Chapter 2

NAPATAYO si Hirana at lumayo sa Ginoo.”Umalis ka na, wala ka naman palang ipapahula, Ginoo.” Sabi pa niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita, bakit ganon? Eh, ngayon lang niya nakita ang lalaking ito. Kaloka iyon na agad ang ginagawa nila.

Naramdaman ni Hirana ang pag-iinit ng pisngi. Tumalikod siya sa lalaki hinawakan ang pisngi, sa tingin niya namumula pa yata ito.

Nagtaka si Kiro kung bakit tumalikod ang babae sa kanya.”Hindi ka pa tapos, binibini.” Aniya.

“Tapos na!” tugon ni Hirana na hindi man lang lumingon sa lalaki.

“Binibini, puwede bang humarap ka sa akin? Hindi maganda na nakikipag-usap kang nakatalikod ka, kawalan ito ng respeto.”

Alam ni Hirana ito kaso sino ba ito hindi nga niya kilala bigla na lang sumulpot eh. Inayos niya ang sarili.”Relax, lang Hirana. Hindi naman niya siguro alam ang nakita mo,” paalala niya sa sarili.

Pormal siyang humarap sa lalaki.”Umalis ka na, Ginoo.” Sabi niyang muli.

Napangiti si Kiro, lalo palang maganda ang babae sa mamumula ng pisngi nito, alam niya ang nakita nito kahit siya iyon din ang nasa isip. Kaya siguro ganon na lang ang pamumula ng pisngi. Tumayo na siya.”Heto ang bayad ko, binibini.” Pinatong niya ang limang pilak sa lamesa.

Nagulat si Hirana ng makita ang nilapag ng Ginoo. Pero hindi na niya natatangihan ito dahil kailangan niya ang pera. Siguro ngay ito ay mayaman kaya ganon na lang ang binigay sa kanya.

“Paalam, binibini pero hindi ito ang una’t huli natin pagkikita.” Oo babalik siya para makita muli ang babae.

“Ha, anong ibig niyang sabihin, babalik siya. Ginoo, te---” napahinto siya sa pagsasalita dahil lumabas na ito.

Dinampot ni Hiran ang pilak saka lumabas para tignan ang lalaki. Paglabas niya magpalinga-linga siya sa paligid pero hindi na nakita pa ito.”Huh? Ang bilis naman niyang nawala.” Nagkabit balikat na lang siya. Sobrang galante ng lalaki saka magpapasalamat sana siya eh.

“Psttt, Hirana,” tawag ni Mira sa kanya.

Tinignan niya ito.”Bakit?”

“Sinong hinahanap mo si Tinor ba, Hirana?” may bahid selos ang tinig ni Mira.

“Hindi bakit ko naman siya hahanapin? Wala akong kailangan sa kanya, Mira.”

“Eh, bakit kanda haba-haba iyan leeg mo?”

“Hindi mo ba napansin ang lalaking lumabas dito, Mira?”

“Lalaki? Sinong lalaki? Wala naman, ah.”

“Mira, kalalabas lang niya ano ka ba! Nasa harapan ka ng puwesto ko lahat ng pumasok at lumalabas nakikita mo di ba?”

“Ano ba ang itsura niya ha, Hirana?”

“Matangkad, hindi maputi, maganda ang mata, matangos ang ilong, may mapupula na labi.” Bakit ba nasasabi niya ito? Totoo naman ang labi nito mapupula parang nalagyan ng pulang lipstick.

“Aba, Hirana. Memorize mo na agad ang itsura nito,” sabat agad ni Mira.”Isa lang ang ibig sabihin super duper guwapo ito. Pero para sa akin si Tinor ang pinakaguwapo sa lahat.”

Nahimasmasan si Hirana. Ganon na lang ba kalakas ang epekto ng lalaking iyon sa kanya. Oo malaki talaga nag epekto sa kanya lalo pa at nakita niyang magkasiping pa sila. Pailing-Iling si Hirana.

“Hoy! Hirana, anong nangyayari saiyo ha. Aba naiiling ka? Tapos natahimik ka. Hmmm iniisip mo ang lalaking iyon ano?”

Napatingin siya kay Mira. Siyempre tatangi siya.”Hindi, ah. Malay ko ba sa lalaking iyon, ngayon ko lang nakita.”

“Ngayon mo lang nakita, pero saulo mo na ang bawat detalye ng mukha, ha.”

Oo nga naman tama si Mira, saulo talaga niya.

Nang mabungaran ni Mira si Tinor na patungo sa kinaroroonan nila.”Oh my Tinor, papunta siya rito, Hirana. Ang akin prinsepe ay parating,” nataranta si Mira.”Hirana tignan mo nga ang anyo ko okay ba ha?”

“Oo okay, tama lang iyan kulerete mo sa mukha, Mira.”

Ginaya ni Mira ang itinuro ni Hirana sa kanya. Kagat labi saka ngumiti ng nakakaakit.

Napailing na lang si Hirana sa ginawa nito talagang desperado ang kaibigan na mapansin ni Tinor.

Pagtapat ni Tinor sa kanila.”Magandang umaga mga binibining magaganda,” bati nito.

“Ah, Tinor. Sa’yo rin magandang umaga. Kay ganda ng umaga ko ngayon nakita kita!” pinasasayaw pa ni Mira ang mata.

Ngiting-ngiti lang si Tinor sa dalaga. Pero kay Hirana nakatingin.”Paalam mga binibini, marami pa akong gagawin.”

“Ang sipag mo talaga, Tinor.”

“Kailangan, Mira. Para sa paglagay ko sa tahimik. Sige maiwan ko muna kayo.” Nagmamadali na itong umalis.

Humarap si Mira kay Hirana.”Hirana, narinig mo ang sinabi niya?”

“Siyempre naman, maliwanag pa sa sikat ng araw bakit ba?”

“Lalagay na si Tinor, sa tahimik. Ibig bang sabihin nito mag-aasawa na siya?”

“Ewan ko, kung mag-aasawa na siya sino naman ang babae?”

Kay lapad ng ngiti ni Mira.”Hirana, baka nakuha siya sa sekwal kong ngiti!”

“Baka nga, malay natin di ba?” sang-ayon na lang niya.

Biglang kumikinang ang mata ni Mira. At para nag daydreaming na siya.

Napailing na pumasok sa kubo niya si Hirana.

Matumal ang kita ni Hirana sa mag hapon pero kahit paano may mga naging costumer siya hindi na siya lugi. Dahil may limang pilak na ibinigay ang Ginoo sa kanya. Bago siya umuwi bumili muna siya ng karne para naman makahigop sila ng mainit na sabaw ngayon gabi. At ng lumakas ang ama ta ina.

Pag-uwi niya sa bahay nila nadatnan ang inang nagluluto na.”Inang, magandang hapon, anong niluluto mo?”

“Tama lang ang dating mo Anak, nakasahing na ako.”

“Sige po ako na ang ang magluluto nitong binili kung ulam natin.”

“Aba anak, makarami ka yata ngayon?”

“Hindi naman Inang, may isang tao na sa tingin ko ay isang Maharlika ito na nagpahula.” Natigilan siya nagpahula ba ito hindi naman ah?

“Ganoon ba anak, aba may nagawing maharlikang lahi ngayon sa bayan?” masiglang turan nito.

Iniba ni Hirana ang usapan dahil hindi naman niya kilala ang lalaking iyon. At gustong-gusto ng ina na mapag-usapan ang mga Maharlikang lalaki dahil sa kanila raw nababagay ang kanyang kagandahan.”Ina, ako na ang magluluto.”

“Huwag na anak, ako na magpahinga ka na alam ko pagod ka sa maghapon mo sa bayan.”

“Sige po Inang, pupunta muna ako maligo sa talon.”

“Anak, hapon na gabihin ka niyang.”

“Inang, sanay na po ako. At saka titingin na rin ako ng mga dahon gamot para kay Itang at saiyo narin.”

“Oh, siya dapat bago dumilim narito ka na.”

Tumango siya sa ina saka lumabas na ng bahay nila. At mabilis na naglakad hindi na niya gagamitin ang bisikleta para hindi ito masira o mapudpud ang gulong. Naglalakihan ang hakbang niya patungo sa talon, nasa may pusod ng gubat ito na medyo may kalayuan. Panatag naman siyang pumunta para maligo dahil wala pang nang bastos sa kanya. Saka tahimik ang kanilang lugar mababait ang mga tao sa kanila. Kung meron man masasamang tao sila ay mga dayo na.

“KAMAHALAN, hinahanap ka ng reyna.” Salubong ng kawal kay Kiro.

Tinanguhan niya ito dumeretso sa silid ng ina. Pagpasok sa loob.”Anong kailangan mo sa akin, Ina?” Pagbungad palang niya sa pinto.

“Saan ka galing, Kiro?”

“Diyan lang sa tabi-tabi, Ina,” kailangan niyang gumawa ng kuwento sa ina dahil ayaw nitong nagagawi siya sa mundo ng mga tao.

“Ayoko ng sinungaling, Kiro, alam mo iyan.”

“Anong kailangan mo, Ina?”

“Ipapaalam ko lang sa’yo na bukas, pupunta rito si prinsesa Lira.”

“At bakit, Ina?”

“Alam mo na. Na siya ang gusto kung maging asawa mo.”

“Sinabi ko na sa inyo ni Ama, hindi ko siya napupusuan. Tangin kababata o kaibigan ang turing ko sa kanya.”

Marami ng nerereto ang ina sa kanya. Na maging kabiyak kaso tinanggihan lahat ito, dahil wala siyang madama sa puso. Kahit pitik man lang sana ng lamgam eh wala. Naisip ang babaeng taga mundo ng tao. Napangiti siya bigla. Dahil ng makita niya ito ang kanyang puso parang dinapuan nang maraming paro-paro.

Napakunot ang reyna sa nakitang pagngiti ng anak.”Para saan ang ngiting iyan, Kiro?”

Tumingin si Kiro sa ina.”May naisip lang ako, Ina.”

“Babae naman ba?”

Tama ang ina babae nga pero hindi nila kalahi.”May sasabihin ka pa ba, Ina?”

“Kiro, ang sinabi ko, pupunta si prinsesa Lira dito.”

“Alam mo na ang sagot ko diyan, hindi ko siya gusto tapos.”

“Sige kung ayaw mo malapit na ang buwan ng tag-saya, Kiro. Dapat may isisilang na anak mo pagkatapos nito, dahil kung wala hindi ka makakatangi sa nais kung makasal kayo ni prinsesa Lira.”

Napabuntong-hininga si Kiro. Heto na naman sila ng ina ganon din ang sinabi niya noon tuwing sasapit ang tag-saya. Na kahit sinong babae ang gusto mong makasama sa kama ay puwede. Hindi sila tatangi dahil kapagtinanggihan mo ang isang lalaki lalo pag prisepe ito ay pupugutan ka ng ulo. Paghindi naman makukulong ito o kaya maging alipin habang-buhay.

Ang tag-saya ay tradisyon ng kanilang lahi. Puwede mong sipingan ang sino mang babae sa kanila basta itoy isang dalaga. Walang sino man ang tatanggi.

Hindi siya takot sa sinabi ng ina. Alam niyang hindi nito gagawin ang ayaw niya. Napangiti siya sa ina.

“Hindi ako nagbibiro ngayon, Kiro! Gagawin ko ang nararapat. Tama na ang mga binigay kong pagkakataon sa iyo.”

“Wala na akong masasabi pa Ina, puwede na ba akong umalis?”

Napailing na lang ang reyna, ng wala na ang anak.”Hay, kailan ka ba susunod sa nais ko Kiro, sana isang araw magising ka na may hinahanap ka ng babae sa tabi mo.”

Hindi muna tumuloy sa kanyang silid si Kiro.

Hindi siya nasiyahan sa pamamasyal sa mundo ng tao. Nang maalala ang tagahula napangiti siya bigla.”Kay gandang binibini, kaso nga lang mailap ito. Pero bakit ganon ang nakita niya at nakita ko nang hawakan niya ang palad ko? Mag kasiping kami,” napapikit siya inaalala ang nasa isip nila. Ngiting-ngiti siya sayang at agad na naputol ang kanilang pagsisiping. Pero nakita niya ang ganda ng hubog ng katawan ng babae lalo na ang hinaharap nito. Biglang nag-iba ang kanyang pakiramdam naging mainit ang kanyang dugo nauuhaw bigla siya. Napabuntong-hininga siya ng malalim dahil ramdam niya ang pagkabuhay ng kanyang kaligayahan. At kailangan niyang may pupukaw dito.”Ahhh!” impit niyang hiyaw.”Maliligo muna ako.” Kinumpas ang kamay nasa talon na siya hinubad ang damit tumalon na sa tubig.

NGITING-NGITI si Hirana ng marating ang talon.

“Ito ang gusto ko tahimik ang paligid.” Alam niyang walang taong nagagawi sa talon paghapon na dahil may nagbabantay daw sa talon hindi naman nila masabi kung ano ito. Minsan pa nga raw hindi na nakakauwi ang naliligo rito. Pero para kay Hirana, noon iyon iba na ngayon. Naghubad na siya iniwan lang ang manipis na kamison. Wala siyang alinlangan na may makakita sa kanya dahil ang mga mangangaso lang ang minsan nagagawi sa talon pero hindi tag-ngangaso ngayon kaya kampante siyang walang kakambala sa kanya.

Hindi makapaniwala si Kiro sa nakikita. Sa talon pala ng mga tao siya napunta. Akala nila sa kanilang kaharian ito. Siguro kaya siya napunta sa talon ng tao dahil ang isip at nasa babaeng nakikita ngayon. Para hindi siya makita nito kinumpas ni Kiro ang kamay. Naglaho siya bigla pero nasa talon parin siya. Maliligo ang babaeng manghuhula. Nakadama siya ng kaligayahan ewan ba niya lumukso ang kanyang puso ng masilayan ito. Ibig sabihin nito tinamaan siya sa babaeng ito. Ngayon lang siya nakadama ng kakaiba mula sa kanyang puso.

Patihayang naglalangoy si Hirana bakat na bakat ang kanyang dibdib. Nang nasa unahan na siya ng talon tumayo siya sa mismong harapan ni Kiro.

Hindi mapakali si Kiro sa nakikita. Todo lunok pa siya sa laway niya. Isa lang ang nais niyang mangyari sa sandaling iyon ang matikman, mahawakan ang nasa kanyang harapan.

Humiga si Hirana sa bato. Napabuntong-hininga si Kiro, tukso ang nakalatag sa kanyang harapan. At para bang inaanyayahan pa siya ng babae dahil humahaplos ang palad nito sa katawan.

“Ahhh! Ang sarap sa pakiramdam,” turan ni Hirana. Dumaan ang palad sa magkabilaan dibdib. Hinimas ito.”Ahhh! Ungol niya.

Hindi malaman ni Kiro ang kanyang gagawin. Gusto na niyang lapitan ang babae. At nakakaakit ang pag ungol nito kaigaigaya itong pakinggan.

Natauhan si Hirana sa ginawa. Nag iba kasi ang kanyang naramdam may sekwal na bumalot sa katawan lumusob siya sa tubig upang tunawin ang nadaramang init.”Ahhh!” muli niyang ungol dahil pakiramdam niya biglang lumamig ang tubig.