Chapter 34

Paroo’t paritong naglalakad sa loob ng kaniyang kuwarto si Alemana na parang isang hayop na nakabilanggo. Naalala pa niyang ang sayang nakipag-usap ni Zoie kay Huapala kanina sa rancho. Naalala niya ring may gusto nga rin dito ang sarili niyang kapatid na si Domenic. Inilahad pa nito iyon noong birthday nito habang nag-uusap sila sa swimming pool. Sabi pa nito ay aagawin nito si Zoie kung wala siyang gagawing hakbang.

Sinuklay ng kaniyang mga daliri ang kaniyang bahagyang kulot na dark brown hair. Naisipan niya tuloy na kailangan niya ng haircut. Ngunit hindi iyon importante. Mas importante sa kaniya si Zoie at kung ano ang gagawin niya sa babae. Para siyang mababaliw sa kaiisip sa mga bagay na dapat gagawin para kay Zoie. Humiga na lang siya at saka ipinatong ang isang braso sa noo habang napapaisip nang malalim.

Kinabukasan ay inutusan niya si Lihau na ibigay ang mensahe para kay Zoie. Kahit gusto nitong magtanong kung bakit huwag na lang itong ipatawag ay ‘di ito nagsalita at sa halip ay nag-deliver lang ng mensahe para sa dalaga.

***

Natagpuan ni Lihau si Zoie sa kusina.

“What? He wants to prepare the Christmas decors?” tanong ng dalaga sa butler ng amo.

“Right! That’s it! That's what he wants me to tell you.” Tumango si Lihau sa dalaga.

“Fine. I’ll do that,” sumang-ayon na sabi ng dalaga. Ngunit ‘di pa rin umaalis ang butler. Napataas naman ang mga kilay niya rito. May iba pa kaya itong sasabihin sa kaniya? “What else do you want to say, Lihau?”

“Zoie, are you having a cold war this time with Master Alem?” usisa pa nito.

Umismid lang ang dalaga.

Lumapit naman itong humarap sa kaniya. “Zoie!”

“Just go ask your boss. I don’t have anything to do with it.”

Napaasim ang mukha ni Lihau sa sinabing iyon ng dalaga. Pagkatapos ay napakurap-kurap ito at napatalikod nang dahan-dahan bago umalis nang napakabagal na tila kay bigat ng dalahin nito.

Sinundan lang ito ng tingin ng dalaga na nakasimangot. Napaisip tuloy siya sa amo.

***

Bumisita si Domenic sa rancho isang weekend. Inimbitahan nito si Zoie na mangangabayo sila at maglibot sa buong rancho. Gusto nitong gawin iyon. Sa kasalukuyan ay nasa lawn sila ng mansion.

“Well, do you want to accompany me or not? I want to show you everything, too,” ang anyaya ng makulit na si Domenic.

Ikinuros naman niya ang mga braso habang tiningnan ang boyish and handsome face ng binata.

“And if I do, what will I get in return? I still have a lot of things to do around here, you know?” Binibilang pa niya ang gawain niya sa kaniyang mga daliri.

Ngumisi si Domenic sa kaniya’t kumindat ito. “I know. I just want to get you away from here for now. Forget the tons of work you have to do. Have fun with me!” pamimilit pa nito. “And in return, I’ll give you something special.”

Napangiti ang dalaga dahil dito. “Huh? Something special?”

Tumango ito at ‘di niya maisip kung anong something special ang sinasabi nito sa kaniya. Pinaglalaruan ba siya nito? Dahil mukhang bagot ito ngayon sa buhay. O kaya naman ay gusto lang talaga nitong makasama siya? O baka naman ay may pinaplano itong hindi niya nalalaman? Sana naman hindi masama ang plano nito sa kaniya.

“All right. I’ll come with you,” napagpasyahan niya rin sa wakas.

Nagbihis na sila ng para sa pangangabayo. Nagtagpo sila ulit sa may lawn. Gamit ang bagong SUV na kulay silver ni Domenic ay nagtungo sila sa rancho. Kapwa ang mga handlers at cowboys ay napatingin sa direksyon ng sasakyang huminto malapit sa truck ni Alemana, sa may ‘di kalayuan ng opisina ng amo.

Umibis sila mula sa sasakyan at hindi naman nila nakikita roon si Alemana kaya minabuti na lang ni Domenic na kausapin ang isa sa mga cowboys na malapit kay Huapala, isang Spanish na nagngangalang Brillo.

“Where is my brother, Brillo?” Ipinasok ni Domenic ang mga kamay sa suot na pants. Nagsalita ito sa wikang Espanyol.

“He was in the storage area when I last saw him. I think he is still there,” ang sagot naman ng cowboy na napasulyap kay Zoie.

Kilala naman na siya ng lahat dahil mag-iisang taon na rin siya sa rancho. At alam din ng mga ito ang kaniyang posisyon bilang property manager ng Campbell Ranch.

“Zoie! I’ve never seen you for days,” sabi naman nito sa wikang Hawaiian.

“Ah! Just busy at the mansion,” tugon pa niya sa parehong lengguwahe.

Napangiti sa kaniya sina Domenic at Brillo. Alam na kasi niya ang lengguwaheng iyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga tauhan sa rancho. Lahat naman ng mga tao roon sa rancho at sa mansion ay napapahanga sa kaniyang talino, galing, kabutihang-puso, pagkamaalalahanin, mabuting pakikisama, pagkamatulungin sa panahon ng pangangailangan ng mga ito, at napakaganda pa niya na kasing-ganda ng sikat ng araw. Iyon din ang nasabi sa kaniya ni Brillo minsan.

Alam din ng lahat ng mga ito ang tungkol sa nararamdaman ng kanilang amo para sa kaniya ngunit siya lang ang walang alam doon. Iyon ay dahil hindi naman iyon ipinapakita sa kaniya ng lalaki at hindi naman niya maintindihan ito kahit na mahal na mahal niya ang amo.

“I wish to tour her around the ranch. I heard she had never toured it since she got here, so we’ll borrow two of your best horses,” ang paliwanag ni Domenic kay Brillo.

“Sure, Master Domenic. I’ll prepare the horses for you two.” Tumango ang cowboy.

Tumango rin si Domenic at tinapik sa balikat ang cowboy bago ito umalis. Sumaludo pa ito kay Zoie sa pamamagitan ng paghawak ng sombrerong suot.

Ngumiti naman ang dalaga at tumango rito. Lumapit ulit sa kaniya si Domenic.

“Wow! I think you’re really popular around here, Zoie,” puri ng lalaki sa kaniya.

“Really? I haven’t noticed that. What do you think if I hold an autograph session?” Napangiti ang dalaga sa lalaki nang pabirong sinabi iyon.

Napatawa si Domenic sa kaniya. Pinisil pa nito ang pisngi niya at iyon ang naratnan ni Alemana na eksena nilang dalawa.