CHAPTER 31
Ewan pulled Louie away from Phoebe saka ito inupuan sa may tyan at galit na galit na pinaulanan ng suntok. He felt betrayed. Tinuring nyang matalik na kaibigan si Louie at ngayon ay ito ang masasaksihan nya—him kissing the girl he loved for a very long time!
Louie knew from the start.
“Gvgo ka!” Puno ng galit na saad nya habang paulit-ulit na pinadadapo ang kamao nito sa kaawa-awang binata. “Gvgo ka talaga!”
Nang matauhan ay mabilis na kumilos si Phoebe saka hinila paalis sa ibabaw ni Louie ang binata. Evan looked at her in disbelief. How could she protect her? She’s inlove with Evan ngayon ay hahayaan nya lamang ang kagvguhan na ginawa ng lalaking ito sa kanya.
“Really, Phoebe?” Tanong ni Evan ngunit hindi sya nito pinansin at inalalayan si Louie paupo.
“Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ng dalaga bagaman alam nya na ang sagot sa tanong na iyon. Mabilis syang kumilos upang kunin ang panyo na kaninang hawak saka muling lumuhod sa harap ng binata at pinunasan ang mukha nito.
Louie laugh sa kabila ng sitwasyon. Hindi nya mapaniwalaan na darating sa puntong ganito, na aaminin sya sa nararamdaman para sa dalaga.
“Pwede bang wag kang tumawa!” Masungit na suway ni Phoebe saka sinamaan ng tingin ang binatang mabilis ding tumungon sa kanya sa pamamagitan ng pagtango.
“I’m sorry. You look too cute being worried,” anito saka nag-iwas ng tingin.
Evan couldn’t believe his eyes. Matunog syang napabuga ng hininga. He’s here and why this two is acting na tila isa lamang syang hangin? Inihilamos nya ang palad sa mukha saka hinila patayo si Phoebe at matalim ang tingin na binalingan ang kaibigan.
“Stay away from my girlfriend, Louie.” Madiing saad nya.
If looks can kill, siguro ay naliligo na sa sariling dugo ngayon ang binata. Evan dragged Phoebe away from the place pero agad din syang natigilan nang maramdaman ang pagmamatigas ng dalaga.
Nilingon nya ito na puno ng pagtataka. He was about to take another step when Phoebe decided to open her mouth.
“Bitaw.” Mahinang saad ni Phoebe. Nasa buhangin ang paningin nito kaya hindi nya nakita ang gulat sa mukha ni Evan nang lingunin sya.
They both stayed silent for a couple of minutes. Hindi malaman ni Evan ang sasabihin. He’s even more clueless why Phoebe is treating her this way.
Simula nang umalis sya, Evan didn’t stopped looking for her and Louie knows that. Wala syang ideya sa biglaang pag-alis ng dalaga and the moment she saw her, he’s expecting that Phoebe would run to her pero taliwas ang nangyari sa gusto nya and now she acts like she wanted to be with him.
Muling inihilamos ni Evan ang palad sa mukha. Hinawakan nya ang parehong balikat ng dalaga, bahagyang pumantay sa taas nito saka nagpapasensya itong nginitian.
“Uuwi na tayo,” aniya sa pinakamalambing na tinig at muling sumubok na maglakad nang mahawakan ang kamay ng dalaga pero tulad kanina, nanatili itong matigas sa kanyang kinatatayuan.
“Let her go, Evan,” ani Louie na ngayon ay nakatayo na at pinupunasan ang dugo sa kanyang mukha. “Let the woman go.”
Doon ay muling naramdaman ni Evan ang init ng kanyang ulo. “At sino ka para utusan ako? E gago ka pala! Akala ko nagkakaintindihan na tayo na akin lang si Phoebe! Akin lang!”
“You hurt her!” Untag ni Louie dahilan para saglit na matigilan ang lalaking kaharap.
“At may karapatan kang agawin sya dahil lang nasaktan sya ha?!” Matunog na napangiti si Evan, ang sama ng tingin kay Louie ay hindu pa rin nawawala and there he knew, that moment ruined everything from them. Louie’s betrayal took everything they had for years and Evan is not willing to back down and just let the woman he love go kaya naman muli nyang hinila si Phoebe palapit sa kanya. Inilagay nya ang isang braso sa balikat nito saka nakangising tinignan ang binata. “Love is painful, Louie, yan ang bagay na hinding-hindi mo malalaman because no one never loved you. No one. Even our mother.” Madiing aniya.
Evan’s smile widen habang pinanunuod na matigilan ang binata. Inakay nya si Phoebe muli bagaman ramdam nya ang pagtutol nito pero mabilis syang napadaing nang may marahas na humawak sa kanyang balikat saka sya sinalubong ng kamao.
“Gago!” Louie is fuming mad. Kung kanina ay si Evan ang nakaupo sa kanyang ibabaw, now Louie is sitting on him habang paulit-ulit na pinauulanan ng suntok.
When Evan got a chance, he took it nang sa gayon ay magpalit sila ng pwesto.
Sa kabilang banda, si Phoebe ay gulat pa rin sa nalaman. Hindi nya alam na magkapatid ang dalawa. Walang nasasabi ang mga ito sa kanya o kung ano man. Ang akala nyang relasyon lamang ng mga ito bukod sa trabaho ay ang pagiging magkaibigan.
“Hindi ka mahal ni Mom kaya—”
“Manahinik ka! Akin lang si Phoebe” Louie shouted. Doon lamang nautahan si Phoebe. Luminga sya sa paligid ngunit walang ibang taong makita.
Afraid as she is, Phoebe cried. “Tama na, pwede ba?!” Saka naupo sa kanyang tuhod at doon nagpatuloy sa pag-iyak. “Pagod na pagod na ako sa—”
Mabilis na kumilos ang dalawa pero mas nauna pa rin si Evan sa paglapit sa dalaga. Inalalayan nya itong tumayo. Pinunasan nya ang mukha gamit ang likot ng palad nya.
“Phoebe, let’s just go home, okay?” Mahinahong saad nya. Pilit syang ngumiti nang makita ang blanko nitong mukha. “Let’s just go home and rest. Everything is going to be okay.”
“Umuwi ka na.” Malamig na saad ni Phoebe.
Ilang ulit na napalunok si Evan habang hinihintay na bawiin ng dalaga ang mga saitang binitawan nya.
“Uuwi na tayo.” Muling sinubukan nya na akayin ito paalis sa lugar pero tinabig lamang nito ang kamay. Ramdam man ang pagkagulat, pilit na ngumiti si Evan.
“Hindi na ako sasama sa’yo, Evan,” ani Phoebe.
Kusang dumulas ang kamay ng binata sa kanyang mga braso. Maluha-luha, hindu makapaniwalang sinalubong nya ang malalamig na tingin ng nobya.
“What are you talking about?” Papahinang tanong nya. He looked at Louie pero nakaupo lamang ito roon habang nakasandal ang isang kamay sa buhangin.
Alam nyang kasalanan nya ito but he wanted to put the blame on Louie. Malamang sa malamang ay nilason nya ang isip ng nobya para ganito ang maging desisyon nya.
“Gvgo ka—” pero bago nya pa man muling padapuin ang kamao sa kapatid ay naramdaman nya ang pagkirot ng kanyang dibdib nang muling marinig ang tinig ng dalaga habang binibitawan ang mga salitang hindi nya kailanman gustong marinig.
“Maghiwalay na tayo.”