Chapter 32
“Master Alem! There’s a call for you!” ang sigaw ni Lihau mula sa labas ng dining room.
Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig sina Alemana at Zoie. Awtomatiko silang bumalik sa kani-kaniyang upuan. Pinamulahan naman ng mukha si Zoie nang tingnan niya ito kung kaya’t nagpanggap itong may pinulot sa ilalim ng mesa nang dumating si Lihau.
Si Alemana naman ay minumura sa isipan ang kaniyang buwisit na butler na mapunta ito sa kailaliman ng impyerno dahil sa inis niya rito. Kung hindi dahil kay Lihau ay siguro naangkin na niya si Zoie.
Pakiramdam niya ay nag-iinit pa rin siya habang napapaisip sa dalaga at sa halikan nila. Hindi pa rin humupa ang pagnanasa niya sa dalaga. Gusto ng puso niyang ipakita rito kung gaano niya ito kamahal. Oo, aminado na siya roon. Kaya kakaiba ang nararamdaman niya para sa dalaga ay dahil mahal niya ito.
Subalit natatakot siyang hindi iyon tatanggapin ng babae dahil sa posisyon nito sa rancho. At kahit papaano ay ayaw niya ring mapahiya o kaya ay masaktan. In short, he was in a big dilemma.
“Who is it?” galit na tanong ni Alemana sa butler.
“I-it’s Miss Claire…”
“From now on, don’t disturb my dinner. Tell her that I’m busy and that I don’t want to talk to her!” simpleng tugon niyang nakatingin pa rin kay Zoie na hindi naman makatingin kahit sa direksyon niya kundi sa plato lang nito.
Sumulyap ang butler niya sa property manager. Umayos din ito sa pag-upo at mukhang may pagdududa sa mga mata nito pero binalewala na lang nito dahil nakatitig si Alemana sa mukha nito ngayon. Bahagya pang tumaas ang kilay niya sa kaniyang butler kung bakit nakatayo pa ito roon na tila may hinihintay.
“Get back to her and tell her what I just said,” sumenyas na siyang paalisin ito.
“Yes, Master Alem,” ang tugon ng butler sa wakas at tumalima na.
***
Ngayon ay silang dalawa na lang ang nasa dining room. Hindi makatingin si Zoie sa kaniyang amo. Hindi niya rin alam kung paano niya ito haharapin at kakausapin sa hinaharap, pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila kanina.
‘Second base na ba ‘yong matatawag?’ sa isip niya. Sa tingin niya kasi naka-first base na ito noong nakaraang gabi.
Malakas pa rin ang tibok ng kaniyang pusong nagsisigaw sa pangalan ni Alemana pagkatapos ng maiinit na halik at haplos na pinagsaluhan nila kanina. Mula ngayon ay alam niyang maaalala ang pangyayaring iyon sa tuwing papasok siya rito sa dining room o kahit saan man siya pumunta. Espesyal ang namagitan sa kanila kanina. At siguro’y iingatan niya iyon habang panahon at iisipin niyang minsan, she was the object of desire of her beloved Alemana, her boss. She would treasure it for the rest of her life.
‘Kahit na mag-asawa na sila ni Claire…’
“I-I’ll go ahead, Master Alem…” umpisa niyang sabi sabay tayo.
“A-all right,” sang-ayon na lang nito. Alam niyang napilitan lang ito.
Nakahakbang na siya nang tinawag nito ang pangalan niya.
“Zoie… I’m sorry…”
Hindi naman siya sumagot dito. Pinoproseso pa iyon ng kaniyang utak. Hindi niya kasi alam kung para saan ang paghingi nito ng kapatawaran. Ang paghalik sa kaniya? Ang pagsabi sa kaniyang kailangan siya nito? O ang dahilan ng agad na natapos ang maikli ngunit mainit na yugto na iyon sa pagitan nila?
Hindi niya lubos maisip kung alin sa mga ito ang inihingi nito ng sorry sa kaniya. Tuloy, parang may galit na umahon sa kaniyang dibdib.
Hindi naman niya narinig ang pagmura ng lalaking naiwan sa dining room.
“Damn it! Why was I even sorry?” Saka uminom na lang ito ng isang boteng wine upang lunurin ang lungkot na nararamdaman nang hindi man lang lumingon sa kaniya ang babae. “I wasn’t sorry for what happened! I was sorry that it was cut short because of that damn call! What is she thinking now?”
***
Hindi makatulog si Zoie. Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanilang dalawa ni Alemana sa dining room. Ni hindi man lang sumagi sa isipan niya ang tradisyon ng dalawa nilang pamilya ni Alemana. Hindi iyon tama. At dapat na hindi iyon mangyayaring muli.
Pero mahina siya. Hindi niya kayang pigilan ang pagmamahal na iniuukol ng kaniyang puso para sa kaniyang amo. Sa rasyonal niyang isipan, kinailangan niyang huwag umasa bago pa man siya lalong masaktan at kainin nang buhay dahil sa lungkot at pagdurusa na kailanman ay hindi magiging sila ni Alemana. Dapat harapin niya ang katotohanang iyon ngayon pa lang.
***
Pabiling-biling sa kaniyang higaan si Alemana. Hindi siya makatulog. Nasa isip pa rin niya si Zoie at ang kanilang mainit na halikan kanina sa dining room. Parang hindi siya makapaniwalang totoo ang nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala hanggang ngayon.
Nahalikan niya nang buong init, may pagmamahal, at walang inhibisyon ang dalaga. At naramdaman pa niya hanggang ngayon ang makinis at malambot nitong katawan na hindi ipinagkaila sa kaniya.
Kinabukasan ay nagising na lang siya dahil sa panaginip niyang yakap-yakap at hinahalikan niya si Zoie. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganoong panaginip na tila totoo.
Mahal niyang talaga kasi ito at kahit sa panaginip ay nais niya itong makapiling. Ngunit bumangon na lang siya at nagtungo sa shower. Nag-iinit pa rin ang katawan niya dahil sa erotikong panaginip na iyon.
Nagbihis naman siya kaagad ng kaniyang dating ranch clothing bago bumaba.
Nagkape na lang siya bago nagtungo sa rancho. Naghabilin na lang siya sa tagaluto na magpahatid siya kay Lihau ng pagkain sa opisina niya sa rancho dahil sa dami niyang gawain sa araw na ito. Ngunit ang katotohanan ay ayaw niya munang makita si Zoie at baka kung ano pa ang magawa niya nang hindi gusto ng babae. Ayaw niya munang magkaroon ng distraction habang iniisip pa niya ang tamang gagawin sa property manager niya. Hanggang sa magkaroon na siya ng lakas ng loob na harapin ang babae at ikukumpisal dito ang totoo niyang nararamdaman. Once and for all.