Chapter 8

"Are you sure this is her classroom?" Linus asked, peering on the door's window to see if

someone was still inside.

"Why? Sigurado akong dito 'yon," sagot ni Ryker. "Wala ba kayong tiwala sa'kin?"

"Paano ka naman nakasisiguro?" Tanong sa kaniya ni Laszlo, parang duda pa sa sinasabi niya.

Ryker sighed. "Kung ayaw niyong maniwala sa'kin, pwede naman natin libutin ang buong

building na 'to para hanapin siya."

"Move," utos ni Jace kay Linus, pero 'di pa nga nakapag-response sa kaniya si Linus ay tinulak

na niya ito. "The lights are off, how could we know if someone was inside."

"Malamang sarado na talaga ang mga ilaw sa loob n'yan dahil oras na para umuwi," mabilis na

sagot ni Ryker sa kaniya, being sarcastic.

"That's the point," humarap si Laszlo kay Ryker. "Uwian na pero bakit wala pa rin si Ma'am

Itzy?"

"Tama!" Pagsang-ayon ni Linus kay Laszlo. "Kanina pa tayo naghihintay sa van pero hindi siya

dumarating. Mayayari tayo kay Sir Gerard, kapag hindi natin siya nahanap."

"Ask the guard to open this classroom," utos ni Jace sa tatlo. Nang walang gumalaw sa kanila

ay nilingon niya ang mga ito. "Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?"

"Sino ba sa'min ang inuutusan mo?" Tanong ni Linus at tumingin kay Laszlo at Ryker.

Ngunit bago pa man makasagot si Jace ay pinangunahan na siya ni Laszlo. "Ako na lang ang

kakausap, mukhang walang balak na bumaba ang dalawa na 'to," pagtukoy ni Laszlo kay Ryker

at Linus na napakamot na lamang sa ulo dahil tama ang sinabi niya.

Tumango lamang si Jace at pinagmasdan ang likod ni Laszlo nang tumalikod na ito sa kanila.

Napabuntong-hininga siya, nag-iisip kung saan maaari pumunta si Itzy. Pinapanalangin niya rin

na sana ay okay lang siya, dahil hindi lang sila matatanggal sa trabaho kapag may nangyaring

masama kay Itzy, nakasalalay din ang buhay nila rito. Isang pitik lamang ng daliri ng ama ni Itzy

ay maaari na silang mamatay.

Maya-maya pa ay nakabalik na si Laszlo na may kasamang guard. Noong una ay ayaw

pumayag ng guard na buksan ang silid-aralan, pero nang sinabi ni Laszlo na may hinahanap

sila na estudyante rin dito, wala ng nagawa pa ang guard kun'di ang pumayag din.

Pagbukas ng pinto ng silid, pinasalamatan ng apat ang guard at sinabi na pwede na siyang

umalis. Noong una, nag-aalangan pa siyang umalis dahil baka may gawin na hindi maganda

ang apat, ngunit iniwan din niya ang apat nang tumunog ang walkie-talkie niya.

Binuksan ni Ryker ang ilaw, pagbukas no'n ay agad nilang ginala ang mata sa paligid. Nang

makita na may babae ro'n na natutulog ay nanlaki ang mga mata nila.

"Fuck, is that a ghost?" Linus murmured and hid behind Jace's back.

Jace rolled his eyes and walked towards the sleeping girl. Kumuha siya ng upuan para umupo

sa gilid nito— kung saan nakaharap ang mukha ng babae. Hindi maiwasan ang pagkunot ng

noo ni Jace nang dahan-dahan niyang inalis ang mga nakaharang na buhok sa mukha ng

babae.

"W-What? Ghost ba talaga 'yan?" Tanong ni Linus, napako na ang paa sa kinatatayuan niya.

Habang sina Laszlo at Ryker naman ay hindi rin makaalis sa kinatatayuan dahil nakakapit si

Linus sa braso nilang dalawa.

"Really? Paano ka na-assign sa trabaho na 'to kung may takot ka sa multo?" Tanong ni Ryker

na nakasalubong ang dalawang kilay. Gusto rin niya kasi tignan 'yung babae ngunit hindi niya

magawa dahil kay Linus.

"Ang labanan at multo ay magkaiba," makahulugang sagot ni Linus.

"Hindi naman totoo ang mga multo," bulong ni Laszlo sa sarili, mabuti na lamang hindi siya

narinig ni Linus.

"Kung hindi 'yan si Ma'am Itzy, tara na," sabi ni Ryker kay Jace dahil ilang minuto na naka-upo

ro'n si Jace at hindi man lang nagsasalita.

"Hindi kaya na-possess na siya?" Tanong ni Linus. Binatukan lamang siya ni Ryker at hindi na

sumagot pa.

After a moment of silence, Jace replied, "I don't think we should head home."

Laszlo furrowed his brows and said, "What do you mean? We should take Ma'am Itzy home

now, or Mr. Gerard will be angry."

Jace shook his head, still not turning to them. "She... was bleeding. We need to treat her first."

"What?!" exclaimed Ryker, pushing Linus so he could go towards Jace. His eyes widened in

shock as he saw Itzy's face, and took in the full extent of her injuries. Itzy's face was covered in

bruises and blood, making her almost unrecognizable. Not only her face, but her body was also

covered in wounds and bruises.

"Is it... really Ma'am Itzy?" Linus asked, na sa tabi na ngayon ni Ryker kasama si Laszlo.

"Hey, we should hurry!" Laszlo exclaimed nervously. "Tuyo na ang dugo sa mukha niya, kapag

pinatagal pa natin 'to maaaring..." Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang mabilis na

binuhat ni Ryker si Itzy palabas ng silid.

Jace stood up, looking uncertain. "What should we tell Mr. Gerard?" he asked, staring at the

door through which Ryker had just disappeared.

"I'll speak to Mr. Gerard," said Laszlo firmly, pushing Jace and Linus towards the door. "You two

follow Ryker and Itzy."

-----

Itzy woke up in a dimly lit room, covered by a blanket. As she recollected the events of the

classroom, she quickly sat upright. Glancing around, she attempted to identify her surroundings.

However, when she failed to do so, she tried to stand up, but her legs gave way, causing her to

collapse on the ground. Soon after, four individuals rushed into the room.

"Ma'am!" Sigaw ni Laszlo at maagap na dinaluhan si Itzy. Aalalayan na sana niya ito tumayo

ngunit bigla siyang tinulak ng dalaga, dahilan upang matumba siya.

"Don't touch me!" Sigaw ni Itzy na ikinagulat ng apat. Kita sa mga mata niya ang galit,

panlulumo at sakit, hindi nila maiwasan na hindi maawa sa dalaga.

"Please, calm down, ma'am," said Linus, gesturing for her to relax, but Itzy remained agitated.

Lumayo sila ng kaunti sa kaniya nang itulak niga si Laszlo dahil baka magwala siya kapag

nag-attempt sila na hawakan siya ulit.

"Anong ginagawa ko rito? Na saan ako?" Tanong ni Itzy, umatras habang nilibot ang tingin sa

paligid, sinusubukan ulit alalahanin kung pamilyar ba sa kaniya ang lugar na iyon.

"You're in a safe place, you have nothing to worry about," Jace answered.

Itzy turned to him. "Where's Dad?"

"Laszlo informed him that we went for an outing," he replied. "I'm sure you don't want to show

up in front of your father with that look," he added.

Ryker elbowed Jace for being disrespectful to Itzy but Jace just shrugged it of.

Itzy's brows furrowed, and she quickly searched for a mirror to examine her appearance. As

soon as she saw herself, embarrassment and self-pity consumed her.

Her eyes were swollen, and she even had a black eye on her right eye. Her face and body were

covered in bruises and wounds. Kung hindi lang niya alam na sarili niya ang nakaharap sa

salamin na 'yon, mapagkakamalan niya na hindi siya iyon dahil hindi na niya kamukha ang

babaeng na sa repleksyon ng salamin.

"Would you mind telling us how you got those injuries, ma'am?" Maingat na tanong ni Ryker,

ayaw niyang umusok sa galit ang dalaga.

"I... fell," she whispered, averting her eyes

The four exchanged skeptical glances, obviously not convinced. Well, sino nga ba ang

maniniwala na nahulog ka o nadapa ka, kung puno ka ng pasa at sugat sa katawan? Isang

mahinang utak lang ata ang maniniwala sa gano'n.

"Gano'n ba, ma'am? Mabuti naman, akala namin ay na-b-bully ka sa school, e." Sabi ni Linus,

nagkamot pa sa ulo.

At oo, matalino at magaling siya pagdating sa paghandle ng teknolohiya pero mukhang mahina

ang utak niya pagdating sa ganitong bagay.

Ryker sighed and restrained himself from hitting Linus. Despite being smart with technology, he

seemed clueless when it came to this matter.

Nang marinig naman ang pahayag ni Linus, nanlaki ang mga mata ni Itzy habang nakatitig sa

binata. Parang unti na lamang ay tutulo na ang mga luha niya. Ayaw niyang mabisto ng apat

ang sikreto niya ngunit parang ngayon pa lang ay alam na niya na may ideya na ang mga ito sa

nangyayari sa kaniya.

Alam niya na hindi niya ito maitatago sa kanila habang buhay pero wala rin siyang balak na

sabihin ang tungkol doon sa kanila.

"Okay ka lang ba, ma'am?" Tanong ni Laszlo nang mapansin niya na malapit na tumulo ang

luha ni Itzy.

Agad na nag-iwas ng tingin ang dalaga at bumalik sa kaniyang higaan. Binalot niya ang sarili ng

kumot at sinabing, "Magpapahinga muna ako. You can leave me, I won't run away."

Nag-bow muna ang apat bago lisanin ang silid gaya ng gusto mangyari ng dalaga. Paglabas

nila ng kwarto ay napabuntong hininga si Laszlo. "Bakit siya nagsisinungaling sa'tin? Wala ba

siyang tiwala sa'ting apat?"

"Baka sa'yo lang," mapang-asar na sagot ni Ryker.

"Ang pinagsasabi niyo? Pinagdududahan niyo ba si Ma'am Itzy?" Clueless na sabi ni Linus.

Napailing na lamang si Ryker at inakbayan si Linus. "Mukha bang dahil sa pagkahulog ang mga

sugat niya sa katawan? Kung hindi natin tinawagan si Grace para gamutin siya, baka patay na

siya ngayon," tugon niya.

"H-Huh?" Naguguluhang tugon ni Linus.

"Mahinang utak lang ang hindi makapagsasabi ng pagkakaiba ng dalawa," pagsingit ni Laszlo

sa usapan ng dalawa. "Hindi ko sinasabing mahina ang utak mo Linus pero parang gano'n na

nga."

Namula ang mukha ni Linus at nag-iwas ng tingin sa tatlo. "Ang totoo niyang hindi rin naman

ako n-naniniwala kay ma'am no!" Pagsisinungaling niya. Napailing na lamang ang tatlo sa sinabi

niya.

"Kung dahil lang sa pagkahulog iyon, hindi siya aabot ng tatlong araw na nakaratay sa kwarto

na 'yon," sabi ni Jace at iniwan na ang tatlo ro'n.