Chapter 4
Maaga akong nagising para maghanda para pumasok. Hindi na pwedeng malate dahil gaya ng sabi ni professor Rae, pag nalate ako huwag naraw akong papasok.
Pumunta na ako ng banyo para maligo nilinis ko buong katawan ko, bago ako natapos at pagkalabas ko ay umupo ako sa kama para e blower ang buhok ko. Inulugay ko lang ang mahaba kong buhok at kulay itim. Naglagay lang ako ni lipgloss at inayos ko ang salamin ko.
I just wore a black pants and a fitted crop top shirt na fitted saakin and I just partnered it with my white sneakers.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako , naglinis lang ako saglit at wala si papa, kaya hindi na ako nagluto sa school nalang ako kakain.
Pagkatapos kong maglinis ay kinuha ko na ang bag ko at inilagay ang mga libro ko. Lumabas na ako at sumakay sa motor ko, inayos ko pa ang bag ko. Dadaan muna ako sa isang convenient store, mahaba pa ang oras ko.
Pagdating ko don ay bumaba kaagad ako at hinawakan ang glass door, sumabay pa ako sa hawak ng lalaking papasok din. Tinignan ko siya at laking gulat ko ng makita si Mr. I don't know, nag smile siya sa akin at pinauna ako pumasok. Inirapan ko lang siya at pumasok na ako at naghanap ng sandwich and juice.
Pagkatapos bumili ay pumila na ako para magbayad kaunti lang ang tao kaya hindi ako nahirapan sa pagbayad. Lumabas na ako mas nauna sakin yung antipatiko.
"What are you staring at?" mataray na tanong ko dahil pinagmamasdan niya ako.
" You look cool while driving." he said.
" So gusto mo ako?" I asked.
Hindi niya ako sinagot at ngingiti na parang tanga. Lumakad na ako at pumunta sa motor ko. Napatigil ako ng tumakbo ang lalaking antipatiko, tinignan ko siya at pumunta siya sa buntis na nawalan ng malay.
Tumakbo ako sa kinaroroonan nila at nakita ko putlang putla ang babae. Nilabas ko ang bag ko at tinabig ang lalaking antipatiko.
" Tumawag ka ng ambulance." utos ko sakanya habang tinatapat ko ang penlight ko sa mata ng babae." Ma'am you okay?" I asked her. Niyugyog nang antipatiko yung babae " huwag ! tumawag ka nalang ng ambulance." sigaw ko inilagay ko ang bag ko sa ulo ng babae.
Inilabas niya ang cellphone niya at may pinindot maya maya ay may sumagot na sakanya.
" Hello, someone lost consciousness and fainted, buntis po siya nasa vista hub po kami."
Pinisil ko ang kamay ng babae at tinignan ko ang buong kalagayan niya at nataranta ako because her water broke, she's going into labor.
" Hoy ano na gagawin natin , wala pang ambulance manganganak na ata toh."
Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si doctor cruz my friend she's a obstetrician doctor .
"Hello doctor cruz I have an emergency patient." bungad ko pagkasagot ng tawag inis kong tinignan ang antipatiko dahil ang ingay niya. " Shut the fuck up" I shout at him.
[ What's her situation?]
"Buntis po siya I think she's mid-thirties. Her pupils aren't reacting , her right pupil's 4 to 5 mm wide." sabi ko." Paralyzed on her left side , tingin ko yung kanan ng cerebral haemorrhage or cerebral infarction most likely a haemorrhage?" Mahabang sabi ko.
[it could be a ruptured aneurysm.]
"Paano ko siya titignan?" tanong ko sakanya.
[You can't tell by sight, tumawag ka naba ng ambulance ha.]
"Yes we did , but her water broke 3mins ago, walang general hospital na malapit dito na parehas may gynaecology and neurosurgery, please make her room for her doc." Sabi ko.
[Okay, okay.]
Tumigil ako ng sumuka ang babae ibinababa ko ang cellphone at hinawakan ang mukha niya , ipinasok ko ang kamay ko sa lalamunan niya at minouth to mouth ko siya ng gumising siya, I put my index and middle finger to her neck to measure pulse.
[Hello ano na nagyayari diyan?!]
"She just vomited at hindi na siya makahinga nang maayos dahil sa sumuka siya. She needs to get intubated kapag late na ang ambulance I'll cut into her throat." sabi ko.
[Nababaliw ka naba?! First year ka palang
at wala kang gamit para gawin yan.]
Hindi ko na alam ang gagawin ko ito nalang nakikita kong paraan.
[Makinig ka sa akin cel, kapag may nangyaring masama diyan sa buntis nayan baka hindi ka magiging doctor in the future. ]
Naka loud speak ako at narinig ng antipatiko ang sinabi ni doctor cruz, parang takot naman siya.
[Baka pumutol ka ng artery at maaring mapahamak mo ang thyroid.]
Ipinikit ko nalang ang mata ko at idinasal ko na makakaya ko.
" Doctor kaba? " tanong ng antipatiko.
"No, I'm a student." I answered." May kutsilyo ka ba diyan?" I asked him.
"Para buksan ang lalamunan niya?" tanong niya.
" Mabuti naiintindihan mo ang pinopoint ko." sabi ko sakanya.
Kinuha niya ang bag niya at nilabas niya ang cutter niya.
"Maaari bang mas lumala pa siya?" He asked.
"Yes." I answered him.
" Still you have to do it." Sabi niya at inabot sa akin ang cutter.
Ayos kutsilyo hiningi ko cutter binigay!
Magsisimula na sana ako pero tumigil nang dumating na ang ambulance. Nakahinga ako ng maluwag, tumakbo ang lalaki sa akin.
" Kailangan niya ng intubation, bigyan niyo ako ng intubation set." sabi ko.
" Doctor kapo ba?" tanong niya.
"Magdodoctor." I answered honestly and he just nod.
Binuhay nila ang babae papasok sa ambulance pumasok ako at kinuha ko ang manual resuscitator .
"Laryngoscope please." sabi ko. " Now hold on." dahil gumalaw ang babae hinawakan niya ang kamay ng babae.
" Tube please." sabi ko kinuha ko ang stethoscope at inilagay sa dibdib niya. "St. luke hospital bilisan mo." sabi ko sa driver pagkatapos kong tignan siya. Sumakay din yung antipatikong lalaki bago umandar yung ambulance car.
Pagkarating namin sa hospital inasikaso kaagad siya ng mga nurse at dinala sa operating room. Naiwan kami sa waiting area habang inaantay namin ang pasyente.
" I hope she will be safe and the baby." he said.
" She will be safe." sabi ko.
"Laurence." Tinawag siya ng babae na sobrang ganda na kahawig niya.
" Mommy." sabi ng lalaki , Ah mama niya pala.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng mommy niya at tumingin sa akin , yumuko lang ako sakanya bilang respeto.
"May sinugod kami mommy buntis po." he said.
" Yeah , I heard ikaw ba umasikaso sa buntis hija?" tanong ng babae sa akin.
" Yes, doc."Pormal na sagot ko.
" You have the skills." ngiting sabi niya.
"Thank you ma'am, I'm a student magdodoctor din ako in the future." I told her.
" Wow then see you in this field." sabi niya.
Biglang may tumakbo na pamilya yata ng buntis. Hindi ko na inantay na matapos ang ginagawa sa loob , nagpasalamat ang asawa ng buntis sa akin, pagkatapos naming mag usap lumabas na ako , dahil may pasok pa ako.
"Miss?!" sigaw ng lalaki sa akin pagkalabas ko.
" What?! malalate na ako." inis na sabi ko.
"What's your name?"tanong niya.
" Why do I have to tell you?" mataray na tanong ko at pinagkrusan siya.
"Okay, makikilala din kita." he said and wink at me , I just roll my eyes at him.
Tinalikuran ko na siya at pumara ng taxi dahil babalik ako ng Vista hub para kunin ang motor ko. Pagkarating ko ng convenient store kinuha ko ang motor at nagdrive na papuntang ust.
Ilang minuto din akong nagmaneho bago dumating, hays napakalayo nang school ko gusto ko na nga mag dorm nalang kaso ayaw ni papa. Ipinark ko lang ang motor ko at pumasok na.
Tumakbo ako papunta ng room ko at dumating ako na sobrang late pa sa late , pumasok ako at walang ng prof.
" Hoy gaga ka late kana." sigaw ni keziah.
"Sorry may emergency lang kanina." Sagot ko.
"Ito notes oh yan ang diniscuss namin kanina, bukas huwag kanang magpalate."Sabi ni patricia.
Tumango lang ako at inayos ang gamit ko. Maya maya dumating nadin ang next prof namin at nagsimula na siyang magdiscuss. Nakinig lang ako ng mabuti sakanya.
" So I will group you by pair para sa presentation ninyo next month. Magsesend nalang ako sa institutional email ninyo, so that's all for today and goodbye." He said.
Tumayo na kami at sabay sabay na nagbow para magpaalam. Lumabas na kaming tatlo, dahil lunch break namin.
Pumunta kami sa isang restaurant, may motor ako at may sasakyan si keziah. Sumunod lang ako sa sasakyan niya habang tinutungo namin ang restaurant na pupuntahan daw kuno namin.
Pagkarating namin sa restaurant na sinasabi niya, parang gusto kong sampalin si keziah dahil sa ateneo kami pumunta bwesit ang layo.
Pagkababa ko pinark ko na ang motor ko. Lumapit ako sa kanila at hindi pa nakakaayos si keziah ay hinila ko na ang buhok niya.
" What's that for?"
" Bwesit napakalayo." Reklamo ko lalo, kaming malalate nito e.
"It's okay , daming gwapo dito kaya dadayo tayo welcome to kirunch Time
Japanese restaurant." Natatawang sigaw niya.
Napailing nalang ako at pumasok na kaming tatlo. Pagkapasok namin madaming tao at halos mayayamang estudyante. Umupo kami sa dulo at nag order na kami. Habang inaantay namin ang aming pagkain ay nag-uusap lang kami tungkol sa subjects.
"Mahirap ayaw ko mag doctor or kahit anong connected sa medicine si daddy lang namang may gusto nito, dahil ito ang pangarap niya. No choice naman sina mommy at kuya." inis na sabi ni keziah.
" Ano ba ang gusto mo?" tanong ko.
"Fashion designer." Masayang sabi niya
"kaso ayaw ni daddy , ayaw ko siyang madissapoint pero I'm not happy." malungkot na sabi niya.
"You know what, you should talk to your dad again." Sabi ni keziah and nag agree din ako.
"Ewan ko ba naiinis ako." Sabi niya.
Dumating na ang pagkain namin kaya naputol ang pag-uusap namin, kumain na kami. Sobrang mahal nang pagkain nila kumpara noon pero masarap padin.
Nag uusap lang kami at nagtatawanan habang kumakain kami. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap namin.
"Dahil gag-" hindi na tapos ni patricia ang sasabihin niya nang may sumulpot.
"Hello miss." Bati ng lalaki at umupo sa tabi ni keziah magkatabi kami ni patricia at nasa harap namin ang lalaki na mukhang adik.
"Yuck can you please take off your hands on me." Nandidiring sabi ni keziah.
Natawa naman yong mga lalaki sakanya.
"Yan ang gusto ko maarte." Sabi niya."Taga ust pala kayo e, bakit kayo napadpad dito?" tanong niya.
"It's none of your business." Sabat ni patricia.
"Pwede ba umalis na nga kayo dito." Sabi ni keziah, biglang inakbayan ulit siya ng lalaki.
Sumunod naman ang mga kasama niya na natutuwa sa mga nangyayari.
" You know what your stupid, stop it."Keziah said.
"Stupid inlove with you." Sabi ng lalaki at nag smirk pa kadiri.
"Stop it." Panggagaya nang lalaki sa sinabi ni keziah.
Napipikon na ako, dahil hindi na komportable si keziah sa hawak ng lalaki. Tumayo ako at hinila ang hintuturo ng lalaki. Sumigaw naman siya, dahil sa sakit at binali ko rinig ko ang pagtunog ng buto niya bago ko siya binitiwan.
"Ah-aray." Sigaw niya.
" Sabi niya tumigil kana, hindi kaba nakakaintindi ng english? ayan natagalog ko na." Seryosong sabi ko.
" Gago ka." Sigaw ng kasama niya at ibinalibag ang lamesa , napatingin tuloy sa amin yung mga customers, agaw eksena ampota.
"Halika ka nga dito." Sabi ng lalaki sa akin na hawak ko padin ang hintuturo niya. Lalapit na sana siya kaso pinigilan siya ng kasama niya.
" Akin yan." Sabi nito.
" Nakakahiya ang kakapalan ng pagmumukha mo." Sabi ko sakanya." Why am I yours? I am mine nobody can have me." Mataray na sagot ko. " They are my friends don't you dare to touch them again let's go." Sabi ko at binangga ko yung lalaki.
"Bastos kang babae ka."
"May utang kaba sa babae nayon?" rinig kong tanong ng lalaki sakanya.
"Why can't you do anything to her?!"sigaw ng lalaki sakanya.
Hindi na namin sila pinansin at nakita ko pa yung antipatiko na kumaway sa akin, habang may hawak na libro inirapan ko lang siya at lumabas na kami.
"Sumunod ba sa atin?" tanong ko na nasa harapan padin ang tingin.
" Oo lumabas sila." Takot na sabi ni keziah.
" Takbo." Sigaw ko at tumakbo kaming tatlo.
"Habolin ninyo." Sigaw ng lalaki.
Binilisan pa namin ang pagtakbo "bilisan niyo." Sigaw ko at lumiko kami. Kung saan saan na kami nagsusuot para makatakas lang kaso palapit naman sila sa amin. Hinawakan ko na ang kamay ni keziah at patricia dahil ang bagal nila.
May nababangga na kami sa kakatakbo namin pero hindi padin kami tumitigil sa pagtakbo.
"Ah! nandyan na sila." Sigaw ni patricia "Axel baby tulongan mo kami." sigaw niya na akala mo maririnig siya ng jowa niya.
"Run faster!" sigaw ko.
Tumakbo kami kahit may nababangga at hinihingal na patuloy padin kami sa pagtakbo.
"Don tayo." turo ko at lumiko kaming tatlo.
Binilisan namin ang takbo at ng masigurong wala ng humahabol samin ay huminto kami , at naghahabol nang hininga.
"Wala na sila." hingal na sabi ni patricia.
"Gosh.." Sabi ni keziah at humawak sa dibdib niya.
"Bakit ang bilis mo." tulak ni patricia sa akin at sabay sabay kaming tatlo na tumawa. "Goshh sana sing bilis nang takbo nyong dalawa ang bilis ko sa pag-aaral." sabi niya pa.
"Tuturuan ka namin mag aral." sabi ko at napahiyaw naman siya sa tuwa. Dahil mababa ang nakukuha ni patricia sa mga quizzes. Lumiko na kaming tatlo para bumalik sa restaurant at kunin ang motor at sasakyan namin.
Pagkabalik namin ay sumakay kaagad kami. Sinuot ko ang helmet ko at pinaandar ang motor ko. Pinaharurot ko pa sa bawat sasakyan na nadadaanan ko inoovertakekan ko.
Best day :)