Chapter 6

PAST:

" Celes , anak Kumain ka naba?" tanong sa akin ni mama.

" Hindi papo mama." Sagot ko.

" Tara't ipaghahanda kita." ngiting sabi niya sa akin.

Masaya kami ni mama, sobrang saya yung tipong walang problema masaya lang.

" Estellla! " sigaw ni papa sakanya.

" Oh, bakit marcelo?"

" Saan nayong pera mo?! at aalis ako pupunta ako kay pareng daniel." Sabi ni papa.

" Ako ngay tigilan mo marcelo, wala akong pera." Sabi ni mama.

" Anong wala? " Kunot noong tugon ni papa "Anong kwenta ng pasok at labas mo sa opisina mo?"

" Kakabayad ko lang sa tuition ni celes , puro ka inom." sagot ni mama.

Dali daling bumaba si papa at hinila ang buhok ni mama.

" Ma!" Sigaw ko.

"Aba'y tanga ka talaga noh? Pati pag iinom ko pinapakealaman mo." Sabi ni papa.

"Pwede ba! tumigil kana't nasasaktan na ako, ano ba marcelo nakikita ka ng bata. " Sabat ni mama.

"Talagang masasaktan ka sakin , lintek na batang yan." Turo sakin ni papa. " patigilin mo na bobo naman yang anak mo." Sabi nito.

Para akong tangang nakatayo at nakatingin sa kanila. I was 6 years old and I don't know what to do in this situation. Hanggang sa nakasanayan ko na, ang ganitong sitwasyon, yung puro sakitan at away.

My mother is the best woman I've known. I love my mom because she has always been there for me through thick and thin. She is caring, selfless, independent, and strong. My mother is a pillar in my life. I always admired her kindness, unconditional love and patience. She always puts herself last because she is the most caring one in the family. My mother is an excellent cook. Cooking is her passion.

" Anak, you know that mama always loves you right? ngayon dalaga na yung baby ko." Sabi niya.

" Mama, Haha para ka namang ano

dyan e." Sabi ko.

Yes it's my day now I'm already 18. Habang tumatanda ako , napapansin ko ang pagbagsak ng timbang ni mama, masyado siyang maputla hindi ko alam kung dahil nagkakaedad na siya or sa stress dahil kay papa.

" Ma, are you okay? " tanong ko sakanya."You look pale." dugtong ko.

" Mama is okay baby! don't worry about me " Sabi niya.

I just hug her so tight . I just love her that much and I'm so thankful to have her.

" Ma, thank you for being my mom . I love you and you are the most special person in my life. I love you." Sabi ko habang nakayakap.

" Mama always proud and very happy to have you nak , always remember that. If darating man yung panahon... na mawawala ako. Always remember I'm always on your side I love you my baby " Sabi niya.

Biglang pumatak ang kanyang luha pagkasabi niya non. Parang may humaplos sa puso ko sa bawat salitang sinasabi niya.

"Tara na, baka nag-aantay na sina patricia and keziah." Sabi niya.

" Ayy , oo nga po e tetext ko na sila na papunta na tayo." sabi ko.

Yey! Excited na ako makita ang mga kaibigan ko. Ililibre kami ni mama sa restaurant, kaming apat lang. Dahil wala si papa , minsan nalang umuuwi si papa.

Naging masaya ang araw ko nato. Tuwang tuwa sina kez at patricia sa mga pagkain at binigyan din nila ako ng regalo, sobra naman akong natuwa.

Binigyan ako ng motor ni mama kaya natatalon ako sa tuwa, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan.

"Thank you mama I love you." Sabi ko.

"I love you more." Sabi niya sabay haplos sa pisngi ko.

"Kailan pa marcelo ha!" sigaw ni mama.

Umiiyak ako sa apat na sulok ng kwarto ko habang nakikinig sa away nina mama at papa.

"Tumigil kana estella." sigaw din ni papa.

"Bakit ngayon pa! bakit ngayon mo pang naisipang lokohin ako ha! ng-ngayon pa k-kung saan mahina na yung katawan ko." Iyak na sabi ni mama.

"Hindi ka ba , makaintindi tumigil kana malilintikan ka sakin." Sabi ni papa.

"Alam mo yung kondisyon ko." Sigaw ni mama.

Nakarinig ako ng pagbabasag ng mga gamit sa baba .

" Hindi ka titigil???!" sigaw ni papa.

Hindi ko na napigilan at bumaba na ako. Laking gulat ko nang makita ang sobrang Kalat, pero mas nagulat ako sa sitwasyon ni mama. Tumakbo agad ako sakanya.

" M-ma, " iyak na sabi ko. " P- pa , anong ginawa mo kay mama!" Sigaw ko.

Ang daming pasa ni mama sa katawan , pati mukha niya puno ng sugat.

" P- pumasok ka sa kwarto mo anak please , makinig ka kay mama." nahihirapang sabi ni mama.

Pero Hindi ako sumunod at nakita ko nalang na lumabas si papa at padabog na sinirado ang pinto, tinulongan ko si mama makatayo at inakyat ko siya sa kwarto.

Nilinisan ko lang siya at ginamot ang sugat niya. Hinawakan niya ang kamay ko at bigla nalang akong naiyak.

"Ma, bakit mo ba t-tinitiis si papa? Iwan nalang natin siya." Sabi ko.

"Nak, baka pagod lang ang papa mo stress sa work kaya ganon." Pagtatanggol niya kay papa.

"Hindi na tama... ang ginagawa ni papa mama." Sabi ko.

Natahimik lang siya at tumitig sa labas ng bintana, ako yung nahihirapan sa sitwasyom namin. Hinayaan ko na siyang makatulog at lumabas na ako ng kwarto niya.

Nasa labas palang ako ng gate nang marinig ko si mama na sumisigaw, kaya tumakbo ako sa loob ng bahay namin.

"Arghhh!!! sakit ng likod ko." Pagkapasok ko nasa sahig na si mama.

"M-ma , saan ang masakit? " tanong ko, pero hindi niya ako sinagot at puro lang siya iyak ng iyak."M-ma please sabihin mo." Sabi ko.

Tumayo ako para maghanap ng tulong.

"M-ma babalik ako okay??! " Sabi ko sakanya.

Kumaripas ako ng takbo at naghanap ng tulong, pumunta ako kanila kuya mario .

" K-kuya mari-o." sigaw ko. "Tao po!" Ilang beses pa akong tumawag bago ko nakita si kuya mario.

" Oh, bakit celes? "tanong nito.

" K-kuya tu-tulongan mo ako si mama." Turo ko sa bahay namin.

" H-huh bakit? tara." Sabi niya.

Tumakbo na kaming dalawa patungong bahay at naabotan kong wala ng malay si mama.

" M-maa! gising k-kuya da-dalhin natin si mama sa hospital." Sabi ko.

Tumakbo si kuya Mario at bumalik din kaagad .

" Tara dalhin natin ang mama mo sa hospital. " Sabi nito .

Binuhat niya si mama at pinasakay sa tricycle niya, sinirado ko muna ang pinto bago sumakay.

Ilang oras pa ang naging byahe bago kami nakarating sa hospital.

"N-nurse tulong." sigaw ni kuya Mario. Habang buhat si mama

Iyak lang ako ng iyak dahil kanina pa hindi nagigising si mama.

Dali daling may lumapit na nurse at inilagay si mama sa stretcher. Pumunta na kami ng emergency room, habang nanginginig ako sa takot. Ilang minuto pa kaming nag antay. Bago lumabas ang doctor.

"Doc, kamusta po? " tanong ni kuya Mario.

"Kailangan ninyo siya ipatingin na makakatulong sa case niya. May sugat yung breast niya left and right. I refer you to a doctor who can handle her case." sabi ng doctor.

Parang wala ako naiintindihan sa mga pinagsasabi niya .

" But for now just visit your patient." dagdag niya.

Meron pa silang pinag uusapan pero hindi ko na kayang makinig . Pumunta nalang ako sa kwarto ni mama kung saan tinuro ng isang nurse.

Naiyak lang ako habang tinitignan siya na walang malay, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Ilang araw ko na siyang binabantayan. Dahil hindi padin siya nagigising, gusto kong magalit kay papa dahil wala siya dito.

Bakit hindi ko napansin? ang kalagayan ni mama. Bakit ang hirap tanggapin, sa kabila ng ngiti niya hindi ko napansin na may pinagdadaanan pala siya.

"B-bakit... ka umiiyak?" bigla akong nataranta at hindi napansin na gising na pala si mama!

" M-ma, may masakit ba sayo? tatawag lang ako ng d-doctor. " tarantang sabi ko.

" O-okay lang ako " sabi niya.

"Ma... ma " sabi ko.

Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol sa harapan niya, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam.

"I-Im so sorry , mama s-sorry " sabi ko habang umiiyak.

" No, don't say sorry , mama is okay now " she smile and wipe my tears using her thumb.

"B-bakit ? b-bkit hindi mo sinabi?, bakit hindi mo sinabi sakin na m-may cancer ka ? " Tanong ko.

Yes my mom has a breast cancer, Nung isang araw pa sinabi samin.

"And for her case 28% nalang ang kaya ng katawan niya to survive the breast cancer, stage 4 na ang case ni Mrs. Madrid , and to tell you frankly. If Hindi niyo siya ipapagamot 6months or less lang buhay niya, but we can't say that she can survive masyado nang malala ang condition niya."

Yan ang sabi ng doctor samin , Nung isang araw lang namin nalaman ang condition ni mama.

Bigla siyang nagulat at biglang nanubig ang kanyang mga mata.

"I'm sorry nak for not saying.... about my c-condition. I need to para hindi ka mag worry kay mama. I don't want that to happen, I want to see my baby smiling

" Sabi niya.

"But I need to know about it ma, just to take care of you. "sabi ko.

She explain everything to me, paano nagsimula sabi niya maliit na bukol lang daw , akala niya wala lang, kaya hindi niya pinansin. Hanggang sa namumula na at unti-unting ng namamaga ang suso niya. Nangangamoy nanga daw, kaya pala minsan parang naamoy ko din kala ko kasi simpleng amoy lang dahil sa trabaho, hanggang sa nagsugat na at may nana sa bawat sugat.

Left chest niya ang apektado nagsisimula palang magsugat yung right chest niya. Pinakita niya sakin, lalo akong naiyak dahil ang lala ng sugat umabot na sa pagbutas sa bandang kili kili niya, I just pulled her in a tight hug.

Pagkatapos namin mag usap nakatulog din siya at nagpaalam na si kuya mario na mamasada na siya, dumating din yung doctor para tignan siya.

"Mama hindi kapa pwedeng umuwi." Sabi ko.

Dahil sobrang tigas ng ulo ni mama limang araw palang kami sa hospital gusto niya na umuwi, e hindi pa siya okay.

"Celes, okay na nga ako, Inaantay na tayo ng papa mo." Sabi niya.

Ilang beses pa kami nagtalo pero wala na talaga akong magagawa kundi ang umuwi hay nako , ang tigas nang ulo.

Inayos ko nalang ang mga gamit namin, para makauwi na. Napayohan na ako ng doctor sa gagawin ko, hindi kasi pumunta si papa.

Ilang oras din ay dumating na si kuya mario siya ang sumundo at maghahatid samin sa bahay.

"Oh, okay naba ang mga gamit niyo?" tanong niya.

"Opo kuya." Sabi ko.

"Tara na at baka matraffic pa tayo." Sabi niya. Inalalayan ko si mama at si kuya mario na nagbuhat ng gamit namin.

Pagkauwi sa bahay wala si papa, ang sabi ni kuya mario ilang araw nadaw hindi umuuwi. Bigla nlang uminit yung ulo ko. Nakakainis , hindi niya nanga nadalaw si mama para kamustahin, tapos madadatnan pa namin na wala siya.

"Ma, magsabi ka sakin if may masama kang nararamdaman ha?" sabi ko.

" Magpahinga ka muna . Ayos

lang si mama." Sabi niya.

Tumango lang ako at iniwan ko muna siya para magpahinga siya. Bumaba na ako pero naglinis muna ako dahil sobrang kalat kailangan malinis para maging maganda sa pakiramdam ni mama .

Pagkatapos kong maglinis, naupo ako at kinuha ang cellphone ko na regalo ni mama, tapos nanood ako sa youtube ng basic na mga lutong gulay gulay. Hindi ako maalam sa pagluluto, pero pwede na gayahin ang tinuturo sa youtube.

Kumuha ako ng pera sa allowance ko. May pera pa ako, dahil nagiipon ako pumunta muna ako sa bagsakan. Don kami namimili ng mga pagkain in short palengke .

Bumili lang ako ng isda sa bato atsaka alugbati. Naghanap din ako ng mga ingredients, pagkatapos bilhin ang mga kailangan umuwi na ako.

Pagkauwi ko tinignan ko muna si mama at nakita kong mahimbing ang tulog niya. Kaya bumaba na ako at nagluto, . medyo madali lang kaya hindi ako nahirapan.

Habang nag aantay akong kumulo ang niluluto ko. Nagsaing muna ako pagkatapos magsaing naupo muna ako para magpahinga.

Tinitignan ko din ang niluluto ko at ng kumulo na ito pinatay ko na yung stove.

Ilang minuto din inantay ko bago naluto yung kanin, kaya kumuha na ako ng pinggan at isang mangkok para lagayan ng sabaw.

Kumuha na ako ng kanin at ulam pagkatapos kong magkuha ng kakainin ni mama umakyat na ako para pakainin siya.

"Ma, kumain kana "sabi ko, lumapit na ako at dumilat naman siya sabay ngiti.

" Wow, sinong nagluto? "tuwang tanong niya.

" Syempre pinaka maganda mong anak."p

Proud na sabi ko bigla nalang siya tumawa na ikina busangot ko.

"Mana ka sakin kaya maganda ka." agap niya ng mapansin ang mukha ko.

"Kumain kana nga mama gutom lang yan." Biro ko.

Napailing na tumatawa siya, habang tinitikman yung niluto ko .

" Pwede kanang mag asawa." biglang sabi niya pagkatapos matikman ang niluto ko. I look at her in disbelief, nagluto kalang asawa kaagad.

" O-okay ma, tama yan may boyfriend na ako pwede na kaming magtanan. " Biro ko.

Biglang nawala ang ngiti niya and she glared at me like she wanted to Hit me . Kaya Bigla nalang ako tumawa ng malakas sa reaction ni mama.

See , magbibiro tapos pag nagsabi nang may boyfriend na ako biglang magagalit a mother is always a mother.

"Joke lang ito naman." Sabi ko habang tumatawa.

" Ikaw na bata ka pinapakaba moko

" iling na sabi niya.

Nagpatuloy pa kami sa asaran at kwentohan, hanggang sa antokin kaming dalawa kaya pumasok muna ako sa banyo ng kwarto nila mama at don naligo. Pagkatapos kong magligo pumunta muna ako sa kwarto ko at nagbihis, pagkatapos magbihis bumalik ako sa kwarto ni mama at tumabi sa kanya.

Habang natutulog si mama hinalikan ko ang kanyang noo.

" Magpagaling ka ma , I love you." Sabi ko.

Natulog na ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

Maaga akong nagising at naglinis nang bahay habang nagpapatugtog ng paborito kong worship song which is the tribes.

Nakakagaan ng kalooban kapag nagpapatugtog ako ng worships parang nakakabuhay .

Naglaba din ako ng mga damit namin ni mama. Pagkatapos maglaba nagluto ako ng umagahan namin at bumaba si mama nagulat pa ako sakanya.

" Oh bat ka bumaba? " takang tanong ko.

" Hindi pa ako baldado." Sabi niya.

" Baka mapano ka , tara napo at kumain na tayo sa kusina." yaya ko sakanya.

Tumango lang siya at pumunta na kami sa kusina, nagluto ako ng sunny side up na medyo half cook, tapos nagluto din ako ng para sa kanya pero syempre gulay na sinabawan padin. Bawal kasi siya sa pork at mga prito dapat leafy vegetables lang .

Hinanda ko na din ang gamot niya para makainom na siya . Nagkwentohan pa kami tungkol sa mga kaibigan ko.

Buti nalang at walang pang pasok kaya Mababantayan ko pa si mama habang hindi pa umuuwi si papa.

Dinalaw din kami nina tita geneva mama ni patricia at dinalhan kami ng mga grocery. Kinamusta din nila ang sitwasyon namin.

"Beh kaya mo toh laban lang ha , ipagdadasal ko na tuluyan ng gumaling si tita." Yakap na sabi ni patricia.

"Thank you pat." Sabi ko.

Hindi rin sila nagtagal at nagpaalam din dahil may gagawin pa sila. Nagpasalamat lang ako at inasikaso ulit si mama.