Chapter Six-Confession
Gab’s POV
‘’uhm.. may sasabihin sana kasi ako sayo gab…’’ sabi ni veronica sakin nung lumabas ako ng room
‘’ano yun?’’
‘’not here.. uhm.. come..’’
Eh come daw eh.. kaya sinunod ko sya.. umupo kami sa may mga benches malapit sa exit ng school..
Una.. katahimikan…nakakabingi.. kaya nagsalita nalang ako
‘’ui, ron,, ano ba sasabihin mo? Sabhin mo na dali.. may pa susp—‘’
‘’I like you’’
Huwaaatt??!! Ano daw??!!
’'ano?? Pakiulit nga?? Parang nabingi ako ah..’’
‘’sabi ko, gab.. I like you..’’
"......"
"i know... its hard to believe.. but you dont have to say anything.. i understand.. i.. j-just want you to know about m-my fe-feelings..."
ang wierd naman nito.. di ako sanay na me nag coconfess sakin na kapwa ko babae!! tae!!
at! na speechless pa ako sa sinabi nya.. c'mon gab!! wag kang tutunganga dyan!! magsalita ka.!!
"uhm...."
yun lang nasabi ko!! wtf!! isip isip!!
"uhm.. ron.. thank you kasi gusto mo ko.. alam mo.. like din naman kita eh.. kasi masarap kang kasama..."
"talaga? you like me too?"
"oo"
and she smiled... haiiz...
umuwi na kami pagkatapos nun at hanggang ngayon.. hindi ako mapakali... baka kasi bigyan nya ng meaning yung pagkalike ko rin sa kanya.. tzk!
''tootoot!! tootoot!!''
from: veronica
thank you for liking me too gab... i hope we could continue this "liking stage" of ours... :)
sabi na nga ba eh.. binigyan nya nga ng meaning... tzk! panu ba to? play along nalang?? edi parang pina asa ko narin sya...
ugh!!!
matext nga si bestpren...
to: sis louise
sis, blema...
yun lang at sinend ko na agad... rereply yun agad!! tingnan nyo...
"tootoot!! tootoot!!"
oh diba? ambilis mag reply ni sis..
"ano yun sis?"
ako: yung kaklase ko, c ron.. nag confess sakin.. may gusto daw..
sya: lalaki?? edi good.. atleast d mo na ma bbreak yung promis mo sakin..
nag promis kasi ako sa kanya nung nag graduate kami ng highschool, na hinding hindi na ako syosyota ng babae..
ako:sis, ron is a SHE...
sya: HUWAAATT??? edi layuan mo na!! naku! pagnalaman kong pumatol ka dun! lagot ka saken!! magkita tayo bukas tapos ipaharap mo sya saken!! cge na.. me gagawin pa ako..
ipaharap daw?? kawawa nito si ron.. brutal pa naman tong kaibigan ko..
di na ako nag reply sa kanya at sinimulan nang gawin ang aking mga assignments...
ok lang naman si ron eh.. pero mas okay kung si pre ... ^__^