Chapter 3
Gumising ako ng maaga at bawat kilos ko masakit. Tinignan ko muna ang mga sugat ko sa salamin at lahat ay kumikirot pa. Kahit yung mata ko may black eye.
Ikaw ba naman, e Manny Pacquiao kahapon tss . Bumaba na ako dahil may pasok pa ako. Siguro tatakpan ko nalang yung mga sugat ko ng concealer.
Pagbaba ko hindi ko na naabotan si papa at ipinagsalamat ko yon.
Naglinis lang ako at naligo. Maaga pa naman at naitext ko naman din kay kuya bryl na papasok ako. Hindi naman masyadong halata ang sugat ko sa mukha Napuruhan lang yung katawan ko, kaya pagkatapos kong maligo naglagay na ako ng concealer sa mata at side lips ko. Pati pisngi medyo halata ng unti pero okay na.
Napagdesisyonan kong bumawi sa trabaho ko dahil absent ako kahapon , ayaw ko pang pumasok sa school, dahil sa sugat ko.
Sumakay na ako sa motor ko at nagmaneho papunta sa workplace ko. Nagtratrabaho ako bilang waitress, kailangan e pambayad sa utang namin nung nawala si mama , ako na naghahanap ng paraan para may pambayad kami minsan sumasali ako sa banda.
Pagkapasok ko ay andon na ang mga kasama ko.
" Goodmorning cel." bati sakin ni Joshua.
" Goodmorning din." ngiting bati ko.
Pumunta na ako sa kusina at nagayos saglit.
Lumabas ako para tumulong sa paglilinis at pag ayos ng mesa , para makapag bukas na kami. Nang masigurong maayos na ay inilagay na namin ang sign board na 'We're open.
Unti unti nadin kaming na papasokan ng customer at agad ako lumalapit sa bawat pasok at binibigyan sila ng menu , para maka order sila. Nang makuha , pumunta ako sa kusina at sinabi ang order nila.
Inantay ko nalang dahil ako naman ang magseserve , kunti lang waitress dito kaya pagoran talaga ang trabaho ko.
"Excuse maam and sir , ito napo ang order niyo." sabi ko at inilapag ang order nila.
Umalis na ako at pumunta sa kabilang table , na puro mga kalalakihan na medyo may edad na.
" Hello po menu po sir." sabi ko ngumisi naman ang lalaki sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa , bago tumingin sa menu.
" May boyfriend kana ba ?" tanong niya sa akin.
" Wala po." sagot ko.
" Bakit wala? sayang ka naman." sabi niya at biglang inilapit ang kanyang kamay saking pwetan at pinisil ito , tinapik ko ang kamay niya.
" Sir kung ayaw mong umorder , lumayas nalang kayo dito." mataray na sabi ko.
" Manyak ! " sigaw ko.
" Ay talagang bastos ka pala e." sigaw niya.
" Nasan ang manager niyo." sabi ng isa niyang kasama.
" Ano pong nangyayari dito? " singit ni kuya bryl.
" Itong mga toh ang mamanyak." sabi ko.
" Paalisin niyo yang babae nayan, baka hindi niyo ako kilala? " Sigaw ng lalaki.
" Sorry po sir kakausapin ko nalang po siya " sabi ni kuya bryl , umalis na ako at si kuya bryl nalang daw aasikaso.
" Oh napano ka." sabi ni ate belenda.
" Minanyak ako ng mga kalalakihan nayon." turo ko sa mga lalaking nakaupo sa bandang dulo.
" Naku sila sir Stephen , mga mayayaman niyan ano kaba! nakakatakot ang mga yan sana hindi mo na pinatulan." sabi ni ate belenda.
Taka naman akong napatingin sakanya parang hindi niya inisip ang sinasabi niya.
" Paanong hindi e sa binastos ako." sabi ko.
Bumalik na si kuya bryl at masama ang tingin sakin, bakit kasalanan ko ba?
" Sa likod tayo." malamig na sabi niya.
Pumunta kami sa likod at sinirado ko ang pinto.
" Bakit po kuya? " tanong ko.
" Bakit mo naman ginanon? nirerespeto namin yun tas binastos mo." sigaw niya.
" Binastos nila ako e." sabi ko.
Napatigil siya at napatingin sa akin. Bigla nalang nagbago ang expression ng mukha niya.
" Ayos kalang ba." mahinahon na siya ngayon.
" Opo kuya sorry po." sabi ko.
" it's okay , don ka nalang sa kusina, huwag ka nang lumabas." sabi niya at tinalikuran ako. "Pag may nambastos sabihin mo sakin uupakan ko." Dagdag niya.
Sumunod naman ako at sa kusina nalang ako nagtrabaho , naghugas ako ng pinggan na hindi maubos ubos sa bawat labas pasok ng mga customer namin.
Gabi na ng maubos ang customer at nahuhugas padin ako , binilisan ko at e momop ko pa ang sahig at lilinisan ang lahat ng ginamit kanina sa pagluto nila.
Masakit na lahat ng katawan ko , sumugat nadin ang palad at daliri ko sa pagkuskos. Nag mop na ako at biglang pumasok si Joshua.
" Bilisan mo cel , at para makapagsara na tayo." sabi niya kaya mas lalo kong binilisan ng masiguro kong malinis na lahat , hinubad ko ang apron at pumunta ng cr para magbihis. Nilugay ko na ang buhok ko at nakasuot nalang ako ng t-shirt na puti at leggings.
Pumunta na kami sa may counter, para kumuha ng sahod namin.
" Thank you po." sabi ko pagkatanggap ko ng sahod ko 320 ang sahod ko araw-araw.
Pagkatapos kong makuha lumabas na ako at sumakay sa motor ko, para umuwi.
Dumaan muna ako sa gas station at pagkatapos kong magpagas ay pinaharurot ko na ang motor ko.
Pagdating ko sa bahay nandon na si papa, hindi ko siya pinansin at umakyat nalang sa itaas. Naligo muna ako at nagbihis ng pantulog at humiga sa kama.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ang messenger para e chat sina keziah and pat.
GC:Tropangina
CelMadrid: Hello magandang gabi mga halimparot!
RoxasNics: bakit hindi ka
pumasok bruha ka
KeziahLour: hello , bakit
hindi ka pumasok kanina?
CelMadrid: bakit? miss niyo ba ako?
KeziahLour: hindi naman !
RoxasNics: Nagkaroon kasi ng
quiz 500 items
CelMadrid: Weh? Pasend notes :)
KeziahLour: Nasend ko na
sa Gmail mo.
RoxasNics: babye mun bby time
CelMadrid: so yuck!
KeziahLour: Walang quiz kanina
Don't worry
CelMadrid: Matutulog na ako ha
Goodnight mga pokpok :)
KeziahLour: Pasok ka bukas ha
Goodnight pokpok!
RoxasNics: Goodnight mga poque.
Nag out na ako at nagligpit para matulog, dahil papasok ako bukas. Hindi naman na siguro halata ang sugat ko , dahil mga kasama ko nga kanina ay hindi napansin e.
Hindi ako mahilig magsabi ng problema ko kasi hindi naman nila ako responsibilidad , para alamin ang tungkol sa akin at tulongan ako. Ayaw ko maging pabigat.
Ipinikit ko na ang mata ko para matulog, pinatay ko muna ang lampshade na nasa side table ko para makatulog ako ng maayos.