Chapter 35
“Domenic!”
Nagulat sina Domenic at Zoie sa tila dumagundong na boses na iyon. Napapihit sila sa may-ari ng boses.
“Alem!” Nagtaas ng kamay ang binata sa pagbati sa nakatatandang kapatid. Tumakbo pa ito papalapit dito na may kasamang handler.
Pansin ni Zoie na kakaibang Domenic ito kaysa sa dati. Wala nang takot sa mukha ng binata.
“Go back instead to the storage house and list down the things needed for us to buy in two days. I’ll talk to my brother first,” ang instruksyon ng binata sa handler at tumalima ito. Napatingin siya sa kapatid na tumakbong papalapit sa kaniya. “Let’s talk in my office.”
Sumunod si Domenic kay Alemana. Kumaway pa ang kapatid niya kay Zoie na nakangiti at napangiti rin ang dalaga sa engineer.
“Why are you here?” ang tanong kaagad ni Alemana sa kapatid nang maisara na nito ang pinto sa opisina niya.
Parang dinaanan ng bagyo ang opisina niya, napuna pa nito. Nakakalat ang mga papeles pati na ang ilang upuan doon. Batid niyang hindi pa nito nakikita ang opisina niya sa ganoong sitwasyon dahil palagi iyong malinis at maayos.
“What’s this?” tanong nito sa kaniya.
“I was looking for something. Never mind them. I’ll take care of them later with Huapala. I’m asking you why you’re here,” patay-malisyang tugon niya sa kapatid.
“Ah, right. I wanted to have a tour around the ranch,” seryoso namang tugon nito. “It’s been a long time since I’ve done it. I also wish to familiarize myself on a horse again. And now, I’ll get the company of Zoie. Brillo is taking care of our horses as we speak. So, I’ll not stay longer with you. I’m sure you’re busy, and Zoie is waiting for me now.”
Lalong bumusangot si Alemana nang marinig iyon. Napatiim-bagang naman siyang nakatitig sa kapatid.
“Why her?” tanong pa niya rito.
Napatingin si Domenic sa kaniya at ngumisi ito bago nagsalita. “‘Why her’ you ask? I already warned you, brother. If you’re going to take your time like a turtle, a fox will be eating its prey in the meantime. Alem, I didn’t warn you for nothing that I’ll snatch her away from you if you don’t get your head straight. Now, are we clear, brother?” simpleng tugon nito nang diretso.
Hindi makapaniwala si Alemana sa narinig, hindi na siya nakapagsalita. Tumalikod na ito at iniwan siya sa loob ng kaniyang magulong opisina. Bigla siyang napakurap-kurap nang maramdaman ang mainit na luha sa kaniyang mga mata. Napakuyom siya ng mga palad sa galit at selos.
Aagawin na ba ni Domenic ngayong gabi ang babaeng mahal niya?
Pumasok naman si Lihau na nag-aalala ang mukha nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. “M-Master Alem…”
“Get out!” sigaw pa niya sa kaniyang butler.
“Y-yes, Master Alem.” Tumalima kaagad ang butler na nalulungkot tulad ng amo kahit hindi nito alam ang dahilan.
Nakita naman nito sina Domenic and Zoie na nakasakay sa kabayo at nagtungo sa damuhan kung saan kumakain ang mga baka. Tila naintindihan na nito kung ano ang nararamdaman ng amo. May ideya na ito at malungkot itong napasunod ng tingin sa dalawang nangangabayo.
“Master Alem’s heart is breaking…” nausal ni Lihau.
***
“What is it you’re going to give me?” ang tanong ni Zoie nang makabalik na sila ni Domenic sa mansion galing sa kanilang tour sa rancho.
Inabutan pa sila ng gabi dahil sa laki ng rancho at hindi talaga nila nalibot ang kabuuan nito ngunit napatingin lang sa mga borders nito. Gauge welded wire na galvanized steel netting ang mga bakod nito. Sakop ang ilang sapa sa rancho kung saan umiinom ang mga kabayo at baka.
Amoy baka, dumi, at damo ang paligid subalit nasanay na si Zoie rito. Pakiramdam niya ay nabibilang siya sa rancho. Hindi katulad ng sinabi ng Auntie Lerma niyang hindi ito naging tahanan ng tiyahin.
‘Pero bakit parang pakiramdam ko ay dito ako nakatira at ito na ang tahanan ko kahit malayo ako sa pamilya ko?’ napadili-dili siya. Halos hindi siya makapaniwala sa reyalisasyong ito.
‘Huh! Nakatatawa ka, Zoie. Anong tahanan mo na ‘to? Nag-jo-joke ka ba?’
‘Tama, joke lang ‘tong nasa isip ko. Dahil ang tahanan ay dapat kung saan ka masaya, ‘di ba? Eh, dito, hindi naman ako masaya. Nasasaktan lang ako… lalo na kapag naiisip ko siya.’
Saglit siyang napapikit ng mga mata at humugot ng hininga. Ayaw na niyang isipin pa ang amo at ang kung anong damdamin niya para rito.
“You’ll see later. Just go on upstairs and change.”
Narinig niyang sagot ni Domenic na humila sa kaniya sa kasalukuyan.
Napasunod naman ito ng tingin sa kaniya sa bawat hakbang niya sa hagdan.
Narinig pa niyang tinawag nito si Lihau ngunit hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan ng mga ito.
***
Binigyan ni Domenic ng instruksyon si Lihau na ibigay ang kaniyang regalo kay Zoie. Tumango lang naman ito. Hindi na ito nagtanong kung bakit hindi siya mismo ang nagbigay noon gayong magkasama naman silang dalawa kanina.
“Where’s my brother?” tanong niya sa butler ng kapatid.
“I-I think he’s still in his office,” ang sagot naman nito na malungkot ang mukha.
“It’s already his dinner time.” Napasimangot si Domenic na napasulyap sa kaniyang relong pambisig.
“Ah, you know your brother, Master Domenic.” Napataas naman ito ng nguso. “I, as his butler for over twelve years now, know why he has mood swings, especially as of late. And I think you know the reason why he is still there.”
Napatango si Domenic sa butler. Napaisip siya nang mabuti.
“I’ll be going back home now, Lihau. You make sure that you give it to Zoie, and I’ll drop by the office of my brother before I’ll head out back to the city.”
Tumango ang butler na napasunod ng tingin sa binatang papalabas ng mansion. Pagkatapos niyon ay napatingin ito sa hawak na kahon na may silver ribbon. Hindi nito alam kung ibibigay nga ba nito ang regalo kay Zoie o hindi.