Chapter 20: Wild Confession
Isang linggo na ang nakakalipas nang huli silang magkita. Batid niyang pumunta sa kanila si Vladimir nang ilang beses pero palagi ay hindi niya ito hinaharap. Sinasabi na lang ng kaibigan niya na may pinuntahan lang siya at bawal sabihin o natutulog siya at bawal istorbohin.
Ayaw na niyang isipin ang lalaki dahil sa paglipas ng ilang araw ay napagtanto niyang mas yumabong pa ang kanyang damdamin. Mas lalo niya itong hinahanap dahil nami-miss niya ito. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil kung tutuusin ay hindi pa naman nila gaanong kilala ang isa’t isa. Naguguluhan lang siya dahil malapit nang matapos ang deadline na ibinigay sa kanya ni Hermes. Sa loob ng isang buwan ay kailangan na niyang makakuha ng interview rito at mai-edit iyon. Alam niyang naiinip na ang kanyang kaibigan pero sadyang pasensiyoso lang ito lalo na sa kanya.
Sa araw na iyon ay nasa hardin lang siya, palakad-lakad lang. Tumawag kasi sa kanya si Nanay Victoria. Nasa mansiyon daw ito kasama si Tatay Tiyago na isang beses pa lang niyang nakikita. Gusto raw siyang makita ng mga ito. Alam niyang naroon ang lalaki kaya naghahanap siya ng alibi na magagamit. Pero kahit anong excuse ay hindi tinatanggap ni Nanay Victoria. Magtatampo raw ito kung hindi siya pupunta dahil siya pa ang nangulit na makipagkita ito. Hindi naman niya alam na sa araw din na iyon uuwi ang matandang babae lalo na at naiilang siya kay Vladimir.
Pagdating ng hapon ay nakahanda na sila ni Romina kahit dinner ang usapan nila Nakapambahay muna siya dahil muling nag-request ang matanda na magluto siya ng karekare at garlic-butter broccoli. Pagkaparada nito ng sasakyan sa bungad ng gubat ay pinigilan niya si Romina. “Romina, ikaw na lang kaya ang pumunta muna doon?”
“Bakit naman?” Nakataas ang kilay nito na mukhang handang okrayin siya.
“Masama ang pakiramdam ko.”
“Alam mo, Day, hindi ko rin talaga alam kung ano ang drama mo dahil ayaw mo namang magkuwento. Pero hindi kita kukunsintihin. Nakapangako ka na sa matanda na mukhang mabait at may trabaho ka pang dapat gawin. Kaibigan mo ako pero dapat mong harapin iyan,” makahulugang sabi nito at bumaba ng kotse kaya napilitan na rin siyang bumaba.
Nang makarating sa gate ay nagulat pa siya nang isuot nito ang tiara at green na shawl. Hayun pa rin pala ang Encantadia costume nito. Gumamit muna ito ng linya para bumukas ang gate. “Magandang hapon, Mang Jose. Nandiyan ba si Nanay Victoria?”
“Oo, kanina ka pa hinahanap,” nakangiting sabi nito at pinapasok na sila. Pagpasok nila sa kusina ay saktong naroon din ang matanda at gumagawa ng paborito niyang halayang ube. “Nanay Victoria!” Nawala na ang pagkailang niya nang makita ang matanda.
“Charina, anak,” masayang bati nito. “Mas lalo ka pang gumanda. Kumusta ka na?”
“Okay naman po ako. Namiss ko po kayo.” Natawa na siya nang ngumuso ito na kunwaring nagtatampo. “Na-miss ko po talaga kayo. Pasensya na po at ngayon lang din po ako nakabalik na dito.” Ngumiti lang ito at muling nakipagkumustahan. Ipinakilala niya rito ang makulit niyang kaibigan na kinaaliwan ng matanda. Pumasok na rin sina Doris, Mayumi, at Nanay Delia na naka-costume na kapareho nito. Tawa nang tawa ang matanda. Dumating din si Tatay Tiyago at kinulit sila nang kinulit habang nagluluto.
Pagkatapos nilang magluto ay nagpahinga lang siya saka nagbihis. “Charina, okay lang ba, dito na lang muna kayo matulog ni Romina?”
“Ahh ehh-”
“Pwede po, Nanay Victoria,” sabad ni Romina at inilabas ang backpack na may mga damit nila. Kaya pala dala nito iyon at ayaw ipabitbit sa kanya. Naguluhan pa siya kung bakit tila handa ang kaibigan niya pero natetensiyon na siya kaya wala siyang lakas para mag-isip pa.
“Good afternoon,” bati ng baritonong boses sa kanila. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang sa kanya rin nakatingin si Vladimir. Walang emosyon iyon. Tumango lang din ito sa kanya saka lumabas ng kusina. Para pa siyang nalungkot dahil hindi na ito katulad nang nakaraan na lalapit sa kanya at kukulitin siya kahit naroon ang mga kasambahay.
“Mukhang ayaw na yata sa ‘yo ng boylet mo. Ang dami mo kasing arte,” bulong sa kanya ni Romina na nakasimangot pa.
“Tigilan mo ako ha!”
“Bahala ka diyan,” anito at parang may riot na naman na naglaro ang mga ito gamit ang improvised sword ng mga ito. Pati si Nanay Delia at ilang houseboy ay narecruit na ng mga ito.
Nang matapos siya sa pagluluto ay napabuntung-hininga siya. “Vladimir…”
“Yes?”
"I'm missing you," wala sa loob na nasabi niya bigla.
"I'm missing you, too," anito at yumakap mula sa likod niya kaya muntik na siyang mapatalon.
“Ay kabayo?” Tutop niya ang bibig nang humarap dito. Naroon nga ito. Lumabas na ng kusina ang lahat ng tao nang hindi man lang niya napapansin.
“Do you need anything? I know you need anything,” anito bago mabilis na pinakawalan siya at hinila palabas ng kusina. Diretso siya nitong dinala palabas ng gate hanggang kargahin siya nito papunta sa ilog. Madilim na ang paligid nang makarating sila doon.
“It’s already dark!”
“So? You swam here alone the night you almost drowned here,” nakasimangot na sabi nito.
“Dinner will be served.”
“I already informed Nanay Vicky that we cannot join them,” balewalang sabi nito at hinila siya papunta sa isang malaking bato at umupo ito. Napakandong tuloy siya dito. “Sweetheart, let’s talk please.”
“There is nothing to talk about, Vladimir.”
“Why are you avoiding me? I thought we were okay. I thought you liked me, too.”
“Don’t waste your energy on nonsensical things.”
“Nonsensical? Is that what you think about us? After we kissed and almost made love-”
“Don’t even go there,” awat niya rito pero mukhang wala itong balak magpapigil.
“Sweetheart, we almost made love there,” turo nito sa isang bahagi. “I was aching to make love to you, but I tried so hard to stop because I didn’t want to rush things.”
“I get it.”
“Do you really?”
“Yes.”
“Then why are you avoiding me?”
“I’m not avoiding you. I just don’t want to have anything to do with you anymore.”
“I don’t believe you. Please answer me honestly. I want to take things slow. I want to know you better. I like you very much, sweetheart.”
She looked at him. There was pure tenderness in his turquoise blue eyes that were hypnotizing her. “Vladimir…”
“I mean what I said.” He cupped her face and kissed her without any warning. It was ardent and filled with urgency as if he walked on a dessert for a year before finding an oasis. “Please, my sweetheart, Charina, don’t push me away,” anito sa pagitan ng halik. Ang lahat ng pagpoprotesta niya ay naipit na sa lalamunan niya. Kusang lumapat ang mga kamay niya sa dibdib nito at tinaggap ang mga labi nitong nagsusumamo sa kanyang pagtugon na ayaw niya ring tanggihan. Namalayan na lang niyang nakayakap sa batok nito ang mga braso niya. Hinabol pa ng mga labi niya ang labi nito nang maghiwalay sila. Natatawang kinurot nito ang magkabilang pisngi niya at ikiniskis ang ilong sa ilong niya.
“I’m sorry,” aniya at bumitaw pero ito naman ang humapit sa kanya kaya nanatili siyang nakakandong dito.
“Never say sorry when you kiss someone. I’m not sorry every time I kiss you because I’m sure I will never kiss anyone else’s lips anymore.”
Napamaang lang siya. “What do you mean?”
“Just be my girl.”
“Why?”
“Charina, can I ask you a question?” Ayaw man niya ay tumango siya. “What do you feel about me, about us?”
“Nothing,” aniya at nagmamadaling bumitaw dito pero lalo lang siyang niyakap nito at tumayo na ito sa bato bago siya inilapag. Nauna pa siyang naglakad.
“Charina, please answer me,” anito at hinila siya paharap dito. Hindi niya maiwasang mapatingin na naman sa mga mata nito. Parang nagsusumamo ang mga iyon kaya hindi niya matagalang makipagtitigan dito. “Please answer me,” muling pakiusap nito at pinisil ang mga kamay niya.
Muli pa siyang tumingin dito. “Sasabihin ko ito sa Tagalog para hindi mo maintindihan. I-ta-translate ko na mamaya sa English pero hindi totoo iyon. Ang totoo ay iniiwasan kita dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa ‘yo. Saglit pa lang tayong magkakilala pero nalilito ako sa mga ginagawa mo. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Galing ako sa breakup. Sabi mo galing ka rin sa breakup. Baka nalilito lang tayo. Pero ako ang mas naguguluhan kasi habang itinutulak kita palayo, habang iniiwasan kita, mas hinahanap kita. Nalulungkot ako dahil hindi kita nakikita. Miss na miss na kita bwisit na tisoy ka. Kahit sa ex-boyfriend ko, hindi ako ganito ka-clingy. Pero ikaw, ilang oras lang kitang hindi makita, na-mi-miss kita agad kahit hindi naman kita masyado pang kilala. Mahal na yata kita,” mahabang litanya niya at bahagya pang pumiyok habang pinipigilan ang pag-iyak.
“Yes! Yes! Yes!” Napamaang pa siya nang malapad na ngumiti ito at binuhat siya saka umikut-ikot pa ito. “Parehow tayow ng nararamdaman. Sabi kow naman sa ‘yow, gustow kita. Perow nagtatagow ka. My heart always beats fast whenever I see you. I used to always be in control, but you managed to confuse me. I love the way you kiss me. Your innocent and pretty eyes are hypnotizing me. Gustow kow nasa tabi lang kita lagi kasi kinikilig akow. Nahihiya kasi akow kaya lagi kong sinasabi ayokow sa ‘yow perow hindi yown towtoow.”
Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin dito. “Nakakapagsalita ka pala ng Tagalog!” Sa lalo niyang pagkamangha ay walang pakialam na tumawa lang ito at paulit-ulit na hinalikan ang mga labi niya.