CHAPTER 5- One sided love

ISSABELLE'S POV

_________

Hindi iyan tunay na pagmamahal kung hindi mo kayang magtiis.

Iyan ang natutunan ko sa aking pamamalagi sa ampunan. Hindi naman puro kasiyahan ang buhay. May mga bagay na magpapalungkot sa atin at may mga pagkakataong kailanganin nating magtiis para mapangalagaan ang isang bagay o relasyon na mayroon tayo.

Akin lang si Kaist, hanggat kaya ko.

______

Maluha-luha kong pinunasan ng tissue ang aking leeg at dibdib para matanggal ang icing na dumikit roon. Nanginginig ang aking kamay habang hawak ang tissue.

Pagkalabas ko mula sa kuwarto ni Kaist ay kaagad akong dumiretso sa aking silid at nag-lock sa loob ng cr. Dali-dali kong hinubad ang suot kong damit dahil pakiramdam ko ay nagsimula nang mangati ang aking leeg at dibdib.

Nang tingnan ko ang parteng iyon sa salamin ay mas lalo akong naiyak. Nag-umpisa na kasi iyong mamula dahil sa strawberry na tumama roon. Gumamit ako ng plastic gloves kahapon nang gawin ko ang cake na iyon kaya hindi ako nakaramdam ng allergic reaction. Hindi ko inaasahang itatapon pala iyon ni Kaist sa akin.

Mabuti na lamang at nakabili ako ng hydrocortisone cream kaya agad ko iyong nilagyan. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang mawala ang kati ngunit nananatili parin ang pamumula ng balat. Sa tantsya ko ay hindi pa iyon mawawala hanggang bukas.

Pagkatapos magbihis ay hindi na ako lumabas ng aking silid. Dahil sa nangyari kaya nawalan na ako ng ganang magtanghalian. Naupo ako sa kama at sandaling nag-isip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang boses ng babaeng tumawag kanina pati na ang sinabi nito. Hindi ako bobo para hindi malaman kung ano ang totoong nangyari kagabi. Kaya pala hindi siya nakauwi. Akala ko sa bar siya natulog, 'yun pala ay may kasama siyang babae.

Sa aking pag-iisip ay bigla akong napalingon at napatingin sa ibabaw ng aking maliit na mesa. Sa ibabaw no'n ay nakalagay ang aking laptop.

I feel like I have all the right to know Kaist's past. After all, I am his wife. Kahit hindi niya ako mahal. Agad kong binuksan ang aking laptop at tiningnan ang social media account ni Kaist. Ang kanyang profile ay in-upload last year pa yata at mukhang kuha iyon sa isang party. He was holding a glass of wine. Ngunit hindi iyon ang nakakuha sa atensyon. Ang nakakuha ng pansin ko ay ang kanyang cover photo.

Isang pamilyar na babae ang nakasuot ng kulay pulang damit. Mapapansin ang kanyang kasiyahan dahil sa kanyang magandang ngiti. Ang litrato ay may caption na "My girl, You are more than I could ever ask for in a woman."

Sa likod ng babae ay mayroong hugis tao na makikita sa salamin at nang i-zoom ko ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Si Kaist. He looked so happy habang kinukuhanan ng litrato ang babae.

Bigla muling bumigat ang aking puso. Iyong tipong nagpanginig sa aking mga kamay. Tumulo na ang aking luha bago ko napagtantong ang babaeng nasa litrato ay ang babaeng nakabangga ko sa mall noong isang araw.

______

"Ms. Sab, hindi po kayo bumaba kanina para magtanghalian. Kumain po muna kayo." Pagsalubong sa akin ni Manong Cris nang makababa ako mula sa aking silid. Mag-aalas sais na ng gabi.

"Hindi po ako nagugutom, Manong. Paki-handa nalang po ang kotse. Pupunta ako sa ampunan." Walang gana kong sagot sa kanya. Tumingin pa ito sa aking mukha bago yumuko at tumalikod. Nagtataka marahil siya sa ipinakita kong ekspresyon sa kanya.

Nakasuot ako ngayon ng kulay itim na turtle neck sweater para itago ang pamumula sa aking leeg. Ayaw kong makita iyon ng kahit sinong nandito sa bahay at ng mga taong malapit sa akin.

Nang makalabas si Manong Cris ay tumigil muna ako at nilibot ang tingin sa loob ng bahay. Tahimik na naman. Marahil ay umalis na naman si Kaist.

Ang totoo, hindi naman talaga sa ampunan ang pakay ko ngayong puntahan. Pagkatapos ng ilang oras na pag-iisip ay buo na ang pasya ko. Anong sa akin ay akin lang.

Nagpahatid ako kay Manong Cris sa ampunan. Nang makarating doon ay kaagad ko siyang pinabalik ng bahay. Kinamusta ko lang ang mga bata pagkaraan ay umalis na din ako at nagpunta sa isang mall.

Bago ako umalis ng bahay kanina ay tiningnan ko muna ang social media ng babae ni Kaist at sakto namang nag-post siya ng isang sikat na restaurant. Lahat yata ng ganap niya sa buhay ay pinopost niya sa social media.

At nahanap ko nga siya. Sa labas pa lang ako ng restaurant ay tanaw ko na sa loob ang babae. Nakaharap siya sa kinatatayuan ko. Sa harap niya ay nakaupo ang isang lalaki na kahit nakatalikod ay alam kong ang asawa ko.

Ang sweet nilang tingnan. Para silang mag-asawa na bago lang kinasal. Isang romantic music ang nakaplay na mas lalong nakadagdag sa magandang ambience sa loob.

Pumasok ako sa loob at umupo sa isang bakanteng mesa hindi kalayuan mula sa kanilang pwesto. Nakatutok lang ang tingin ko sa kanilang dalawa sa lahat ng oras. Nakita ko kung paano mag-alala si Kaist sa babae at kung paano niya ito ituring na parang prinsesa.

Ganito pala kasakit kung ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa.

Pakiramdam ko ilang segundo magmula ngayon ay bigla na lang titigil sa pagtibok ang aking puso dahil sa sobrang sakit. Naninikip ito . My throat thickens and my tears are about to fall, then suddenly a girl holding a pen and paper stopped in front of my table.

"What's you're order... Oh! Ma'am, are you okay?" Puno ng pag-aalala ang kanyang boses. Agad kong iniwas ang aking mukha. Dinampot ko ang aking bag saka tumayo.

"I'm so sorry." Wika ko at mabilis na naglakad palabas ng restaurant.

Sobrang bilis ng paglalakad ko na pakiramdam ko ay wala nang ibang tao sa paligid ko. Gusto ko lang makalayo mula sa lugar na ito.

Nakayuko ako habang humahakbang nang bigla akong mabunggo sa kung sino. Mabuti na lamang at mahina lang iyon kaya alam kong walang nasaktan sa amin.

"S-sorry." Mahina kong sabi nang hindi man lang tumitingala. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang biglang may humawak sa aking pulso kaya napalingon ako at naiiritang napatingin sa kamay na nakahawak sa akin.

"Hey! Are you okay?" Boses lalaki.

"I'm fine. Mahina lang naman ang pagkakabangga ko sa'yo." Malamig kong sagot. Hinila ko ang aking kamay ngunit hindi niya ito binibitawan kaya sa puntong iyon ay tumingala na ako para makita ang kanyang mukha.

Isang blond na lalaki. Hanggang balikat ang kanyang buhok. Matangkad siya kaya kinailangan ko pang tumingala para makita ang kanyang buong mukha. Sa unang tingin ay malalaman mo kaagad na may lahi siyang foreigner.

"No. I mean, your neck."

Kaagad akong napayuko at napahawak sa aking leeg. Pwersahan kong hinila ang aking kamay kaya napabitiw siya sa akin.

"I'm fine." Muli kong sabi saka mabilis na inayos ang aking damit para muling takpan ang pamumula ng aking leeg.

Tumingila akong muli para makita ang kanyang ekspresyon. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito at pag-aalala ngunit wala akong panahon para magpaliwanag. Isa pa, he's a stranger.

Muli akong humingi ng tawad bago tumalikod at tuluyang naglakad palayo.