Chapter 7 Unknown text
Nilapitan ako ni Kristel nang makita ang namimili rin nang susuotin
“Tapos na yung designs mo, balak na namin ilabas ngayong linggo, pero kung gusto mong yun ang isuot mo okey lang naman” sabi niya habang iniisa isa ang damit na nasa harap namin.
Napatingin naman ako sa kaniya at agad naman siyang napatawad nang lumingon ako.
“Teka kukunin ko lag sa loob” sabi niya at iniwan na niya ako. Tiningnan ko ulit ang mga damit na nasa harap ko at nakita kong nandoon ang iba ko pang mga dinesign na damit.
“Sayo pala –“ naputol ang sasabihin ni Callum ng makitang napapitlag ako mula sa king kinatatayuan. Mahina siyang napatawad sa aking reaksyon kaya inirapan ko siya at humarap sa kanan ko kung saan meron ring mga damit.
“Sayo pala itong boutique na ito” pagpapatuloy niya sa kniayang sasabihin.
“It’s my mom’s not my mine” sabi ko a habang tinitingnan ko ang mga damit.
This clothing line of my mom is our business, the reason why I wanted to become a designer in the first place.
“Ang ganda ng mga deign ng suit wala akong mapili, pati yung lima hindi rin makapili” sabi niya kaya nakatingin ako sa kaniyang mga kasama.
Nakita kong hindi sila makapili kahit si Vin na tahimik lang ang hirap ding pumili.
“Ito na Chin” sabi ni Kristel at tulak ang isang rack ng Damit na dinesign ko
Agad naman akong lumaot doon at tiningnan, tatlong dresses yun at anim na suit. Napatingin naman ako sa aking katabi na si Callum na nakamasid din sa mga damit.
“Why don’t you choose from these suits?” I ask him kaya tumingin siya sa akin at tinuro ang kaniyang sarili.
Tumango namna ko sa kaniya at tiningnan naman niya ang mga damit. Hinayaan ko lang siyang mamili roon at tinawag si Amara para ipakita ang mga bago kong design na damit sa kaniya.
Lumapit naman siya at sumunod sa kaniya ang lima na lalaki.
“New designs” sabi ko sa kanila nang makalapit sila sa akin. Agad naman silang lumapit doon sa rack at namili.
Nang hawakan ni Amara ang black na dress na nasa rack ay agad akong nagsalita.
“Leave that, that’s mine” sabi ko at inirapan niya a lamang ako dahil alam niyang wala siyang magagawa.
“Okey ito nalang sa aking red.” Sabi ni Amara at iniagat yung dress na red.
“Ito sa akin” sabi naman ni Kyle at iniangat naman yung suit na partner nung may Amara. Nakita kong bahagya pang nagmula ang pisngi ni Amara sa nakita niya kaya napiling nalang ako.
Nakapili na rin yung apat at si Callum nalang ang wala, ang natitirang suit nalang ay yung partner nung akin.
Kinuha niya iyon at tiningnan ako
“Pwede ba ito?” tanong niya sa akin na parang may mali kung iyong ang pipiliin niya. Tumango naman ako sa kaniya dahil wala naman sa akin iyon.
“Try nyo dali” excited na sabi ni Amara. Nagpunta naman sa yung anim na lalaki sa loob ng fitting room pero dahil lilima ang fitting room ay magka sabay si Arvin at Isaac sa iisang room.
“Wag ka ngang manilip Isaac” rinig naming sabi ni Arvin sa loob
“Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Arvin” sagot naman ni Isaac sa kaniya.
Alam kong malaki ang fitting room namin dahil may mga gowns din na binebenta dito sa boutique, kaya kasya yung dalawa sa loob.
‘Saan nyo naman napulot yang mga poging yan?” tanong naman sa amin ni Kristel
“Sa school ate, Basketball players yang mga yan.” Sagot naman ni Amara.
Naunng lumabas sina Isaac at Arvin. Lumapit doon sa dalawa si Kristel at tinanong kung okey lang ba yung measurements at may ipapa-adjust ba pero umiling lang yung dalawa.
“Parang made for me talaga itong suit na ito sa akin” sabi ni Nash na ka lalabas lang ng fitting room.
“Same here” sabi ni Vin pagkalabas din nito.
“Grabe ang ganda naman nang pagkaka-fit nito sa akin” si Kyle nung lumabas
Napatingin ako kay Callum nang lumabas ito sa fitting room. Hindi maipagkakailang gwapo ang dating an nang mga lalaking naka jersey pero iba talaga kapag naka suit na sila.
Lumapit ako kay Callum na hindi magka intindihin sa kanyang tie.
“Ako na” sabi ko at hinawakan ang tie nya para ayusin iyon.
Naramdaman ko ang kaniyang titig sa akin kaya napa-angat ang aking tingin sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala yung brown niyang mata at mahaba rin ang kaniyang pilikmata.
Umiwas ako nang tingin sa kaniya ng medyo magtagal ito, tumikhim naman siya at hinawakan ang ayos na necktie.
Pumunta ulit ako sa aking inupuan kanina at nakitang wala na roon si Amara para isukat naman ang kaniyang dress na napili.
“Grabe ang ganda sa inyo nung design ni Chin” sabi ni Kristel kaya napalingon sa kaniya yung anim.
“Sinong Chin?” tanong ni Isaax
“Eh sino pa iyan” sagot ni Kristel at tinuro ako. Hindi makapaniwala ng tiningnan ako nung anim kaya nagkibit balikat ako sa kanila at pumasok sa isang fitting room para isukat ang aking dress.
It’s a black dress na butas sa magkabilang bewang to give an hourglass shape para sa susuot, may slit din sa kaliwang side nang dress, at manipis lang yung strap niya kaya maganda ring tingnan.
Napakinggan kong tapos ng magbihis si Amara kaya lumabas na rin ako habang inaayos ang dress sa unahan.
Tumili si Amara kaya napatingin ako sa kaniya, and I saw her looking at me, nilingon naman ako nung anim at walang nakapag-salita sa kanila.
“Sabi na maganda sayo yang dress na yan eh” sabi ni Kristel at lumapit sa akin para tingnan yung likod at ayusin.
Lumapit sa kin si Amara na nakabukas pa rin ang bibig.
“Grabe!” sabi niya habang nakatingin sa akin, inirapan ko lang siya sa reaksyon niya.
“Minsan talaga kapag nagsusuot ka ng ganito napagkakamalan kita model, kamukha mo si tita kapag nagmomodel siya ng ganitong dresses” patungkol niya kay mommy.
Tss. Malamang nanay ko yun.
“Pwede bang picturan ko kayo? Idagdag ko lang sa portfolio namin” sabi ni Kristel at tumango naman yung anim.
“Instant model naman tayo ngayon nag-fit lang tayo eh” sabi ni Arvin habang nakatayo para picturan.
Kunwari pang ayaw kung maka-pose naman akala mo nasa pictorial ng inag magazine. Sabagay baka nga ilagay nila yun sa magazine namin.
Matapos ni Arvin ay si Isaac naman na feel na feel din ang pag pose. Sumunod si Nash at Vin, matapos nila ay si Amara at Kyle naman dahil ang design nung damit nila ay para sa mag partner.
“Closer naman Amara, hawak ka sa braso para mas maganda” sabi ni Kristel na siyang nagpipicture.
Ginawa naman ni Amara yun. “Isa pa iba naman pose” sabi pa ni Kristel pero hinnd magkaintindhan si Amara sa kaniyang maging pose.
Pati ako naaalibadbaran na sa gulo nya.
Hinigit ni Kyle ang bewang ni Amara dahilan para magpatingin siya kay Kyle at agad namang pinicturan ni Kristel yung dalawa habang nakatitig sa isa’t isa
“Seems like she’s in her shy mode” bulong ko at bahagyang natawa.
Natapos na yung dalawa kaya kami naman ni Callum ang sunod dahil yung damit namin ang partnered.
“Oh ayusin nyo ah” sabi ni Kristel sa amin. Tumango lang ako at tumayo roon, inintay kong lumapit sa akin si Callum pero hindi niya ginawa kaya tingnan ko sya. Narinig ko yung click ng camera pero hindi ko na iyon pinansin at tinawag si Callum.
“Come closer, wala akong virus” sabi ko sa kaniya at tumingin ulit sa unahan, bahagya siyang natawa habang nakaharap pa rin sa akin pero nag click ulit si Kristel.
“Ayos na guys” sabi Kristel at lumapit naman si Callum sakin ng tuluyan. Nang makalapit ay humawak ako sa kaniyang braso kaya Napatingin ult siya sa akin kasabay ng pag click ulit ng camera.
Ang daming candid shots na namin.
“Eyes on the camera Mr. Adalia” I said kaya tumigin siya sa harap at nag clik ulit ang camera.
Humawak ang kamay nya sa aking bewang.
“Ang ganda mo po Miss Zamora” bulong iya sa akin kaya Napatingin ako sa kaniya at sinalubong naman niya ang aking tingin. Then I heard again the click of the camera.
“Okey na, ang ganda ng shots, pwde na kayong model” sabi ni Kristel kaya napa-atras naman ako at umiwas ng tingin kay Callum.
Nakita kong nakatingin sa gawi namin si Amara ng may ngisi sa labi, inirapan o lang siya at naglakad papasok sa loob ng fitting room para magpalit.
Matapos kongg magbihis ay nakapag-bihis na rin yung iba at si Amara at Kyle nalang ang inintay namin. Habang iniitay ay kinukuha naman nung liama yung suit nila. Matapos na magbihis at kuhanin yung mga damit ay umalis na kami.
“Where to?” I ask Amara while we were walking.
“Since marami tayo ngayon at ayaw ko naman na gumastos ka nang malaki kaya sa samgyupsal na lang tayo.” Sabi niya at kumapit sa aking braso.
“Let’s eat? Samgyup.” Sabi ko dun sa anim kaya agad naman silang lumingon sa akin.
“Libre mo?” sabay sabay natanong ni Arvin, Isaac at Nash. Tumango naman ako sa kanila.
“Okeeeeyyy! Samgyup here we come!” Masayang sabi ni Isaac at nauna na sa amin na pumasok sa loob ng resto.
Nasa isa kaming mahabang lamesa, hinayaan ko lang silang umorder nang kung anong gusto nila.
“Yun lang? Baka may gusto pa kayong idagdag?” I don’t know if I sounded sarcastic kasi halos lahat ng nasa menu ay inorder nila. Umiling naman sila sa akin.
“Please add extra cheese, that’s all thank you” sabi ko sa waitress.
May apat na lutuan ang mesa namin kaya hindi naman ganun ka liit para sa amin ang space. Nasa dulo ako at katabi ko si Callum – Nash – Isaac sa tapat ko naman ay si Amara – Kyle – Vin – Arvin.
“We'll pay for the bill since kami naman ang umorder ng marami” sabi ni Vin.
“No It’s okey, ako naman nagyaya eh” sagot ko sa kaniya at bumalik sa pagtetext kay nanay na hindi ako sa bahay maghahapunan.
“I can pay the half of the bill” bulong sa akin ni Callum kaya niingon ko ang aking mukha sa kaniya habang nasa phone pa rin ang mata. Nang matapos kong itext si Nanay ay tiningnan ko siya.
“No, it’s okey.” I said at umiling pa sa kaniya.
“Restroom lang ako” Sabi ko sa kanila at tinanguan lang ako ni Amara.
Nag-huhugas na ako ng aking kamay nang tumunog ang aking phone at nakita kong tumatawag si Nanay kaya sinagot ko iyon.
“Hello Nay, bakit po?” tanong ko pagkasagot nang tawag.
“Wala naman, itatanong ko lang kung kumakain ka na?” sagot nya mula sa kabilang linya kaya napasandal na lagg ako sa may lababo at napangiti.
Alam kong nila lambing ako ni Nanay ngayon, malamang ay namiiss na nya ako dahil hindi naman ako natulog doon sa bahay kagabi at hindi din ako makakapag-hapunan doon.
“Wala pa po ang order namin kaya hindi pa ako kumakain, kayo po kumain na po kayo ni tatay?” tanong ko sa kaniya.
“Wag mo kaming alalahanin at kumain na kaming dalawa, sino palang kasama mo ngayon? Si Amara ba?” sagot niya sa akin.
“Opo kasama ko po siya, at may anim na lalaki pa po kaming kasama. Pero nay wag kang mag-alala dahil wala silang magagawa sa amin ni Amra dahil maraming tao sa kinakainan natin ngayon” sabi ko dahil alam kong hindi siya mapapakali hangga’t may kasama akong ibang tao, na hindi niya kilala ng peesonal.
“Ganun ba, sya sige na nang makakain ka na, Mag-iingat ka pa rin ah. Itext mo ako kapag may pupuntahan pa kayong iba o kung uuwi na kayo.” bilin niya sa akin.
“Okey po nay, makaka-asa ka po.” sagot ko naman habang naglalakad pabalik sa aming mesa.
Nang matapos ang tawag ay may isang unknown number ang nag notif sa phone ko. Binuksan ko iyon at binasa ang text.
‘Maganda ba yung IPhone 13?’ yun ang text nya. Hindi ko na sana papansinin yun nang mag text ulit
‘IPhone 12 lang kasi yung akin ka na lang’ napakurap ako nang tatlong beses habang nakatingin sa phone. Napiling na lang ako at bahagyang natawa sa nabasa habang naglalakad pabalik sa kin upuan.