Chapter10: Saw Her

Elora Amore Point of View

“Hey, Elora,” malakas at masiglang bati ni Klofie. Kalalabas ko lang mula sa kusina at kapapasok niya pa lang sa hamba ng pintuan. Walang paalam na pumasok.

Kunwaring inismiran ko siya para inisin. Hindi naman ako nabigo dahil nalukot ang mukha niya.

“Anong ginagawa mo rito? Wala kang gagawin sa inyo? Kauuwi lang natin, ah,” katatapos ko nga lang magbihis at maghahanap na sana ng lulutuin. Kaso nga lang, biglang dumating ang kaibigan ko.

Mabilis siya napasimangot at humana ang nguso. Lumapit sa kaniya at inalok na umupo.

“Bakit ganiyan mukha mo? Hulaan ko, may inutos si Ninang sa’yo tapos tinakasan mo lang, ano?” Hindi na maipinta ang mukha niya sa hula ko. Gano’n naman siya minsan tuwing inuutusan, tumatakas at dito pumupunta.

“Grabe ka sa ‘kin. Syempre hindi ‘no. Graduated na ako sa gawaing ganiyan,” napatawa sa naging sagot niya. Tunog proud pa talaga siya. Naku naman.

“So, bakit ka nandito? Walang magawa o inutusan ka?” Pinagsingkit ang mata at nakataas ang kilay na nag-aabang ng sagot.

“Inutusan ako ni mader na mamalengke,” parang alam ko na ito. “Kaya nandito ako kasi sasamahan mo ko,” nagpa-cute pa siya at malawak ang ngiti na lumapit sa tabi ko.

“Ayoko nga may gagawin pa ako,” agad na tanggi ko. Wala naman talaga akong gagawin. Trip ko lang na asarin siya.

“Huwag ako Elora Amore. Alam kong wala kang gagawin kaya tumayo ka na at samahan ako,” hinila niya ako patayo. Hinila palabas. Mukhang wala na akong takas. Hindi siya nauto o naasar.

“Teka lang naman. Masiyado kang excited. Kukunin ko muna ‘yong sling bag ko. Nando’n ang phone at wallet. Baka mamaya may gusto rin akong bilhin o di kaya tumawag si mama.” Tumango siya at muling umupo.

Pumasok sa kuwarto at nagbihis. Kinuha ang sling bag at tiningnan ang phone. Nagbabasakali na may tawag o message mula kay mama. Napabuntong hininga nang makitang wala. Bagsak ang balikat na lumabas ng kuwarto ngunit agad na napalitan ng pilit na ngiti. Buti na lang hindi napansin ni Klofie. Kung napansin niya, kukulitin at kukulitin niya lang ako.

“Lets go?” Tumango ako at lumabas na. Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago tuluyang umalis. Mga 10 minutes lang nasa palengke na kami.

Hinayaan ko siyang bilhin lahat ng nakalista sa listahan na binigay ni ninang sa kaniya. Habang namimili siya ay tumitingin-tingin din ako. Nagbabasakali na may mabili rin.

“Hindi ba si Ninang Serene ‘yon?” Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya. Nag-aabang kami ngayon ng tricycle na masasakyan.

“Si mama nga,” mahinang sagot ko ng makilala ang pigura ni mama. Kagaya no’ng una, muli ko siyang nakita na bumaba sa isang mamahaling sasakyan, sasakyan na kagaya lang din no’ng una. Same model and color. The Blue Montero Sports car.

“Anong ginagawa niya riyan? Kakilala niya ba?” I shrugged my shoulder. Kahit ako hindi rin alam ang sagot.

“Hayaan mo na si mama. Baka may side line lang siya kaya nandiyan. Umuwi na tayo para makapagluto na kayo,” kahit ramdam ko ang pag-aalangan niya ay sumang-ayon na rin. Mabuti na lang may sasakyan ng huminto. Nilingon ko muna ang puwesto nina mama bago tuluyang bumalik sa harap ang tingin. Alam kong hindi niya ako nakita. Pero sana umuwi na siya mamaya.

“Dito na lang ako, Klofie.” Nagpahinto kami sa harap ng bahay. Umasim naman ang mukha niya bilang hindi pagsang-ayon.

“Sa bahay ka muna. Do’n ka na rin kumain. Total, hindi pa naman umuwi si Ninang,” umiling at ngumiti ng tipid sa kaniya.

“Dito na lang ako. Baka mamaya rin uuwi na si mama kaya kailangan kong magluto. Sige na. Tumuloy ka na sa inyo para makapag-hapunan na kayo,” bahagyang tinulak pa siya. I smile to convince her.

Bagsak ang balikat na tumango at kumaway. Hinintay na muna na makapasok sa gate nila bago ako pumasok sa bahay.

I deeply sigh before start finding the ingredients sa lulutuin ko. Hindi naman inabot ng 20 minutes at natapos na rin.

Hindi na muna naghain at pumunta sa sala. Kinuha ko ang mga books at nag-review saglit. Baka maya-maya lang umuwi na si mama. Kaya sabay na kami kakain.

Ngunit inabot na ng dalawang oras at kumakalam na ang sikmura ko, wala pa rin si mama. Muling bumuntong-hininga at niligpit ang mga notes. Kibit-balikat na pumasok sa kusina at naghain. Tahimik lang akong kumakain.

Nasa kalagitnaan ng paghuhugas ng pinggan nang bumukas ang pinto. Dali-dali akong pumanhik sa sala para tingnan kung sino ang pumasok.

Nakangiting mukha at masayang aura ni mama ang bumungad sa akin. Kasasara niya lang ng pinto. Iba na ang damit na suot at may dalang tatlo hanggang limang supot sa kamay.

Pinunasan ang basang kamay at lumapit sa kaniya. Nagmano at tinulungan sa mga dala.

“Akala ko hindi ka uuwi ngayon, mama,” sumunod siya sa kusina. Nilapag sa mesa ang supot. Sa dalawang supot, puno ito ng sariwang prutas at gulay. Ang iba ay mga damit at sapatos.

“Pasensiya ka na anak, natagalan kasi ako,” nakangiting pahayag ni mama. Kumuha ako ng plato at naghain ng makakain niya.

“Ang tagal niyo naman po pa lang mag-usap no’ng kausap niyo. Hindi ka po ba pumasok?” Marahan ang bawat salitang binibitawan. Natigilan si mama sa akmang pagsubo.

Para akong limang taong gulang na naghihintay na bigyan ng candy sa harap niya. Nanatiling nakatayo, nakatukod ang isang kamay sa mesa habang ang isa ay sinusuri ang laman ng supot.

“Kung sinabi ko bang pumasok ako sa trabaho, tatanggapin mong dahilan ‘yon? Dahan-dahan akong tumango. Tumingin ako kay mama, bahagyang umangat ang sulok ng kaniyang labi at form into curve.

“I know deep inside you don’t. Dalawang beses mo na akong nakita sa may palengke. ‘Yong una, no’ng hindi ako umuwi. Pangalawa, kanina kayong dalawa ni Klofie,” hindi ko naitago ang gulat. Bahagyang nanlaki ang mata at umawang labi. Pinaglaruan ang daliri at nagbaba ng tingin.

‘Nakita niya pala ako.’

“I know na nagtataka ka kung sino ang kasama ko at bakit ako sumama sa kanila. Nag-aalala kung bakit hindi ako umuwi at pumasok sa trabaho,” tumunog ang upuan. Umangat ang tingin ko. Tumayo si mama at lumapit sa tabi ko.

“Gusto kong sabihin sa’yo ang mga rason. Ngunit hindi pa ito ang panahon,” naguguluhan ako sa pahayag niya. May malalim itong kahulugan na hindi ko matukoy ang ibig nitong sabihin.

Malambing na niyakap niya ako patalikod. “But I can assure you, matutuwa ka kapag nalaman mo na ang dahilan,” malambing na ngumiti na ginantihan ko rin naman.

Ngiti niya ay nakakahawa at nakakabighani. Parang may kakaiba sa kaniyang ngiti. Ibang ang kislap ng kaniyang mga mata. Sumisigaw ng hindi mapapantayang saya. Saya na kahit kailan hindi ko nakita sa kaniya. Iba ang kaligayahan ang nakikita ko sa kaniya kapag ako na ang usapan. Parang hindi buo ang kaniyang ligaya. Tila may kulang na pilit niyang pinagtatakpan. Pero ngayon. Ngayon masasabi kong wala ng kulang sa kaniyang mga ngiti at tuwa. Kakaibang ang kinang at dulot ng kung ano mang rason niya.

Matamis akong ngumiti habang nakatitig sa kaniya. Dapat siguro hindi ko siya pagdudahan. Parang may bumubulong sa akin, na ligaya ay buo ko ng mararamdam sa kung ano mang rason na kaniyang sabihin. Kailangan ko lang siyang pagkatiwalaan.

“Tama na ang titig. Tingnan mo na lang itong dala ako. Para lahat ito sa’yo.” Kumalas siya sa yakap at siya na mismo ang naglabas sa kung ano man ang laman ng mga supot.

“Tiyak akong bagay na bagay sa’yo ang mga ito anak,” natutuwang pahayag niya sabay pakita sa ‘kin. May mga bagong damit, sapatos at bag na mukhang mamahalin. Mangha ang unang mapapansin sa aking mukha.

“Ang ganda nga, ma. Saan mo pinamili ang mga ito? Paanong nakabili ka ng mga ito. Ang mamahal nila,” napatuyan ko na mamahalin nga ang mga damit dahil may tag price pa na nakalagay. Nasa 500-100 ang bawat Isa ng bag, damit, at sapatos.

“Sa Manila. Sa Manila galing ang lahat ng iyan. At hindi ako bumili ng mga ‘yan pero ako ang pumili,” natigilan sa ginagawa at kunot ang noo na tiningnan ang ina.

“Kung hindi ikaw, sino? Sino ang bumili nito ma para sa akin? Ang mahal nito,” hindi ko alam pero hindi maiwasan na makaramdam ng panghihinayang. Panghihinayang na gumastos pa ang kung sino man para sa akin ngunit wala naman kaming kaugnayan at hindi kami magkakakilala.

“Gusto ka niyang bilhan ng lahat ng bagay na kailangan mo. Wala siyang pakialam sa halaga basta para sa’yo,” ‘yong ngiti ni mama hindi pa rin nawawala. Parang hindi na niya kayang magseryoso o malungkot. “Pero sa ngayon, hindi ko muna sasabihin sa’yo kung sino. Kagaya ng sabi ko kanina. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo.” Tumango ako. Nagpaalam sa kaniya at sinukat ang mga damit at sapatos.

Mabilis nawala ang panghihinayang na nararamdaman ko kanina at napalitan ng tuwa. Makita ang sarili na suot ang ganitong mga kagamitan, para bang deserve ko ang magkaroon ng ganito.

Nakakatawang isipin. Kahit ko kilala o alam ang rason why someone bought and give me a things like this, I still thankful to him or her. The overwhelmed and happiness fulfill in my heart.

“It really suit in you, my princess.” Lumingon ako kay mama na nakasandal sa pintuan at nakangiting nakatingin sa akin.

My mom really know me. I really love her of being caring and supported to me. Kaya hindi niya deserve na pagdudahan siya. Deserve niyang unawain at mahalin.

Sa huling salitang binitawan niya bago umalis at magpalit ng damit, para nawala ang tinik sa aking lalamunan at nakaginhawa ng maayos.

“Everything has a reason. Wait and see. Everything will be okay.”