Chapter 12: TRUTH

CINDY

Kailangan kong hindi ipahalata na natatakot ako, asan kana ba amanda? Mag isa kasi akong nag lalakad ngayon sa isang madilim at mahabang daan. Pakiramdam ko kasi may naka tingin saakin at sumusunod.

“ takot na takot ah” halos mahulog na ung puso ko, si amanda lang pala.

“ sabi mo susunduin mo ako sa pasukan pa lang pero nasa kalagitnaan na ako ay ngayon ka lang dumating” reklamo ko.

“ nakalimutan kong patayin ung kalan kaya binalikan ko pa, pasensya na” inirapan ko siya.

“ tara na” nag lakad na kami.

“ dapat hindi ka na natatakot ngayon, cindy dalawang taon na ang lumipas. Kalimutan mo na ung mga nangyari” hindi naman madaling makalimot, napaka laki ng kasalanan na ginawa ko pero wala akong magawa dahil nong oras na iyon ay hawak ni red ang pamilya ko at handa siyang patayin ang mga ito.

Kahit ayaw ko, kailangan kong gawin iyon. Para sa pamilya kayang kaya mong pumatay para sakanila kahit mahal mo ung tao, sana naiintindihan mo iyon conrad.

“ mag tw-two years na siya bukas, dadalawin mo ba siya sa sementeryo tulad ng dati mong ginagawa?” tumango ako.

“ kahit doon lang ay makabawi ako sa gginaw ko kahit hindi naman na maibabalik pa ang buhay niya” sagot ko.

“ bahala ka pero lagi kang mag iingat ka, hindi ka parin tatantanan nila ben at daniel” paalala ni amanda, ngumiti ako ng tipid at nakarating na nga kami sa bahay.

Simula kasi nong araw na iyon hindi na ako tinantanan nila dani3l at b3n sa dahil nga sa gginaw ko kay conrad, maski ipinipinaliwag ko sakanila kung bakit ay galit parin sila saakin. Hindi daw iyon rason lalo pat maari naman daw ako humingi ng tulong kay conrad kung ayaw ko talaga sa plano ni red.

“ ma andito na po kami” sinalubong kami ng kambal.

“ kamusta ang biyahe?? Bakit kasi hindi ka na lang kumuha ng uupahan kaysa naman umuuwi ka pa? napaka dilikado pagka gabi” alam kong nag aalala lang si mama pepe natatakot na kasi akong iwan sila tulad noon kaya nakuha agad sila ni red.

“ andiyan naman po si amanada kaya okay lang po ako, tsaka wala pong mangyayaring masama saakin” ngumiti ako para mawala ang pangamba sa mukha niya.

“ okay ssige, maupo na kayo para maka paghain na ako ng pagkain natin” umupo na nga kami.

Kumain na kami ng may mapansin akong hawak ng isang kambal, para kasing pamilyar at iisa lang ang alam kong may ganun.

“ saan niyo yan kinuha?” tanong ko sa kambal.

“ may nag bigay saamin nong kami ay naglalaro sa labas ate, napaka bait niya po at napaka gwapo" doon pa lang ay kinabahan na ako, tinignan ko si amanda.

“ kayumanggi ba siya?” tanong ko, tumango sila.

“ matangkad ba?” tanong ko uli at muli ay tumango sila.

“ ang galing mong manghula ate, tinanong nga namin pangalan niya at ang sabi ay conrad” nanlamig ang buong katawan ko dahil na narinig ko ang pangalan ni conrad.

“ sa-sa susunod wag kayong kakausap pag hindi niyo kilala at pag dumating uli ung conrad layuan niyo agad, baka masamang tao at gusto kayong kunin at ibenta” tumango sila..

Patay na siya cindy, pakalmahin mo yang sarili mo dahil matagal na siyang patay. Natapos na kaming kumain at nasa kWarto ako ngayon iniisip ung nakita nong mga bata, imposible naman na magka pareho ung taong iyon sa conrad na nakaraan.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para makatulog na, ayokong isipin pa ang mga iyan. Kinabukasan maaga akong gumising dahil may pupuntahan pa ako, hindi na daw sasama si amanda dahil may aasikasuhin pa siya, mag kita na lang daw kami pagkatapos ko ddumalaw

Bumili muna ako ng bulaklak bago dalawin si conrad sa sementeryo, nakarating na ako at inilapag na ang bulaklak.

“ sana mali ako, sana hindi totoong buhay ka” sabi ko mag isa.

“ natatakot ka ba na balikan kita” tumayo lahat ang balahibo ko sa narinig ko, pumikit ako at iniisip na hindi totoo.

“ don’t close your eyes baby, im alive” inimulat ko ung mata ko at bumungad saakin ang naka ngisi na mukha ni conrad

“ miss me??” ung tingin niya kakaiba na at hindi na tulad ng dati pero paano siya nabuhay?? Ako mismo ang bumaril sakanya at andon ako ng kinumpirma ni ben na patay na siya----- dumilim ang paningin ko dahil may pumukpok sa batok ko.

Nagising na lang ako na nasa isang bahay, kakaiba ung lugar. Lahat ng gamit ay napaka mamahalin, alam ko iyon dahil nga isa akong magnanakaw noon.

“ nagising na ang ang aking baby” si conrad.

“ kamusta ang buhay mo ng wala ako? Sobrang saya ba?” lumapit siya saakin.

“ conrad tungkol sa--- ahhhhh!!!” sinabunutan niya kasi ako at paibaba iyon kaya naka tingala ako sakanya.

“ gaya ng sabi ko sayo noon patayin mo ako para hindi ka magsisi sa huli pero anong ginawa mo binuhay mo parin ako, masyado kang uto uto kaya pala agad kang nakuha ni red. Sinabi lang na patay na ako ay naniwala kana, hindi ka man lang naniguro kung totoo ba” binitiwan niya ang buhok ko.

“ ngayon ako naman, panoorin mo ito” inon niya ng t. v at nanlaki ang mata ko, may nakalagay na cctv sa bahay? Papaano?

“ susundin mo ang gusto ko kung ayaw mong mapahamak ang pamilya mo, your going to be my sex slave and you will seduce every day. Gusto kong maramdaman ung init kaya kung ako sayo galingan mo dahil pag hindi ako nakunte sa ginagawa mo, mamaalam kana agad sa isa sa kambal” hindi ko maiwmaiwa tumulo ang luha ko, hanggang kailan matatapos ito?

“ please wag na lang sila, ako na lang. Willing akong maging alila mo basta wag lang ang pamilya ko conrad, sobra sobra na ang nakuha nila kay red kaya please wag mo ng dagdagan” pakiusap ko sakanya, umiling siya at hindi na nagsalita tsaka ako iiniwan