Chapter 1

Ang aga kong nagising para makapaghanda ng umagahan at gusto ko maagang pumasok. Excited ako ngayon dahil, College na ako! Im taking Medicine.

I want to become a Doctor in the future. I love helping to the people who need help.

My father don't have work.

Laging lasing minsan nanakit, I don't know why he's always mad at me. I'm not doing anything wrong with him and my mother passed away last year and I really miss her.

Bumaba na ako para makapaghanda. Magluluto nalang ako ng bacon, egg and hotdog. Niluto ko na at nakasaing nadin ako. Inilapag ko sa table lahat ng niluto ko. Pagkatapos kong magluto, umakyat na ako para makaligo at makapagbihis ..

After 20mins tapos nadin akong maligo

Pinapatuyo ko nalang ang aking buhok, binlower ko lang at nagbihis na ako . Simula palang ng pasokan kaya allowed kaming magsuot ng civilian clothes, I just wear mini skirt color black, white shirt and white sneakers.

Maglalagay lang ako ng peripera liptint mild rose pink. Sinuklay ko ang maitim kong buhok pero straight naman , Inayos ko pa ang salamin ko and my lips is like heavy upper lips. Bumaba na ako pagkatapos kong mag ayos. Naabutan ko si papa na nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.

"Goodmorning pa." bati ko.

" Anong maganda sa umaga kung ikaw ang bungad?" Sabi ni papa.

Hindi ako nakasagot at tinignan niya lang ako. Naghanda nalang ako ng pinggan at sumunod naman si papa, naupo na siya at umupo nadin ako.

" Pagkatapos ng pasok umuwi ka kaagad Celeste. Baka saan saan ka naman gumalang bata ka . You should strive for good gayahin mo yung anak ni tessa." Sabi ni papa. "Sinabi ko na sayo noon tumigil kana! nagsasayang kalang ng oras mo."

"Kaya ko naman po." Sagot ko.

Kumain nalang ako at hinayaan siya.

if Magaling yung anak niya then good for them. Magaling din naman ako, youshould be proud of me pero puro galit ang nakukuha ko sa bawat achievements ko.

"Masyado kang pabigat hindi mo talaga mahihigitan yong ibang bata dyan. Naku naman celeste lumalaki kang tanga !" Sabi ni papa.

Napatigil ako at nagbabadya nanaman ang mga luha ko. My father know how to hurt me . Sometimes I Just wanted to complain but I cant. Tinapos ko nalang ang pagkain ko kahit masama ang loob ay naubos ko naman. Biglang tumayo si papa at umalis ng hindi nagpapaalam.

"Hay.. Celeste... Celeste Fighting!" Sigaw ko.

Naglinis nalang ako at naghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos kong maglinis ay kinuha ko na ang gamit ko 7:10 pa magsisimula ang first subject ko.

Tinignan ko ang relo ko and I was freaky late 6:59!

Nagmadali akong mag ayos at nilock ko muna yung pinto ng bahay. Pumunta ako sa garahe para kunin ang motor ko na bigay sakin ng mama ko bago siya pumanaw.

Sumakay na ako sa motor ko 34mins. bago ako makarating ng Ust masyadong malayo ang bonifacio sa Ust.

Pagdating ko sa school ay pinark ko na kaagad ang motor ko, medyo nahirapan ako ikaw ba naman naka skirt.

Bumaba na ako at tumakbo ng mabilis, malalate na ako. Hinanap ko na yung ID ko para ipakita sa guard na daig pa yung principal namin.

NO ID NO ENTRY .

Nasa kabilang department yung medicine. Palinga linga ako kakahanap ng section ko.

Nang makita ko na ang room ko , pumasok na ako at saktong pagbukas ko ng pinto may prof na. Nahihiya tuloy ako , pero hindi na pwedeng umatras , dahil nakatingin na silang lahat sakin.

" Late." Sabi ni sir.

"G-Goodmorning sir sorry po." Hiyang bati ko.

"Get inside and find your seat." Sabi ni sir.

"Okay po thank you." Sabi ko.

"By the way, kindly introduce yourself first Ikaw nalang ang hindi nagpapakilala." Biglang sabi ni sir.

"Yes po." Sagot ko.

Pumunta ako sa harapan at humarap sa mga kaklase ko. I smile and face them confidently.

" Hi everyone my name is Celeste Claire Madrid , From Bonifacio I'm 20 years old and I love reading and singing. I'm single and ready to mingle." Sabay sabay na nagtawanan ang mga kaklase ko and even my professor laugh at my joke."Anyway I take medicine because I want to become a Doctor to help people and also I want to fight my dreams. Thank you." Pagtatapos ko sa pagpapakilala ko . Umupo na ako at tumingin sa harapan.

"Okay , I'll consider you now but the next time you come late Ms. Madrid expect na hindi kita papasokin." Striktong sabi nito sa akin , natakot naman ako kaya tumango nalang ako.

Tumingin na ako sa harapan at nagpatuloy na siya sa pag bigay ng rules and schedule sa mga subject Anatomy, Physiology, Biochemistry, Neuroscience, Prevmed or Preventive medicine, Clinical Epidemiology medical ethics.

Parang ngayon palang pinagsisihan ko na ang kursong kinuha ko. Pagkatapos na mahabang diskusyonan nagpaalam din ang aming professor.

" So that's all for today , thank you and see you tomorrow." Walang alinlangan lumabas ang aming guro.

May lumapit sa akin ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko man lang napansin na kaklase ko pala.

" Ang late mo namn teh akala ko wala kang balak pumasok eh." Bungad ni keziah sakin.

" Sorry naman noh yung erpats ko ang agang umusok e." Sabi ko.

" Hahaha tarantado talaga si tito at kinawawa ang mahal naming celes." Sabi ni patricia sabay akbay sa akin.

"Manahimik kanga." Sagot ko sabay irap sa kanya." Aray naman impakta ka." tinignan ko siya ng masama bwesit ang sakit, kinurot niya kasi ako.

" Punta tayo sa Engineering Department balita ko madaming gwapo don." Sabi ni keziah.

" If I know gusto mo lang makita si mikee haha. Sa Archi Department din." Sigaw din ni Patricia.

"If I know gusto mo lang makita jowa mo." Pagbabalik ni keziah sa sinabi niya kanina, sabay irap.

Natatawa nalang talaga ako sa dalawang toh . Nag usap pa silang dalawa tungkol sa lalaki at ako? panay kinig lang.

" Ikaw ayaw mo ng boylet?." Biglang tanong ni Patricia.

" Kung bibigyan mo ako akin na." Biro ko.

Sabay nila akong tinawanan, mga loka loka napairap nalang ako sa kanila . Lumabas muna kami ng school at pumunta sa coffee shop.

"Nakakainis hindi man lang kasi nag rereply alam mo yun, Inantay ko yon kagabi kasi nga , Gusto ko magkabati kami tas dinedma ako." Panunumbong ni Patricia.

" DESERVEE." We said in unison. Sabay kaming natawa ni keziah.

Pumasok nadin kami, sa coffee shop at umorder lang kami ng beb kabob , lasagna , espresso and mocha . Parehas lang kami ng inorder ni patricia.

"Grabe ang daming tao." Reklamo ni keziah.

"Sinabi mo pa , bukas sa dapitan tayo." Yaya ni Patricia.

"Ay hindi pwede, don nalang sa cafeteria , makikita ako ni papa e." Agad na kontra ko.

"Hindi yan." Sabi ni keziah.

"kinakabahan ako, kaya dito nalang." Pagpilit ko pa.

Kinakabahan kasi talaga ako. Baka kasi makita kami ni papa at umusok nanaman siya sa galit.

" Saan tayo, If ayaw mo sa dapitan?" tanong ni patricia sakin. " Huwag sa cafeteria." Sabi niya.

" Hindi ko din alam." Nakayukong sabi ko.

"Sige , hanap nalang tayo ng makakainan na masyadong tago." Sabi din ni keziah.

Nagtingin pa kami sa phone niya kung saan kami kakain bukas . O diba hindi pa kami nakakain ngayon pero iniisip na namin yung bukas mga advance.

" Sabi ko naman kasi sayo itatanan na kita." Biglang sabi ni patricia.

"Gago." Sabi ko.

" Basta takbo ka samin if may problema okay?" Sabi ni keziah.

They're one of the kindest people I've ever been lucky enough to know. Alam nila yung sitwasyon ko. They know that my father is hurting me. They stick by me regardless of the situation and help me know that I'm never alone.

" Matic." Sabi ko sabay akbay.

Dumating nayong mga order namin. Naamoy ko palang ay natakam na ako.

" Thank you." Sabi ni keziah.

" Enjoy the food and the coffee." Nakangiting sabi niya.

Umalis na yung nagserve at tinikman na namin ang aming inorder.

" Ang sarap." Sabi ko pagkatikim ko.

" Oo nga."

" Akala mo naman talaga, first time niyang kumain dito." Sabi ni patricia.

" Kasi first time niya naman talaga, gaga nito." Sabi ni keziah sabay turo sakin.

" Oo nga, ikaw naman kasi tinutukoy ko. Dito kayo nagdadate ni paul diba? Haha." pangaasar ni patricia sabay ngiti ng nakakaloko.

" kadiri." diring sabi ni keziah.

Natatawa ako sa mukha ni keziah, para talagang diring diri siya. Ex boyfriend ha, naekwento nga sakin noon ni patricia yong kumag nayon. Ngayon lang kasi ako lumipat dito sa ust . Sila naman since highschool andito na sila.

Nakilala ko lang naman silang dalawa ng dahil kay mama. Kaya simula ng bata pa ako sila na yung naging kaibigan ko, kasama ko sa bawat iyak , tawa at pagdadalaga.

"Nilapla- " sabi ni patricia na agad din namang tinakpan ni keziah.

"hoy bunganga mo baka ano isipin ng mga andito , atsaka walang ganon uy. Wala panga akong kiss experience laplap kagad? ano yun may alam kapa sakin? desisyon amp." Mabilis at inis na sabi ni keziah.

"Hahaha nagbibiro lang napaka seryoso mo naman." sabi ni patricia at sabay peace sign.

Malakas akong napatawa sa mukha ni Patricia , paano ba naman binatukan siya ni keziah.

"A-aray , tawang tawa ang gaga?" Inis na sabi niya sa akin, kaya tinakpan ko ang bibig ko , habang nagpipigil ng tawa. "Masakit keziah ha! parang bobo naman e." tinignan niya kami ng masama.

Puro lang kami tawanan at asaran na nauuwi sa pagkapikon ni patricia.

" Busog na ako." Sabi ni keziah pagkatapos namin kumain.

Nagpahinga lang kami sa coffee shop at naguusap about sa mga subjects namin. Ilang oras pa kaming nanatili bago bumalik sa classroom namin.