SPECIAL CHAPTER: HERRERA's FAMILY
I start preparing my things before I go home. Papunta ako sa department ng English room para kunin lesson plan ko para makauwi ng maaga sa bahay.
"Good afternoon, Mrs. Herrera!" Bati sa 'kin ng estudyante na nakasalubong ko sa hallway ng St. Willford University.
I became an English communication teacher in St. Willford. 3rd year college ang hawak ko. Ever since Basty and I got married, I decided to work here in Isla Esme just like what I wanted to do.
This is my 20rd year of being a teacher and I love what I have become.
I smiled at them. "Good afternoon." Bati ko rin sa kanila tsaka pumasok sa loob.
Pumunta ako ng table ko at inayos ang gamit ko nang lumapit sa 'kin si Mariel. 1st year college naman ang tinuturuan niya.
"Snow, break na ba si Alison at ang anak mo na si Blake?" Bungad na tanong niya sa 'kin.
I frowned at her. "Ang sabi sa 'kin ni Blake okay na sila," Sagot ko. "Bakit?"
"Ang sabi ng anak ko, si Kathlyn, break na daw sila. Tapos itong si Blake may bagong girlfriend. Kaibigan ni Kath yung girlfriend ni Blake. Savannah daw ang pangalan. Transferee ng Grade 12." Kwento niya sa 'kin.
Kilala ko ang anak niya na si Kathlyn dahil madalas niyang kasama 'yon.
Napalabi ako. "Salamat, Mariel sa pagsabi sa 'kin. Wala kasing na ku-kwento ang anak ko. Ang alam ko okay na sila."
Ngumiti lang sa 'kin. "Wala 'yon. I was just shocked when my daughter told me earlier. Ang tagal na rin nila Alison at Blake, kaya nakakagulat na wala na sila."
Mabilis ko na inayos ang gamit ko at lumabas ng English communication department.
Wala talagang sinabi sa 'kin si Blake na wala na sila ni Alison. He said they were okay the last time that I spoke to him. Nagkakalabuan kasi sila ni Alison this a past few months.
Si Blake ang pangalawang anak namin ni Basty. He's now 18 years old and taking Home Economics under food and nutrition in Grade 12. Bata pa lang siya gustong-gusto na niya ang pagluluto kaya Home Economics and kinuha niyang strand.
Wala namang kaso sa amin ni Basty kung 'yon ang gusto niya. He's planning on taking Culinary Arts in College.
"Mama, si kuya Blake may kasamang ibang babae kanina. Hindi si ate Alison!" Iyan ang bungad sa 'kin ni Luna pagdating ko sa bahay.
Luna is our youngest child. Nag-iisang babae naming anak ni Basty. She's very playful, wild and spoiled. Lalo na dalawang kuya niya. She's now 14 years old, kaya nagging maselan na sa katawan dahil nagdadalaga na.
"Where's your kuya Blake?" I asked her.
She's with Jo. Her childhood friend. Nagkakilala sila noong kindergarten sila. Simula no'n, hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Nakaupo sila sa labas namin habang may mga nagkalat na papel at painting sa damo. Gumagawa ng project nila.
"Good afternoon po, Tita Snow!" Bati sa 'kin ni Jo.
"He's in his room, Mama!" Sagot ni Luna.
Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Pagpasok ko sa kwarto namin ni Basty ay nakita ko siya kasama si Bryce.
Parehas silang napatingin sa 'kin at ngumiti.
"Ma," Lumapit sa 'kin si Bryce at hinalikan ako sa pisngi.
Si Bryce panganay naming anak. He's 21 years old now and currently in 3rd year college taking Agriculture.
"Tapos na kayo?" Tanong ko sa kanila.
Tumango si Bryce. "Yes, Ma. May tinuro lang si Papa sa 'kin sa isang subject ko." Sagot niya tsaka lumabas ng kwarto namin.
Bryce is a very smart and responsible son. Simula bata ay parehas na sila ni Basty ng gusto, kaya agriculture rin ang kinuha niyang course.
He said he wants to take care of the farm in the future. Gusto niyang gawin 'yon dahil gusto niya. Masaya ako dahil sa murang edad ay naging independent na siya.
Lumapit ako kay Basty at niyakap siya.
"How's your day?" Tanong niya bago hinalikan ako sa labi.
"Of course, it was a very tiring day but I am happy." Nakangiting sagot ko sa kanya. "Ikaw? Ang aga naman yata ng uwi mo?"
Hinila niya ako papunta sa kama bago umupo sa dulo. I say on his lap while hugging him.
"Tapos ko na lahat ng gawain sa farm. And it's about Blake. Si Luna ang magsabi sa 'kin about sa kanila ni Alison." Sagot niya.
"We need to talk to him," Ani ko. "Hindi niya sinabi sa atin na wala na sila ni Alison. Masama ang kutob ko sa bago niyang girlfriend. Baka masaktan niya."
He pinched my cheeks. "Silly! May tiwala ako sa anak natin, Crystal. I know that he's not the type of man who would break someone's heart. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakamalako at malakas mang-asar pero seryoso 'yon sa mga pinapasok niyang desisyon."
Ngumuso ako. "But we still need to talk to him." Tugon ko bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa lap niya.
"We'll talk to him downstairs. Nasa kitchen at nagluluto ng merienda."
Nagpalit ako ng damit at sabay kami na bumaba ni Basty. We went to the kitchen and there, we saw Blake. Naka-apron siya habang nilalabas ang Banana cake mula sa oven.
"Ma, Pa, I baked Banana cake for us." Bungad niyang makita kami.
Nakangiti siya kaya kitang-kita mo dalawang dimple niya sa pisngi. Umupo kami ni Basty sa stool ng kitchen counter.
"You have a new girlfriend?" Diretsong tanong ko sa kanya.
Napangiwi siya. "Yes, Ma." Sagot niya. "Her name is Savannah."
"Break na kayo ni Alison, pero hindi mo man lang sinabi sa amin ng Mama mo? Kelan pa?" This time si Basty naman ang nagtanong.
Napakamot ng batok si Blake. "Three weeks ago pa po. Siya po ang nakipag-break sa 'kin. I tried to chase her, but she doesn't love me anymore."
Nag-aalalang akong tumingin sa kanya. "Okay ka lang ba? Anak, bakit mo sinabi sa 'min para matulungan ka namin." Sabi ko.
"Ma, this is my love life. Nasa tamang edad na po ako. Kaya ko ng ayusin ang sarili kong problema. Don't worry about me." He smiled at me.
"How about your new girl?" Basty asked while eating the Banana cake.
"Savannah is different." Simpleng sagot niya.
Napataas ang kilay ko. "How's it different?"
"Well," Nagkibit balikat siya. "She's different compared to Alison. You'll like her Mama at Papa. Makulit nga lang at matakaw, pero mabait siya."
I saw something in Blake's eye while he's saying that. I know there's something fishy about them.
"Just be careful, Blake. Huwag na huwag lang magpapa-iyak ng babae. A woman should be treated better. Minsan ko ng nasaktan ang Mama mo at sobrang pinagsisihan ko ang bagay na 'yon." Paalala ni Basty.
"Pa, don't worry. I won't do that to Ava." Sagot ni Blake tsaka kinuha ang Banana cake na nakalagay sa pinggan. "Dalhin ko lang po 'to kanila Jo at Luna." Dugtong niya bago lumabas ng kitchen.
Sumandal ako sa balikat ni Basty. "Kailangan ko na makilala iyang Savannah na 'yan."
Pinaharap niya sa kanya at hinawakan ako sa balikat. "Stop over thinking, Crystal. Alam ni Blake ang ginagawa niya."
"Kailangan kong malaman kung anong ugali ng Savannah na 'yan." Tugon ko.
Iba kasi ang kutob ko sa relasyon ng anak ko at ng Savannah na 'yan.
"Easy ka lang. Ipapakilala naman siya ni Blake sa atin." He kissed my temple before he whispered something in my ears. "Ako na lang ang intindihin mo ngayong araw."
He smiled at me playfully. Natawa ako dahil kahit nasa 40's na kami ay para pa rin kaming mga teenagers.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinila pa-akyat ng kwarto namin.
I am living a happy life with my husband and our three children.