SPECIAL CHAPTER: BLAKE IVAN HERRERA
"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ni Ava habang pasimple akong nakamasid kay Alison sa malayo.
"Mag de-date tayo," Sagot ko, hindi siya tinitingnan.
I was focused watching Alison buying her clothes in Gucci's department. Nasa malayo kami sa kanya pero sakto na 'tong pwesto namin para makita si Alison.
"Date-date ka diyan, ang sabihin mo nagpapaka-stalker ka lang ng ex mo!" Ramdam ko ang pagka-irita sa boses niya. "Kung ganyan din naman pala ang gagawin natin dito, sana hindi mo na lang ako sinama dito!"
Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nakabusangot ang mukha niya habang naka-crossed arms. She looked like a child in her above the knee baby blue dress. Nakalugay ang mahaba niyang Auburn dark brown na buhok na hanggang baba ng balikat niya.
Maganda si Ava. Her natural white skin makes her look like she's a doll. Matangos na maliit ang ilong niya at magkasing kulay ang kilay at buhok niya.
Ang cute-cute niyang tingnan dagdag mo pa yung mataba niyang pisngi. Para siyang nawawala ng bata dito sa Mall.
"Syempre, kailangan ko na sabihin sa Daddy mo na mag de-date tayo para masabing totoong mag-couple tayo. Kailangan kita dito." Sabi ko tsaka umupo sa tabi niya.
She rolled her eyes. "Ewan ko sa 'yo, Blake! We're not really a couple, but why do you need to tell my parents that you're my boyfriend? Pwede namang itago ng palihim." Maktol niya.
Umupo ako sa tabi. "Alam nila Mama at Papa na girlfriend kita, kaya no choice ako kundi ipakilala ka sa kanila. And I respect your family's decision na kailangan magpaalam muna sa kanila bago kita dalhin kung saan."
"Ang sabihin mo, takot ka lang sa Daddy ko."
Half true ang sinabi niya. Her Dad is a retired Colonel in the Philippines Army. Malaking tao ang Daddy niya at sobrang kakabahan ka kapag nakaharap mo.
Kaunting paiyak mo lang kay Anak ko. Babalatan kita ng buhay, Mr. Herrera.
Naalala ko tuloy yung sinabi ng makilala niya ako bilang boyfriend ni Ava.
That's why I have to make sure that Ava is safe with me. Kahit pagpapanggap lang 'tong ginagawa namin, I have to respect and protect her.
Ngumisi ako. "Remember that this is your fault. Kung hindi mo ako tinawag na babe, wala tayo dito." Pang-aasar ko sa kanga.
Kung hindi mangyari ang araw na 'yon, hindi ko siguro siya makilala. I was just busy reading some books in cafeteria ng tawagin niya ako.
Hindi ko siya kilala no'n, dahil bago pa lang siya sa St. Willford High School. I was shocked because she called me babe that day. Kakahiwalay pa lang namin ni Alison no'n.
"That was a dare and I was mad at you when you confiscated my cellphone. Emergency ang tawag ni ate Emerald kaya sinagot ko, pero hindi mo ko pinakinggan at kinuha mo pa rin." Nakabusangot pa rin ang mukha niya
Ang sarap kurutin ng mataba niyang pisngi habang nakabusangot ang mukha niya. She's 17, but she still looks like she just turned 15 year old.
"After this, lilibre na lang kita ng pagkain. Kahit anong gusto mo." I cheer her up.
Tumingin siya sa 'kin. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Really? Kahit ano? Alam mo namang, basta pagdating sa kainan wala akong inaatrasan." Parang na ngungunsensya pa siya.
Kung gaano kaliit si Savannah ay hindi mo aakalain na matakaw siyang kumain. Sobrang lakas niyang kumain at kulang ang tatlong cup of rice sa kanya.
Ngumiti ako at kinurot na nga ang mataba niyang pisngi. "Oo nga, kaya samahan mo ako at alamin kung sino ang kikitain ni Alison dito."
"Aray ko!" Hinampas niya ang kamay ko. "Ex-girlfriend mo na lang, bakit sinusundan mo pa ng palihim?"
Muli akong tumingin kay Alison na busy pa rin sa paghahanap ng damit. She's so serious. Naka-ponytail siya ng isahan habang nakasuot ng high waist leggings na white at crop top na black.
"Hindi ko lang matanggap na nakipag-break siya sa 'kin ng gano'n lang. We've made a lot of promises together. Sabay namin na aabutin lahat ng pangarap namin sa future ng magkasama tapos iiwan niya ako sa era ng gano'n lang? 2 years kami at hindi ko tanggap na nakipag-break siya sa 'kin ng walang matinong reason!" Saad ko bago bumuntong ng hininga.
"Malay mo, hindi ka lang niya talaga mahal na. You know, we always believe that our first love is the one who we will ended up with but it is a natural thing. May mga ganun talaga na nangyayaring sitwasyon sa mundo. Yung akala mong para sa 'yo, 'yon pa ang taong mananakit sa 'yo ng sobra." Mahinang sambit niya.
Napangiwi ako sa sinabi niya. "I don't believe that, Ava. Biglaan lahat ng nangyari sa 'min ni Alison. She just let me hang here without any reason."
I clenched my fist. Kailangan ko na malaman ang totoong rason niya bakit siya nakipag-break sa 'kin.
I've been a good boyfriend to her. I respect her and I'm willing to do everything for us to stay together. Hindi ako naniniwala na hindi na niya ako mahal, because I know she's lying and I need to know the truth.
"Eh, paano kung hindi ka niya talaga mahal? Papakawalan mo na ba siya?" She asked.
"Yes," Diretsong sagot ko. "Ayoko rin naman na pagpilitan pa ang sarili ko sa kanya kung ayaw na niya talaga. If that's what I really have to do, then I'll do it but for now I have to know the truth why she broke up with me. I know she's hiding something from me."
Kinalabit niya ako sa braso. "Blake, si Alison palabas ng store."
Tumayo kami pareho at sinundan kung saan pupunta si Alison. Hawak niya ang cellphone niya at mukhang may katawagan.
Medyo malayo kami sa kanya ni Ava, pero dapat na yung layo para makita ang bawat galaw niya. Huminto siya sa isang restaurant at pumasok sa loob.
Pumasok rin kami ni Ava sa loob. Umupo si Alison sa pang-dalawahan na upuan malapit sa glass wall ng restaurant.
Umupo rin kami ni Ava. Apat na upuan ang pagitan namin at mukhang hindi rin kami mahahalata na dito ni Alison.
"Blake, order na tayo." Sambit ni Ava.
"Mamaya na," Sabi ko. Hindi siya binabalingan ng tingin. "Sa ibang restaurant tayo kakain."
"Nagugutom na ako!" She said irritatedly.
Nakamasid lang ako kay Alison na nakangiti habang hawak ang cellphone niya.
"Mamaya na nga—Ahh!" Naputol ang sasabihin ko ng sabunutan niya ako.
"Sabi mo lilibre mo ako, ngayon mo ko ilibre!" Napataas ang boses niya kaya pinagtinginan tuloy kami ng katabi naming matandang babae.
"Fine! Order what you want! Basta h'wag kang maingay." Sabi ko habang hawak ang ulo ko.
Inayos ko ang buhok tsaka tumingin ulit kay Alison. Nakatuon pa rin ang buong atensyon sa cellphone niya.
Curious tuloy ako kung sino ang kausap niya. Ang sarap magmura! Nagmumukha akong tanga sa kanya. Hindi ako makapaniwala na wala na kami at hanggang tingin na lang ako sa kanya ngayon.
Maayos naman ang relasyon namin, bigla lang siyang nagbago. Lagi siyang tulala at malalim ang iniisip tapos 'yon nakipaghiwalay siya sa 'kin.
Mariin akong pumikit. Tinapon niya lahat ng pinagsamahan at pangarap namin sa buhay. Ang sakit lang!
Tumingin ako kay Ava at halos malaglag ang panga ko sa gulat ng makita siya. Kumakain na siya. Hawak niya sa isang kamay ang Flourless cheese crust pizza tapos sa isang kamay niya hawak niya ang tinidor na may Mac and cheese.
Punong-puno ang bunganga niya ng pagkain kaya lubong-lubo ang dalawang pisngi niya. She looked at me while she's eating. Nagtatanong ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin.
"What?" Tanong niya ng malunok ang kinakain.
Natawa lang ako sa kanya tsaka siya binigyan ng juice. Kinuha naman niya ito at ininom.
"Hindi ka ba kumain sa inyo?" Tanong ko.
"Kumain," Simpleng sagot niya. "5 PM na kaya, Blake! Mag di-dinner na."
"Iba ka talaga kay Alison. Mula sa height at personalidad ay magkaibang-kaiba kayong dalawa." Sambit ko.
"Stop comparing me to her," Umikot ang mata niya sa 'kin. "Magkaiba talaga kami kasi mas maganda at cute ako sa ex-girlfriend mo." Aniya bago sumubo ulit ng pizza.
Ngumisi lang ako sa sinabi niya. Parehas lang silang maganda ni Alison. Maliit lang si Ava at walang arte sa katawan habang si Alison ay mapili lalo na sa kinakain niya. She hates sweets because it makes her fat. Mas matabang rin si Ava kesa kay Alison.
Tumingin ako ulit kay Alison at saktong nakita ko siyang tumayo at sinalubong ang lalaking naka white na long sleeve at denim na jeans. Mas matanda lang siguro sa amin ng kaunti ang edad ng lalaki.
I saw Alison and that guy kiss. Kumirot ang puso ko dahil doon. Damn it! I didn't know that this hurts so much. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya habang kasama ang lalaki.
So, she's telling the truth. She doesn't love anymore.
Nayukom ko ang kamao ko bago yumuko. Ayokong umiyak sa harapan ni Ava.
"Hey, it's fine! If you want to cry, then don't hold yourself. I don't mind." She held my right hand and smiled at me.
That smile that tells me that everything will be okay. For the first time, someone saw that I am not okay. That I am hurting deep inside.
Simula ng nag-break kami ni Alison, lagi kong sinasabi na okay lang. I joke around with my family and friends, but I am not okay. Masakit na masaktan ka ng taong mahal na mahal mo.
Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Ayokong umiyak dito sa restaurant, nakakahiya kaya." Biro ko. "Pero okay lang ako. Kumain ka na lang diyan." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"You are not okay. Stop pretending that you're okay, because you're not. You're hurting and it is okay to cry when you can't handle the pain." Tumayo siya tsaka hinawakan ang kamay ko at hinila sa palabas.
Na pahinto kami dahil nakita kami ni Alison na papalabas din ng restaurant. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Alison ng nakita kami ng dalawa ni Ava.
"Blake, you're here too?" Tanong niya.
"Yeah, we're having our date." Si Ava ang sumagot. "Kakatapos lang namin kumain." She added before she intertwined our hands.
Alison looked at me before she smiled. "Oh, really? Kasama ko si Jayson." Tugon niya.
"Boyfriend mo?" Tanong ni Ava.
Alam ko na nanadya si Ava. Yung ngiti pa lang niya, plastik na eh.
Nag-iwas ng tingin Alison sa 'kin. "Y-yeah."
Ang sakit! Harap-harapan!
Naramdaman ko na humigpit ang pagkaka-hawak ni Ava sa kamay ko at marahan na pinisil 'yon.
"Alison, we have to go now. May gagawin pa kami ni Blake, eh! You know, couples do this thing." Plastik pa rin ang ngiti ni Ava.
"It's fine. May pupuntahan din kami ni Jayson." Sagot ni Alison.
Hawak pa rin ni Ava ang kamay ko ng umalis kami. Hindi ako umangal kung saan niya ako dadalhin. Nakarating kami sa parking lot at sumakay ng kotse ko.
"Go," Aniya. "Go and cry as much as you want. Hindi ako mangingialam."
Tumingin ako sa kanya. "You sure?" Tanong ko.
Umirap siya. "Oo nga! Isa pang tanong, aa—"
I pulled her close to me before I wrapped my hands around her waist. I hug her tightly. Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
'Yon lang ginawa ko. Umiyak ng umiyak sa balikat niya habang tahimik lang siya. Hindi siya nagreklamo o nagsalita. Marahan niyang hinaplos ang likuran ko habang umiiyak ako.
Humiwalay ako sa kanya bago pinunasan ang pisngi ko.
"Okay ka na?" Sinilip niya ang mukha ko.
Tumango ako. "Salamat, Ava." Sabi ko tsaka marahan na ngumiti sa kanya.
Dapat mahiya ako dahil ka-lalaking tao ko, umiyak ako sa kanya. Pero hindi ko maramdaman 'yon, basta ang alam ko ngayon kahit papaano ay nabawasan ang sakit sa puso ko.
"Wala 'yon," Ngumiti rin siya sa 'kin. "Iuwi mo na ako, dahil mag se-seven pm na. Lagot ka kay Daddy, alam mo namang may curfew ako."
I glanced at my wristwatch. It's already 6:23 PM, dapat mauwi ko na si Ava sa bahay ng 7 PM dahil magagalit sa 'kin ang Daddy niya pag-late ko siyang mai-uwi.
Pinaandar ko ang kotse. Tahimik lang kami ng dalawa hanggang sa na hatid ko na siya sa bahay nila. Hininto ko ang kotse sa tapat ng bahay nila.
Bumaba kami ng kotse.
"Bye, Blake! See you tomorrow." Paalam niya sa 'kin.
"Sige na, pumasok ka na sa bahay niyo." Sabi ko.
Ngumiti siya bago tumango at tumalikod sa 'kin. Naglakad papalayo pero wala pang kalahati ng bumalik siya papunta sa 'kin at niyakap ako.
Nagulat ako sa ginawa niya.
Humiwalay siya at nag-taas ng tingin sa 'kin. Hanggang dibdib ko lang kasi siya.
"H'wag mo na ng isipin si Alison. Ang dami pang babae diyan na mas deserving para sa 'yo."
I pat her head. "Pumasok ka na sa loob niyo. Pagalitan ka pa ng Daddy mo." Sabi ko. "And since you comfort me this day, babawi ako sa 'yo. Anong gusto mo?"
"Gawan mo lang ako ng Leche Flan na may maraming cheese, masaya na ako." Nakangiting sagot niya.
I pinched her chubby cheeks. "If that's what you want, then I'll do it."
"Bye na." She waved her hands at me before she went inside her house.
Nang makapasok siya sa bahay nila ay do'n lang sumakay ng kotse ko. Pinaandar ko ang kotse at nagpatugtog ng radio.
Saktong kinakanta ang 'Close' ng Westlife. Napangiti ako sa lyrics ng kanta.
"I need you to know. I've never been, never been this close." Sabay ko sa kanta.
I've never been this close to Ava. We've never been this close to each other.