Chapter9: Left Alone
Elora Amore Point of View
Nakauwi na galing paaralan. Pagpasok sa bahay ay napakatahimik. Though, ganito naman talaga ito lagi tuwing uuwi ako. Lalo na kapag may trabaho si mama.
Naghahanap ako ng damit na ipapalit ng napa-tingin sa lagayan ni mama ng damit. Bigla na lang sumagi sa isip ko na tingnan ang phone niya. Hinalungkot ko siya for triple check pero wala na talaga.
I shrugged my shoulder at kumuha na ng pamalit. Napadaan sa lagayan ng mga damit na lalabhan. Pero nangunot ang noo sa pagtataka ng makitang ang damit ko kanina ang nasa una. Kung umuwi si mama dapat sa kaniya ang nasa una.
Parang may nagtulak sa akin na halungkatin Ito at tingnan. Pero hindi ko pa rin makita ang damit ni mama na suot kahapon.
Hindi ba siya umuwi? Pero imposible naman 'yon. Kung hindi siya umuwi, sana nandito pa rin ang phone niya pero wala na. Kung umuwi siya, bakit hindi siya nagpalit man lang ng damit? Saan ba ang lakad niya at nagmamadali siya? Kahit man lang magbihis ay hindi na nagawa.
Hay. Ewan. Hinanger na lang ang uniform. Dahil hindi nakain ang tinira kong pagkain kay mama kanina, 'yon ang ginawa kong hapunan. Hindi pa naman panis kaya ayos lang.
"Naligaw ka yata rito?" Bungad ni Klofie nang pagbukas ng pinto, ako ang bumungad. Wala akong magawa sa bahay at hindi pa rin inaantok kaya naisipan kong gumala mula sa kanila. Alam ko naman na gising pa sila.
"Boring sa bahay. Wala pa si mama." Pumasok na kami sa loob. Naka-on ang tv, mukhang nanonood sila ng palabas.
"Saan sina Ninang?" Hindi ko sila nakita sa sala. Umupo sa gilid, pang-isahan na upuan lang. Habang siya ay nakaupo sa pang-tatlong upuan.
"Nasa kuwarto. Pinapatulog mga kapatid ko," sabay nguso sa taas. Dalawang palapag ang bahay nila at may sariling kuwarto si Klofie. Kaya minsan, hindi niya agad nililinis ang kuwarto dahil siya lang naman daw mag-isa.
"Dapar tinulungan mo," mabilis siyang napasimangot. Ayaw niya kasing siya ang magpapatulog sa kapatid dahil napipikon. Makikipaglaro pa kasi bago siya matulog. At itong si Klofie mabilis maasar sa kanila.
"Kaya na 'yon ni mama," mahinang usal niya at sabay tingin sa taas. Sinuri kung pababa si Ninang.
"Sira," natatawang sagot ko. Ayaw lang aminin na tamad siyang magpatulog ng kapatid.
"Teka nga, kumain ka na ba?" Pag-iiba niya ng topic. Tumango naman ako at nag-focus na sa panonood.
"Oh, Elora nandito ka pala?" Gulat na tanong ni Ninang Adel pagbaba niya. Siguro ay tulog na ang anak. "Kanina ka pa ba?"
"Kararating ko lang din, ninang." Umupo siya katabi ni Klofie.
"Wala pa ba si Serene?" Tumango ako sa kaniya. Nagtaka ako sa reaction niya. Kunot ang noo na parang nagtataka. "Nasa trabaho pa po," mas lalong nagsalubong ang kilay niya at tila hindi makapaniwala sa narinig.
"Trabaho? Nag-grocery ako roon kanina pero hindi ko naman nakita si Serene. Sabi ng katrabaho niya, nagpaalam daw itong hindi papasok," hindi pinahalata na nagulat sa narinig. Hindi mawala ang pagkunot ng noo niya.
"Baka po may pinuntahan lang," she shrugged her shoulder at hindi na nagsalita pa. Klofie look at me worriedly. I smile to her to say I'm okay.
"Uwi na po ako, Ninang, Klofie malalim na ang gabi. Baka umuwi na rin si mama," quarter 9 na ng mapansin ko ang oras. Masiyadong napasarap ang panonood ng palabas.
"Mag-iingat ka." Kumaway kay Ninang at naglakad na palabas. Hinatid ako ni Klofie hanggang gate.
"Huwag mo na lang isipin 'yong sinabi ni mama," huling sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at sinuklian lang siya ng ngiti.
Akala ko nakauwi na si mama pero hindi pa rin pala. Napakatahimik ng buong bahay at tanging ilaw lang ang nagbibigay buhay nito.
Mahinang napabuntong hininga at ni-lock ang pinto. Baka may pinuntahan lang siya.
Sinubukan kong matulog. Ngunit mahigit isang oras na akong nakahiga, ayaw pa rin dalawin ng antok. Kahit saan bumabaling at pilit pinipikit ang mata pero wala pa rin. Hindi pa rin makatulog.
Nakasimangot na bumangon at sumandal sa dingding. Hindi ako sanay na wala si mama. Hindi naman siya ganito noon. Ngayon lang simula ng magtrabaho siya sa grocery store at pumunta rito 'yong Brielle.
Natuwa ako no'ng una na wala na si mama sa bahay aliwan. Hindi na rin siya mababastos. Pero ngayon, ang laki ng pinagbago niya. Hindi ako sanay sa kilos na pinapakita niya.
I know she's doing this for me, for us. I know na madalas siyang mag-overtime. But not like this. Hindi katulad ngayon na kahit man lang pagpapalit ng damit hindi na magawa. Kahit man lang mag-message hindi magawa. Walang pakiramdam na.
I reach my phone na madalang ko lang gamitin. Ginagamit ko lang ito to contact her and for academic purpose. Other than that, wala na. Hindi rin naman ako mahilig sa social media. 'Yong Facebook account, paminsan-minsan lang buksan. Tuwing may groupings or pair lang. Do'n na kasi sila nang-iinform. Masiyadong malaki na ang impact ng social media ngayon, sa sariling buhay at sa buhay estudyante. Ayokong i-engage masiyado 'yong sarili ko sa social media. Kapag nagtagal, mas lalong nagiging toxic kasi. Napapansin ko lang sa kung paano mag-rant minsan si Klofie dahil sa nakikita nito sa Facebook. Kaya sinabi ko sa sarili, hindi ako masiyadong gagamit ng ganiyan for my peace. Ayos ng si Laila lang ang toxic ng buhay ko. Ayoko ng dagdagan. Baka kapag malaman niya pang gumagamit ako no'n, do'n pa ako siraan. Iba pa naman ang mindset ng mga tao kapag nasa social media. Easy to judge. Hindi na inaalam ang totoo. Madalas sa kanila, naniniwala sa one-sided story.
Sinubukan kong tawagan si mama. At first, out of coverage area. Pero sa ilang ulit na pagsubok, panay ring lang at walang sumasagot. Hindi rin siya nagr-reply sa nga message ko. I find it weird. Hindi naman talaga ganito si mama.
Madalang araw na yata akong nakatulog. Kaya kinabukasan, pinilit ang sarili na magising dahil may pasok pa. Tiningnan ko rin ang bagay na mag-iiwan ng trace kung umuwi ba si mama pero wala pa rin. Where are you, ma?
"Bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang kulang sa tulog," nagkagulatan pa kaming dalawa paglabas ko. Sakto rin kasi na paglabas ko sa sirang gate namin ang akmang pagliko niya sa bahay.
"Wala 'to," sumingkit ang mata niya at hindi naniniwala sa sagot ko. "Wala nga. Tara na nga, baka ma-late pa tayo," nagkangusong naunang naglakad siya.
Kung nasa mood lang ako, baka tumawa na sa reaction niya. "Wala lang daw. Pero bakit tila wala ka sa mood?" Segunda niya ng mapansin na hindi ako nagsasalita at mataman lang na nakikinig sa sinasabi nila.
"Huwag mo na lang akong isipin," napansin ko ang pag-irap niya. "Para kang others. Ayaw mo pang sabihin sa'kin, magkaibigan naman tayo," pagmamaktol niya. Muli siyang umirap ng hindi ako sumagot.
"Ano ba talagang problem mo?" Naiinis na humino siya sa harap ko. Naka-lagay ang dalawang kamay sa baywang.
Mahinang napabuntong hininga. Ang kulit niya talaga. Pero hindi ako naiinis sa pinapakita niya, sa katunayan masaya ako. Alam kong concern lang siya sa akin. Higit pa sa kaibigan ang turing namin sa isa't isa. Para na kaming magkapatid dahil sa lalim ng pinagsamahan.
"Alam mo kasi Klofie, hindi lahat ng bagay kayang sabihin sa iba. May mga bagay talaga na gugustuhin mong sarilihin kaysa sabihin," lumukot ang mukha niya at napanguso.
"Kaibigan mo naman ako. You are free to tell me what is it. Hindi ba mas maganda kapag sinasabi mo sa iba 'yong problema mo kaysa sarilihin?" Bumalik na siya sa puwesto niya kanina at nilagay any kamay sa braso ko.
"I know naman na kaibigan kita. Hindi lang basta kaibigan kung hindi parang kapatid na. Aware rin ako na handa kang makinig sa lahat ng sasabihin ko dahil lagi ka namang ganiyan tuwing may problema ako. Alam ko rin na mas maganda na sabihin sa iba ang problema mo kaysa sarilihin mo. Nakakagaan o nababawasan ang bigat sa dibdib natin tuwing nailalabas. Pero Klofie, hindi pa rin talaga maiiwasan. May mga bagay pa rin talaga na mas pipiliin mong sarilihin ang problema kaysa ibahagi. Kahit na alam mong may way para maibsan ito." Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Lumingon at mataman siya tiningnan sa mata.
"Hindi kasi gano'n kadali na ibahagi sa iba lahat ng saloobin mo. Kahit na lubos kang nagtitiwala sa isang tao, hindi pa rin gano'n kadali. Kaya sana maintindihan mo, na kung ano mang problem na meron ako ngayon, hindi ko pa kayang sabihin sa'yo," tipid na ngumiti sa kaniya. Napatulala naman siya sa haba ng sinabi ko.
Kung hindi ko pa winagayway ang kamay sa mukha niya, Hindi siya kukurap at babalik sa ulirat. Napasimangot naman ako sa isipin na hindi siya nakikinig.
"Nakikinig ka ba? Ang haba ng sinabi ko tapos bigla kang nalutang. Anong nangyari sa'yo?" Hindi ko maiwasang huwag mag-alala. Bigla na lang siyang na-estatwa.
"Ayos lang ako 'no. May na-realize lang ako sa sinabi mo," bumalik na ang malawak niyang ngiti kaya napangiti na rin ako. Bumalik na ulit sa paglalakad.
"Anong na-realize mo?" Curious lang ako. Hindi na kasi nawala ang ngiti sa labi niya. Pero sa sinagot niya, nahawa na rin sa malawak na ngiting meron siya. Masaya akong malaman na naiintindihan niya ako. Kaya love ko siya.
Tumingin siya sa 'kin saglit bago binalik ang paningin sa daan. "Na-realize ko lang na tama ka. Hindi lahat ng iniisip o problemang dinadala natin, kaya nating ibahagi sa iba. Kaya naiintindihan na kita ngayon. Kasi naisip ko rin na magkatulad lang tayo. May mga bagay rin pala akong hindi sinasabi sa'yo. Hindi ko lang agad napansin dahil hindi mo ko kinukulit na alamin ito.