siya at dadaan siya mamaya dahil tapos naman na ung mga gagagaw niya.

“ conrad, alam mo ba kung nasaan si ben??”

“ hindi” sagot ko.

“ shit!!! Tumawag siya saakin kagabi at sabi ay may nalaman siya, conrad iba ung tono niya kahapon” pag aalala ni daniel.

“ hindi mo na ba makontak ngayon??’’ umiling siya.

“ ipahanap mo na para malaman natin agad, baka mapahamak pa siya sa gagawin niya kung meron man” sagot ko.

“ gginawa ko na bago pa ako pumunta dito, kung may nalaman siya malamang ay may kinalaman din si cindy??” tumaas ang kilay ko.

“ wala pa ako nalalaman tungkol kay cindy at nag usap kami na magkikita kami mamaya after niya mag work”

“ pwede ba kumalma ka, si ben yan at wala kang dapat ipag alala dahil kahit wala tayo ay kayang kaya niya ang sarili niya at hindi naman ssii pababayaan ng mga tao niya” napa buga ng hangin si ben.

DANIEL

Nag paalam muna ako kay conrad dahil hindi talaga ako mapakali, may pakiramdam talaga akong iba ngayon kaya hindi ako tumigil na hanapin si ben at inabot na ako ng alas otso ay hindi ko parin nahahanap si ben.

“ nasan kana ba?” sabi ko mag isa.

BEeP!!!!!!!!

Tinignan ko kung sino at si ben, shit!!! Sugatan siya kaya nag madali akong tulungan siya, isinakay ko siya sa kotse ko.

“ ung bata sa ko…tse ku…nin mo” hirap niyang sabi, sinunod ko naman ung sinabi niya at may bata nga.

“ bi…lis uma…lis na tayo” hirap parin niyang sabi kaya agad ko namang sinunod, idiniretso ko siya sa kampo ko kasama ung bata. Agad kong inutos na mag matyag dahil baka may nakasunod saamin.

“ kaya mo pa ba, teka at tatawagan ko lang ung doctor ko” habang tinatinatawagan ko ung doctor ko ay nililingon ko si ben na naka tingin sa bata. May napansin ako sa bata, parang may kamukha siya, nanlaki ang mata ko.

“ ben kamukha siya ni amanda” pinatay ko na ung phone ko.

Wala akong makuhang sagot dahil hirap na hirap siya, dumating na din ung doctor at ginamot na si ben. Nakatulog na din siya kaya ako na muna bahala sa bata, tulog na din naman kaya okay lang. kinuha ko ung phon3 ko at tatawagan ko si conrad pero di sumasagot. Baka busy na siya kay cindy ngayon, bukas ko na siya sasabihan.

Alas diyes na at nagigising na si ben, sakto lang dahil andami kong tanong sakanya. Nilingon ko ung bata na mahimbing ang tulog, mabuti na lang mabait ung bata at hindi umiiyak.

“ ung anak ko?” iyon agad ang tanong niya.

“ tulog siya, kailan ka pa nagkaroon naman ng anak?” tanong ko.

“ anak namin ni amanda yan na tinago niya saakin” nagulat ako sa balita niya.

“ anak niyo? Nagbunga ung kagaguhan na ginawa mo??” sinamaan niya ako ng tingin.

“ gago ginusto namin iyon na dalawa” sagot niya

“ so asan na si amanda? Tsaka paano mo nakuha ung bata at bakit ka sugatan?” sunod sunod kong tanong ng biglang napalikwas siya.

“ pumunta ka sa bahay nila conrad bilis, magkasama sila cindy ngayon” nag papanic niyang sabi.

“ oo alam ko, sinabi na iyon ni conrad” sagot ko.

“ gago papatayin niya si cindy, bilis!!!” nanlaki ang mata, kahit naguguluhan ako at pumunta na lang ako sa bahay ni conrad.

BANG!

“ SHIT!!!” mabilis akong tumakbo maski hindi na naka park ng maayos ung sasakyan ko.

Hindi ko akalain ung nakikita ko ngayon, si cindy pinaputukan si conrad?? At si conrad duguan ngayon. Nasan ba ung mga tao ni conrad? Bakit wala sila.

“ cindy, kumalma ka” singit ko.

“ go ahead kill me para matapos mo yang kasunduan niyo!!! Kill me para mailigtas mo ang kaibigan mo” utos ni conrad.

“ wag mo akong subukan conrad dahil kaya kong gawin” sagot ni cindy, ngumiti si conrad.

“ then go ah3ad, I trust you so much and hindi ko aakalain na gagawin mo saakin ito. Niloko mo ako, pinasakay mo ako para makuha mo ang gusto niyo. Bakit? Hmm? Bakit kailangan mong manakit at bakit ako pa!!!”

“ naging mabait ako sayo, hindi ako nagpakita ng kasamaan sayo cindy kahit alam kong ikaw at si amanda ang nagnakaw sa bahay ko. Nanahimik ako maski alam kong nileak niyo ung laman ng notebook kay red!!!” kung ganun may alam na pala si conrad tungkol dito pero nanahimik lang siya dahil?? Dahil una pa lang nahulog na siya kay cindy tama ba ako conrad?

“ naniniwala akong sasabihin mo saakin at hihingi ng tulong pero mas pinili mong kumampi kay red, ilang beses kong sinabi sayo na isa akong mafia at walang makakapantay saakin. Sinabi ko din sayo na hindi ka mapapano pag nasaakin ka pero tang ina!!! Ginago mo ako cindy!! Niloko mo ako!!” napayuko ako sa nakita ko kay conrad, ngayon ko lang siyang makitang umiyak.

“ alam mo bang sa mama ko lang ako nagtitiwala ng buo pero ng makita kita at may iba akong naramdaman sayo ibinigay ko na agad ang tiwala ko kahit galit na galit ka saakin. Alam kong may rason ka kung bakit mo ginawa ang pangloloko mo pero ang sakit sakit lang na kaya mo akong barilin ng ganito cindy”

“ ANG SAKIT!!! Kaya sige na gawin mo na ang inutos sayo dahil pag binuhay mo ako, magsisisi ka sa bandang huli sinasabi ko sayo” dumilim ang mukha ni conrad, tama ba ang nakikita ko na ung kinang ng mga mata ni conrad ay nawala na.

“ come on!!! Kill me!!! Sinasabi ko sayo cindy pag yan hindi mo ipinutok at hindi ako namatay, hahanapin kita at gagawin kitang sex slave cindy. Araw araw mo akong aakitin hanggat magsawa ako sayo, hindi mo ako kilala cindy kaya kung ako sayo iputok mo na yan!!!”

“ iputok mo----- BANG!