CHAPTER 33
Dalawang linggo matapos ang naging tagpo sa pagitan nina Evan at Phoebe, natagpuan nya ang sarili ng harap ng mataas na gusali kung saan nya unang nasilayan ang binata. Ilang ulit syang nagbuga ng marahas na hininga habang kinikilala ang bawat parte ng gusali sa harapan.
Walang nagbago roon bukod sa iilang bulalak na natutuyo na dahil sa sobrang init ng panahon. Naikuyom nya ang palad sa laylayan ng dress na suot saka isa-isang tinapunan ng tingin ang mga bulaklak na tila ba nakalimutan na ng panahon.
Kakatwang ngayon ay maihahalintulad nya ang sarili sa mga iyon, lanta at nawawalan na ng buhay. Hanggang ngayon ay ramdam nya pa rin ang kakulangan sa puso pero natatakot syang hilingin na punan iyon dahil kahit hindi nya aminin, alam nya kung sino lamang ang makakapuno non. Si Evan. Si Evan na pilit nyang ibinabaon sa sulok ng kanyang puso’t-isipan.
Pipihit na sana sya paalis nang matigilan sya. It was Evan few steps aways from her, looking blankly at her. Gosh! She missed him! Matinding pagpipigil ang ginawa nya para lamang hindi takbuhin ang binata at ikulong ito sa kanyang mga bisig.
Nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata. She never thought that it is possible to feel hurt and long for him at the same time. Pero ngayon ay sigurado na sya na wala nang pag-asa nang magawi ang paningin nya sa kamay ng babaeng naka-angkla sa braso ng binata.
“Let’s go, babe.” Yaya ng dalaga sa tabi ni Evan saka inakay ito papasok sa loob ng building.
Gusto nyang magreklamo. Gusto nyang sabihin na sya lang ang pwedeng tumawag ng ganon kay Evan pero ano pa nga bang karapatan nya kung sya mismo ang pumili sa desisyong ito?
Evan begged for her pero naging matigas sya sa desisyon na it wasn’t her he needed when all he wanted was to be with her.
Naitungo nya ang ulo saka kinagat ang labi upang mapigilan ang pagpatak ng mga luha ngunit ganoon na lamang sya traydurin ng nararamdaman nang bigla ay isa-isa itong maglandas sa kanyang pisngi.
“Phoebe?” Nilingon nya ang pinanggalingan ng tinig. Nang makita si Louie ay mabilis nyang pinahid ang mga luha.
“Hi.” Pagbati nya saka humakbang palapit sa binata.
“What are you doing here?” Tanong nya. Nanatili namang tahimik si Phoebe dahil ang pakay sa pagbabalik doon ay agad nyang nakalimutan matapos makita ang lalaking minsang minahal. “Pumasok muna tayo sa loob,” ani Louie matapos ang ilang minuto saka sya inakay patungo sa elevator.
Wala ni isang nagtangka na magsalita sa kanilang dalawa. Ang pagkailang kay Louie ay pilit nyang ikinukubli sa paglinga sa paligid.
Nang bumukas ang elevator ay agad na sumunod si Phoebe kay Louie patungo sa opisina nito.
“Sit down,” anyaya nya, “what brought you here?” Nakangiting tanong ni Louie at nagtungo sa isang sulok para mag-prepare ng maiinom.
Kitang-kita nya ang pagkailang sa dalaga. Ang malikot na paggalaw ng mga mata nito ay senyales na wala syang maisagot sa naging tanong nya.
“Phoebe, what brought you here?” Pag-uulit nya saka inilapag ang isang baso ng tsaa sa harap ng dalaga.
“A-ah ano kasi…” Phoebe seems to be lost for words. Tila umatras ang dila nito kasabay ng pagiging blanko ng kanyang isipan. “H-hindi ko alam.” Pagtatapos nya saka mabilis na ibinaba ang paningin sa kanyang mga daliri.
A smile plastered on Louie’s face. “You want to see him, didn’t you?” Salita nya dahilan para makita nya nang matigilan ang dalaga.
“H-hindi ah.” Pagtanggi nito.
“You can lie to yourself but not to me, Phoebe. I can see through you.”
“Sorry.”
“Para saan?” Louie asked. Lumipat sya sa tabi ni Phoebe nang manahimik ito. Hinawakan nya ang kamay ni Phoebe saka nakangiti iyong paulit-ulit na hinaplos. “I choose to hurt myself, okay? Wala kang kasalanan doon. I fell for you kahit alam kong hindi na pwede pa and it’s not your obligation to reciprocate my feelings,” aniya sa pinaka-sinserong paraan.
Hindi naiwasan ni Phoebe na maging emosyonal nang salubungin ang mga mata ni Louie. Nagpapasalamat sya sa binata dahil kahit papaano ay naiintindihan nito ang sitwasyon.
“May mahal kang iba and he loves you. It is only right for me to — what happened? Are you okay?” Aligagang kumilos si Louie nang bigla ay isubsob ni Phoebe ang mukha sa pareho nitong palad saka doon umiyak.
Tila mga punyal na paulit-ulit syang sinasaksak ang mga paghikbi ng babaeng kaharap.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Louie.”
Nagbuga ng malalim na hininga si Louie. Ikinulong sa kanyang mga bisig ang dalaga saka paulit-ulit na inalo. “Love is both pain and happiness, Phoebe. You just let faith do what it has to do okay? Kung para kayo sa isa’t-isa, let love find its own way back to you. I know Evan. He loves you. You just have to give him a reason to fight for your love dahil hindi pwedeng iisang tao lang ang lumalaban sa pag-ibig, Phoebe,” ani Louie. Hinayaan nyang basain ng dalaga ang suot nyang damit hanggang sa kumalma ito.
“Ano bang nangyari? Why did you leave and decided to broke up with him, e halata naman na mahal na mahal mo sya?” Pang-iintriga nya. Hanggang ngayon kasi ay blanko pa rin sila pare-pareho sa naging dahilan ng dalaga.
Maski si Evan ay kinausap nya noong nakaraang linggo pero wala rin itong ideya sa nangyari. Ang tanging alam lang daw nya ay basta na lang sayng iniwan ni Phoebe nang walang pasabi.
“Nakita ko syang may kahalikan sa parking lot ng condo.” Panimula ni Phoebe. Sa isang iglap ay muling nagbalik ang mapait na ala-alang iyon sa kanya. Ala-alang gustuhin nya man kalimutan ay tila ba isang nakaukit na sa kanyang isipan.
“I knew it,” tugon ni Louie dahilan para ikagulat nya. “It was Martin.”
“Martin?” Nagtatakang tanong ni Phoebe. Hindi talaga sya ganoon kapamilyar sa mga artista. Ang mga kilala nya lang ay iyong mga minsang nakita nya sa set kung saan nagtatrabaho si Evan.
Tumango si Louie bago nagtuloy sa pagsasalita. “Yeah. He visited you one time sa hospital nung naka-coma ka. Evan told me he instantly showed interest sayo. Akala nya wala lang dahil sinabi nya nga na you’re his but when Evan took Martin’s role sa isang movie, Martin pretended to be okay with it. Evan offered to give the role back pero he rejected it.” Paliwanag ni Louie sa pinakaseryosong pananalita. Huminto sya saglit upang mag-isip. “That day, I remember Martin asking Evan to borrow his car at pagbalik nya he’s dressed up like Evan.”
Nanatiling tulala si Phoebe, hindi makapaniwala sa mga naririnig at sa ideyang pumasok sa isip na baka hindi nga si Evan ang nakita nya roon at ang Martin na iyon.
“Hindi mo ba sya kilala?” Tanong ni Louie. Mabilis namang umiling si Phoebe bilang tugon. “He almost look exactly like Evan now.” With that, Phoebe instantly felt stupid. Hindi nya man lang nagawang kompirmahin kung si Evan nga ba ang lalaking iyon. Basta nakita nya ang kotse at ang pigura nito, in-assume nya na si Evan na nga ang lalaking nakita nya sa parking lot.
“T-thank you, Louie,” aniya saka binigyan ng mahigpit na yakap ang binata. Alam nyang kailangan nyang ayusin ang pagkakamali na kanyang nagawa.
“Looks like I am interrupting something.” Parang binomba ang puso nya nang marinig ang pamilyar na tinig. Marahang dumulas ang kamay nya kay Louie at dahang-dahang nilingon ang pinto ng opisina pero ang tanging naabutan na lamang nya ay ang likod ni Evan na naglalakad papalayo sa kanila.
“Go.” Nakangiting saad ni Louie. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Phoebe at mabilis na sinundan si Evan.
She will do everything, even to beg kung kinakailangan para lang muling mabawi ang lalaking minamahal.