CHAPTER TEN
NAPAHINGA na lamang nang malalim si Michael nang bumungad sa paningin niya ang kotse ni Carmie. Tinukso pa siya ni Anthony na ang swerte niya dahil may naghihintay na sundo sa kanya. Nagpaalam na lamang siya sa binatang kasama niya, mahirap na at baka mapagselosan pa ni Carmie si Anthony. Hindi naman sa gusto niyang protektahan ang kasama niya sa trabaho, ayaw lang niya talagang magselos ang dalaga nang walang dahilan.
Mukhang hinintay pa siya ng dalaga kahit malalim na ang gabi. Hindi pa nga nito namalayan ang paglapit niya dahil nakatulog na ito sa paghihintay sa kanya. Kinatok na lamang niya ang bintana ng kotse nito para magawa niya itong gisingin.
“Kanina ka pa ba?” tanong ni Carmie habang kinukusot ang mata.
“Hindi naman, kalalabas ko lang,” sagot ni Michael. “Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong pa niya nang nakapasok na siya sa kotse.
Isang tango na lamang ang pinakawalan ni Carmie bago pa man siya nagsalita nang sandaling iyon, “Kaninang mga 8 pm pa.”
“8 pm pa? Bakit hindi ka man lang nag-isip na itext o tawagan man lang ako para maaga-aga akong nakalabas?” tanong ni Michael sa dalaga.
“Gusto sana kasi kitang sorpresahin dahil alam ko namang tatanggihan mo akong muli kapag nag-aya agad ako ng date sa iyo,” sambit ni Carmie. “Magdadahilan ka rin naman kapag sinabi kong hihintayin kita.”
Napapikit na lamang si Michael nang sandaling iyon. Masyadong advanced ang pag-iisip ni Carmie tungkol sa magiging reaksyon niya kapag nagpakita ito sa Lion Heart.
“Sigurado ka bang magdadahilan ako kapag nandito ka na sa labas?” tanong agad ni Michael sa dalaga.
“Ang sabi mo kasi kanina ay hindi ka makikipagdate sa akin kaya gumawa na ako ng paraan para makita ka,” sagot naman ni Carmie.
Natawa na lamang si Michael nang sandaling iyon. Hindi niya inakalang ganoon ang iisipin ng dalaga. Well, it seems like kailangan pa niyang magpaliwanag kay Carmie para maintindihan nitong hindi lang talaga umubra ang schedule niya kaninang umaga.
“Alam mo naman siguro na hindi lang sa iyo ang ineedit ko, tama?” tanong ni Michael na tinanguan naman ni Carmie. “Hindi lang talaga ubra ang dates kapag nasa working days ako. Kaltas din naman kasi sa sahod ko ang pag-absent ko nang walang dahilan. Pero kapag gabi naman, pwede na tayong magdate.”
“Para namang totoo ang sinasabi mong pwede tayong magdate kapag gabi,” pambabara naman ni Carmie sa binata. “Ni hindi mo nga ako tinawagan kanina eh.”
“Sus, parang hindi mo pa kabisado ang linya ng trabaho ko,” sambit ni Michael. “Saka, hindi ba may isinusulat ka pa?”
“Oo…”
“Hulaan ko, kaya eager ka talagang makipagdate sa akin dahil gusto mong isama sa akda mo ang magaganap sa date natin,” sabi agad ni Michael sa dalaga. “Tama ba ako o tama nga ako?”
“Para namang magagawa ko pang itanggi ang sinasabi mo,” sambit ni Carmie. “Ni hindi mo man lang ako binigyan ng choices.”
Isang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Michael nang sandaling iyon. Kulang na nga lang ay kurutin niya sa pisngi ang girlfriend niya dahil sa pagiging cute nito.
“Definitely, cute ka pala kapag nagtatampo,” sambit ni Michael sa dalaga. “So, gusto mo pa rin bang magdate tayo?” tanong agad ni Michael sa dalaga.
“Paano pa tayo makakapagdate eh malalim na ang gabi,” pangangatuwiran ni Carmie. “Kailangan mo pa rin namang magpahinga at pagod ka na sa trabaho.”
“Pwede naman nating gawin iyon eh,” sambit ni Michael sa dalaga. “Wala ka namang kasama sa bahay, hindi ba?”
“Wala naman,” sagot naman ni Carmie. “Bakit mo naitanong?”
Hindi na lamang sumagot si Michael nang sandaling iyon at sa halip ay nginitian na lamang niya ang dalaga. Wala siyang balak sabihin sa dalaga kung ano man ang nais niyang gawin nila. Ipararamdam muna niya kay Carmie kung paano ang kabahan.
NAKAHINGA lamang nang maluwag si Carmie nang napagtanto niyang walang ibang balak gawin si Michael nang sandaling iyon kundi ang matulog lamang sa tabi niya. Napangiti na lamang siya dahil kahit na sabihin pang nagkaroon na sila ng sexual encounter ay hindi naman nito inaabuso ang kung ano man ang namamagitan sa kanila. Sapat na sa kanya ang isang beses na bakbakan nila. Hindi pa niya pangarap na masundan iyon lalo na at alam niya ang consequence noon sa katawan niya.
At dahil sa hindi rin naman makatulog si Carmie ay nagpasya na lamang siyang bumangon nang oras na iyon para sana magsulat. Paalis na siya sa kama nang biglang nagsalita si Michael.
“Saan ang punta mo?” tanong agad ni Michael sa dalaga. “Hindi ka pa nakakatulog ah.”
“Magsusulat sana ako,” sagot naman ni Carmie. “May pumasok kasing scene sa utak ko eh.” dagdag pa niya.
“No, hindi ka magsusulat ngayon, baka mapagtripan mo pa ako sa gagawin mo,” mabilis na sabi ni Michael sa dalaga. “Dito ka lang.”
Bago pa man magawang depensahan ni Carmie ang kanyang sarili ay nagawa na siyang hilahin pabalik ni Michael sa kama. Of course, hindi naman siya ordinaryong babae kaya imbes na magpumiglas pa siya ay hinigpitan na almang niya ang pagkakayakap ni Michael sa kanya. Chance na nga naman niya iyon para maramdaman ang muscles ng binata sa katawan niya. Ayaw nga lang niyang ma-excite ang nasabing binata dahil siya naman ang delikado kapag ganoon ang nangyari. Namula na lang siya nang naramdaman niya ang pagdagan ng hita ni Michael sa kanya.
“Affected ka?” tanong agad ni Michael sa dalaga.
“Hindi ah” sagot naman ni Carmie in a defensive tone. “Alam mo namang sanay ako sa porn kaya hindi ako maapektuhan kaagad.”
“Sigurado ka bang hindi ka apektado?” tanong ulit ni Michael.
Sasagot na sana si Carmie na hindi siya tinatablan ngunit hindi na iyon nagawa pa dahil sinadya na ni Michael na idikit ang katawan nito sa likuran niya. Sinubukan pa niyang lumayo ngunit mas lalo lang dumikit ang binata sa kanya.
“Kailan ka pa naging wild?” tanong agad ni Carmie nang sinukuan na niya ang paglayo sa binata.
“Tingin mo?” tanong pabalik ni Michael sa dalaga. “Hindi ba, ikaw ang nagturo sa akin?”
Carmie can be shameless at all times, but not at that moment dahil naunahan agad siya ni Michael. Mukhang binabalikan na talaga siya ng binata sa mga naging panunukso niya noon. Kung alam lang niyang maghuhukay na pala siya ng sarili niyang libingan, hindi na sana niya tinukso pa ang binata.
“Nagsisisi ka na ba ngayon, hmm?” tanong ni Michael sa dalaga. “Wala nang atrasan ito at kailangan mo akong panagutan.”
KAHIT na sabihin pang puro panunukso ang naranasan ni Carmie nang nakaraang gabi ay hindi naman iyon nangangahulugang hindi siya nakatulog. In fact, mas naging komportable pa nga ang tulog niya dahil nakayakap lang sa kanya si Michael. Dahil sa sarap ng tulog niya ay hindi niya namalayang mas nauna pang nagising si Michael sa kanya. Pinagmamasdan pa siya nito habang siya ay tulog.
“Babae ka ba talaga?” tanong agad ni Michael nang napansin niyang may bahid na ng laway ang pisngi ni Carmie. “Tumutulo pa laway mo oh.”
Isang ungol na lamang ang lumabas mula sa bibig niya nang sinubukan ni Michael na tanggalin ang nasabing laway. It seems like naramdaman niya ang kamay ni Michael sa pisngi niya. Hinawi pa niya ang kamay ng binata bago pa man siya nagpatuloy sa pagtulog.
“Seryoso, tulog ka pa?” tanong ulit ni Michael sa dalaga.
“Shut up and let me sleep,” sagot naman ni Carmie in a sleepy tone. “Hindi mo ako pinatulog.”
Umangat na lamang ang isang kilay ni Michael nang sandaling iyon, “Hindi ka pa nakakatulog nang lagay na iyan, huh?”
Nang hindi sumagot si Carmie ay nagpasya si Michael na bigyan ng halik sa noo ang dalaga. Kailangan pa niyang bumalik sa boarding house na tinutuluyan niya dahil kailangan niyang magpalit ng damit. Hindi naman siya pwedeng pumasok sa Lion Heart na suot pa rin ang damit na suot na niya ng nakaraang araw. Pasalamat na lang siya dahil hindi naman nakadagan si Carmie sa kanya kaya nagawa niyang makaalis kaagad. Nag-iwan na lang siya ng note sa mesa para ipaalam sa dalaga na uuwi lang siya dahil may pasok pa siya.
“Iyan ba ang uwi ng isang matinong lalaki?” iyon agad ang tanong na sumalubong kay Michael nang nakapasok na siya sa kwarto niya. “Mukhang hindi mo na alam kung saan ka na nakatira ah!”
“Jed, hindi ko na kailangang sabihin pa kung matino ba ako o hindi dahil alam ko naman ang ginagawa ko,” sagot naman ni Michael sa sinabi ng binata. “Alam mo naman siguro kung ano ang schedule na mayroon ako, right? Mas madalas ang overtime ko kaysa sa iyo.”
“Overtime nga ba sa trabaho o overtime sa writer mo?” tanong ni Jed sa isang nanunuksong tinig. “Huwag mo nang sabihing overtime ka sa trabaho dahil hindi naman obvious na overtime ka sa writer mo.”
“Huh? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong agad ni Michael kay Jed.
“Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin,” sagot naman ni Jed. “Halata naman sa lipstick na nakabahid diyan sa damit na suot mo.”
Napatingin na lamang si Michael sa suot niya nang sandaling iyon. Napailing na lang siya dahil kumapit na pala sa damit niya ang lipstick na madalas gamitin ni Carmie kapag lumalabas ito ng bahay.
“Huwag kang mag-alala, alam na namin ng writer ko ang ginagawa namin.”