Chapter 6 Cup
Hindi ko na nagawang kausapin pa si Callum nang tinawag kami para sabihin kung sino ang nakapasok sa varsity team ng basketball at volleyball.
Nakahilera kaming mga nag try out sa hara ng mga varsity players.
“Sana makapasok ako para bawas sa gastusin ko” rinig kong mahinang sabi ng aking katabi
Napatingin ako sa kaniya at nakitang mukhang kinakabahan talaga siya. Isa siya sa mga kakampi ko kanina at masasabi kong magaling siyang sumalo kahit sharp ang kaniyang sasaluhin na bola.
Nagsimula nang mag banggit ng pangalan ang coach ng basketball at may apat na nakuha sa kanila.
Nang sa amin na ay nakita kong tumayo ng tuwid ang katabi ko na nagsalita kanina. Nasa kaliwa ko siya at ako ang dulo ng kanang hilera.
“The following names to be mention are the new players of volleyball varsity” sabi ni coach habang isa isa kaming tinitingnan.
“If you’re surname is mentioned wak towards the team” Dagdag niya pa
“Santos” naglakad yung babaeng nasa kabila dulo ng hilera
“Dela Cruz” yung kasunod naman na babae
“Bellano” mukhang nagulat pa ang katabi nang banggitin ang kaniyang apelyido. Napangiti ako dahil alam kong makakatulong sa kaniya ang scholarship na makukuha niya sa pagiging varsity.
Naglakad siya papunta sa team nang hindi makapaniwala.
“and lastly…. Zamora” banggit ni coach sa apelyido at naglakad ako papunta sa tabi ni Miss Bellano
“Congrats’ bati ko sa kaniya nang may konting ngiti sa labi. Tiningnan naman niya ako at para na siyang iiyak dahil sa sinabi ko.
“Thank you!” sabi niya at humikbi, nanlaki ng bahagya ang aking mata dahil sa pag-iyak niya.
May iilan na lumabas na nang gym para umuwi na pero marami pa rin ang natira sa loob.
“As your coach… I welcome the new member of our family” Sabi ni coach at nagpalakpakan naman kaming lahat, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Miss Bellano kaya natatawang niyakap siya ni coach at nang ibang members ng team.
Hinigit naman ako ng isa para makisama sa group kaya napatawad ako ng bahagya.
Binilinan lang kami na baka sa susunod na linggo pa ang simula ng training namin kaya wala muna kaming gagawin para sa varsity.
Sinabi rin baka magkaroon ng welcome party para sa aming mga new members, pero hindi pa sigurado dahil may aqquintance part na gaganapin sa darating na Friday, bilang welcome sa mga freshman at transferee.
Nang matpos ang announcement ay naglakad na ako pabalik sa in upuan ko kanina.
Agad naman akong sinalubong ni Amara nang yakap.
“Congrats, alam ko namang makakapasok ka, lodi kita eh” sabi niya habang naka yakap pa rin sa aking braso.
“Thanks” sabi ko habang inaayos ang aking gamit dahil uwi na kami.
“Hindi tayo kakain?” tanong sa akin ni Amara. Nagpa-awa pa nga.
“Sige na minsan na lang naman tayong lumabas, tapos lagi pang ako ang taya. Libre mo ako dahil nakapasok ka sa varsity, tsaka dahil nag cheer ako kanina” sabi niya pa nang hindi ako umimik.
“Where to?” sagot na agad namang nagpatalon sa kaniya
“Hmm.. Mall nalang tayo kumain dahil bibili pa ako ng skin care ko, at damit para sa froday” sabi niya
“Convoy?” tanong ko sa kaniya nang malapit na kami sa parking, parehas kasi kaming may dalang sasakyan
“Gusto kong maka sakay sa bagong mong car hehe”sabi niya kaya napiling nalang ako.
“Intayin na Lang natin yung driver – Ay nandyan na pala si kuya” sabi niya nang may agtext sa kaniya.
Agad naman kaming pumunta sa pwesto ng driver niya
“Kuya, sa mall lang kami kapag natanong si kuya kung nasaan ako. Wag nyo na po akong sunduin, ihahatid po ako ni Chin” sabi niya at binigay ang susi ng kaniyang sasakyan.
Naglakad kami papunta sa kotse ko pero nakita namin yung anim na lalaki.
Bakit parang ang liit ng university para magkita kita kami ng ganito kadalas?
“Uyy, nandito pa pala kayo?” Tanong ni Arvin nang makita kami.
Obviously nandito kami sa harap mo oh.
“Pauwi na kayo?” Tanong naman ni Kyle
“Hindi pa, kakain pa kami dyan sa malapit na Mall dahil nakapasok siya sa varsity”
“Ay oo nga pla, Congrats Chin” sabi ni kyle
“Congrats idol chin” Sabi ni Arvin na nag thumbs up pa
“Congrats Chin” sabi naman ni Isaac at sualudo.
“Congrats” SI Nash naman na nakangiti lang sa akin
“Congrats” seryosong sabi ni Vin
“Congrats, Chin” sabi ni Callum at nila had ang isang pack ng yacult
“OH akala ko hindi ka nagshe-share ng ya– “ Naputol ang sasabihin ni Arvin nang takpan ni Nash ang ka niyang bibig.
Siniko naman ako ni Amara at nginuso ang yacult na nakalahad pa rin. Kinuha ko iyon at nilagay sa bag ko
“Thanks” sabi ko sa kanila
“Pwede ba kaming sumama sa inyo?” tanong ni Arvin “Magpapatulong na rin kami na maghanap ng damit para sa Friday” Dagdag niya pa at tumango naman yung lima.
“Sige bibili rin ako ng damit ko eh” sabi naman ni Amara, nakalimutan niya atang ako ang magbabayad ng kakainin namin ngayon, kaya kapag sumama itong anim na ito ay malamang sa malamang na kasama sila kapag kumain kami.
Nagtitipid pa naman ako. Tsk
“Okey, una na kayo sunod kami sa inyo” sabi naman ni Kyle at nag kanya kanya na silang punta sa kanilang sasakyan.
They have different models of sports cars, but unlike mine hindi latest model ang kanila. Which is not a big deal for me because as long as It’s working then there is no problem
Ang tita ko lang talaga ng obsessed sa mga bagong model ng sasakyan kaya nadadamay ako.
Sumakay na rin kami sa sakyan ko at ang babaeng katabi ko ay parang bulate na naasinan dahil sa likot habang tinitingnan ung loob ng kotse ko.
“Put your seat belt first, miss” sabi niya a agad naman niyang ginnawa
Nagsimula na akong mag-drive at ang sasakyan na nasa likod namin ay ang sasakyan ni Callum.
Parang may parada ng magagarang sasakyan dahil sa amin.
Nang makarating sa mall ay magkakatabi kaming nag-park kaya agw pansin ang paglabas sa aming sasakyan.
Pumasok kami sa loob ng mall, at dahil sa dami namin at tangkad namin ay agad na naapalingon ang mga nasa loob sa gawi namin.
“May bibilhin lang kami ni Chin, mag ikot ikot muna kayo” sabi ni Amara
“Wala naman kaming ibang bibilhin kaya sama nalang kami sa inyo” sabi ni Kyle ang nagtanguan naman yung lima.
Sumunod naman sila sa amin papunta sa Watsons kasi bibili ng skin care si Amara.
Dumaretso naman kami papunta sa sin care section at yung mga lalaki naman ay kaniya kaniyang tingin ng mga products.
“Grabe daig pa natin ang may dalang bodyguard sa loob ng watsons” manghang sabi ni Amara na Naka tanaw doon sa mga lalaking kung ano ano ang dinadampot.
Nakita ko pang dinampot n Isaac kasama si Arvin yung mensstrual cup. Nakita naman sila noong iba kaya nagtumpok sila doon.
“Para saan ito miss?” tanong ni Arvin doon sa saleslady na malapit sa kanila.
Sinagot naman nung saleslady yung tanong ni Arvin. Napa-awang naman ang bibig at nanalaki ang mata nilang anim matapos magpaliwanag nung saleslady kung paano iyon gamitin ng mga babae.
“Pffft.. HAHAHAHA” tawa ni Amara sa tabi ko habang nakatingin sa anim
Hindi ko na rin napigilan ang aking tawa hanang nakatingin sa kanila. Pupunta kami sa gawi nila nang matapos makapili si Amara ng kaniyang bibilhin.
Hawak pa rin ni Isaac yung menstrual cup habang tulala pa rin na nakatingin silang anim doon.
“Ano nangyari sa inyo? Bibilhin niyo ba yan? Ako na mababayad” asar ni Amara na agad naman binitawan ni Isaac na parang na kuryente sya doon.
Tumikhim naman si Vin at nag iwas sila ng tingin doon sa kaninang tinitingnan nila.
Mahinang napatawa ang saleslady na nasa tabi namin.
“S-sa l-labas na lang k-kami maghihintay” sabi Arvin at gad naman nila kaming iniwan doon at lumabas.
“Nabigla ata sila sir” sabi nung sales lady habang natatawa.
“Hay kung ano ano kasi hinahawakan” sabi ni Amara habang tumatawa pa rin.
Nagbayad na si Amara ng kaniyang binila at lumabas kami. Nadatnan namin yung anim na parang ang lalim ng mga iniisip.
“Daat pala hindi na ako nagtanong” sabi ni Arvin habang nakatulala sa malayo. Pinigilan naman namin ni Amara na tumawa para hindi kami mapansin nung anim.
Binatukan nung lima si Arvin kaya para silang nagrarambuln doon sa harap ng Watson, napapatingin PA iyong iba sa kanilang anim.
“Tang*na mo napaka daldal mo kasi, pati kami nadamy dyan sa trauma mo” mura ni Nask kay Arvin.
Napatingin naman sa amin si Vin kaya umayos kami ni Amara at naglakad papunta sa gawi nila na parang walang narinig.
“Tara na? Saan kayo bibili ng suit nyo?” tanong ni Amara na parang hindi pinagtawanan yung anim kanina.
Napailing nalang ako dahil alam kong magaling na artista ang aking kaibigan, kung hindi ko lang siya kilala malamang napaniwala na akong wala siyang narinig kanina.
“Actually wala kaming alam na bibilhin ng damit kaya sumama kami sa inyo” sabi ni Kyle
“Okey, tara dun sa boutique nyo Chin” sabi ni Amara sa akin at agad naman silaag naglakad.
Nauna sa amin si Amara katabi si Kyle kasunod yung apat na lalaki, napahuli ako dahil nag text si Nanay sa akin at tinatanong kung saan ako uuwi.
“Chin” tawag sa akin ng katabi kong si Callum.
“Hmm?” Sabi ko, naunang nilingon ko ang aking mukha bago siya tingnan dahil nag reply ako kay Nanay.
Napatulala siya nang tingnan ko sya kaya nagsalita ulit ako.
“What?” tanong ko nang hindi siya sumagot
“Ahhh… I have a Uhm… question” sabi niya at bahagyang tumungo na parang nahihiya
“Hm, go ahaed” sabi ko habang nakatingin sa unahan.
“Do you…. have t-that t-thing?” nnauutal na tanong niya. Tumingin ako sa kaniya and gave him an questioning look dahil hindi ko gets ang sinabi niya.
“What thing?” tanong ko. Bahay a siyang nagmula at tumikhim bago nagsalita
“The…. m-menstrual cup” mabagal at nauutal na sabi niya at namula ang tainga.
Nakagat ko ng aking labi dahil pinigilan kong tumawa sa harap niya. Nang makita kong nakatingin siya sa akin ay tumikhim ako at pinilit na pinaseryoso ang aking mukha.
“Yeah, I have” sagot ko sa kaniya.
“Why?” tanong niya at bahagyang iniharap sa gawi ko ang kaniyang katawan.
“Why not? It’s eco friendly” sabi ko habang papasok kami ng Boutique na pagmamay-ari ko.
Sinalubong kami ng manager ng boutique na si Miss Kristel
“Oh napadaan ka, may kasama ka pang mga pogi” sabi ni Kristel
“Were actually here to buy dresses and suits for them” Sabi ko at tinuro yung anim.
“Do you have new designs? Yung ready to wear na kasi kailangan na sa Friday” Dagdag ko pa habang nililibot ang paningin sa loob.
“Syempre meron, nandito ang may-ari eh” sabi niya at tinuro niya ang section kung saan ang new designs na dresses at suits.
Agad naman silang pumunta roon at nag tingin ng suit nila pero naiwan sa tabi ko si Callum.
“Why don’t you go there and find yourself a suit?” tanong ko sa kaniya nang hindi siya umibo sa kniyang pwesto
“May…question pa ako” sabi niya. Tumango ako as a urge for him to ask.
“Uhm…. d-does it… Uhm… hurt when you… Uhm p-put the m-menstrual cup?” pautal utal na tanong niya.
I let out a chuckle because of his question.
“Ah, you’re not yet done with the menstrual cup” sabi ko habang medyo natatawa pa rin at tumango tango
“I – “ I cut him off on what is he going to say.
“Well yes, hmm how can I say it.” Sabi ko habang nag-iisip kung anong tamang term na words to explain.
“When it is uhm…a girl’s first time to use it, it hurts, so they need a lubricant for them to fully enter it inside them. But it depends I guess, to girls.” mahabang sabi ko para maintindihan niya.
“If you're gonna ask, why do we use it? Basically because its not just eco friendly but also budget friendly, ‘coz we don’t need to buy a lot of pads for our period monthly. And if you’re gonna ask if we feel it inside us? No, we just feel normal” Dagdag ko pa at iniwan siya roon na nakatulala.
Tatawa tawa akong pumunta sa gawi ni Amara
“Oh, ang saya mo naman” pansin ni Amara sa akin nang malapit sa akin. Inilingan ko nalang siya at tinulungan siyang pumili nang kaniyang damit.