Chapter 32
Evan was shocked by what Phoebe said. Ilang ulit syang kumurap, paulit-ulit na hinihimay sa kanyang isip kung tama nga ba ang narinig mula sa babaeng kaharap.
“Phoebe, you’re kidding, right?” Tanong nya saka pilit na tumawa. Nguni tang seryosong mukha ng dalaga ang syang nagbigay sa kanya ng sagot. “B-but–“
“Maghiwalay na tayo, Evan.” Muling ulit ni Phoebe. Ramdam nya ang bawat pagkawasak ng puso habang binibitawan ang mga salitang kahit kailan ay hindi nya naisip na lalabas sa kanyang bibig.
Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ng pagmamahal nya kung may mahal nang iba si Evan? Nararapat pa nga bang ipaglaban ang nararamdaman gayong ipinamukha na ng binata sa kanya na hindi sya sapat.
Inihilamos ni Evan ang palad sa kanyang mukha saka hindi makapaniwalang tinignan ang dalaga. Ilang ulit syang nagsalita ngunit wala ni isang salita na lumalabas sa kanyang bibig. He wanted to beg and ask her pero hindi nya sigurado kung makakakuha pa ba nga ba sya ng sagot mula sa dalaga. All he could see and feel is Phoebe’s coldness. He can’t see the same excitement and love tulad ng dati. It wasn’t the same Phoebe he used to know.
“Phoebe, I – “
“Ayoko nang makita ka pang muli, Evan, kaya sana ito na ang huli. Nakikiusap ako. Ito na ang huli.” Malamig na putol ng dalaga sa kanyang sasabihin. Ramdam nya ang galit ni Phoebe na hindi nya malaman kung saan nagmumula.
He has zero idea kung bakit bigla ay nakikipaghiwalay ang nobya sa kanya. Is it because of the fact that he ignored her for days? Pero alam nyang hindi ganoon kababaw ang dalaga dahil sa kabila ng mga panahon na hindi sila nagkita, na iniwasan nya ito, ramdam nya ang pagmamahal na ngayon ay tila ba naglaho na.
“What are you talking about, baby?” Pilit ang ngiting tanong ni Evan. Nanatili lamang na tikom ang bibig ni Phoebe. Gusto nyang matawa. Seriously? Wala ba talaga syang naalala o sadyang nagkukunwari lamang sya dahil iniisip nya na malalampasan nya ng panglolokong kanyang ginawa.
“Phoebe, please. Pag-usapan natin ito.” He begged. Ramdam nya ang paulit-ulit na pagkirot ng puso na animo’y may isang daang tao roon na paulit-ulit syang sinasaksak nang salubungin ang desididong tingin ng dalaga. Sinubukan nyang hawakan ang kamay ni Phoebe ngunit mabilis nitong tinabig ang kanyang kamay. “You’re just tired and – “
“Just let her go, Evan.” Biglang sabat ni Louie dahilan para masama ang mga tingin na lingunin sya ni Evan. An idea came into his mind at alam nyang si Louie ang may kasalanan kung bakit nakikipaghiwalay sa kanya ang nobya.
Galit na sinugod nya ito ngunit bago pa man nya mapadapo ang kamao sa mukha ng binata ay nagsalita na si Phoebe.
“Uuwi na ako. Louie, maraming salamat sa pagdala sa akin dito.” Nakangiting aniya na naroon kay Louie ang paningin. Hindi nya na gusto pang makausap o maramdaman ang presesnya ni Evan dahil sa mga puntong ito, ramdam nyang bibigay nanaman sya sa mamatamis nitong salita ano mang oras.
Mabilis syang tumalikod at humakbang palayo sa lugar ngunit ganoon na lamang sya natigilan nang maramdaman ang kamay na pumipigil sa kanya.
Pigil ang hiningang nilingon nya ang likuran at saka lamang sya nagbuga ng malalim na hininga nang makita ang nakangiting si Louie. “Ihahatid na kita.”
“Hindi na,” pagtanggi ni Phoebe, “kaya ko nang umuwi. Salamat.”
“Ako na ang maghahatid sa’yo pauwi.”
“Kaya ko ang sarili ko, Evan. Umuwi ka na at baka may naghihintay na sa’yo.”
“Phoebe, please. Let’s just go home. Sa bahay na natin ito pag-usapan. You’re just tired. We’re both tired.”
“Umuwi ka na at magpahinga. Kailangan mo yon. Kailangan natin pareho yon.”
“Ikaw ang pahinga ko, baby. Please go home with me.” Halos mangiyak-ngiyak na saad ni Evan. Wala na syang pakialam sa image na matagal nyanginalagaan. He’ll beg until Phoebe come home with him.
“Ikaw rin ang pahinga ko,” puno ng emosyon na saad ni Phoebe. Pilit syang ngumiti sa kabila ng mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi. “dati.” Pagpapatuloy nya dahilan para matigilan si Evan.
Hindi nya kailanman lubos naisip na aabot sila ni Evan sa ganito. Hindi kailanman sumagi sa isip nya na mapapagod sya sa isang taong nagpapaganda ng kanyang mundo. Akala nya sapat na ang pagmamahal para hindi sya masaktan pero ganoon yata ang buhay, kung sino pa ang minamahal mo, sya rin ang magiging rason ng pagluha mo.
“Hindi, Phoebe. Hindi.” Paulit-ulit na saad ni Evan.
Ramdam ni Phoebe ang awa sa lalaking kaharap. Maingat na inilapat nya ang palad sa pisngi nito saka pilit na iniharap sa kanya.
“Hindi para sa atin ang panahon na ito, Evan. Hindi para sa atin ang mundong ito.”
“Phoebe.” Pigil ng binata sa dalagang kaharap. He is now kneeling for her.
“I am letting you go hindi dahil sa hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita, maniwala ka.” Phoebe paused for a moment. Nagbuga sya ng malalim na hininga saka pinunasan ang mga luha sa mukha ni Evan. Pilit ang ngiting lumuhod sya sa harapan nito para magpantay ang kanilang mukha. Hinayaan nyang dumikit ang noo sa binata saka ninamnam ang huling sandali na malalapitan nya nga ganito ang lalaking minamahal. “Pero sa ngayon, hindi ko alam kung sapat pa nga ba ang pagmamahal na nararamdaman ko para patawarin ka.”
Her heart is breaking but she can do nothing to make it stop. Gustuhin man nya, alam nyang hindi sya ang kailangan ni Evan.
He wanted a fine and classy woman and it’s not Phoebe.
“Just tell me kung ano ang nagawa ko, baby. Please tell me. Itatama ko ang lahat.” Umiiyak na saad ni Evan.
“Pagod na ako, Evan. Pagod na pagod na akong mahalin ka. Gusto ko nang makalaya.”
“Phoebe.”
“Please let me go.” Matipid ang ngiting dagdag ni Phoebe saka kinalas ang pagkakahawak sa kamay ng nobyo saka tumayo. “At sana sa muling pagkikita nating dalawa, magkunwari na lang tayong hindi magkakilala.”
That day, Evan knew that he lost her.