Chapter 11

“You know that I like you like pussy, Darius.”

Napalingon si DaVon sa babaeng nagsalita sa wikang Luxembourgish. Nakasuot ito ng sadyang manipis na nighties at nababanaag niya ang walang bra na babae. Tila nanghahalina ang matatayog at malalaki nitong dibdib. Halatang isinuot nito yaon para akitin siya.

Nasa balkonahe siya habang nasa silid na ang mag-yaya para makatulog ang pamangkin. Umiinom siya ngayon ng beer. Konti na lang at mauubos na niya yaon.

Plano niyang makitulog din sa silid ng mag-yaya habang nandito si Charlotte para hindi naman magkaroon ng agam-agam sa kanya si Cyrille. He did not want her to get jealous of his ex-fuck buddy. Baka kasi bigla na lang siya nitong i-break. Ayaw niyang ganoon na lang. Ginawa pa naman niya ang lahat para ma-seduce ito simula pa noong nasa mansion sila. Nasiyahan na nga siya nang bumigay rin ito sa huli nang nandito na sila sa rest house. Kaya hindi iyon puwedeng sirain lang basta-basta ni Charlotte dahil lang sa presensya nito.

He chuckled softly, ignoring her words. Alam niyang napansin nito ang pagkawala nila ng nobya niya kaninang hapon. Siguro ay napansin din nito ang chikinini niya sa leeg. At alam nito kung ano ang ginawa nila ni Cyrille. So what? He did it deliberately rin naman para ipakita ritong seryoso siya sa kanyang nobya. Wala pa siyang ibang pinagbigyan na lagyan siya ng marka kundi si Cyrille lang.

“Why are you really here, Charlotte?” marahang tanong niya.

“You mean here at your rest house?” Kumibit ito. “Why not? I want to rekindle some old flame.” Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang dibdib. Nang-aakit.

Nanigas ang panga niya. “There is no old flame to rekindle. You know that it wasn’t like that between us. At the time, you wanted it and I wanted it. That was it! Nothing more. So, kung gusto mong magbakasyon dito, fine. For old times’ sake, I’ll let you. Just this once but stay the hell away from me!” Itinulak niya ito palayo sa kanya. “Kung hindi, lumayas ka. Ayokong sirain mo ang relasyong meron ako kay Cyrille.”

Tumawa ito nang malutong at lumapit ulit sa kanya.

“Oh, come on, Darius! Hindi ko alam na susungitan mo ako nang ganito dahil lang sa isang yaya.”

“She’s not just my niece’s nanny. Mahal ko si Cyrille at girlfriend ko siya! Got it?”

Lumambitin ito ulit sa kanya at lumingon. Paglingon niya rin ay iyon din ang eksenang naratnan ni Cyrille sa balkonahe. He cursed. Tumalikod na lang basta ang dalaga at iniwan sila roon ni Charlotte. Itinulak niyang muli ang babaeng napatawa lang at siya naman ay sinundan ang nobya.

“Hey, sweetheart!” tawag niya sa dalaga pero hindi siya nilingon man lang. Tuloy-tuloy ito pabalik sa silid ng bata. “Aww. Come on!” aniya nang sinarhan siya ng pinto. Muntik pang natamaan ang matangos niyang ilong.

‘Ano na? Outside the kulambo na ba ako?’ Marahas siyang napabuga ng hangin. ‘Kasalanan ‘to ng Charlotte na ‘yon, eh!’

Kinatok niya ang silid. Bumukas iyon kaya lang isang mukhang hindi maipinta ang nakita niya sa nobya.

“Ano ‘to, DaVon? Tapos na kayong maglampungan kaya tayo naman?”

“What? No! Of course not!”

Napahalukipkip ang dalagang nakatingin sa kanya. Sinilip niya ang pamangkin na nakatulog na. He took a deep breath. Marahan niyang itinulak ang dalaga papasok. Isinara at ini-lock pa niya ang pinto.

“I’m not going to sleep in my room para hindi niya ako gapangin. Dito lang ako. Promise.”

Umirap lang ang babae. Tatalikuran na sana siya nito pero hinaklit niya ito sa baywang.

“Dito ako matutulog hanggang nandito pa si Charlotte para hindi mo masasabing gusto ko siya o kaya nagpapagamit ako sa kanya. Okay?”

Ngumiwi ito sa ipinahayag niya. Nakatukod ang mga kamay sa kanyang dibdib. Hinimas-himas niya ang balakang nito.

“Ikaw lang ang gusto ko. Okay?” lambing niya. Idinikit pa niya ang ilong sa leeg nito at saka kinintalan ito ng halik doon.

“Tumigil ka. Baka magising si Lara,” saway nito sa kanya.

Napangiti siya at hinalikan ito sa labi. “Eh, ‘di ‘wag lang tayong maingay,” lambing niya habang ibinulong iyon. “If you can,” makahulugang aniya sa dalaga na napangisi rito nang pilyo.

Hinampas nito ang dibdib niya at kapagdaka’y nagkatitigan sila sa isa’t isa bago niya ito nilamukos ng halik sa labi. Pero siyempre ay magpipigil lang siya dahil nasa iisang kuwarto sila ng bata. Kahit iyon man lang ay nirerespeto rin naman niya… kahit nga ba masakit sa puson.

***

Pangiti-ngiti kay Cyrille si Charlotte. Nasa labas ang mag-tiyuhin at siya naman ay nasa sala, nagtutupi ng mga damit ng bata. Galing pa itong dryer ng washing machine at doon na niya ito inaayos dahil gusto niyang nakikita lang sa labas ang mag-tiyuhin. Umupo sa tapat niya si Charlotte na nakasuot ng napaka-iksing mini-skirt na kitang-kita na ang panties at singit at naka-hanging top pa. Mukhang walang bra dahil nababanaag niya ang nipples nito. Halatang sanay sa lantaran ang babaeng ito.

‘Naiinitan talaga ang haliparot na ‘to sa Pilipinas, eh,’ sa loob-loob niya. Asar na asar.

“Did you know that Darius and I have a long sex-story?” lantarang pahayag nitong may malisyosang ngiti sa mga labi. Pulang-pula pa ang mga labi nito sa lipstick. Parang gusto niyang kuyumusin iyon.

Napalunok siyang nakatitig rito. “Yes.” She gritted her teeth.

Napatawa ito nang marahan. Napalingon ito sa direksyon ng kanyang mga mata—sa mag-tiyo na nagluksong-tinik. Nakaupo si DaVon samantalang lumukso ang bata sa tinik na gawa ng paa at kamay ng binata.

“Do you think he’ll settle for you?” anang Charlotte.

Sinundot bigla ang puso niya dahil sa tanong na iyon. May katotohanan kaya ang sinasabi nito? After all, hindi pa rin niya naririnig ang gusto niyang marinig mula sa binata. Kahit na ipinakita ng binata na gustong-gusto siya nito kumpara sa babaeng ito ay nagkaroon din siya ng agam-agam kung hanggang kailan siya magugustuhan ng lalaki—kung hanggang kailan ang relasyon nila. Pero pinili niyang huwag umimik. This woman could be baiting her. Or merely taunting her. Gusto yata nitong mawalan siya ng cool sa katawan. Gahibla na lang, eh. Naghahanap talaga ito ng away. At pagkatapos ay ano? She wondered.

Ikinuros nito ang mga hita. Pang-modelo talaga ang dating nito kung hindi lang napakalaki ng boobs na nakaka-insecure dahil hindi naman kalakihan ang boobs niya. Napansin niyang pinagsalikop nito ang mga kamay na may suot na singsing. Napansin na niya ito simula pa lang noong dumating ito pero ngayon ay parang ipinaglalantaran talaga nito ang bagay na iyon. At ang nakakainis pa ay parang kumikislap-kislap ang singsing para tudyuin siya. Painisin.

“Didn’t you know that he and I are engaged since a long time ago? In fact, this is the proof.” Tinutukoy nito ang mamahaling suot na singsing na diamante ang bato.

Cliché lang.