CHAPTER 29: LONG DISTANCE

One year ago

"Ma'am, Mr. Caleb said to bring the files to him for the meeting tomorrow." My brother's secretary said.

I nodded. "I'll give it to him later." I said.

Tumango lang siya bago umalis ng desk ko. Sumandal ako sa upuan ako bago bumuntong hininga. Sobrang hirap pa lang maging HR manager. One year na ako dito pero hindi pa rin ako sanay.

One year na nga ang nakalipas mula ng umalis si Basty para mag-aral sa America at one year na akong nag ta-trabaho bilang Manager ng HR namin. Maraming nangyari sa loob ng one year habang magkalayo kami ni Basty.

Araw-araw kami tumatawag sa isa't-isa or kaya video pag hindi masyadong busy. Okay naman kami ni Basty sa loob ng one year. Oh well, syempre walang perfect na relationship kaya minsan ay nagkakaroon rin kami ng away or tampuhan pero na so-solve naman namin agad.

Hindi namin pinapalagpas ng isang araw ng away namin. Hindi nawawala yung selosan lalo na't kasama niya si Dennise. Syempre, nagseselos ako dahil alam ko naman na may gusto si Dennise kay Basty. Lalo na noong nakita ko si Dennise na nakapulupot ang kamay sa braso ni Basty no'ng pumunta ako kay Basty para i-celebrate ang anniversary namin.

I went to America to surprise Basty on our anniversary. Alam ko na hindi ko dapat bigyan ng malisya 'yon dahil bukod sa may tiwala ako kay Basty ay alam kong hindi siya gagawa ng mga bahay na masasaktan ako.

Malapit ng ikasal sila Martinez at Mads. 3 weeks from now ay nasal na nila. Nag-propose si Martinez kay Mads last 3 months at inaayos na nila ang kasal nila. Mamaya ay sasamahan ko si Mads para sa fitting ng gown niya.

Masaya ako para sa kaibigan. I can't wait to see her walking in the aisle together with Martinez. Marami rin sila na pinagdaanan sa loob ng 3 years na magkasintahan.

I grabbed my phone when it started ringing.

"Hey," Sagot ko bago sumandal ulit sa upuan.

"What's with the tone? Pagod ka na naman?" Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakangisi siya.

"Wala akong oras para makipag-biruan sayo, Nathan." Napa-irap ako sa hangin.

Nathan became my mentor when I started working in our company. Siya lang kasi ang kilala ko na matutulungan ako kaya I grab that chance. Dahil sa kanya bakit ako tumagal dito sa company namin, dahil kung hindi ay uuwi na lang ako ng Isla Esme at mag a-apply ng bilang English language teacher.

Pero gagawin ko 'yon, pag bumalik na si Basty. Napag-pasyahan namin na pag-bumalik siya ay doon ako mag ta-trabaho. Sini-simulan na kasing i-renovate ang magiging bahay namin do'n. Nagsimula na kami sa pag-renovate last week.

Natawa siya. "Chill," Aniya. "Diba sabi ko sayo pag-marami kang hina-handle sa work ay huminga ka lang ng malalim and take a 10 minutes break."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "I already do that but it's not working! Ang dami ng kailangan ipasa."

"You wanna grab something to eat? Para matulungan rin kita? Maluwag ako ang oras ko ngayon." Sabi niya sa kabilang linya.

"Hindi ako pwede dahil after this I'll go to Mads for her gown fitting." Sagot ko at nag-simula ng basahin ang dapat na basahin.

"Okay." Sagot niya.

"Nga pala, kumusta kayo ni Sam?" Tanong ko.

Same is her girlfriend.

"Ayun, may alboroto na naman." Natawa siya. "Nagpapalambing lang 'yon dahil na-late ako sa dinner namin last night."

Natawa rin ako. "Lambingin mo kasi."

"Mamaya, after nitong ginagawa ko." Aniya. "I'll go ahead na."

"Bye!" I said before I clicked the end up button.

Nang matapos ko ang lahat ng dapat gawin sa office ay umalis na ako para pumunta sa fitting gown ni Mads. Nakita ko agad si Mads sa loob ng pumasok ako sa fitting gown.

"Snow!" Masayang sambit niya at niyakap ako.

"Sorry late ako," Ani ko. "Maraming ginagawa sa office."

"Okay lang. Magsisimula pa lang akong sukatan, eh." Sagot niya.

Tinawag ang pangalan niya para sukatin ang gown niya. Tumayo siya at nag-simula na siyang magpasukat. Maya-maya ay lumabas siya na suot ang D8247 Shimmery Beaded A-line Wedding Dress with Sparkle Tulle Skirt.

Sobrang ganda niya sa suot niyang wedding dress. The wedding gown has a full A-line gown adorned with crystals, rhinestones, glass beads, and sequins.

Angat na angat ang kaputian niya sa suot niya. Lumapit ako sa kanya.

"Ganda-ganda mo, Mads!" Masayang sambit ko.

"Talaga?"

Tumango ako. "Para kang prinsesa sa suot mo."

Pinalo niya ako ng mahina sa braso. "Binola mo pa ako."

"Totoo naman talaga!"

Nang matapos kami do'n ay kumain kami sa labas.

"I can't believe that in 3 weeks, you're gonna get married." Masayang sabi ko habang kumakain kami.

"Ako rin, no? Parang kelan lang nag-aasar lang kami ni Martinez then boom! Ito na kami." She giggled.

"I'm so happy for both of you." Tugon ko.

"I can't wait to see you getting married to Basty." Aniya.

"Malayo pa 'yan," Sagot ko. "In 2 years pa.

"Nga pala," Sabi niya maya-maya. "Nag-usap na ba kayo ni Basty. Diba nag-away kayo?"

"Hindi naman away, tampuhan lang." Sagot ko.

"Ano bang nangyari?" Tanong niya. "Si Dennise na naman ba?"

Napabuntong hininga ako bago tumango. Kinuwenta ko kay Mads ang nangyari. Last high, tumawag ako kay Basty pero iba ang sumagot. Isa sa mga kasama niya do'n. Noong tinatanong ko nasaan si Basty, ang sabi kasama si Dennise pumasok sa kwarto niya.

Syempre kinabahan ako sa una. Tumawag ako ulit at si Basty na ang sumagot. Sinabi ko sa kanya ang sinabi ng kasama. Hindi niya sinagot kung totoo ba ang sinabi ng kasama niya. He just changed the topic. Hindi ako umimik dahil ayokong nag-away na naman kami dahil kay Dennise.

Nang tinanong ko ulit nagalit siya dahil may pinag-usapan lang daw sila. Tapos ayun, nadamay na sa usapan si Nathan. Every na nag-aaway kami dahil kay Dennise, lagi niyang dinadamay si Nathan.

Kesyo lagi rin naman daw kami magkasama ni Nathan. At least kami ni Nathan, walang feelings sa isa't-isa hindi tulad ni Dennise na may gusto sa kanya.

"Nathan is just my friend. Pero hindi niya maintindihan 'yon!" Nag-buntong hininga ulit ako.

Hinawakan ni Mads ang kamay ko. "Just talk to him again tonight."

"Kanina po siya tinawagan para kausapin kaso naka-off ang phone niya."

"Alam mo kasi, mali na magkasama sila Dennise at Basty dahil daig pa ng babaeng 'yan ang linta." Napairap si Mads.

"I think this is my fault. Ako ang pilot na tanggalin niya ang offer." Malungkot na sambit ko.

"Hindi mo kasalanan 'to, Snow!" Aniya. "Naging praktikal ka lang. Cheer up na! Just talk to him later, okay? Settle this."

Tumango ako sa sinabi ni Mads. Hindi ko naman talaga hahayaan na tumagal 'tong tampuhan namin ni Basty.

Kagaya ng sinabi ko ay tinawagan ko si Basty pag-uwi sa bahay. Pagkatapos ko na maligo ay kinuha ko ang cellphone ko at ina-dial ang number niya.

"Basty," Sambit ko ng sagutin niya.

"Crystal. I'm sorry for what happened yesterday." Inunahan niya ako.

"Sorry rin," Bulong ko. "I just can't stop myself from thinking when you're with Dennise."

"Alam ko naman 'yon, pero diba sabi ko sa 'yo huwag na huwag kang magseselos ay Dennise." Sabi niya sa kabilang linya.

"I know, pero hindi ko mapigilan, eh." Sabi ko bago humiga sa sa kama.

"Just don't think about it, okay? Kaya lang kami nasa kwarto ko dahil maingay sa labas dahil sa mga roommate ko."

"Yeah, I am sorry again." I said.

"It's fine," Tugon niya. "I miss you. I badly want to see you again."

Niyakap ko ang unan ko. "Gusto mo video call na lang tayo?" Alok.

"Sure!"

Pinatay ko ang tawag at tinawagan siya sa video call.

"I miss you," Bulong ko nang makita siya sa screen.

Nakahiga na rin siya sa kama niya tulad ko.

Ngumiti siya. "Me too," He said. "You look tired."

Tumagilid ako. "Marami lang na ginagawa sa trabaho."

"Don't stress too much, okay?"

Tumango lang ako.

"Gusto mo kantahan kita?" Nakangiting sambit niya maya-maya.

Natawa ako sa sinabi niya kaya sumimangot ang mukha niya.

"Oh, bakit? Maganda kaya boses ng boyfriend mo!" Pagmamalaki niya.

Nag-kibit balikat ako sa sinabi niya kaya siya naman ang natawa. Nagsimula siyang kumanta. Nang umabot siya sa chorus ay pumiyok siya kaya natawa ako.

"Hey, don't laugh! Hindi pa ko tapos." Maktol niya.

"Hindi na ko tatawa," Ani ko. "Go on."

He cleared his throat before he started singing again.

"I wanna be there for you. Sharing in everything you do, I wanna grow old with you." He sings.

"You're really a terrible singer, Basty."

He pouted. "Okay lang at least mahal mo ako."

Buong gabi ay mag-usap lang kami hanggang sa nakatulog kami. Kung anu-ano lang pinag-usapan namin.

Kina-umagahan ay maaga akong umalis sa bahay para tapusin ang dapat tapusin sa office. Nagpaluto lang ako kay Nanay Cecil ng baon ko dahil sa office na ako kakain ng breakfast.

Buong maghapon ay nakaupo lang ako sa office ko at tinapos ang dapat na tapusin. Pababa na sana ako para kumain sa labas ng tumawag si Basty sa 'kin.

"Gabi na diyan, ah? Na patawag ka." Bungad ko sa kanya.

"I want to tell you something." Nakangiting sambit niya sa kabilang linya.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

"Uuwi ako diyan para sa bakasyon namin. Sakto rin kasi kasal nila Mads at Martinez!"

"Really?" Napangiti ako sa sinabi niya. "Kailan ang uwi mo?" Tanong ko.

Hindi pa siya nakaka-uwi dito simula ng umalis siya. Ako lang pumunta sa kanya noong anniversary namin.

"Tw weeks from now," Sagot niya. "Makikita na kita ulit!"

"I'll see you in the next two weeks." Sambit ko. ”Matulog ka na, it's already 2AM in there."

"Okay. I love you."

"I love you too."