Chapter 19: Sweet Kisses

Nagtaka siya dahil ilang beses niya nang inimbitahan itong pumunta sa kanila pero lagi naman itong tumatanggi. Nakakunot ang noo nito nang mapatingin sa gawi niya habang nilalaro ang kambal. “Oyy Mat-Mat. Nadalaw ka yata?”

“Lagi mo akong iniimbitahan. Nandito na ako,” nakangiting sabi nito. Iyon lang at dagling nabura ang pagtatampo niya. Dahan-dahan itong lumapit at umuklo katulad ng puwesto niya habang nakatingin sa kambal na nakatitig din dito.

“Mama. Sino po siya?” Iyon ang tanong ni Miguel. Bulol pa iyon pero madaldal na pareho ang mga iyon.

“Mama?” Nagtatakang napatingin sa kanya si Apollo.

Doon niya lang naalalang hindi pala niya nasabing may kambal na siya. Sa sobrang excitement niya ay nag-feeling teenager siya. Para tuloy siyang naguilty. “Naku, oo nga pala. Hindi ko nasabi sa ‘yo. Anak ko ang mga ito. Kambal sila, Miguel and Marco,” aniya at itinuro ang mga ito.

Nawala ang kunot ng noo ni Apollo. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. “Hello,” sabi nitong inabot ang kamay ng kambal at maya-maya’y hinimas ang buhok. “M-may a-asawa ka na pala.”

“Ahh ehh-”

“Doon na muna kayo Jopay. Ako na muna dito,” sabi ni Liberty na naroon din. Tumango lang ito kay Apollo dahil ayaw pa rin nito sa mga lalaki sa Santuario de Santiago bagaman tumigil na ang mga ito sa pagra-rally.

Iginiya niya ang binata sa terasa. Nasa kabilang bahay ang mga kamag-anak niya kaya iilan lang silang naroon. “Ang totoo ay single mother ako,” walang alinlangang sabi niya.

“Why?” Lalong kumunot ang noo nito.

“Anong why?”

“Why did you become a single mother? W-where’s their father?”

Nagkibit-balikat lang siya. “Hindi ko alam.”

“Ano nga? Ang daldal mo sa akin pero hindi mo ikinukuwento iyan.”

“Eh sa hindi ko talaga alam eh.” Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang buong kuwento na hindi siya magmumukhang cheap. Kahit sa opisina ay hindi nalalaman ng kahit sino ang kuwento doon.

“Akala ko ba bff mo ako, si Mat-Mat?”

“Mat-Mat…” Nahiya siyang bigla. Nanliit siya sa sarili niya. Nang mapayuko siya ay iniangat nito ang mukha niya. Nagulat siya nang ngumiti ito bigla sa kanya. “Isang gabing pagkakamali. A-ang tanga ko…” Napaluha siya. Agad naman siya nitong niyakap.

“Shhh.”

“I don’t know who their father is. It happened one drunken night. I don’t want to talk about it. Please.” Tumango lang ito. Ang totoo ay hindi niya na iyon napanaginipan pang muli. Bigla ay nakaramdam siya ng panliliit sa harap ng binata. “I know, mababa akong uri ng babae. N-nahihiya ako. Kung kailan ako tumanda saka ako naging ganito. P-pero kahit ganito ako, h-hindi naman ako naging pakawala. I was never raised to be that promiscuous woman you may think I was.”

“I never thought that about you.”

“P-pero basta hindi ako ganoon. That was the first and last time I did it.”

“Shhh. I don’t care. You’re not like that. Tell me more about the kids. I want to know more about them.” Iniangat nito ang mukha niya saka siya tinitigan nang matuwid. Pinahid nito ang ilang patak ng luha niya.

“I’m sorry.”

“There’s nothing to be sorry about. I don’t know what to say, but I guess it was indeed a blessing to have those kids.”

“Sobra. Maraming salamat ha.” Tumango lang ito. Nang mga sumunod na sandali ay nakangiti na siyang nagkukuwento at ipinakita ang pictures ng mga ito sa gallery niya mula nang baby pa ang mga ito. Maya-maya ay dumating na ang mga magulang niya at mga kamag-anak. Hindi magkamayaw ang mga ito kay Apollo. Nakangiti lang ang binata habang inaasikaso ng mga ito.

“Dito ka na maghapunan, anak ha,” malambing na sabi ng nanay niya.

“Oo nga naman, hijo,” sabi ng isang tita niya.

“Magluluto kami ng spaghetti ha,” sabi pa ng isang tita niya.

“Hi Apollo. Pumunta ka sa wedding ko ha. Pinsan, isama mo siya ha.”

“Ahh ehh, titingnan ko pa dahil baka busy siya sa weekend. Alam mo namang abala itong bff ko.”

“I’m free this weekend,” balewalang sabi nito at tumango sa kanya.

“Oh mabuti iyon naman pala,” masayang sabi ng pinsan niya at humilig sa braso ng fiance nito. Si Liberty naman ay pinandilatan siya pero si Nadia ay nakangisi lang.

Katulad ng ipinangako ng mga ito ay tila may handaan sa kanilang tahanan. Napakarami ng iniluto ng mga ito kaya gulat na gulat siya. Panay naman ang hain ng mga ito ng pagkain kay Apollo na hindi naman nito tinanggihan. Panay sabi ito ng masarap kapag tinatanong kaya tuwang-tuwa ang mga matatanda. Pagkatapos ay niyaya naman ito ng tatay niya, mga tito, at ibang pinsan na makipag-inuman. Nang makita niyang pasado alas-otso na ng gabi ay inawat na niya ito. “Magda-drive pa si Apollo. Sa susunod na lang dahil baka malasing siya.”

Ngumiti lang ito. “Kaya ko pa,” anito kahit namumula na ang mga pisngi at pinisil ang kamay niya at pinatabi siya. Takang-taka siya dito dahil umakbay pa ito sa kanya. Mukhang may tama na nga ang loko kaya naging makulit at malambing na. Napapatingin siya sa tatay niya na bahagyang nakakunot ang noo. Maya-maya ay naging madaldal na ang binata kaya alam niyang may tama na ito.

“Apollo, tama na ha. Tatay, tama na muna ho. Magmamaneho pa ho itong isa,” aniya. Umangal pa si Apollo. “Huwag ka nang makulit,” aniya at sumunod naman ito nang hilahin niya. Pinaupo niya ito sa couch. “Diyan ka lang.” Pagbalik niya ay may dala siyang isang tasang kape. “Magpahinga ka muna bago magmaneho.” Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon saka pinunasan ang mukha nito pero maya-maya ay nagulat siya dahil pinigilan siya nito. Nakatitig lang ito sa kanya. “A-Apollo…”

Dahan-dahang lumapit ang mukha nito kaya napapikit siya pero tingin niya ay nang-aasar lang ito pero nagkamali siya dahil nanlalaki ang mga matang napatingin siya rito nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. Akala niya ay magaang halik lang iyon pero tumagal iyon at lumalim. Inudyukan siya nitong tumugon hanggang sa maramdaman niyang nakayakap na ang mga braso niya sa batok nito. He moaned as if he liked what she did. Moments later their tongues competed and explored the depth of their mouth. Ilang beses silang naghiwalay at muling nagtagpo na parang doon na kumukuha ng hininga. Nang matapos sila ay habol nila ang hininga. “Whew,” tanging nasabi nito at balewalang humigop ng kape.

Siya naman ay hindi na kumibo. Naiilang siya. Siya naman ay hindi kumibo. Ano ang sasabihin niya sa binata? Maya-maya ay napatingin siya rito. Nakatingin lang din ito sa kanya na walang malinaw na ekspresyon. “T-tapos ka na uminom?” Hindi ito tumugon. Marahan lang nitong hinaplos ang pisngi niya bago siya hinalikan nang magaan sa mga labi.

“I’ll go ahead.”

“S-sige,” aniya at tumayo na para ihatid ito sa labas ng gate. Nagpaalam lang ang binata sa mga nag-iinuman at nagsabing babalik sa araw ng kasal ng pinsan niya. Nang makarating sila sa bakanteng lote kung saan naka-park ang kotse nito ay nagulat siya nang mabilis na hapitin ang beywang niya kaya awtomatikong napakapit siya sa mga balikat nito. Muli siya nitong siniil ng halik. Mas mapusok na iyon kaysa noong una. Para siyang lumulutang sa alapaap. Iyon pala ang pakiramdam mahalikan. Noon niya lang ulit iyon naramdaman pagkalipas ng apat na taon. Iyon ang ikalawang beses niyang mahalikan sa ganoong paraan. Napakasarap sa pakiramdam. Bakit parang pamilyar na pamilyar sa kanya ang mga labi nito? Bakit parang matagal niya nang nadama ang ganoong uri ng damdamin. Parang napakaganda niya. Pero bigla siyang sinampal ng realidad. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. May girlfriend ito. May mga anak na siya. Imposible iyon. Mali iyon. Itinulak niya ito nang malakas kahit ilang beses na umangal ito. Nang maghiwalay sila ay mabilis siyang kumawala dito. “M-mali ito. Lasing ka lang. Goodnight!” Kumunot ang noo nito at tumango lang sa kanya saka sumakay na sa sasakyan nito. Nang malayo na ito ay nagmamadali na siyang pumasok sa kuwarto at humiga sa kama kahit alam niyang magdamag siyang mag-iisip tungkol sa nangyaring halikan. Paano na? Sana ay makalimutan nito paggising nito. Sana ay lasing talaga ito dahil hindi niya alam kung paano na ito pakikiharapan.