Chapter 7: Stranger
YIN'S POV
______
"You're here!" Kaagad akong sinalubong ni Kohie nang makapasok ako sa restaurant. Si Kohie ang katulong ko sa pagpapatakbo ng restautant na ito. Isa siyang lalaki na may pusong babae. We're friends since highschool kaya karamay namin ang isat-isa. "C'mon, have a seat." Hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa kanyang opisina.
"Ang daming customers, ah?" Wika ko saka tumingin-tingin sa paligid.
"Ay naku! Dadami pa 'to kung nandito ka. By the way, kailan mo balak bumalik dito?" Kumuha siya ng dalawang baso mula sa kanyang maliit na kabinet. Binuhusan niya iyon ng wine na pinakuha pa niya sa isang tauhan kanina nang mapadaan kami sa cashier.
Nginitian ko ito pagkatapos ay tinikman ang ibinuhos niya sa baso. "Taste expensive," aniya ko. Inalog ko muna ng mahina ang baso bago ginawa ang sunod na pag-inom.
"Ilang buwan lang ako nawala, pinababalik mo na ako kaagad." Tumawa ako ng marahan.
Umupo ito sa harap ko. Katulad ko ay hawak niya rin ang isang baso na may lamang wine.
Sumeryoso ang kanyang mukha.
"Seriously, we need you right now. Alam mo naman, pumayag lang ako na pumunta ka sa London dahil alam kong pangarap mong makapunta 'dun and besides pag-aaral naman ang ipinunta mo doon pero ngayon na bumalik ka na. Ano nang balak mo? Aalis ka na naman ba ulit?" Nakatingin siya ng diretso sa aking mga mata.
Napabuntong hininga ako sa kanyang sinabi. Linapag ko ang baso sa ibabaw ng mesa at yumuko.
Alam ni Kohie na hindi lang pag-aaral ang dahilan kaya pumunta ako ng London. Pumunta ako doon para matutong magluto at para patunayan sa mga magulang ko na tama ang desisyon kong maging Chef. Na tama ang desisyon kong tanggihan ang inaalok nilang posisyon sa aming kompanya para sa akin.
"Paano pa ako aalis kung para mo na akong tinatali rito?" Pabiro kong sabi. Natawa na rin ito dahil sa sinabi ko.
"Dalawang taon na ang lumipas pero wala ka paring pinagbago."
"So? Bukas na ba ako magsisimula?"
"Sounds like a plan." Tumayo ito sabay abot ng kanyang kamay sa akin. "Welcome back!"
Tumayo ako at nakangiting nakipagkamay sa kanya.
Ngumiti ito pagkatapos ay bumalik na kami sa pagkakaupo.
"By the way. I heard na kinasal na ang pinsan mo. What's your reaction about his wedding?"
Bahagya akong umiling-iling. "If I were in his position, hindi rin ako makakatanggi. Alam mo naman kung ano ang realidad sa aming ipinanganak sa kilalang pamilya."
Kung hindi rin ako umalis papuntang London ay tiyak na ipagkakasundo rin ako sa babaeng hindi ko naman mahal.
"Iyon na nga. Actually, naawa ako sa kanya pero alam mo kung saan ako mas naaawa?" He put the glass on the table and look straight into my eyes. "To his wife."
Kumunot ang aking noo. "Wife? Why?" Tanong ko na puno ng interes.
"Wala naman. Kilala mo naman iyong pinsan mo 'diba? He's hot headed. Alam niya kung ano iyong mga gusto at ayaw niya sa buhay."
Napatungo ako dahil sa kanyang sinabi. Hindi na ako nag-abalang sumagot dahil una sa lahat ay wala akong karapatan sa personal na buhay ng aking pinsan. Kung ano man ang ginagawa at binabalak niyang gawin ay wala na akong pakialam hanggat hindi niya idinadamay ang aking pamilya.
Matapos kaming makapag-usap ni Kohie ay napagpasyahan kong tumungo sa aking condo ngunit nang nasa sasakyan ako ay bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa assistant ni Daddy. Pinapapauwi ako sa bahay. Kaya naman doon ako dumiretso.
Ilang taon akong nawala ngunit hindi parin nagbabago ang mansyon. Tahimik parin ang loob nito katulad ng dati.
Pumasok ako sa loob at dumiretso sa Opisina ni Daddy. Kumatok ako sa pinto bago pumasok sa loob.
"Have a seat." Usal ni Daddy habang seryosong nakatingin sa akin. Tumayo ito at lumipat ng upo sa sofa sa harap ko.
"Kamusta kayo, Dad?"
Sumenyas muna ito sa kanyang assistant na lumabas. Agad rin itong sinunod ng lalaki.
"I'm fine. Welcome back." Hindi man siya nakangiti ay alam kong masaya siya sa aking pagbabalik. "Siguro naman, tatanggapin mo na ang posisyon na ibinibigay ng Mommy mo sa'yo sa ating kompanya?"
Bahagya akong tumawa. "Dad, alam mo naman..."
"I know. I'm just kidding." Natatawa niyang sabi. Bahagya pa siyang lumapit sa akin at tinapik ang aking balikat.
Natawa na lang din ako. Afterall, si Mommy lang naman talaga ang nagpupumilit na magtrabaho ako sa kompanya. Siya rin ang may balak na ipagkasundo ako sa anak ng kanyang kaibigan.
Sa aming kompanya, si Mommy ang may pinakamataas na posisyon. Pangalawa lamang si Daddy kaya kung iisiping mabuti ay hawak kaming lahat ni Mommy sa leeg.
Hindi ako sigurado kung alam niyang nagbalik na ako. Malamang ay alam na niya.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan ni Daddy nang biglang bumukas ang pinto at tila nagdikit ang aking mga labi at nanlaki ang aking mga mata nang pumasok si Mommy.
She's wearing a formal dress. Nakaayos ang buhok at seryoso ang mukha. Wala itong ibang bitbit kundi ang kanyang mamahaling bag.
Aaminin kong natatakot ako kay Mommy. Sa awra pa lang kasi nito ay naninindig na ang balahibo ko. Iyon ang dahilan kaya walang may lakas ng loob na magtaksil sa kompanya. Alam ng lahat na kayang-kaya ni Mommy na gumawa ng mga maruming paraan para lamang manalo.
Naglakad ito at huminto sa harap naming dalawa ni Daddy.
"Anong klasing ugali ang meron ka, Louyin?! Kung hindi ako nag-utos ng tauhan ay hindi ko pa malalaman na bumalik ka na." Singhal nito sa akin habang ang isang kamay ay nakalagay sa kanyang beywang.
Agad na tumayo si Daddy at awkward na linapitan ang asawa. "Honey, relax. Kababalik lang ng anak natin..." hindi pa ito natatapos sa pagsasalita nang supalpalin siya ni Mommy.
"Tumahimik ka! Hindi kita kinakausap!" Galit na rin ito kay Daddy dahil sa hindi pagsabi nito na uuwi ako.
"Mom," tumayo ako at lumapit kay Mommy saka ito niyakap. "I'm sorry."
"Cut the crap, Louyin!" Kumalas siya sa pagkakayakap. "Nagbalik kana kaya naman, siguro nakapag-isip kana kung ano ang dapat gawin. Sabihin mo lang kung anong gusto mong poisisyon sa kompanya at agad agad ay ibibigay ko iyon sa'yo."
Napakamot ako sa aking ulo. Awkward ko itong nginitian.
"Mom, hindi talaga ako interesado."
"Louyin!" Napaatras ako dahil sa kanyang malakas na pagsinghal. Napahawak ito sa kanyang noo dahil sa sobrang pagkainis. "Hindi ka parin talaga nagbabago."
"Mom-"
"Enough! Wala akong oras para makipagtalo sa'yo. I'm leaving." Agad itong tumalikod at naglakad palabas ng silid.
Bumalik ako sa pagkakaupo nang mawala sa paningin ko si Mommy. Tila ba bigla akong nanghina. Pati si Daddy ay natahimik din.
Ayaw kung suwayin si Mommy pero gusto ko talagang maging chef.
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





