Chapter Five-Realize
~~Polystene University
Pre’s POV
Nandito kami ngayon sa room, nag iingay since wala pa naman yung adviser namin, and sya rin yung prof namin sa cooking..
After a while, dumating na rin sya..
“good morning class. Next meeting ay magkakaroon kayo ng laboratory about baking. Pwede kayong mag prepare ng cakes, cupcakes, cookies o kahit ano pa na binibake..’’
Ooohhh… exciting yan!! Baking…
Pagkatapos nyang sabihin yun, nagsimula na syang mag lecture .. something about basic food preparation..
‘’rrrrrrriiiiinnnnngggg!!!!!!’’
Ayun! Natapos din ang klase.. uwian na since last period naming yun.. nagpaalam na ako kay Josie at umuwi..
Pagdating ko sa bahay, nakita ko si mama sa sala, nanonood ng tv kasama yung bunso kong kapatid na si Lester James. Si papa, natural nasa trabaho pa yun at yung kuya kong si Xander, isang call center agent, ay siguradong tulog pa sa kwarto…
‘’hi ma, hi james’’
‘’hi ate.. !! ^__^’’ masayang bati sakin ng kapatid ko
‘’oh, buti andito kana, magsaing kana dun at hugasan yung mga hugasan namin kanina’’ sabi ni mama
Tiningnan ko lang sya at sinabing, ‘’opo’’.. haii.. sanay na ako kay mama.. kahit kelan utos yan ng utos sakin na parang yaya ng lahat at hindi bilang anak nila.. minsan nga iniisip ko, anak ba talaga nila ako? Yung seryoso? Di ko kasi feel… ToT
Umakyat na ako at dumiretso sa kwarto ko at nagbihis.. agad akong bumaba para sundin ang utos ng aking INA.
Natapos ang gabi ko ng hindi pinapansin si mama.. nagtatampo ako eh.. kaya pagkatapos naming kumain, hinugasan ko muna yung kinainan namin at tsaka pumanhik sa aking kwarto..
~Laboratory
Habang nagpeprepare kami ng aming mga utensils, napansin kong nawawala si gab.. (kasi po groupmates kami, kaya walang malisyoso.. =___=)
At ayun!! Nakikipagharutan na naman kay veronica!! Naku!! Ewan ko ba sa kanila.. palagi nalang nagkukulitan yan eh.. nakaka irita na !!!
Ai teka? Bakit ako nagagalit?? Kasi naman kami dito, nagpeprepare tapos sya, andun sa veronicang yun !! ai!! Pagtagpiin ko kayo eh, para di na kayo maghiwalay!! Badtrip!! =___=
Nagsimula na kaming magbake, yung ginawa namin, apple-walnut cake..
After baking, nagpa evaluate na kami and we started cleaning up na.. and ang bruhildang gab, naku!! Guess what?? Andun na naman kay veronica!! Naku naku naku!! Masermonan nga!!
Lumapit ako sa kanila, nagkukwentuhan sila sa labas ng room…
‘’hoy Gabrielle Anne Ledesma!! Wala ka ba talagang planong tulungan kami dun sa loob/?? Kanina ka pa ha.. ‘’ pasensya, warfreak much… eh sa badtrip talaga ako eh.. bakit ba??
‘’ai sorry pre, cge, tutulong na ako.. pasok muna ako ron ha..’’
‘’cge gab..’’ si veronica.. tss !! ang arte talaga..
Gab’s POV
Pagkatapos akong pagalitan ni pre, pumasok na ako sa room at tumulong sa paglinis.. nakakatakot kayang pagalitan ng isang princess gelle.. lalo na pag tinawag ka by your full name talaga.. tsk!!
Napasarap kasi kwentuhan namin ni ron.. yun yung tawag ko kay veronica.. sarap nyang kausap at kakulitan.. tae!! Ayoko na sanang maging ganito eh.. yun bang magkagusto sa kapwa mo.. tsh!!
Pagkalabas ko ng room, hinihintay pala ako ni veronica..
‘’oh, ron.. hinintay mo ko? Wow ha.. ang sweet naman.. ^__^’’
‘’uhm.. may sasabihin sana kasi ako sayo gab…’’