Chapter 12

Natigilan si Cyrille sa kanyang ginagawa at parang tinakasan ng dugo ang kanyang mukha dahil sa sinabi sa kanya ni Charlotte.

‘Totoo kaya ang pinagsasabi ng haliparot na ‘to?’ Pero may singsing nga. May ebidensya, eh.

Paano na siya ngayon? Pinaglalaruan lang ba siya ni DaVon? Paano kung tanungin niya ang binata at sasabihing ito nga ang nagbigay ng singsing na iyon? Parang hindi niya kayang marinig ngayon pa lang.

Nakita ni Charlotte ang reaksyon niya. Ikinatuwa talaga nito ang makita siyang ganito. Bigla na lang siyang tumayo.

“Malay ko ba kung binili mo lang ‘yan, haliparot ka?” inis na aniya sa wikang Tagalog sabay talikod.

“W-what did you say?” pahabol nito.

Inikot niya ang mga mata. “I-memorize mo at nang maitanong mo sa ‘Darius’ mo! O kaya naman ay i-Google mo na lang!” singhal niya.

Nagpatuloy sa pagpanhik ng hagdan dala ang mga damit na itinupi.

Hindi na niya ito nilingon. Halatang inis ito dahil hindi nito alam ang ibig niyang sabihin. Bahala nga ito sa buhay nito.

***

“Bakit ganyan ka kung makatingin sa ‘kin?” tanong ni DaVon nang maratnan siyang nagkukulong sa silid ni Lara.

Nakasandal ang lalaki sa pinto nang nakakuros ang mga braso. Nasa baba ang bata at kasama raw ang haliparot. Parang gusto niyang paakyatin si Lara para hindi maimpluwensiyahan. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Magkakilala na ang mga ito bago pa man siya dumating sa buhay ng mag-tiyo.

“W-wala naman,” matabang niyang sabi. Nagbesi-besihan na lang siya sa pag-aayos ng mga gamit ng alaga.

“Tungkol ba na naman ito kay Charlotte? Palalayasin ko na ang babaeng ‘yan!” Tatalikod na sana ito pero nagsalita siya.

“Huwag. A-at least… k-kaibigan mo naman ‘yan. ‘Tsaka… baka magtataka si Lara. Pamilyar naman ang bata sa kanya, so… hayaan mo na lang siya.” Pinilit niyang lumunok.

Nakita niyang hindi sang-ayon ang lalaki sa sinasabi niya. Humakbang itong palapit sa kanya.

“Sweetheart, kung siya lang naman ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito, mas pipiliin ko pang mawala na siya sa landas natin. Ikaw ang kailangan ko at hindi siya.”

Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Gusto na niyang magtanong kung mahal siya nito pero handa na ba siyang marinig ang sagot nito? Natatakot kasi siyang hindi pagmamahal ang mayroon si DaVon sa kanya kundi pagnanasa lang. Sure, she enjoyed and loved their every encounter they had, but was it everything there is to their relationship?

Bago pa man siya makapagsalita ay tumunog ang kanyang cellphone. Napasimangot siyang numero lang ang nakarehistro roon. Sinagot niya. Pero walang nagsasalita sa kabilang linya. Parang nakikinig lang sa boses niya nang paulit-ulit siyang nagsalita ng “Hello.” Nakita niyang nagkasalubong ang mga kilay ng lalaki. Bumuntong-hininga siya.

“Kung hindi ka magsasalita, goodbye!” at in-end call na.

“Wrong number?” usisa ng binata.

Kumibit naman siya. “Hindi nagsalita, eh.”

“So, what now? Nagsasabi ako nang totoo sa ‘yo. Idedespatsa ko na talaga ang babaeng ‘yan…”

Tumunog na naman ang cellphone niya kaya natigil ito sa pagsasalita. Mukhang naiirita na ito dahil sa katutunog niyang aparato. Bakit ba kasi ito uso ngayon, eh gayong may importante silang pinag-uusapan ng binata?

Kilala niya ngayon ang tumatawag dahil nakarehistro sa phonebook niya. Si Leon. Pinsan niya.

“O, Leon,” aniya.

Lalo iyong nagpasalubong sa mga kilay ng binatang nakatingin sa kanya nang marinig ang pangalan ng isang lalaki. Bahala nga ito kung ano’ng iisipin. Inis din naman kasi siya, eh.

“A-Ate… makakauwi ka bang probinsya? Namatay kasi si Tiya Ising.”

Napaupo siya sa kama dahil sa kabiglaan. Feeling niya ay parang bigla siyang nahilo. Second cousin ng ina niya ang tiyahin at malapit ito sa kanila. Pinigilan niya ang luhang gusto nang kakawala kaya napasapo na lang siya sa kanyang noo.

“K-kailan ang libing?”

“Sa makalawa na, ‘Te. Kahapon siya namatay at medyo naging busy kaya ngayon lang ako nakatawag sa ‘yo para ipaalam.”

Napalunok siya. Kailangan niyang umuwi ng Santa Clara. Pagkatapos niyang kausapin si Leon ay nagpaalam siya sa among nobyo. Nag-alala ito sa kanya.

“Ihahatid na kita roon. We’ll just cut our vacation short.”

“H-huwag na. Dito na lang kayo. Make the most of your vacation dahil hindi naman ito palagian. Baka ma-disappoint si Lara. Ayokong mangyari ‘yon.”

Niyakap siya ng lalaki. “Are you sure?”

Tumango siya.

Mga tatlong oras ang biyahe mula sa Batangas hanggang sa probinsya ng ina. Matagal-tagal na ring hindi siya nakapunta roon. Tinawagan niya sina Corey at Crystal. Papasundin na lang niya ang mga ito bukas dahil may klase pa ang mga ito. At least isang araw lang ang absent ng mga kapatid dahil weekend naman sa makalawa.

Inihatid lang siya ng binata sa may bus station kahit namilit ito. Tumanggi lang talaga siya alang-alang kay Lara.

Sa bus na siya humagulgol. Naisip niyang siguro ay blessing in disguise na rin ito. Naisip niyang hindi na siya babalik. Siguro naman ay ayos na si Lara. Pagkatapos ng isang beses nitong umiyak dahil sa kulog ay hindi na ito nagkaroon ng simtoma ng PTSD. Matagal-tagal na rin iyon.

Nang umulan, kumidlat, at kumulog noong isang gabi ay ayos lang naman ito. Siguro ay puwede na siyang mag-move on. Wala naman silang kontrata ni DaVon. Hihingi na lang siya ng panibagong trabaho kay Trina pagkatapos ng maikling bakasyon na rin sa probinsya.

Tama. Ito na nga ang gagawin niya. At least hindi na niya makikita pa ang binata at ang bata. Hindi siya mahihirapan sa pagpaalam dahil hindi naman sila magkaharap ulit. Tapos na ang pantasya niya, sa tingin niya.

Pagdating niya sa probinsya ay noon lang niya napansing naiwan pala niya ang isang importanteng bagay. Ang kanyang cellphone. Siguro sa dami ng iniisip niya at pati na sa nararamdaman niya ay nawala na sa isip niya ang aparato. Hindi bale. Buti na rin siguro iyon at hindi na siya matunton pa ng lalaki kung sakali. Puwede naman silang lumipat na magkapatid pagbalik niya sa Manila para tuluyan na siyang walang koneksyon sa binata. Sasabihin niya kay Trina na huwag ibigay ang panibagong address o contact number niya kung sakali mang magtanong ito.