CHAPTER FIVE
PULANG-PULA ang buong mukha ni Michael nang natapos na niyang basahin ang unang CHAPTER pa lang ng bagong akda ni Carmie. Ilang beses man niyang isiping hindi siya ang main character sa nasabing akda ay nailang pa rin siya. Ramdam na ramdam niya ang paghalay sa kanya ni Carmie sa isipan nito. Dahil sa hindi rin naman niya matatapos ang binabasa niya sa akda ni Carmie ay napagpasiyahan niyang pumunta na lamang sa Lion Heart Publishing Company kahit na wala naman siyang pasok nang araw na iyon dahil araw naman iyon ng Sabado.
Nagulat na lamang si Michael dahil pagpasok niya ay naabutan niya agad si Juris na halatang busy rin sa ineedit nito nang sandaling iyon.
“Himala at pumunta ka ngayon dito kahit na weekend,” sambit ni Juris. “Let me guess, hindi mo na naman gusto ang akdang ineedit mo.”
Hindi na lamang nagsalita si Michael nang sandaling iyon at sa halip ay dumiretso na siya sa upuan niya. Gusto na niyang matapos kaagad ang pagbabasa niya dahil siguradong hindi na naman siya matatahimik kung sakaling makikita pa niya ang manuscript ni Carmie.
Tumaas ang isang kilay ni Juris nang napansin niya ang pananahimik ng binata. Kadalasan, kapag nahuhulaan na niyang hindi nito nagugustuhan ang ineedit nito ay ipababasa agad ng binata sa kanya ang manuscript para lang kumbinsihin siyang weird na naman ang gawa ni Carmie. But now, ni hindi man lang ito nagreklamo sa kanya.
“Weird nga siguro ang gawa niya,” kumbinsidong sambit ni Juris sa binata. “Wala ka na bang balak ipabasa sa akin iyan para mabigyan kita ng thoughts ko about it?”
“As much as possible ay hindi ko na rin gugustuhin pang i-publish niya ang librong ito,” sagot naman ni Michael. “This is not good for our health.”
“Huh?!”
“Habang tumatagal ay mas nagiging weird ang writing style ni Carmie kaya hindi ko na kailangan pa ang -”
Hindi na nagawa pang tapusin ni Michael ang sasabihin niya dahil nilapitan na siya ni Juris nang sandaling iyon para lang agawin sa kanya ang hawak niyang manuscript. Tinangka niyang makipag-agawan sa lalaki ngunit sinabihan na siya nitong tatawagin nito si Carmie kung hindi niya ipapabasa ang manuscript na nasa kamay na nito.
Labag man sa kalooban ni Michael ay binasa pa rin ni Juris ang manuscript ni Carmie. Ilang pages pa lang ang nababasa nito ay tumawa na ito nang malakas na para bang inaasar pa siya nito.
“Kaya naman pala “Sexual Desire” ang inilagay niya rito, sex life ninyo palang dalawa ang nakalagay rito,” nakatawang sambit ni Juris. “I get it, hindi nga naman maganda sa pakiramdam kung mababasa ng ibang tao ang tungkol sa bedroom activities ninyo. Ang akala ko ba ay wala kang gusto sa kanya?”
“Wala akong gusto sa kanya, masyado lang niya akong hinahalay sa isipan niya,” sagot naman ni Michael. “And no, hawak ko pa rin ang title na ‘No Girlfriend Since Birth’ kaya imposible ang nakasulat diyan.”
“Imposible nga ba?” tanong naman ni Juris. “Sa pagkakaalam ko ay hindi ka naman maapektuhan nang ganyan katindi kung imposibleng mahulog ka sa kanya.”
“Aba’t -”
Hindi na nagawa pang sabihin ni Michael ang nais niyang sabihin dahil bumukas ang pinto at ipinakita noon ang writer na pinag-uusapan nila. Isang masamang tingin kaagad ang ibinigay ni Carmie sa kanya na para bang nagseselos itong hindi niya maintindihan. Bago pa man siya makapagtanong sa dalaga ay hinila na siya nito palabas na para bang malaki ang galit nito sa kanya. Hindi naman siya makapalag dahil parang sa lalaki ang gamit nitong lakas laban sa kanya. Nagulat na lamang siya nang bigla na lamang siya nitong isinandal sa pader. Hindi rin naman niya magawang makatakas dahil naiharang kaagad nito ang mga braso nito sa dalawang gilid ng ulo niya. Nang pagmasdan niya ang mga mata nito ay nakikita niya ang nag-aalab nitong pagseselos, pero hindi nga lang niya alam kung ano ang pinagseselosan nito.
“Carmie, alam kong weird ka pero parang nasobrahan ka naman yata ngayon,” sambit ni Michael sa dalaga. “Ano na naman ba ang problema mo?”
“Nagseselos ako,” sagot naman ni Carmie in a strained tone. “Wala naman kayong relasyon ng lalaking kasama mo, hindi ba?”
Napalunok na lamang si Michael nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa na lamang siya sa sinabi ng dalagang nasa harapan niya. Ang alam lang niya ay napasukan na naman ng hangin ang kakaiba nitong utak. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan niya bago pa man siya nagsalita nang sandaling iyon.
“Carmie, nasobrahan ka na sa yaoi, tigilan mo muna ang pagbabasa noon,” sambit ni Michael sa isang kalmadong tinig. “Imposible ang sinasabi mo dahil ang lalaking iyon ay may asawa na, hindi rin ako bakla tulad ng inaakala mo.”
“Then?”
“Coincidence lang ang nangyari. Nagkataong nandito na siya nang pumasok,” sambit ni Michael na para bang nagpapaliwanag siya sa girlfriend niya. “Teka, bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa iyo?!”
“Kasi akin ka na,” mabilis na sabi ni Carmie. “Babae, lalaki, pagseselosan ko hangga’t hindi mo ako sinasagot.”
EVERYTHING is weird for Michael. Alam niyang aggressive si Carmie pagdating sa mga isinusulat nito, pero hindi niya inakalang mas magpapakalalaki pa ito sa kanya kung pagpapakatotoo lang naman ang pag-uusapan. Ilang beses na nga siya nitong sinasabihan na gusto nga siya nito, ngunit siya pa ang nagiging babae sa kanilang dalawa dahil hindi niya alam kung paano niya ibabalik ang pagmamahal na sinasabi nito sa kanya. Dagdag alalahanin pa ang katotohanang may nauna na itong minahal noon.
“Seriously, hindi mo kailangang pagselosan ang kahit sino dahil sa pagkakatanda ko ay wala pa naman akong nililigawan na kahit sino,” napapailing na sabi ni Michael sa dalaga. “Saka, sigurado ka bang ako nga ang gusto mo?”
“Hindi kita itatambal sa Carmie na nasa libro ko kung wala akong gusto sa iyo,” sagot naman ni Carmie. “Tell me, maganda naman ang nabasa mo, right?”
“Daig ko pa ang nanood ng porn sa binasa ko,” nakasimangot na sabi ni Michael sa dalaga. “Hindi ka ba talaga gumagawa ng wholesome na kwento?”
“Wholesome is not included in my limited vocabulary,” sambit ni Carmie. “Well, how is my manuscript? Is it good?” tanong pa niya sa binata.
“Kung good ang gawa mo ay hindi na sana ako mahihiya pang basahin iyon,” mabilis na sagot ni Michael. “Palitan mo. Ayaw ko noon.”
Napanguso na lamang si Carmie nang sandaling iyon, “Hindi ka talaga nagandahan?”
“Hindi nga!”
“Paano kung…”
Nangunot na lamang ang noo ni Michael nang itinabi ni Carmie sa isang gilid ang kotseng minamaneho nito. Bago pa man niya maisipan ang pagtalon sa labas ay nakalipat na sa kandungan niya ang dalaga. Namula na lamang siya nang oras na iyon dahil sa lapit ng mukha nila sa isa’t isa.
“Paano kung gawin natin ang mga nakasulat sa librong ayaw mong ipabasa sa iba?” tanong ni Carmie na hindi na nagawa pang sagutin ni Michael dahil sa hinalikan na niya ito sa labi.
Habang busy ang labi ni Carmie sa labi ni Michael ay paunti-unti naman niyang pinagagapang ang dalawa niyang kamay sa katawan ng binata. Sa isang dampi pa lang ay alam na niyang matipuno na ang katawan nito dahil nararamdaman niya ang muscles nito sa bandang dibdib kahit na hindi pa man sumasayad ang kamay niya sa balat nito mismo. Akmang pagagapangin niya iyon pababa ngunit nahuli naman ni Michael ang kamay niya.
“No, hindi pwede,” pabulong na sabi ni Michael sa dalaga nang nagkahiwalay ang labi nila. “Magtino ka muna bago mo ako tikman.”
Sasagot sana si Carmie ngunit hindi na niya iyon nagawa pa dahil tumunog ang phone niya. Isang mahinang ‘tsk’ na lamang ang pinakawalan niya nang sandaling iyon bago pa man siya umalis sa kandungan ng binata. Kinuha na lamang niya ang phone niya sa dala niyang bag para alamin kung sino ang tumatawag sa kanya nang sandaling iyon.
Nakahinga naman nang maluwag si Michael dahil nakaligtas siyang muli sa panunukso ni Carmie. Kung sakaling hindi pa tumunog ang phone ng dalaga ay siguradong bumigay na siya sa kagustuhan nito. Kunsabagay, hindi na rin naman siya lugi dahil kahit hindi palaging nag-aayos ang dalaga ay kita pa rin ang magandang hubog ng katawan nito. Makinis ang kutis na para bang pinaalagaan pa sa dermatologist. Nangunot na lamang ang noo niya nang narinig niya ang pangalan ni Rafael. Bigla siyang nairita nang napagtanto niyang si Rafael ang kausap ng dalaga.
“Rafael, alam kong mahal na mahal mo si Sofia kaya hindi mo na kakailanganin pa ang expertise ko sa romance,” sambit ni Carmie sa lalaki. “Hindi mo na kailangan pa ng improvement sa pagpapapansin sa kanya palagi.”
“Carmie naman, pinagseselosan ko na ang mga male characters na inilalagay mo sa mga akda mo,” sagot naman ni Rafael. “Huwag mo naman kasing galingan ang pagsusulat para sa akin na nababaling ang atensyon niya.”
“Hindi ko na problema iyon,” mabilis na sabi ni Carmie. “Mag-asawa naman kayo kaya confident ka, isa pa, sigurado naman akong hawak mo na ang puso niya. Hayaan mo na siyang mag-fangirl sa mga ganyan. Kung gusto mo, basahin mo na lang din ang mga libro ko para makakuha ka ng tips sa pagmamahal sa kanya. Huwag mo lang gagayahin masyado dahil intellectual property ko pa rin iyan.”