Chapter 18: More And More Kisses

Habang nasa biyahe ay hawak lamang ni Vladimir ang kamay ni Charina. Maya’t maya pa nito iyong hinahalikan kaya natatawa siya rito. Napapatingin lang ito tuwing matatawa siya at tataas lang ang mga kilay na parang nagtatanong sa kanya. Napaka-cute at napaka-sweet nito kaya dahil sa kilig ay hindi niya namalayang nasa bungad na sila ng gubat papunta sa mansiyon ni Nanay Victoria. “I thought we would go somewhere else.”

“Yes,” balewalang sabi nito at inalalayan siyang makababa. Naroon na ang isa sa mga security guards na magsasauli raw ng kotse sa hiniraman nito. “You’re wearing sandals,” anito at inilapag ang basket. Nagulat pa siya nang bitbitin siya nito na parang bagong kasal sila saka binuhat ang basket.

“You don’t have to carry me. I’m used to walking here with my sandals.”

“I want to carry you.”

“But I’m heavy!”

“No you’re not. I will still carry you even if you’re heavy.”

“And why is that?”

“Because you’re my sweetheart,” sabi nito at kumindat pa sa kanya.

“You really are a flirt,” naiinis na sabi niya.

“I bet my flirting skills are a perfect ten.”

“Ten? No, ten times ten. You’re excellent,” natatawang sabi niya na ikinatawa rin nito. Nakakawit lang ang mga braso niya sa mga batok nito at kapag may pagkakataon ay dinadampian niya ng halik ang mga labi nito.

“Tease! Please stop that.”

“You don’t like my kiss?”

Huminto ito. “I love it! But I might lose control and kiss you non-stop here,” anito at mariin siyang hinalikan bago siya pinakawalan at muling naglakad bitbit siya at ang basket.

Pagdating sa gate ay hindi niya namalayang bitbit pa rin siya nito kaya nahiya siya nang makitang nakangiti sa kanila si Mang Jose at dalawa pang security guards. “I can walk now,” angil niya kay Vladimir na lalo lang tumawa dahil nahalata ang pagkapahiya niya.

“So shy,” umiiling na sabi nito at pumalatak pa. Nadaanan pa nila ang mga staff at ibang kasambahay na bumati sa kanila.

“I’m embarrassed, Vladimir,” nahihiyang sabi niya. Paglingon niya ay nakita niya sina Doris at Mayumi na kulang na lang ay pompoms dahil chi-ni-cheer siya ng mga ito. Lalo pa siyang nahiya kaya isinubsob niya ang mukha sa matipunong dibdib nito pero mukhang mali iyon dahil lalo siyang nalulong dito. Napakabango nito, parang pine tree, hindi katulad ng amoy sa loob ng taxi. Para iyong natural na pine tree pagkatapos umulan, natural ang amoy, hindi masakit sa ilong, parang nakaka-adik ang amoy.

“Mabuhay ang bagong kasal,” sigawan ng mga kasambahay na malakas na naghiyawan.

“Vladimir naman eh.” Pag-angat niya ng tingin ay nakangisi na ito sa kanya na mukhang naiintindihan ang nangyayari.

“Why are you still shy? Everyone knows you’re my sweetheart.”

“Do you like me?”

“Isn’t it obvious?” Nakakakunot pa ang noo nito.

“I like you, too,” nakangiti niyang sinabi.

Malakas pa na tumawa ito. “Isn’t it obvious, too? You wouldn’t have kissed me like there was no tomorrow if you didn’t like me. I know I’m gwapow and macho, according to you,” sabi nito na lalong tumawa.

“So you understand Tagalog?”

“Gwapow and macho are pretty common Tagalog words. I always get those compliments from my fans,” sabi nito na matter of fact lang, walang halong pagyayabang. “I looked up their meanings and found that they were the tagalog equivalent of handsome and sexy for male,” nakangising sabi nito.

Pagdating nila sa gate ay naroon sina Mang Domeng at Mang Pepe. “Mang Domeng, Mang Pepe, wala po itong ibang kahulugan. N-natapilok lang po ako kaya bitbit niya ako.”

“Alam naman namin kung anong meron,” humalakhak na sabi ng mga ito at agad na binuksan ang gate.

“Aren’t you tired yet? You’ve been carrying me for more than twenty minutes already.” Nakangiting umiling lang ito at hinalikan ang noo niya.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ito huminto. “We’re here,” anito at ibinaba ang basket bago siya dahan-dahang ibinaba. Nagulat pa siya dahil nasa ilog na sila. May bangka doon at naroon sina Oleksiy at Mykola. Nang makita sila ay tumango lang ang mga ito at sinabing papasok na sa mansiyon pero hinintay muna sila nitong makasakay sa bangka. Malaki ang bangka kaysa karaniwan pero sagwan lang ang gagamitin. May mga pagkain din doon at isang banig.

“So my vision was right, we would have a picnic.” Nakangiting tumango lang ito. Inalis nito ang pantalon at running shoes. May shorts ito na pambasketball na nagsilbing panloob nito saka isinuot ang tsinelas na nasa isang tabi. Sumakay na rin ito bitbit ang basket niya. “Why did you have to wear trousers and shoes?”

“I wanted to be gwapow to you.”

“But you already are,” nakangiting sabi niya at pinisil ang magkabilang pisngi nito. Napatili lang siya nang itinulak nina Oleksiy at Mykola ang bangka papunta sa mas malalim na bahagi. Sumaludo lang si Vladimir sa mga ito at nagsimulang magsagwan. Bahagya pa siyang nanginig sa takot nang bahagyang umuga ang bangka. Naalala niya na muntik na siyang malunod at masawi kung hindi dumating ang lalaki. “I-I’m scared.”

“I know,” nakangiting sabi nito at nagpatuloy sa pagsagwan. “Come here. Lean on me,” anito at tumigil sa pagsagwan. Walang hirap na inikot siya nito para mapasandal siya sa katawan nito.

Bahagya na siyang kumalma at napangiti nang makarating na sila sa malayong bahagi. “Aren’t you tired yet?” Halos isang oras na itong nagsasagwan.

“Quite tired. We’re approaching my safe haven.”

“Okay,” aniya at nagbukas ng bottled water at pinainom ito. True to his words, he stopped paddling after less than ten minutes. The scenery was enchanting. There were colorful flowers almost everywhere. Parang tama nga ang kaibigan niya na parang setting sa Encantadia ang paligid ng mansiyon ni Nanay Victoria. Ayon sa lalaki ay bihirang may magawi sa ilog dahil may usap-usapang misteryong nababalot sa gubat. How did you know all of these?”

“I have friends here,” simpleng sabi nito na parang ayaw nang magpaliwanag pa.

‘You’re keeping something from me.”

“Nope.”

“I thought I’m your sweetheart.” Umungol lang ito ng protesta. “Give me more time, sweetheart. I will explain everything at the right time.” Nagsagwan na ito papunta sa pampang. Nasa mababaw na bahagi na sila. Tumalon ito pababa at isa-isa nang binitbit ang mga pagkain at gamit pababa. Itinali rin nito ang bangka bago siya kinarga at ibinaba sa lapag. Inilatag nito ang malaking banig at inilabas ang mga pagkain.

Ayaw nitong pakilusin siya dahil nagluto na raw siya pero hindi siya pumayag dahil alam niyang pagod ito. Siya na ang nasunod at naghain. “Take off your shirt.”

“Why?”

“You are sweating profusely. You might get pneumonia if you let your sweat dry.”

“I guess you just want to see my macho body,” pang-aasar nito pero sumunod naman. Tama nga ito dahil nang alisin nito ang shirt ay nalaglag ang mga panga niya. His muscles were all in place. They were perfect from his broad shoulders and massive chest to his well-defined abs. “See?” Kitang-kita nito na kulang na lang ay punasan niya ng bimpo ang katawan nito at ipahid sa mukha niya.

“Vladimir, you are conceited,” sabi niya at umirap kaya lalo lang itong tumawa at mayabang na nag-flex pa. Pinunasan niya ang katawan nito at pasimpleng inamoy. His body smelled of a mixture of petrichor and marmalade. His masculine scent was delicious, to make it simple.